< Proverbs 24 >
1 Be not thou envious of evil men, neither desire to be with them.
Huwag kang mananaghili sa mga masamang tao, ni magnasa ka man na masama sa kanila:
2 For their heart studieth destruction, and their lips talk of mischief.
Sapagka't ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati, at ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan.
3 Through wisdom is a house builded; and by understanding it is established;
Sa karunungan ay natatayo ang bahay; at sa pamamagitan ng unawa ay natatatag.
4 And by knowledge are the chambers filled with all precious and pleasant riches.
At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid, ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan.
5 A wise man is strong; yea, a man of knowledge increaseth strength.
Ang pantas na tao ay malakas; Oo, ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan.
6 For with wise advice thou shalt make thy war; and in the multitude of counsellors there is safety.
Sapagka't sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka: at sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan.
7 Wisdom is as unattainable to a fool as corals; he openeth not his mouth in the gate.
Karunungan ay totoong mataas sa ganang mangmang: hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan.
8 He that deviseth to do evil, men shall call him a mischievous person.
Siyang kumakatha ng paggawa ng kasamaan, tatawagin siya ng mga tao na masamang tao.
9 The thought of foolishness is sin; and the scorner is an abomination to men.
Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan: at ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao.
10 If thou faint in the day of adversity, thy strength is small indeed.
Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti.
11 Deliver them that are drawn unto death; and those that are ready to be slain wilt thou forbear to rescue?
Iligtas mo silang nangadala sa kamatayan, at ang mga handang papatayin, ay tingnan mo na iyong ibalik.
12 If thou sayest: 'Behold, we knew not this', doth not He that weigheth the hearts consider it? And He that keepeth thy soul, doth not He know it? And shall not He render to every man according to his works?
Kung iyong sinasabi, narito, hindi kami nakakaalam nito: hindi ba niya binubulay na tumitimbang ng mga puso? At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa, hindi ba niya nalalaman? At hindi ba niya gagantihin ang bawa't tao ayon sa gawa niya?
13 My son, eat thou honey, for it is good, and the honeycomb is sweet to thy taste;
Anak ko, kumain ka ng pulot, sapagka't mabuti; at ng pulot-pukyutan na matamis sa iyong lasa:
14 So know thou wisdom to be unto thy soul; if thou hast found it, then shall there be a future, and thy hope shall not be cut off.
Sa gayo'y matututo ka ng karunungan na malalagay sa iyong kaluluwa: kung iyong nasumpungan ito, sa gayo'y magkakaroon ka nga ng kagantihan, at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.
15 Lie not in wait, O wicked man, against the dwelling of the righteous, spoil not his resting-place;
Huwag kang bumakay, Oh masamang tao, sa tahanan ng matuwid; huwag mong sirain ang kaniyang dakong pahingahan:
16 For a righteous man falleth seven times, and riseth up again, but the wicked stumble under adversity.
Sapagka't ang matuwid ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uli: nguni't ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan.
17 Rejoice not when thine enemy falleth, and let not thy heart be glad when he stumbleth;
Huwag kang magalak pagka ang iyong kaaway ay nabubuwal, at huwag matuwa ang iyong puso pagka siya'y nabubuwal:
18 Lest the LORD see it, and it displease Him, and He turn away His wrath from him.
Baka makita ng Panginoon, at ipagdamdam ng loob siya, at kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya.
19 Fret not thyself because of evildoers, neither be thou envious at the wicked;
Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama; ni maging mapanaghiliin ka man sa masama:
20 For there will be no future to the evil man, the lamp of the wicked shall be put out.
Sapagka't hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao; ang ilawan ng masama ay papatayin.
21 My son, fear thou the LORD and the king, and meddle not with them that are given to change;
Anak ko, matakot ka sa Panginoon at sa hari: at huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago:
22 For their calamity shall rise suddenly; and who knoweth the ruin from them both?
Sapagka't ang kanilang kasakunaan ay darating na bigla; at sinong nakakaalam ng kasiraan nila kapuwa?
23 These also are sayings of the wise. To have respect of persons in judgment is not good.
Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas. Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti.
24 He that saith unto the wicked: 'Thou art righteous', peoples shall curse him, nations shall execrate him;
Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
25 But to them that decide justly shall be delight, and a good blessing shall come upon them.
Nguni't silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran, at ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila.
26 He kisseth the lips that giveth a right answer.
Siya'y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.
27 Prepare thy work without, and make it fit for thyself in the field; and afterwards build thy house.
Ihanda mo ang iyong gawa sa labas, at ihanda mo sa iyo sa parang; at pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay.
28 Be not a witness against thy neighbour without cause; and deceive not with thy lips.
Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan; at huwag kang magdaya ng iyong mga labi.
29 Say not: 'I will do so to him as he hath done to me; I will render to the man according to his work.'
Huwag mong sabihin, gagawin kong gayon sa kaniya na gaya ng ginawa niya sa akin: aking ibibigay sa tao ang ayon sa kaniyang gawa.
30 I went by the field of the slothful, and by the vineyard of the man void of understanding;
Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad, at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa;
31 And, lo, it was all grown over with thistles, the face thereof was covered with nettles, and the stone wall thereof was broken down.
At, narito, tinubuang lahat ng mga tinik, ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag, at ang bakod na bato ay nabagsak.
32 Then I beheld, and considered well; I saw, and received instruction.
Ako nga'y tumingin, at aking binulay na mabuti: aking nakita, at tumanggap ako ng turo.
33 'Yet a little sleep, a little slumber, a little folding of the hands to sleep' —
Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
34 So shall thy poverty come as a runner, and thy want as an armed man.
Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw; at ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao.