< Exodus 34 >
1 And the Lord saide vnto Moses, Hewe thee two Tables of stone, like vnto the first, and I will write vpon the Tables the wordes that were in the first Tables, which thou brakest in pieces.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pumutol ka ng dalawang tipak ng bato katulad ng mga naunang tipak. Isusulat ko sa mga tipak na ito ang mga salita na nasa mga naunang tipak, ang tipak na iyong binasag.
2 And be ready in ye morning, that thou mayest come vp earely vnto the mount of Sinai, and waite there for me in the top of the mount.
Maghanda ka sa umaga at umakyat ka sa Bundok ng Sinai, at ipakita mo roon ang iyong sarili sa akin sa tuktok ng bundok.
3 But let no man come vp with thee, neither let any man be seene throughout all the mount, neyther let the sheepe nor cattell feede before this mount.
Walang sinumang aakyat kasama mo. Huwag mong hayaang kahit sino na makita kahit saan sa bundok. Walang mga kawan o pangkat ng mga hayop ang dapat manginain sa harap ng bundok”.
4 Then Moses hewed two Tables of stone like vnto the first, and rose vp earely in the morning, and went vp vnto the mount of Sinai, as the Lord had commanded him, and tooke in his hande two Tables of stone.
Kaya pumutol si Moises ng dalawang tipak ng bato katulad sa mga nauna, at maaga siyang bumangon sa umaga at umakyat sa Bundok Sinai, ayon sa tagubilin ni Yahweh sa kaniya. Kinarga ni Moises ang mga tipak ng bato na nasa kaniyang kamay.
5 And the Lord descended in the cloude, and stoode with him there, and proclaimed the name of the Lord.
Bumaba si Yahweh sa ulap at tumayo doon kasama si Moises, at binigkas niya ang pangalang “Yahweh.”
6 So the Lord passed before his face, and cried, The Lord, the Lord, strong, mercifull, and gracious, slowe to anger, and abundant in goodnesse and trueth,
Dumaan si Yahweh sa kaniya at inihayag, “Yahweh, Yahweh, ang Diyos ay maawain at mapagbigay-loob, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw sa katapatan ng tipan at mapagkakatiwalaan,
7 Reseruing mercy for thousands, forgiuing iniquitie, and transgression and sinne, and not making the wicked innocent, visiting the iniquitie of the fathers vpon ye children, and vpon childrens children, vnto the third and fourth generation.
pinananatili ang katapatan ng tipan para sa libu-libong mga salinlahi, nagpapatawad sa mga kasamaan, mga pagsuway at mga pagkakasala. Pero gagawin niyang walang kasalanan ang nagkasala. Magdadala siya ng parusa sa kasalanan ng ama sa kanilang mga anak at anak ng kanilang mga anak, hanggang sa pangatlo at pang-apat na salinlahi.”
8 Then Moses made haste and bowed him selfe to the earth, and worshipped,
Iniyuko agad ni Moses ang kaniyang ulo sa lupa at sumamba.
9 And sayde, O Lord, I pray thee, If I haue founde grace in thy sight, that the Lord woulde nowe goe with vs (for it is a stiffe necked people) and pardon our iniquitie and our sinne, and take vs for thine inheritance.
“Pagkatapos sinabi niya, “Kung ako ngayon ay nakatagpo ng pabor sa inyong paningin, Panginoon ko, pakiusap sumama kayo sa amin, dahil ang mga taong ito ay matigas ang ulo. Ipagpaumanhin ang aming kalapastanganan at ang aming kasalanan, at dalhin mo kami bilang iyong pamana.
10 And he answered, Behold, I will make a couenant before all thy people, and will do marueiles, such as haue not bene done in all the worlde, neyther in all nations: and all the people among whom thou art, shall see the worke of the Lord: for it is a terrible thing that I will do with thee.
Sabi ni Yahweh, “Tingnan mo, gagawa ako ng tipan. Sa harap ng lahat ng iyong bayan, gagawa ako ng kamangha-mangha na hindi pa nagagawa sa buong sanlibutan o kahit sa anumang bansa. Ang lahat ng tao na kasama mo ay makakakita ng aking mga gawa, dahil ito ay nakakatakot na bagay na ginagawa ko kasama kayo.
