< Proverbs 25 >
1 THESE ARE ALSO PARABLES of Salomon, which the men of Hezekiah King of Iudah copied out.
Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda.
2 The glorie of God is to conceale a thing secret: but the Kings honour is to search out a thing.
Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay.
3 The heaues in height, and the earth in deepenes, and the Kings heart can no man search out.
Gaya ng langit sa kataasan, at ng lupa sa kalaliman, gayon ang puso ng mga hari ay di masayod.
4 Take the drosse from the siluer, and there shall proceede a vessell for the finer.
Alisin ang dumi sa pilak, at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo:
5 Take away the wicked from the King, and his throne shall be stablished in righteousnes.
Alisin ang masama sa harap ng hari, at ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran.
6 Boast not thy selfe before the King, and stand not in the place of great men.
Huwag kang magpauna sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao:
7 For it is better, that it be saide vnto thee, Come vp hither, then thou to be put lower in the presece of the prince whom thine eyes haue seene.
Sapagka't maigi na sabihin sa iyo, sumampa ka rito: kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo, na nakita ng iyong mga mata.
8 Goe not foorth hastily to strife, least thou know not what to doe in the ende thereof, when thy neighbour hath put thee to shame.
Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag, baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon, pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa.
9 Debate thy matter with thy neighbour, and discouer not the secret to another,
Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa, at huwag mong ihayag ang lihim ng iba:
10 Least he that heareth it put thee to shame, and thine infamie doe not cease.
Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo, at ang iyong pagkadusta ay hindi maalis.
11 A word spoken in his place, is like apples of golde with pictures of siluer.
Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak.
12 He that reprooueth the wise, and the obedient eare, is as a golden earering and an ornament of fine golde.
Kung paano ang hikaw na ginto, at kagayakang dalisay na ginto, gayon ang pantas na mananaway sa masunuring pakinig.
13 As the colde of the snowe in the time of haruest, so is a faithfull messenger to them that send him: for he refresheth the soule of his masters.
Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani, gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya; sapagka't kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon.
14 A man that boasteth of false liberalitie, is like cloudes and winde without raine.
Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan, gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan.
15 A Prince is pacified by staying of anger, and a soft tongue breaketh the bones.
Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo, at ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto.
16 If thou haue found hony, eate that is sufficient for thee, least thou be ouerfull, and vomit it.
Nakasumpong ka ba ng pulot? kumain ka ng sapat sa iyo; baka ka masuya, at iyong isuka.
17 Withdrawe thy foote from thy neighbours house, least he be weary of thee, and hate thee.
Magdalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa; baka siya'y mayamot sa iyo, at ipagtanim ka.
18 A man that beareth false witnes against his neighbour, is like an hammer and a sword, and a sharpe arrowe.
Ang tao na sumasaksi ng kasinungalingang saksi laban sa kaniyang kapuwa ay isang pangbayo at isang tabak, at isang matulis na pana.
19 Confidence in an vnfaythfull man in time of trouble, is like a broken tooth and a sliding foote.
Pagtiwala sa di tapat na tao sa panahon ng kabagabagan ay gaya ng baling ngipin, at ng nabaliang paa.
20 Hee that taketh away the garment in the colde season, is like vineger powred vpon nitre, or like him that singeth songs to an heauy heart.
Kung paano ang nangaagaw ng kasuutan sa panahong tagginaw, at kung paano ang suka sa sosa, gayon siyang umaawit ng mga awit sa mabigat na puso.
21 If hee that hateth thee be hungry, giue him bread to eate, and if he be thirstie, giue him water to drinke.
Kung ang iyong kaaway ay magutom, bigyan mo siya ng pagkain na makakain; at kung siya'y mauhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom:
22 For thou shalt lay coles vpon his head, and the Lord shall recompense thee.
Sapagka't ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo, at gagantihin ka ng Panginoon.
23 As the Northwinde driueth away the raine, so doeth an angry countenance the slandering tongue.
Ang hanging hilaga ay naglalabas ng ulan: gayon ang dilang maninirang puri ay nakagagalit.
24 It is better to dwell in a corner of the house top, then with a contentious woman in a wide house.
Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay.
25 As are the colde waters to a weary soule, so is good newes from a farre countery.
Kung paano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa, gayon ang mga mabuting balita na mula sa malayong lupain.
26 A righteous man falling downe before the wicked, is like a troubled well, and a corrupt spring.
Kung paano ang malabong balon, at ang bukal na nalabusaw, gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama.
27 It is not good to eate much hony: so to search their owne glory is not glory.
Hindi mabuting kumain ng maraming pulot: gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian, ay hindi kaluwalhatian.
28 A man that refraineth not his appetite, is like a citie which is broken downe and without walles.
Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa ay parang bayang nabagsak at walang kuta.