< Proverbs 27 >
1 Boast not thy selfe of to morowe: for thou knowest not what a day may bring forth.
Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan; Sapagka't hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw.
2 Let another man prayse thee, and not thine owne mouth: a stranger, and not thine owne lips.
Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig; ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi.
3 A stone is heauie, and the sand weightie: but a fooles wrath is heauier then them both.
Ang bato ay mabigat, at ang buhangin ay matimbang; nguni't ang galit ng mangmang ay lalong mabigat kay sa mga yaon.
4 Anger is cruell, and wrath is raging: but who can stand before enuie?
Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw, nguni't sinong makatatayo sa harap ng paninibugho?
5 Open rebuke is better then secret loue.
Maigi ang saway na hayag kay sa pagibig na nakukubli.
6 The wounds of a louer are faithful, and the kisses of an enemie are pleasant.
Tapat ang mga sugat ng kaibigan: nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.
7 The person that is full, despiseth an hony combe: but vnto the hungry soule euery bitter thing is sweete.
Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan: nguni't sa gutom na tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay.
8 As a bird that wandreth from her nest, so is a man that wandreth from his owne place.
Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad, gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako.
9 As oyntment and perfume reioyce the heart, so doeth the sweetenes of a mans friend by hearty counsell.
Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso: gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo.
10 Thine owne friend and thy fathers friend forsake thou not: neither enter into thy brothers house in the day of thy calamitie: for better is a neighbour that is neere, then a brother farre off.
Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay huwag mong pabayaan; at huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan: maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo.
11 My sonne, be wise, and reioyce mine heart, that I may answere him that reprocheth me.
Anak ko, ikaw ay magpakadunong, at iyong pasayahin ang aking puso, upang aking masagot siya na tumutuya sa akin.
12 A prudent man seeth the plague, and hideth himselfe: but the foolish goe on still, and are punished.
Ang taong mabait ay nakakakita ng kasamaan, at nagkukubli: nguni't dinadaanan ng musmos, at naghihirap.
13 Take his garment that is surety for a stranger, and a pledge of him for the stranger.
Kunin mo ang kaniyang kasuutan na nananagot sa di kilala; at tanggapan mo siya ng sanla na nananagot sa babaing di kilala.
14 He that prayseth his friend with a loude voyce, rising earely in the morning, it shall be counted to him as a curse.
Siyang nagpapala sa kaniyang kaibigan ng malakas na tinig, na bumabangong maaga sa kinaumagahan, mabibilang na sumpa sa kaniya.
15 A continual dropping in the day of raine, and a contentious woman are alike.
Ang laging tulo sa araw na maulan at ang babaing palatalo ay magkahalintulad:
16 He that hideth her, hideth the winde, and she is as ye oyle in his right hand, that vttereth it selfe.
Ang magibig pumigil sa kaniya, ay pumipigil sa hangin, at ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis.
17 Yron sharpeneth yron, so doeth man sharpen the face of his friend.
Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal; gayon ang tao ay nagpapatalas sa mukha ng kaniyang kaibigan.
18 He that keepeth the fig tree, shall eate the fruite thereof: so he that waiteth vpon his master, shall come to honour.
Ang nagiingat ng puno ng higos ay kakain ng bunga niyaon; at ang naghihintay sa kaniyang panginoon ay pararangalin.
19 As in water face answereth to face, so the heart of man to man.
Kung paanong sa tubig ang mukha ay sumasagot sa mukha, gayon ang puso ng tao sa tao.
20 The graue and destruction can neuer be full, so the eyes of man can neuer be satisfied. (Sheol )
Ang Sheol at ang kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailan man; at ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailan man. (Sheol )
21 As is the fining pot for siluer and the fornace for golde, so is euery man according to his dignitie.
Ang sangagan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto, at ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri.
22 Though thou shouldest bray a foole in a morter among wheate brayed with a pestell, yet will not his foolishnes depart from him.
Bagaman iyong piitin ang mangmang sa isang piitan na kasama ng pangbayo sa mga bayong trigo, gayon ma'y hindi hihiwalay ang kaniyang kamangmangan sa kaniya.
23 Be diligent to know ye state of thy flocke, and take heede to the heardes.
Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan, at tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan:
24 For riches remaine not alway, nor the crowne from generation to generation.
Sapagka't ang mga kayamanan ay hindi magpakailan man: at namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali't saling lahi?
25 The hey discouereth it selfe, and the grasse appeareth, and the herbes of the mountaines are gathered.
Ang tuyong damo ay pinupulot, at ang sariwang damo ay lumilitaw, at ang mga gugulayin sa mga bundok ay pinipisan.
26 The lambes are for thy clothing, and the goates are the price of the fielde.
Ang mga kordero ay ukol sa iyong kasuutan, at ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid:
27 And let the milke of the goates be sufficient for thy foode, for the foode of thy familie, and for the sustenance of thy maydes.
At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sangbahayan; at pagkain sa iyong mga alilang babae.