< Esther 1 >
1 NOW IT came to pass in the days of Ahasuerus — this is Ahasuerus who reigned, from India even unto Ethiopia, over a hundred and seven and twenty provinces —
Sa mga araw ni Assuero (ito ang Assuero na naghari mula India hanggang sa Ethiopia, mahigit 127 lalawigan),
2 that in those days, when the king Ahasuerus sat on the throne of his kingdom, which was in Shushan the castle,
sa mga araw na iyon naupo si Haring Assuero sa kanyang maharlikang trono sa kuta ng Susa.
3 in the third year of his reign, he made a feast unto all his princes and his servants; the army of Persia and Media, the nobles and princes of the provinces, being before him;
Sa ikatlong taon ng kanyang paghahari, nagbigay siya ng isang pista sa lahat ng kanyang mga opisyal at kanyang mga lingkod. Ang hukbo ng Persia at Media, ang magigiting na mga lalaki, ang mga gobernador ng mga lalawigan ay nasa kanyang harapan.
4 when he showed the riches of his glorious kingdom and the honour of his excellent majesty, many days, even a hundred and fourscore days.
Ipinakita niya ang yaman ng karangyaan ng kanyang kaharian at ang dangal ng kaluwalhatian ng kanyang kadakilaan nang maraming araw, sa loob ng 180 araw.
5 And when these days were fulfilled, the king made a feast unto all the people that were present in Shushan the castle, both great and small, seven days, in the court of the garden of the king's palace;
Nang natapos ang mga araw na ito, nagbigay ang hari ng pista na tumagal ng pitong araw. Ito ay para sa lahat ng tao sa palasyo ng Susa, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakahamak. Idinaos ito sa bulwagan ng hardin ng palasyo ng hari.
6 there were hangings of white, fine cotton, and blue, bordered with cords of fine linen and purple, upon silver rods and pillars of marble; the couches were of gold and silver, upon a pavement of green, and white, and shell, and onyx marble.
Ang bulwagan ng hardin ay pinalamutian ng mga kurtina na kulay puti ang tela at kulay-ube, na may mga tali ng pinong lino at kulay-ube, ibinitin sa sabitang pilak mula sa mga haliging marmol. May mga sopang ginto at pilak na nasa bangketang may dibuhong palamuti na yari sa batong kristal, marmol, ina ng perlas, at mga batong panlatag na may kulay.
7 And they gave them drink in vessels of gold — the vessels being diverse one from another — and royal wine in abundance, according to the bounty of the king.
Ang mga inumin ay inihain sa mga gintong tasa. Di-pangkaraniwan ang bawat tasa, at maraming maharlikang alak na dumating dahil sa pagiging mapagbigay ng hari.
8 And the drinking was according to the law; none did compel; for so the king had appointed to all the officers of his house, that they should do according to every man's pleasure.
Ang inuman ay isinagawa alinsunod sa kautusang, “Dapat walang pilitan.” Nagbigay ng mga utos ang hari sa lahat ng mga tauhan ng kanyang palasyo na gawin para sa kanila ang anumang naisin ng bawat panauhin.
9 Also Vashti the queen made a feast for the women in the royal house which belonged to king Ahasuerus.
Pati si Reyna Vashti ay nagbigay ng pista para sa mga kababihan sa maharlikang palasyo ni Haring Assuero.
10 On the seventh day, when the heart of the king was merry with wine, he commanded Mehuman, Bizzetha, Harbona, Bigtha, and Abagtha, Zethar, and Carcas, the seven chamberlains that ministered in the presence of Ahasuerus the king,
Sa ika-pitong araw, nang ang puso ng hari ay nasisiyahan dahil sa alak, sinabihan niya sina Memuhan, Biztha, Harbona, Bigtha, Abagtha, Zethar at Carcas (ang pitong opisyal na naglilingkod sa harap niya),
11 to bring Vashti the queen before the king with the crown royal, to show the peoples and the princes her beauty; for she was fair to look on.
na dalahin si Reyna Vashti sa harap niya dala ang kanyang maharlikang korona. Gusto niyang ipakita sa mga tao at mga opisyal ang kanyang kagandahan, sapagkat ang mga katangian niya ay napakaganda.
12 But the queen Vashti refused to come at the king's commandment by the chamberlains; therefore was the king very wroth, and his anger burned in him.
Ngunit tumangging sumunod si Reyna Vashti sa salita ng hari na ipinadala sa kanya ng mga opisyal. Pagkatapos labis na nagalit ang hari; nag-alab ang matinding galit sa kalooban niya.
