< Proverbs 1 >
1 The Parables of Salomon the sonne of Dauid King of Israel,
Ang kawikaan ni Solomon na anak na lalaki ni David, ang hari ng Israel.
2 To knowe wisdome, and instruction, to vnderstand ye wordes of knowledge,
Ang mga kawikaan na ito ay para magturo ng karunungan at tagubilin, para magturo ng mga salita ng kaalaman,
3 To receiue instruction to do wisely, by iustice and iudgement and equitie,
upang kayo ay makatanggap nang pagtutuwid para mamuhay kayo sa paggawa ng kung ano ang tama, makatarungan at patas.
4 To giue vnto the simple, sharpenesse of wit, and to the childe knowledge and discretion.
Ang mga kawikaan ay para din magbigay ng karunungan sa mga hindi pa naituro at para magbigay kaalaman at mabuting pagpapasya sa mga kabataan.
5 A wise man shall heare and increase in learning, and a man of vnderstanding shall attayne vnto wise counsels,
Hayaan ang mga matatalinong tao na makinig at dagdagan ang kanilang nalalaman, at hayaan ang mga nakakaintinding tao na makakuha ng patnubay,
6 To vnderstand a parable, and the interpretation, the wordes of ye wise, and their darke sayings.
para maunawaan ang mga kawikaan, mga kasabihan, at mga salita ng matatalinong tao at kanilang mga palaisipan.
7 The feare of the Lord is the beginning of knowledge: but fooles despise wisedome and instruction.
Ang pagkatakot kay Yahweh ay ang simula ng kaalaman - ang mga hangal ay kinamumuhian ang karunungan at disiplina.
8 My sonne, heare thy fathers instruction, and forsake not thy mothers teaching.
Aking anak, pakinggan ang tagubilin ng iyong ama at huwag isang tabi ang mga utos ng iyong ina;
9 For they shalbe a comely ornament vnto thine head, and as chaines for thy necke.
ito ay magiging kaaya-ayang korona sa iyong ulo at mga palawit sa iyong leeg.
10 My sonne, if sinners doe intise thee, consent thou not.
Aking anak, kung sinusubukan kang udyukan ng mga makasalanan sa kanilang mga pagkakasala, tumangging sumunod sa kanila.
11 If they say, Come with vs, we will lay waite for blood, and lie priuilie for the innocent without a cause:
Kung kanilang sasabihin na, “Sumama ka sa amin, tayo ay mag-abang upang makagawa ng pagpatay, tayo ay magtago at sugurin ang mga walang malay na mga tao ng walang kadahilanan.
12 We wil swallow them vp aliue like a graue euen whole, as those that goe downe into the pit: (Sheol )
Lunukin natin sila ng buhay, katulad ng paglayo ng sheol sa mga malulusog at gawin silang katulad ng mga nahulog sa hukay. (Sheol )
13 We shall finde all precious riches, and fill our houses with spoyle:
Dapat nating hanapin ang lahat ng klaseng mga mahahalagang bagay; pupunuin natin ang ating tahanan ng mga bagay na ating ninakaw sa iba,
14 Cast in thy lot among vs: we will all haue one purse:
Makipagsapalaran ka sa amin, tayo ay magkakaroon ng iisang lalagyanan.”
15 My sonne, walke not thou in the way with them: refraine thy foote from their path.
Aking anak, huwag kang maglalakad sa daanang iyon kasama nila; huwag mong hayaang dumampi ang iyong paa kung saan sila naglalakad;
16 For their feete runne to euill, and make haste to shed blood.
ang kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan at sila ay nagmamadali para sa pagdanak ng dugo.
17 Certainely as without cause the net is spred before the eyes of all that hath wing:
Sapagkat walang saysay na ikalat ang lambat upang bumitag ng isang ibon habang nanonood ang ibon.
18 So they lay waite for blood and lie priuily for their liues.
Ang mga lalaking ito ay nag-aabang para patayin ang kanilang mga sarili - sila ay naglagay ng bitag para sa kanilang mga sarili.
19 Such are the wayes of euery one that is greedy of gaine: he would take away the life of the owners thereof.
Ganoon din ang mga paraan ng lahat na nagtamo ng kayaman sa pamamagitan ng hindi makatarungan; ang hindi makatuwirang pagtamo ay nag-aalis ng buhay sa mga kumakapit dito.
20 Wisdome cryeth without: she vttereth her voyce in the streetes.
Umiiyak ng malakas sa lansangan ang karunungan, kaniyang nilalakasan ang kaniyang boses sa isang liwasang-bayan,
21 She calleth in the hye streete, among the prease in the entrings of the gates, and vttereth her wordes in the citie, saying,
sa gitna ng maingay na lansangan siya ay umiyak, sa pasukan ng lungsod ng tarangkahan siya ay nagsalita.
22 O ye foolish, howe long will ye loue foolishnes? and the scornefull take their pleasure in scorning, and the fooles hate knowledge?
“Kayong mga walang karunungan, Gaano katagal ninyo mamahalin ang inyong hindi naiintindihan? Kayong mga nangungutya, gaano kayo katagal magalak sa pangungutya at kayong mga hangal, gaano kayo katagal mamumuhi sa kaalaman?
23 (Turne you at my correction: loe, I will powre out my mind vnto you, and make you vnderstand my wordes)
Bigyang pansin ang aking paninita; ibubuhos ko ang aking saloobin sa inyo, ipapaalam ko ang salita ko sa inyo.
24 Because I haue called, and ye refused: I haue stretched out mine hand, and none woulde regarde.
Ako ay tumawag, at kayo ay tumangging makinig; inaabot ko sila ng aking kamay, ngunit walang nagbigay pansin.
25 But ye haue despised all my counsell, and would none of my correction.
Ngunit isinawalang bahala ninyo ang aking mga bilin at hindi ninyo binigyan ng pansin ang aking pagsasaway.
26 I will also laugh at your destruction, and mocke, when your feare commeth.
Tatawanan ko kayo sa inyong kapamahakan, kukutyain ko kayo kapag dumating ang malaking takot —
27 Whe your feare cometh like sudden desolation, and your destruction shall come like a whirle wind: whe affliction and anguish shall come vpon you,
kapag dumating ang inyong kinakatakutang pangamba tulad ng bagyo at tinangay kayo ng sakuna na parang buhawi, kapag ang kabalisahan at dalamhati ay dumating sa inyo.
28 Then shall they call vpon me, but I will not answere: they shall seeke me early, but they shall not finde me,
Pagkatapos sila ay tatawag sa akin at hindi ako sasagot; desperado silang tatawag sa akin, ngunit hindi nila ako mahahanap.
29 Because they hated knowledge, and did not chuse the feare of the Lord.
Dahil kanilang kinapopootan ang karunungan at hindi pinili ang pagkatakot kay Yahweh,
30 They would none of my counsell, but despised all my correction.
hindi nila susundin ang aking tagubilin, at kanilang kinamuhian ang aking mga pagtatama.
31 Therefore shall they eate of ye fruite of their owne way, and be filled with their owne deuises.
Kakainin nila ang bunga sa kanilang pamamaraan, at sa bunga ng kanilang mga balak sila ay maaaring mabusog.
32 For ease slaieth the foolish, and the prosperitie of fooles destroyeth them.
Ang mga hindi naturuan ay pinapatay kapag sila ay umalis, at ang kakulangan ng mga hangal ang sisira sa kanila.
33 But he that obeyeth me, shall dwell safely, and be quiet from feare of euill.
Pero ang sinumang makikinig sa akin ay mamumuhay nang ligtas at magtatamo ng walang pagkatakot sa mga sakuna.”