< 2 Chronicles 20 >

1 And it came to pass after this, that the children of Moab, and the children of Ammon, and with them some of the Ammonites, came against Jehoshaphat to battle.
At nangyari, pagkatapos nito, na ang mga anak ni Moab, at ang mga anak ni Ammon, at pati ng iba sa mga Ammonita, ay naparoon laban kay Josaphat upang makipagbaka.
2 Then there came some that told Jehoshaphat, saying: 'There cometh a great multitude against thee from beyond the sea from Aram; and, behold, they are in Hazazon-tamar' — the same is En-gedi.
Nang magkagayo'y nagsiparoon ang iba na nagsipagsaysay kay Josaphat, na nagsasabi, May lumalabas na isang lubhang karamihan laban sa iyo na mula sa dako roon ng dagat na mula sa Siria; at, narito, sila'y nangasa Hasason-tamar (na siyang Engedi).
3 And Jehoshaphat feared, and set himself to seek unto the LORD; and he proclaimed a fast throughout all Judah.
At si Josaphat ay natakot, at tumalagang hanapin ang Panginoon; at siya'y nagtanyag ng ayuno sa buong Juda.
4 And Judah gathered themselves together, to seek help of the LORD; even out of all the cities of Judah they came to seek the LORD.
At ang Juda'y nagpipisan, upang huminging tulong sa Panginoon: sa makatuwid baga'y mula sa lahat na bayan ng Juda ay nagsiparoon upang hanapin ang Panginoon.
5 And Jehoshaphat stood in the congregation of Judah and Jerusalem, in the house of the LORD, before the new court;
At si Josaphat ay tumayo sa kapisanan ng Juda at Jerusalem, sa bahay ng Panginoon, sa harap ng bagong looban;
6 and he said: 'O LORD, the God of our fathers, art not Thou alone God in heaven? and art not Thou ruler over all the kingdoms of the nations? and in Thy hand is power and might, so that none is able to withstand Thee.
At kaniyang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng aming mga magulang, di ba ikaw ay Dios sa langit? at di ba ikaw ay puno sa lahat na kaharian ng mga bansa? at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at lakas, na anopa't walang makahaharap sa iyo.
7 Didst not Thou, O our God, drive out the inhabitants of this land before Thy people Israel, and gavest it to the seed of Abraham Thy friend for ever?
Di mo ba pinalayas, Oh aming Dios, ang mga nananahan sa lupaing ito sa harap ng iyong bayang Israel, at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na iyong kaibigan magpakailan man?
8 And they dwelt therein, and have built Thee a sanctuary therein for Thy name, saying:
At nagsitahan sila roon at ipinagtayo ka ng santuario roon na ukol sa iyong pangalan, na sinasabi,
9 If evil come upon us, the sword, judgment, or pestilence, or famine, we will stand before this house, and before Thee — for Thy name is in this house — and cry unto Thee in our affliction, and Thou wilt hear and save.
Kung ang kasamaan ay dumating sa amin, ang tabak ng kahatulan, o salot, o kagutom, kami ay magsisitayo sa harap ng bahay na ito, at sa harap mo, (sapagka't ang iyong pangalan ay nasa bahay na ito, ) at kami ay dadaing sa iyo sa aming pagdadalamhati, at kami ay iyong didinggin at ililigtas.
10 And now, behold, the children of Ammon and Moab and mount Seir, whom Thou wouldest not let Israel invade, when they came out of the land of Egypt, but they turned aside from them, and destroyed them not;
At ngayon, narito, ang mga anak ni Ammon at ni Moab, at ng sa bundok ng Seir na hindi mo ipinalusob sa Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, kundi kanilang nilikuan sila, at hindi sila nilipol;
11 behold, they render unto us evil, to come to cast us out of Thy possession, which Thou hast given us to inherit.
Tingnan mo, kung paanong sila'y gumaganti sa amin, na nagsisiparito upang palayasin kami sa iyong pag-aari, na iyong ibinigay sa amin upang manahin.
12 O our God, wilt Thou not execute judgment on them? for we have no might against this great multitude that cometh against us; neither know we what to do; but our eyes are upon Thee.'
Oh aming Dios, hindi mo ba hahatulan sila? sapagka't wala kaming kaya laban sa malaking pulutong na ito na naparirito laban sa amin, ni hindi man nalalaman namin kung anong marapat gawin; nguni't ang aming mga mata ay nasa iyo.
