< Acts 14 >

1 And it came to pass in Iconium, that they went both together into the synagogue of the Jews, and so spoke, that a great multitude both of the Jews and also of the Greeks believed.
Nangyari din ito sa Iconio, na sina Pablo at Bernabe ay magkasamang pumasok sa loob ng sinagoga ng mga Judio at nagsalita sa paraan na napakaraming Judio at Griyego ang nanampalataya.
2 But the unbelieving Jews stirred up the Gentiles, and made their minds evil affected against the brothers.
Ngunit nanghikayat ang mga suwail na Judio sa kalagitnaan ng mga Gentil at hinimok sila na magalit laban sa mga kapatid.
3 Long time therefore stayed they speaking boldly in the Lord, which gave testimony to the word of his grace, and granted signs and wonders to be done by their hands.
Kaya nanatili sila doon ng mahabang panahon, matapang na nagsasalita sa kapangyarihan ng Diyos, Habang nagbibigay siya ng patunay tungkol sa mensahe ng kaniyang biyaya. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng mga palatandaan at mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng kamay nina Pablo at Bernabe.
4 But the multitude of the city was divided: and part held with the Jews, and part with the apostles.
Ngunit nahati ang karamihan sa lunsod: pumanig ang iba sa mga Judio at sa mga apostol naman ang iba.
5 And when there was an assault made both of the Gentiles, and also of the Jews with their rulers, to use them spitefully, and to stone them,
Nang subukang himukin ng mga Gentil at Judio ang kanilang mga pinuno na saktan at batuhin sina Pablo at Bernabe,
6 They were ware of it, and fled to Lystra and Derbe, cities of Lycaonia, and to the region that lies round about:
nalaman nila ang mga ito at tumakas sila patungo sa lungsod ng Licaonia, Listra at Derbe at sa palibot na rehiyon,
7 And there they preached the gospel.
at doon nangangaral sila ng ebanghelyo.
8 And there sat a certain man at Lystra, weak in his feet, being a cripple from his mother’s womb, who never had walked:
Sa Listra may isang lalaking nakaupo sa kaniyang mga paa na walang lakas, isang lumpo mula pa noong nasa sinapupunan ng kaniyang ina, na hindi kailanman nakapaglakad.
9 The same heard Paul speak: who steadfastly beholding him, and perceiving that he had faith to be healed,
Narinig ng taong ito si Pablo na nagsasalita. Itinuon ni Pablo ang kaniyang mga mata sa kaniya at nakita niya na mayroon siyang pananampalataya upang gumaling.
10 Said with a loud voice, Stand upright on your feet. And he leaped and walked.
Kaya sinabi niya sa kaniya ng malakas ang boses, ''Tumayo ka.” tumalon ang lalaki at lumakad.
11 And when the people saw what Paul had done, they lifted up their voices, saying in the speech of Lycaonia, The gods are come down to us in the likeness of men.
Nang makita ng maraming tao ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila ng malakas, nagsasalita sa wikang Licaonia, ''Ang mga diyos ay bumaba sa atin sa anyo ng tao.”
12 And they called Barnabas, Jupiter; and Paul, Mercurius, because he was the chief speaker.
Tinawag nilang “Zeus,” si Bernabe at “Hermes” naman si Pablo dahil siya ang pangunahing tagapagsalita.
13 Then the priest of Jupiter, which was before their city, brought oxen and garlands to the gates, and would have done sacrifice with the people.
Nagdala ng baka at koronang bulaklak sa tarangkahan ang pari ni Zeus, na ang templo ay nasa labas lamang ng lungsod; siya at ang maraming tao ay gustong mag-alay ng handog.