13 Then the king said to the wise men, who knew the times — for so was the king's manner toward all that knew law and judgment;
Kaya sumangguni ang hari sa mga lalaking kilalang matalino, na nakakaintindi sa mga panahon (dahil ito ang pamamaraan ng hari sa lahat ng mga bihasa sa batas at paghahatol).
14 and the next unto him was Carshena, Shethar, Admatha, Tarshish, Meres, Marsena, and Memucan, the seven princes of Persia and Media, who saw the king's face, and sat the first in the kingdom:
Ngayon ang mga taong malapit sa kanya ay sina Carshena, Shethar, Admatha, Tarshish, Meres, Marsena at Memucan, pitong prinsipe ng Persia at Media. May paraan sila ng paglapit sa hari, at may pinakamataas na mga katungkulan sa loob ng kaharian.
15 'What shall we do unto the queen Vashti according to law, forasmuch as she hath not done the bidding of the king Ahasuerus by the chamberlains?'
“Alinsunod sa batas, ano ang gagawin kay Reyna Vashti dahil hindi niya sinunod ang utos ni Haring Assuero, na dinala sa kanya ng mga opisyal?”
16 And Memucan answered before the king and the princes: 'Vashti the queen hath not done wrong to the king only, but also to all the princes, and to all the peoples, that are in all the provinces of the king Ahasuerus.
Sinabi ni Memucan sa harap ng hari at ng mga opisyal, “Hindi lamang laban sa Hari nakagawa ng mali si Reyna Vashti, kundi pati na rin sa lahat ng mga opisyal at lahat ng taong nasa loob ng lahat ng lalawigan ni Haring Assuero.
17 For this deed of the queen will come abroad unto all women, to make their husbands contemptible in their eyes, when it will be said: The king Ahasuerus commanded Vashti the queen to be brought in before him, but she came not.
Dahil ang paksa ng reyna ay malalaman ng lahat ng kababaihan. Magdudulot ito sa kanila na ituring nang may paghamak ang kanilang mga asawa. Sasabihin nilang, 'Inutusan ni Haring Assuero si Vashti ang reyna na pumunta sa kanyang harapan, ngunit tumanggi siya.'
18 And this day will the princesses of Persia and Media who have heard of the deed of the queen say the like unto all the king's princes. So will there arise enough contempt and wrath.
Bago pa matapos ang mismong araw na ito ang mararangal na mga babae ng Persia at Media na nakarinig sa paksa ng reyna ay magsasabi ng parehong bagay sa lahat ng mga opisyal ng hari. Magkakaroon ng matinding paghamak at galit.
19 If it please the king, let there go forth a royal commandment from him, and let it be written among the laws of the Persians and the Medes, that it be not altered, that Vashti come no more before king Ahasuerus, and that the king give her royal estate unto another that is better than she.
Kung ito ay makalulugod sa hari, hayaang isang maharlikang kautusan ang palabasin mula sa kanya, at hayaan itong maisulat sa mga batas ng mga Persiano at ng mga Medeo, na hindi na maaaring pawalang-bisa, upang si Vashti ay hindi na muling makapunta sa harap niya. Hayaan ang hari na ibigay ang kanyang kalagayan bilang reyna sa ibang higit na mabuti kaysa kanya.
20 And when the king's decree which he shall make shall be published throughout all his kingdom, great though it be, all the wives will give to their husbands honour, both to great and small.'
Nang maihayag na ang utos ng hari sa lahat ng kabuuang lawak ng kaharian, lahat ng asawa ay pararangalan ang kanilang mga asawa, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakamaliit ang kahalagahan.”
21 And the word pleased the king and the princes; and the king did according to the word of Memucan;
Ang hari at kanyang mga marangal na kalalakihan ay nasiyahan sa kanyang payo, at ginawa ng hari ang panukala ni Memucan.
22 for he sent letters into all the king's provinces, into every province according to the writing thereof, and to every people after their language, that every man should bear rule in his own house, and speak according to the language of his people.
Nagpadala siya ng mga liham sa lahat ng maharlikang lalawigan, sa bawat lalawigan sa sarili nitong pagsulat, at sa bawat tao sa kanilang sariling wika. Iniutos niya na ang bawat lalaki ay dapat maging amo ng kanyang sariling sambahayan. Ang utos na ito ay ibinigay sa wika ng bawat tao sa imperyo.