< Job 23 >
1 Then Job answered and said:
Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
2 Even to-day is my complaint bitter; my hand is become heavy because of my groaning.
“Kahit ngayon ay mapait ang aking dinadaing; mas mabigat ang aking paghihirap kaysa sa aking paghihinagpis.
3 Oh that I knew where I might find Him, that I might come even to His seat!
O, sana alam ko kung saan ko siya matatagpuan! O, sana makalapit ako sa kinaroroonan niya!
4 I would order my cause before Him, and fill my mouth with arguments.
Ilalatag ko sa kaniyang harapan ang aking kaso at pupunuin ang aking bibig ng pangangatwiran.
5 I would know the words which He would answer me, and understand what He would say unto me.
Matututunan ko ang mga salita na isasagot niya at mauunawaan ko ang sasabihin niya sa akin.
6 Would He contend with me in His great power? Nay; but He would give heed unto me.
Makikipagtalo ba siya laban sa akin sa kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan? Hindi, pakikinggan niya ako.
7 There the upright might reason with Him; so should I be delivered for ever from my Judge.
Doon maaaring makipagtalo sa kaniya ang taong matuwid. Sa ganitong paraan mapapawalang-sala ako magpakailanman ng aking hukom.
8 Behold, I go forward, but He is not there, and backward, but I cannot perceive Him;
Tingnan ninyo, pumupunta ako pasilangan, pero wala siya roon, at pumupunta ako pakanluran, pero hindi ko siya maramdaman.
9 On the left hand, when He doth work, but I cannot behold Him, He turneth Himself to the right hand, but I cannot see Him.
Sa hilaga, kung saan siya gumagawa, pero hindi ko siya makita, at sa timog, kung saan niya tinatago ang kaniyang sarili para hindi ko siya makita.
10 For He knoweth the way that I take; when He hath tried me, I shall come forth as gold.
Pero alam niya ang daanan na aking tinatahak; kapag sinubukan na niya ako, lilitaw ako tulad ng ginto.
11 My foot hath held fast to His steps, His way have I kept, and turned not aside.
Nanindigan ang aking mga paa sa kaniyang mga yapak; pinanatili ko ang pamamaraan niya at hindi lumihis.
12 I have not gone back from the commandment of His lips; I have treasured up the words of His mouth more than my necessary food.
Hindi ko tinalikuran ang mga kautusan ng kaniyang mga labi; iningatan ko sa aking puso ang mga salita ng kaniyang bibig.
13 But He is at one with Himself, and who can turn Him? And what His soul desireth, even that He doeth.
Pero kakaiba siya, sino ang kayang magpatalikod sa kaniya? Kung ano ang ninanais niya, ginagawa niya.
14 For He will perform that which is appointed for me; and many such things are with Him.
Dahil isinasakatuparan niya ang mga atas niya laban sa akin; marami ang mga tulad nito.
15 Therefore am I affrighted at His presence; when I consider, I am afraid of Him.
Kaya, natatakot ako sa kaniyang presensiya; kapag iniisip ko siya, natatakot ako sa kaniya.
16 Yea, God hath made my heart faint, and the Almighty hath affrighted me;
Dahil pinahina ng Diyos ang aking puso; sinindak ako ng Makapangyarihan.
17 Because I was not cut off before the darkness, neither did He cover the thick darkness from my face.
Hindi dahil sa pinutol ako ng kadiliman, ni tinatakpan ng makapal na kadiliman ang aking mukha.