14 Which when the apostles, Barnabas and Paul, heard of, they rent their clothes, and ran in among the people, crying out,
Ngunit nang narinig ito ng mga apostol na sina, Bernabe at Pablo, pinunit nila ang kanilang kasuotan at agad na lumabas na sumisigaw sa maraming tao
15 And saying, Sirs, why do you these things? We also are men of like passions with you, and preach to you that you should turn from these vanities to the living God, which made heaven, and earth, and the sea, and all things that are therein:
na sinasabi, ''Mga tao, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? mga tao din kami na may damdamin tulad ninyo. Dinala namin sa inyo ang mabuting balita, upang tumalikod kayo sa mga bagay na walang halaga para sa Diyos na buhay, na gumawa sa kalangitan, lupa, at nang dagat at ang lahat ng mga naroon.
16 Who in times past suffered all nations to walk in their own ways.
Sa mga nakalipas na panahon, pinahintulutan niya ang lahat ng bansa na lumakad sa sarili nilang kagustuhan.
17 Nevertheless he left not himself without witness, in that he did good, and gave us rain from heaven, and fruitful seasons, filling our hearts with food and gladness.
Ngunit gayun pa man hindi niya hinayaan ang kaniyang sarili na walang saksi, dahil doon gumawa siya ng mabuti at ibinigay sa inyo ang mga ulan mula sa langit at mabungang mga panahon, pinupuno ang inyong mga puso ng pagkain at kagalakan.”
18 And with these sayings scarce restrained they the people, that they had not done sacrifice to them.
Maging sa mga salitang ito, napigilan nina Pablo at Bernabe ang pag-aalay sa kanila ng maraming tao.
19 And there came thither certain Jews from Antioch and Iconium, who persuaded the people, and having stoned Paul, drew him out of the city, supposing he had been dead.
Ngunit ilang mga Judio mula Antioquia at Iconio ang dumating at hinikayat ang maraming tao. Binato nila si Pablo at kinaladkad palabas ng lungsod sa pag-aakalang siya ay patay na.
20 However, as the disciples stood round about him, he rose up, and came into the city: and the next day he departed with Barnabas to Derbe.
Ngunit habang nakatayo ang mga alagad sa palibot niya, tumayo siya at pumasok sa lungsod. Nang sumunod na araw pumunta siya sa Derbe kasama si Bernabe.
21 And when they had preached the gospel to that city, and had taught many, they returned again to Lystra, and to Iconium, and Antioch,
Pagkatapos nilang ipinangaral ang ebanghelyo sa lungsod na iyon at magkaroon ng maraming alagad, bumalik sila sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia.
22 Confirming the souls of the disciples, and exhorting them to continue in the faith, and that we must through much tribulation enter into the kingdom of God.
Ipinagpatuloy nilang palakasin ang isipan ng mga alagad at hinikayat sila na magpatuloy sa pananampalataya. Sinabi nila sa kanila na sa pamamagitan ng maraming pagdurusa bago tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos.
23 And when they had ordained them elders in every church, and had prayed with fasting, they commended them to the Lord, on whom they believed.
Nang makapagtalaga sila ng mga nakatatanda sa bawat kapulungan ng mga mananampalataya, at makapanalangin na may pag-aayuno, ipinagkatiwala nila sila sa Panginoon na kanilang pinaniniwalaan.
24 And after they had passed throughout Pisidia, they came to Pamphylia.
Pagkatapos, dumaan sila sa Pisidia at dumating sa Panfilia.
25 And when they had preached the word in Perga, they went down into Attalia:
Nang kanilang maihayag ang salita sa Perga, umalis sila pababa ng Atalia.
26 And there sailed to Antioch, from where they had been recommended to the grace of God for the work which they fulfilled.
Mula doon naglayag sila patungong Antioquia kung saan ipinagkatiwala nila sa biyaya ng Diyos ang gawaing kanilang natapos.
27 And when they were come, and had gathered the church together, they rehearsed all that God had done with them, and how he had opened the door of faith to the Gentiles.
Nang dumating sila sa Antioquia at sama-samang tinipon ang kapulungan, ibinalita nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa kanila at kung paanong binuksan ng Diyos ang pintuan ng pananampalataya para sa mga Gentil.
28 And there they stayed long time with the disciples.
Nanatili sila ng mahabang panahon kasama ng mga alagad.

< Acts 14 >