< Proverbs 15 >
1 A soft answere putteth away wrath: but grieuous wordes stirre vp anger.
Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit.
2 The tongue of the wise vseth knowledge aright: but the mouth of fooles babbleth out foolishnesse.
Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan.
3 The eyes of the Lord in euery place beholde the euill and the good.
Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako, na nagbabantay sa masama at sa mabuti.
4 A wholesome tongue is as a tree of life: but the frowardnes therof is the breaking of ye minde.
Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.
5 A foole despiseth his fathers instruction: but he that regardeth correction, is prudent.
Hinahamak ng mangmang ang saway ng kaniyang ama: nguni't siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan.
6 The house of the righteous hath much treasure: but in the reuenues of the wicked is trouble.
Sa bahay ng matuwid ay maraming kayamanan: nguni't sa mga pakinabang ng masama ay kabagabagan.
7 The lippes of the wise doe spread abroade knowledge: but ye heart of the foolish doth not so.
Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman: nguni't ang puso ng mangmang ay hindi gayon.
8 The sacrifice of the wicked is abomination to the Lord: but the prayer of the righteous is acceptable vnto him.
Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran.
9 The way of the wicked is an abomination vnto the Lord: but he loueth him that followeth righteousnes.
Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't iniibig niya ang sumusunod sa katuwiran.
10 Instruction is euill to him that forsaketh the way, and he that hateth correction, shall die.
May mabigat na saway sa kaniya, na nagpapabaya ng lakad: at siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay.
11 Hell and destruction are before the Lord: how much more the hearts of the sonnes of men? (Sheol )
Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon: gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao! (Sheol )
12 A scorner loueth not him that rebuketh him, neither will he goe vnto the wise.
Ayaw ang manglilibak na siya'y sawayin. Siya'y hindi paroroon sa pantas.
13 A ioyfull heart maketh a chearefull countenance: but by the sorow of the heart the minde is heauie.
Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha: nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa.
14 The heart of him that hath vnderstanding, seeketh knowledge: but the mouth of the foole is fedde with foolishnes.
Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan.
15 All the dayes of the afflicted are euill: but a good conscience is a continuall feast.
Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan.
16 Better is a litle with the feare of the Lord, then great treasure, and trouble therewith.
Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan.
17 Better is a dinner of greene herbes where loue is, then a stalled oxe and hatred therewith.
Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, kay sa matabang baka at may pagtataniman.
18 An angrie man stirreth vp strife: but hee that is slowe to wrath, appeaseth strife.
Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan.
19 The way of a slouthfull man is as an hedge of thornes: but the way of the righteous is plaine.
Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag: nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan.
20 A wise sonne reioyceth the father: but a foolish man despiseth his mother.
Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama: nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina.
21 Foolishnes is ioy to him that is destitute of vnderstanding: but a man of vnderstanding walketh vprightly.
Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait: nguni't pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad.
22 Without cousel thoughts come to nought: but in the multitude of counsellers there is stedfastnesse.
Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag.
23 A ioy commeth to a man by the answere of his mouth: and how good is a word in due season?
Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig: at ang salita sa ukol na panahon, ay anong pagkabuti!
24 The way of life is on high to the prudent, to auoyde from hell beneath. (Sheol )
Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay, upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba. (Sheol )
25 The Lord will destroye the house of the proude men: but hee will stablish the borders of the widowe.
Bubunutin ng Panginoon ang bahay ng palalo: nguni't kaniyang itatatag ang hangganan ng babaing bao.
26 The thoughts of ye wicked are abomination to the Lord: but the pure haue pleasant wordes.
Ang mga masamang katha ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang mga maligayang salita ay dalisay.
27 He that is greedie of gaine, troubleth his owne house: but he that hateth giftes, shall liue.
Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan: nguni't siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay.
28 The heart of the righteous studieth to answere: but the wicked mans mouth babbleth euil thinges.
Ang puso ng matuwid ay nagbubulay ng isasagot: nguni't ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay.
29 The Lord is farre off from the wicked: but he heareth the prayer of the righteous.
Ang Panginoon ay malayo sa masama: nguni't kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid.
30 The light of the eyes reioyceth the heart, and a good name maketh the bones fat.
Ang liwanag ng mga mata ay nagpapagalak ng puso: at ang mabubuting balita ay nagpapataba ng mga buto.
31 The eare that hearkeneth to the correction of life, shall lodge among the wise.
Ang taingang nakikinig sa saway ng buhay, ay tatahan sa gitna ng pantas.
32 Hee that refuseth instruction, despiseth his owne soule: but he that obeyeth correction, getteth vnderstanding.
Siyang tumatanggi sa saway ay humahamak sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't siyang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng kaawaan.
33 The feare of the Lord is the instruction of wisdome: and before honour, goeth humilitie.
Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan; at sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba.