< Proverbs 15 >

1 A soft answere putteth away wrath: but grieuous wordes stirre vp anger.
Ang malumanay na sagot ay nag-aalis ng poot, pero ang malupit na salita ay nagsasanhi ng galit.
2 The tongue of the wise vseth knowledge aright: but the mouth of fooles babbleth out foolishnesse.
Ang dila ng mga matatalinong tao ay sinasang-ayunan ng kaalaman, pero ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso nang kamangmangan.
3 The eyes of the Lord in euery place beholde the euill and the good.
Ang mga mata ni Yahweh ay nasa lahat ng dako, patuloy na nagmamasid sa masama at mabuti.
4 A wholesome tongue is as a tree of life: but the frowardnes therof is the breaking of ye minde.
Ang dilang nagpapagaling ay puno ng buhay, pero ang mapanlinlang na dila ay sumisira ng kalooban.
5 A foole despiseth his fathers instruction: but he that regardeth correction, is prudent.
Hinahamak ng mangmang ang disiplina ng kaniyang ama, pero ang siyang natututo mula sa pagtatama ay marunong.
6 The house of the righteous hath much treasure: but in the reuenues of the wicked is trouble.
Sa bahay ng mga gumagawa ng tama ay mayroong labis na kayamanan, pero ang kinikita ng mga masasamang tao ay nagbibigay ng gulo sa kanila.
7 The lippes of the wise doe spread abroade knowledge: but ye heart of the foolish doth not so.
Ang labi ng mga matatalinong tao ay nagbabahagi ng kaalaman, pero hindi ang puso ng mga mangmang.
8 The sacrifice of the wicked is abomination to the Lord: but the prayer of the righteous is acceptable vnto him.
Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga pag-aalay ng mga masasamang tao, pero kasiyahan sa kaniya ang panalangin ng mga matuwid na tao.
9 The way of the wicked is an abomination vnto the Lord: but he loueth him that followeth righteousnes.
Kinasusuklaman ni Yahweh ang paraan ng mga masasamang tao, pero mahal niya ang siyang nanatili sa tama.
10 Instruction is euill to him that forsaketh the way, and he that hateth correction, shall die.
Ang malupit na disiplina ay hinihintay ang sinumang tatalikod sa tamang daan at ang siyang galit sa pagtatama ay mamamatay.
11 Hell and destruction are before the Lord: how much more the hearts of the sonnes of men? (Sheol h7585)
Ang Sheol at pagkawasak ay nasa harap ni Yahweh; gaano pa kaya ang puso ng mga kaapu-apuhan ng sangkatauhan? (Sheol h7585)
12 A scorner loueth not him that rebuketh him, neither will he goe vnto the wise.
Ang mangungutya ay galit sa pagtatama; hindi siya magiging marunong.
13 A ioyfull heart maketh a chearefull countenance: but by the sorow of the heart the minde is heauie.
Ang pusong nagagalak ay ginagawang maaya ang mukha, pero ang matinding lungkot ay sumisira ng diwa.
14 The heart of him that hath vnderstanding, seeketh knowledge: but the mouth of the foole is fedde with foolishnes.
Ang puso ng umuunawa ay humahanap ng kaalaman, pero ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kahangalan.
15 All the dayes of the afflicted are euill: but a good conscience is a continuall feast.
Lahat ng araw ng mga taong inaapi ay napakahirap, pero ang nagagalak na puso ay may piging na walang katapusan.
16 Better is a litle with the feare of the Lord, then great treasure, and trouble therewith.
Mas mabuti ang kaunti na may takot kay Yahweh kaysa sa labis na kayamanan na may kaguluhan.
17 Better is a dinner of greene herbes where loue is, then a stalled oxe and hatred therewith.
Mas mabuti ang pagkain na may mga gulay na may mayroong pag-ibig kaysa sa isang pinatabang guya na hinain na may galit.
18 An angrie man stirreth vp strife: but hee that is slowe to wrath, appeaseth strife.
Ang galit na tao ay pumupukaw ng mga pagtatalo, pero ang taong matagal magalit ay pinapayapa ang isang alitan.
19 The way of a slouthfull man is as an hedge of thornes: but the way of the righteous is plaine.
Ang daanan ng taong tamad ay tulad ng isang lugar na may bakod na tinik, pero ang daanan ng matuwid ay gawa sa daanang tuloy-tuloy.
20 A wise sonne reioyceth the father: but a foolish man despiseth his mother.
Ang matalinong anak na lalaki ay nagdadala ng kasiyahan sa kaniyang ama, pero ang mangmang ay namumuhi sa kaniyang ina.
21 Foolishnes is ioy to him that is destitute of vnderstanding: but a man of vnderstanding walketh vprightly.
Ang kahangalan ay kasiyahan ng hindi nag-iisip, pero ang siyang nakauunawa ay naglalakad sa tuwid na daanan.
22 Without cousel thoughts come to nought: but in the multitude of counsellers there is stedfastnesse.
Ang mga balak ay namamali kapag walang payo, pero kapag marami ang tagapayo sila ay nagtatagumpay.
23 A ioy commeth to a man by the answere of his mouth: and how good is a word in due season?
Ang tao ay nakakahanap ng kaligayahan kapag siya ay nagbibigay ng matalinong sagot; Napakabuti ng napapanahong salita!
24 The way of life is on high to the prudent, to auoyde from hell beneath. (Sheol h7585)
Ang landas ng buhay ay gabay pataas para sa marurunong na tao, upang siya nawa ay makalayo mula sa sheol na nasa ilalim. (Sheol h7585)
25 The Lord will destroye the house of the proude men: but hee will stablish the borders of the widowe.
Winawasak ni Yahweh ang pamana ng mapagmataas, pero pinapangalagaan niya ang ari-arian ng balo.
26 The thoughts of ye wicked are abomination to the Lord: but the pure haue pleasant wordes.
Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga kaisipan ng mga masasamang tao, pero ang mga salita ng kagandahang-loob ay busilak.
27 He that is greedie of gaine, troubleth his owne house: but he that hateth giftes, shall liue.
Nagdadala ng gulo ang magnanakaw sa kaniyang pamilya, pero mabubuhay ang siyang galit sa mga suhol.
28 The heart of the righteous studieth to answere: but the wicked mans mouth babbleth euil thinges.
Ang pusong gumagawa ng tama ay nag-iisip bago sumagot, ngunit ang bibig ng masasama ay ibinubuhos ang lahat ng kasamaan nito.
29 The Lord is farre off from the wicked: but he heareth the prayer of the righteous.
Si Yahweh ay malayo sa mga masasamang tao, pero naririnig niya ang panalangin ng mga gumagawa ng tama.
30 The light of the eyes reioyceth the heart, and a good name maketh the bones fat.
Ang ilaw ng mga mata ay nagdadala ng kasiyahan sa puso, at ang mabuting mga balita ay mabuti sa katawan.
31 The eare that hearkeneth to the correction of life, shall lodge among the wise.
Kung ikaw ay magbibigay ng pansin sa taong nagtatama sa kung papaano ka mamuhay, ikaw ay mananatiling kabilang sa mga matatalino.
32 Hee that refuseth instruction, despiseth his owne soule: but he that obeyeth correction, getteth vnderstanding.
Ang siyang tumatanggi sa disiplina ay namumuhi sa kaniyang sarili, pero ang siyang nakikinig sa pagtatama ay nagtatamo ng kaunawaan.
33 The feare of the Lord is the instruction of wisdome: and before honour, goeth humilitie.
Ang takot kay Yahweh ay nagtuturo ng karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nauuna bago ang karangalan.

< Proverbs 15 >