< Proverbs 21 >
1 The Kings heart is in the hand of the Lord, as the riuers of waters: he turneth it whithersoeuer it pleaseth him.
Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: kumikiling saan man niya ibigin.
2 Euery way of a man is right in his owne eyes: but the Lord pondereth the hearts.
Bawa't lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga puso.
3 To doe iustice and iudgement is more acceptable to the Lord then sacrifice.
Gumawa ng kaganapan at kahatulan ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain.
4 A hautie looke, and a proude heart, which is the light of the wicked, is sinne.
Ang mapagmataas na tingin, at ang palalong puso, siyang ilaw ng masama, ay kasalanan.
5 The thoughtes of the diligent doe surely bring abundance: but whosoeuer is hastie, commeth surely to pouertie.
Ang mga pagiisip ng masipag ay patungo sa kasaganaan lamang: nguni't bawa't nagmamadali ay sa pangangailangan lamang.
6 The gathering of treasures by a deceitfull tongue is vanitie tossed to and from of them that seeke death.
Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila ay singaw na tinatangay na paroo't parito noong nagsisihanap ng kamatayan.
7 The robberie of the wicked shall destroy them: for they haue refused to execute iudgement.
Ang pangdadahas ng masama ay siya ring papalis sa kanila; sapagka't sila'y nagsitangging magsigawa ng kahatulan.
8 The way of some is peruerted and strange: but of the pure man, his worke is right.
Ang lakad ng nagpapasan ng sala ay lubhang liko; nguni't tungkol sa malinis, ang kaniyang gawa ay matuwid.
9 It is better to dwell in a corner of the house top, then with a contentious woman in a wide house.
Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay.
10 The soule of the wicked wisheth euill: and his neighbour hath no fauour in his eyes.
Ang kaluluwa ng masama ay nagnanasa ng kasamaan: ang kaniyang kapuwa ay hindi nakakasumpong ng lingap sa kaniyang mga mata.
11 When the scorner is punished, the foolish is wise: and when one instructeth the wise, he wil receiue knowledge.
Pagka ang mangduduwahagi ay pinarusahan, ang musmos ay nagiging pantas: at pagka ang pantas ay tinuturuan, siya'y tumatanggap ng kaalaman.
12 The righteous teacheth the house of the wicked: but God ouerthroweth the wicked for their euill.
Pinagninilay ng matuwid ang bahay ng masama, kung paanong napapahamak ang masama sa kanilang pagkapariwara.
13 He that stoppeth his eare at the crying of the poore, he shall also cry and not be heard.
Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha, siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin.
14 A gift in secret pacifieth anger, and a gift in the bosome great wrath.
Ang kaloob na lihim ay nagpapatahimik ng galit, at ang alay sa sinapupunan, ay ng malaking poot.
15 It is ioye to the iust to doe iudgement: but destruction shalbe to the workers of iniquitie.
Kagalakan sa matuwid ang gumawa ng kahatulan; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.
16 A man that wandreth out of the way of wisdome, shall remaine in the congregation of the dead.
Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan, magpapahinga sa kapisanan ng patay.
17 Hee that loueth pastime, shalbe a poore man: and he that loueth wine and oyle, shall not be riche.
Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha: ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman.
18 The wicked shalbe a ransome for the iust, and the transgressour for the righteous.
Ang masama ay isang katubusan para sa matuwid, at ang taksil ay sa lugar ng matuwid.
19 It is better to dwell in the wildernesse, then with a contentious and angry woman.
Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain, kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae.
20 In the house of the wise is a pleasant treasure and oyle: but a foolish man deuoureth it.
May mahalagang kayamanan at langis sa tahanan ng pantas; nguni't ito'y sinasakmal ng mangmang.
21 He that followeth after righteousnes and mercy, shall finde life, righteousnes, and glory.
Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob nakakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan.
22 A wise man goeth vp into the citie of the mightie, and casteth downe the strength of the confidence thereof.
Sinasampa ng pantas ang bayan ng makapangyarihan, at ibinabagsak ang lakas ng pagkakatiwala niyaon.
23 He that keepeth his mouth and his tongue, keepeth his soule from afflictions.
Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan.
24 Proude, hautie and scornefull is his name that worketh in his arrogancie wrath.
Ang palalo at mapagmataas na tao, manglilibak ang kaniyang pangalan, siya'y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan.
25 The desire of the slouthfull slayeth him: for his hands refuse to worke.
Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya; sapagka't tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa.
26 He coueteth euermore greedily, but the righteous giueth and spareth not.
May nagiimbot sa kasakiman buong araw: nguni't ang matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait.
27 The sacrifice of the wicked is an abomination: how much more when he bringeth it with a wicked minde?
Ang hain ng masama ay karumaldumal: gaano pa nga, pagka kaniyang dinadala na may masamang isip!
28 A false witnes shall perish: but hee that heareth, speaketh continually.
Ang sinungaling na saksi ay mamamatay: nguni't ang taong nakikinig ay magsasalita upang mamalagi.
29 A wicked man hardeneth his face: but the iust, he will direct his way.
Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha; nguni't tungkol sa taong matuwid, nagaayos ng kaniyang mga lakad.
30 There is no wisedome, neither vnderstanding, nor counsell against the Lord.
Walang karunungan, o kaunawaan man, O payo man laban sa Panginoon.
31 The horse is prepared against the day of battell: but saluation is of the Lord.
Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabaka: nguni't ang pagtatagumpay ay sa Panginoon.