< Daniel 6 >

1 It pleased Darius to set over the kingdom an hundred and twenty princes, which should be over the whole kingdom;
Nalugod si Dario na magtalaga sa buong kaharian ng 120 na mga gobernador ng lalawigan na mamahala sa buong kaharian.
2 And over these three presidents; of whom Daniel was first: that the princes might give accounts to them, and the king should have no damage.
Sa kanila ay may tatlong punong tagapamahala, at si Daniel ang isa sa kanila. Naitalaga ang mga punong tagapamahala upang pangasiwaan ang mga gobernador ng lalawigan, upang ang hari ay hindi makaranas pa ng kawalan.
3 Then this Daniel was preferred above the presidents and princes, because an excellent spirit was in him; and the king thought to set him over the whole realm.
Higit na natatangi si Daniel sa lahat ng mga punong tagapamahala at sa mga gobernador ng mga lalawigan dahil siya ay may natatanging espiritu. Binabalak ng hari na siya ay hiranging mamahala sa buong kaharian.
4 Then the presidents and princes sought to find occasion against Daniel concerning the kingdom; but they could find none occasion nor fault; for as much as he was faithful, neither was there any error or fault found in him.
Kaya ang ibang punong tagapamahala at ang mga gobernador ng lalawigan ay naghahanap ng mga kamalian sa trabaho ni Daniel sa kaharian, ngunit wala silang makitang katiwalian o kakulangan sa kaniyang trabaho dahil matapat siya. Walang pagkakamali o kapabayaang natagpuan sa kaniya.
5 Then said these men, We shall not find any occasion against this Daniel, except we find it against him concerning the law of his God.
Kaya sinabi ng mga kalalakihang ito, “Wala tayong makitang anumang dahilan upang magreklamo laban sa Daniel na ito maliban lamang kung may makita tayong laban sa kaniya tungkol sa kautusan ng kaniyang Diyos.
6 Then these presidents and princes assembled together to the king, and said thus to him, King Darius, live for ever.
Kaya nagdala ng plano ang mga namamahala at mga gobernador sa harapan ng hari na. Sinabi nila sa kaniya, “Haring Dario, mabuhay ka nawa magpakailanman!
7 All the presidents of the kingdom, the governors, and the princes, the counsellors, and the captains, have consulted together to establish a royal statute, and to make a firm decree, that whoever shall ask a petition of any God or man for thirty days, save of you, O king, he shall be cast into the den of lions.
Lahat ng mga pinunong tagapamahala ng kaharian, ang mga gobernador ng mga rehiyon, at ang mga gobernador ng lalawigan, ang mga tagapayo, at ang mga gobernador ay sumangguni sa isa't-isa at nagpasya na ikaw, ang hari, ay kailangang maglabas ng isang batas at kailangan itong ipatupad, upang ang sinumang gumawa ng panalangin sa anumang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, maliban sa iyo, o hari, dapat maihagis ang taong iyon sa yungib ng mga leon.
8 Now, O king, establish the decree, and sign the writing, that it be not changed, according to the law of the Medes and Persians, which alters not.
Ngayon, o hari, magpalabas ka ng isang atas at lagdaan ang kasulatan upang sa gayon hindi na ito maaaring mabago, ayon sa mga batas na itinuturo ng mga Medo at Persia, sa gayon hindi ito mapawalang bisa.
9 Why king Darius signed the writing and the decree.
Kaya nilagdaan ni Haring Dario ang dokumento na gawing batas ang kautusan.
10 Now when Daniel knew that the writing was signed, he went into his house; and his windows being open in his chamber toward Jerusalem, he kneeled on his knees three times a day, and prayed, and gave thanks before his God, as he did aforetime.
Nang nalaman ni Daniel na nalagdaan na ang kasulatan na isina-batas, pumunta siya sa kaniyang bahay (ngayon ang kaniyang bintana sa itaas ay nakabukas sa dakong Jerusalem) at siya ay lumuhod, gaya ng ginagawa niya ng tatlong beses sa isang araw, at nanalangin at nagpapasalamat sa harapan ng kaniyang Diyos, gaya ng kaniyang dating ginagawa.
11 Then these men assembled, and found Daniel praying and making supplication before his God.
At nakita ng mga kalalakihang ito na magkakasamang bumuo ng masamang balak si Daniel na humihiling at humahanap ng tulong mula sa Diyos.
12 Then they came near, and spoke before the king concerning the king’s decree; Have you not signed a decree, that every man that shall ask a petition of any God or man within thirty days, save of you, O king, shall be cast into the den of lions? The king answered and said, The thing is true, according to the law of the Medes and Persians, which alters not.
Pagkatapos, sila ay lumapit sa hari at nagsalita sa kaniya tungkol sa kaniyang batas: “Hindi ba gumawa ka ng batas na sinumang gumawa ng kahilingan sa anumang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, maliban sa iyo hari ay dapat ihagis sa yungib ng mga leon?” Sumagot ang hari, “Naiayos na ang mga bagay na ito, ayon sa batas ng mga taga-Medo at mga taga-Persia; hindi na ito mapapawalang bisa.”
13 Then answered they and said before the king, That Daniel, which is of the children of the captivity of Judah, regards not you, O king, nor the decree that you have signed, but makes his petition three times a day.
At, sumagot sila sa hari, “Ang taong si Daniel, na isa sa mga taong bihag mula sa Juda ay hindi nakinig sa iyo, o hari, o sa iyong batas na iyong nilagdaan. Nanalangin siya sa kaniyang Diyos ng tatlong beses sa isang araw.”
14 Then the king, when he heard these words, was sore displeased with himself, and set his heart on Daniel to deliver him: and he labored till the going down of the sun to deliver him.
Nang marinig ito ng hari, labis siyang nabalisa at naghanap siya ng paraang iligtas si Daniel sa ganitong kapasyahan. Pinagsikapan niya hanggang sa paglubog ng araw na subukang iligtas si Daniel.
15 Then these men assembled to the king, and said to the king, Know, O king, that the law of the Medes and Persians is, That no decree nor statute which the king establishes may be changed.
Pagkatapos, ang mga kalalakihang ito na nagbalak ng masama ay nagtipon kasama ang hari at sinabi sa kaniya, “Alam mo, o hari, nabatas ng Medo at Persia, na walang batas o kautusan na pinalabas ng hari ang maaaring mabago.”
16 Then the king commanded, and they brought Daniel, and cast him into the den of lions. Now the king spoke and said to Daniel, Your God whom you serve continually, he will deliver you.
At nagbigay ng utos ang hari, at dinala nila sa loob si Daniel at inihagis nila siya sa yungib ng mga leon. At sinabi ng hari kay Daniel, “Iligtas ka nawa ng iyong Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran.”
17 And a stone was brought, and laid on the mouth of the den; and the king sealed it with his own signet, and with the signet of his lords; that the purpose might not be changed concerning Daniel.
Dinala ang isang bato sa pasukan ng yungib, at tinatakan ito ng hari ng kaniyang singsing na pangtatak at kasama ng mga tatak ng singsing ng mga maharlika upang walang anumang mabago tungkol kay Daniel.
18 Then the king went to his palace, and passed the night fasting: neither were instruments of music brought before him: and his sleep went from him.
Pagkatapos, pumunta ang hari sa kaniyang palasyo at magdamag siyang nag-ayuno. Walang mang-aaliw na dinala sa harapan niya at hindi siya nakatulog.
19 Then the king arose very early in the morning, and went in haste to the den of lions.
At nang madaling araw, bumangon ang hari at nagmamadaling nagtungo sa yungib ng mga leon.
20 And when he came to the den, he cried with a lamentable voice to Daniel: and the king spoke and said to Daniel, O Daniel, servant of the living God, is your God, whom you serve continually, able to deliver you from the lions?
Habang siya ay papalapit sa yungib, tinawag niya si Daniel, na may tinig na puno ng pagdadalamhati. Sinabi niya kay Daniel, “Daniel, lingkod ng buhay na Diyos, nailigtas ka ba ng iyong Diyos na lagi mong pinaglilingkuran mula sa mga leon?”
21 Then said Daniel to the king, O king, live for ever.
Pagkatapos sinabi ni Daniel sa hari, “Hari, mabuhay ka magpakailanman!
22 My God has sent his angel, and has shut the lions’ mouths, that they have not hurt me: for as much as before him innocence was found in me; and also before you, O king, have I done no hurt.
Nagsugo ang aking Diyos ng kaniyang mensahero at tinikom ang mga bibig ng mga leon at hindi nila ako sinaktan. Sapagkat nalaman nilang wala akong sala sa harapan niya at gayundin sa harapan mo, hari at hindi kita ginawan ng anumang kasamaan.”
23 Then was the king exceedingly glad for him, and commanded that they should take Daniel up out of the den. So Daniel was taken up out of the den, and no manner of hurt was found on him, because he believed in his God.
Pagkatapos, ang hari ay masayang masaya. Nagbigay siya ng utos na kailangang ilabas sa yungib si Daniel. Kaya itinaas nila si Daniel palabas ng yungib. Walang nakitang sugat sa kaniya, dahil siya ay nagtiwala sa kaniyang Diyos.
24 And the king commanded, and they brought those men which had accused Daniel, and they cast them into the den of lions, them, their children, and their wives; and the lions had the mastery of them, and broke all their bones in pieces or ever they came at the bottom of the den.
Nagbigay ng isang utos ang hari, na dalhin ang mga kalalakihang nagparatang kay Daniel at ihagis sila sa yungib ng mga leon, sila at ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa. Bago sila sumayad sa sahig ay sinunggaban na sila ng mga leon at pinagbabali ang kanilang mga buto nang pira-piraso.
25 Then king Darius wrote to all people, nations, and languages, that dwell in all the earth; Peace be multiplied to you.
Pagkatapos, sumulat si Haring Dario sa lahat ng mga tao, mga bansa at mga wika na naninirahan sa buong mundo: “Sumagana nawa ang kapayapaan sa inyo.
26 I make a decree, That in every dominion of my kingdom men tremble and fear before the God of Daniel: for he is the living God, and steadfast for ever, and his kingdom that which shall not be destroyed, and his dominion shall be even to the end.
Ipinag-uutos ko na sa lahat ng nasasakupan ng aking kaharian, ang manginig at matakot ang mga tao sa harap ng Diyos ni Daniel, sapagkat siya ay buhay na Diyos at nabubuhay magpakailanman at hindi nawawasak ang kaniyang kaharian; ang kaniyang kapangyarihan ay maging hanggang sa wakas.
27 He delivers and rescues, and he works signs and wonders in heaven and in earth, who has delivered Daniel from the power of the lions.
Iniingatan niya tayo at inililigtas at gumagawa siya ng mga tanda at kababalaghan sa langit at sa lupa; iningatan niyang ligtas si Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.”
28 So this Daniel prospered in the reign of Darius, and in the reign of Cyrus the Persian.
Kaya sumagana ang Daniel na ito sa panahon ng paghahari ni Dario at sa panahon ng paghahari ni Ciro ang Persiano.

< Daniel 6 >