13 And all Judah stood before the LORD, with their little ones, their wives, and their children.
At ang buong Juda ay tumayo sa harap ng Panginoon, pati ang kanilang mga bata, ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak.
14 Then upon Jahaziel the son of Zechariah, the son of Benaiah, the son of Jeiel, the son of Mattaniah, the Levite, of the sons of Asaph, came the spirit of the LORD in the midst of the congregation;
Nang magkagayo'y dumating kay Jahaziel na anak ni Zacharias, na anak ni Benaias, na anak ni Jeiel, na anak ni Mathanias na Levita, sa mga anak ni Asaph ang Espiritu ng Panginoon sa gitna ng kapisanan;
15 and he said: 'Hearken ye, all Judah, and ye inhabitants of Jerusalem, and thou king Jehoshaphat: thus saith the LORD unto you: Fear not ye, neither be dismayed by reason of this great multitude; for the battle is not yours, but God's.
At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, buong Juda, at ninyong mga taga Jerusalem, at ikaw na haring Josaphat: ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong mangatakot, o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; sapagka't ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Dios.
16 To-morrow go ye down against them; behold, they come up by the ascent of Ziz; and ye shall find them at the end of the valley, before the wilderness of Jeruel.
Bukas ay magsilusong kayo laban sa kanila: narito, sila'y nagsiahon sa ahunan ng Sis; at inyong masusumpungan sila sa dulo ng libis, sa harap ng ilang ng Jeruel.
17 Ye shall not need to fight in this battle; set yourselves, stand ye still, and see the salvation of the LORD with you, O Judah and Jerusalem; fear not, nor be dismayed; to-morrow go out against them; for the LORD is with you.'
Kayo'y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito: magsilagay kayo, magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas, ng Panginoon na kasama ninyo, Oh Juda at Jerusalem: huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man: bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila; sapagka't ang Panginoon ay sumasa inyo.
18 And Jehoshaphat bowed his head with his face to the ground; and all Judah and the inhabitants of Jerusalem fell down before the LORD, worshipping the LORD.
At itinungo ni Josaphat ang kaniyang ulo sa lupa: at ang buong Juda at ang mga taga Jerusalem ay nangagpatirapa sa harap ng Panginoon, na nagsisamba sa Panginoon.
19 And the Levites, of the children of the Kohathites and of the children of the Korahites, stood up to praise the LORD, the God of Israel, with an exceeding loud voice.
At ang mga Levita, sa mga anak ng mga Coathita at sa mga anak ng mga Coraita; ay nagsitayo upang purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ng totoong malakas na tinig.
20 And they rose early in the morning, and went forth into the wilderness of Tekoa; and as they went forth, Jehoshaphat stood and said: 'Hear me, O Judah, and ye inhabitants of Jerusalem; believe in the LORD your God, so shall ye be established; believe His prophets, so shall ye prosper.'
At sila'y nagsibangong maaga sa kinaumagahan, at nagsilabas sa ilang ng Tecoa: at habang sila'y nagsisilabas, si Josaphat ay tumayo, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Juda, at ninyong mga taga Jerusalem; sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios, sa gayo'y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta, sa gayo'y giginhawa kayo.
21 And when he had taken counsel with the people, he appointed them that should sing unto the LORD, and praise in the beauty of holiness, as they went out before the army, and say: 'Give thanks unto the LORD, for His mercy endureth for ever.'
At nang siya'y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila'y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.
22 And when they began to sing and to praise, the LORD set liers-in-wait against the children of Ammon, Moab, and mount Seir, that were come against Judah; and they were smitten.
At nang sila'y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri, ang Panginoon ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila'y nangasugatan.
23 For the children of Ammon and Moab stood up against the inhabitants of mount Seir, utterly to slay and destroy them; and when they had made an end of the inhabitants of Seir, every one helped to destroy another.
Sapagka't ang mga anak ni Ammon at ni Moab ay nagsitayo laban sa mga taga bundok ng Seir, upang lubos na magsipatay at lipulin sila: at nang sila'y makatapos sa mga taga bundok ng Seir, bawa't isa'y tumulong na lumipol sa iba.
24 And when Judah came to the watch-tower of the wilderness, they looked upon the multitude; and, behold, they were dead bodies fallen to the earth, and there were none that escaped.
At nang ang Juda ay dumating sa bantayang moog sa ilang, sila'y nagsitingin sa karamihan; at, narito, mga bangkay na nangakabuwal sa lupa, at walang nakatanan.
25 And when Jehoshaphat and his people came to take the spoil of them, they found among them in abundance both riches and dead bodies, and precious jewels, which they stripped off for themselves, more than they could carry away; and they were three days in taking the spoil, it was so much.
At nang si Josaphat at ang kaniyang bayan ay magsiparoon upang kunin ang samsam sa kanila, kanilang nasumpungan sa kanila na sagana ay mga kayamanan at mga bangkay, at mga mahahalagang hiyas na kanilang mga sinamsam para sa kanilang sarili, na higit kay sa kanilang madala: at sila'y nagsidoon na tatlong araw, sa pagkuha ng samsam, na totoong marami.
26 And on the fourth day they assembled themselves in the valley of Beracah; for there they blessed the LORD; therefore the name of that place was called The valley of Beracah, unto this day.
At nang ikaapat na araw, sila'y nagpupulong sa libis ng Baracah; sapagka't doo'y kanilang pinuri ang Panginoon: kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Libis ng Baracah, hanggang sa araw na ito.
27 Then they returned, every man of Judah and Jerusalem, and Jehoshaphat in the forefront of them, to go back to Jerusalem with joy; for the LORD had made them to rejoice over their enemies.
Nang magkagayo'y nagsibalik sila, bawa't lalake sa Juda, at sa Jerusalem, at si Josaphat ay sa unahan nila, upang bumalik sa Jerusalem na may kagalakan; sapagka't sila'y pinapagkatuwa ng Panginoon sa kanilang mga kaaway.
28 And they came to Jerusalem with psalteries and harps and trumpets unto the house of the LORD.
At sila'y nagsiparoon sa Jerusalem na may mga salterio at mga alpa, at mga pakakak sa bahay ng Panginoon.
29 And a terror from God was on all the kingdoms of the countries, when they heard that the LORD fought against the enemies of Israel.
At ang takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain, nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel.
30 So the realm of Jehoshaphat was quiet; for his God gave him rest round about.
Sa gayo'y ang kaharian ni Josaphat ay natahimik: sapagka't binigyan siya ng kaniyang Dios ng kapahingahan sa palibot.
31 And Jehoshaphat reigned over Judah; he was thirty and five years old when he began to reign; and he reigned twenty and five years in Jerusalem; and his mother's name was Azubah the daughter of Shilhi.
At si Josaphat ay naghari sa Juda: siya'y may tatlong pu't limang taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang pu't limang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silhi.
32 And he walked in the way of Asa his father, and turned not aside from it, doing that which was right in the eyes of the LORD.
At siya'y lumakad ng lakad ni Asa na kaniyang ama, at hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon.
33 Howbeit the high places were not taken away; neither as yet had the people set their hearts unto the God of their fathers.
Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ni inilagak pa man ng bayan ang kanilang puso sa Dios ng kanilang mga magulang.
34 Now the rest of the acts of Jehoshaphat, first and last, behold, they are written in the words of Jehu the son of Hanani, which is inserted in the book of the kings of Israel.
Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, na una at huli, narito, nangakasulat sa kasaysayan ni Jehu na anak ni Hanani, na nasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel.
35 And after this did Jehoshaphat king of Judah join himself with Ahaziah king of Israel; the same did very wickedly;
At pagkatapos nito ay nakipisan si Josaphat na hari sa Juda kay Ochozias na hari sa Israel; na siyang gumawa ng totoong masama:
36 and he joined him with himself to make ships to go to Tarshish; and they made the ships in Ezion-geber.
At siya'y nakipisan sa kaniya upang gumawa ng mga sasakyang dagat na magsisiparoon sa Tharsis: at kanilang ginawa ang mga sasakyan sa Esion-geber.
37 Then Eliezer the son of Dodavahu of Mareshah prophesied against Jehoshaphat, saying: 'Because thou hast joined thyself with Ahaziah, the LORD hath made a breach in thy works.' And the ships were broken, that they were not able to go to Tarshish.
Nang magkagayo'y si Eliezer na anak ni Dodava sa Mareosah ay nanghula laban kay Josaphat, na kaniyang sinabi, Sapagka't ikaw ay nakipisan kay Ochozias, giniba ng Panginoon ang iyong mga gawa. At ang mga sasakyan ay nangabasag, na anopa't sila'y hindi na makaparoon sa Tharsis.

< 2 Chronicles 20 >