11 Keepe diligently that which I commande thee this day: Beholde, I will cast out before thee the Amorites, and the Canaanites, and the Hittites, and the Perizzites, and the Hiuites, and the Iebusites.
Sundin ninyo kung ano ang iuutos ko sa inyo ngayon. Palalayasin ko sa harap ninyo ang mga Amoreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
12 Take heede to thy selfe, that thou make no compact with ye inhabitantes of the land whither thou goest, least they be the cause of ruine among you:
Mag-ingat kayo na hindi makagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain kung saan kayo ay pupunta, o magiging patibong sila sa inyo.
13 But yee shall ouerthrowe their altars, and breake their images in pieces, and cut downe their groues,
Sa halip, dapat ninyong sirain ang kanilang mga altar, wasakin ang kanilang mga banal na haliging bato at putulin ang mga poste ni Asera.
14 (For thou shalt bow downe to none other god, because the Lord, whose Name is Ielous, is a ielous God)
Hindi kayo dapat sumamba ng ibang diyos, dahil ako lang, si Yahweh, ang may pangalang 'Mapanibugho,' ako ang mapanibughong Diyos.
15 Lest thou make a compact with the inhabitantes of the lande, and when they goe a whoring after their gods, and doe sacrifice vnto their gods, some man call thee, and thou eate of his sacrifice:
Mag-ingat kayo na hindi makagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain, nang ginawa nilang bayaran ang kanilang mga sarili sa kanilang mga diyos at maghandog sa kanilang diyos, at sinuman ang magyaya sa inyo at kakainin niyo ang ilan sa knailang handog.
16 And least thou take of their daughters vnto thy sonnes, and their daughters goe a whoring after their gods, and make thy sonnes goe a whoring after their gods.
Kahit kunin ninyo ang ilan sa kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki, at ang kaniyang mga anak na babae ay gawing bayaran ang kanilang sarili sa kanilang mga diyos, at ang inyong mga anak na lalaki ay gagawin nilang bayaran ang kanilang sarili para sa kanilang diyos.
17 Thou shalt make thee no gods of metall.
Huwag kayong gumawa ng mga diyus-diyosan para sa inyong sarili na gawa sa tinunaw na metal.
18 The feast of vnleauened bread shalt thou keepe: seuen dayes shalt thou eate vnleauened bread, as I commanded thee, in ye time of the moneth of Abib: for in the moneth of Abib thou camest out of Egypt.
Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng Walang Lebadurang Tinapay. Tulad ng aking iniutos sa inyo, kailangan ninyong kainin ang tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw at sa takdang panahon sa buwan ng Abib, dahil sa buwan ng Abib kayo ay lumabas mula Ehipto.
19 Euery male, that first openeth the wombe, shalbe mine: also all the first borne of thy flocke shalbe rekoned mine, both of beeues and sheepe.
Ang lahat ng panganay ay akin, bawat panganay ng inyong mga toro, maging ang mga baka at tupa.
20 But ye first of ye asse thou shalt bie out with a lambe: and if thou redeeme him not, then thou shalt breake his necke: all the first borne of thy sonnes shalt thou redeeme, and none shall appeare before me emptie.
Dapat ninyong bilhin muli ang panganay na asno kasama ang kordero, pero kung hindi ninyo ito bibilhin ulit, kailangan baliin ninyo ang leeg nito. Dapat ninyong bilhin muli ang lahat ng panganay ninyong anak na lalaki. Walang haharap sa akin kahit isa na walang dala.
21 Six dayes shalt thou worke, and in the seuenth day thou shalt rest: both in earing time, and in the haruest thou shalt rest.
Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw kailangan ninyong magpahinga. Kahit na sa panahon ng pagbubungkal ng lupa at pag-aani, kailangan ninyong magpahinga.
22 Thou shalt also obserue the feast of weekes in the time of ye first fruits of wheate haruest, and the feast of gathering fruites in the ende of the yere.
Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga linggo kasama ang unang pag-aani ng trigo, at dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng Pagtitipon sa huling araw ng taon.
23 Thrise in a yere shall all your men children appeare before the Lord Iehouah God of Israel.
Dapat haharap sa akin ang lahat ng inyong lalaki, si Yahweh na Diyos ng Israel, tatlong beses sa bawat taon.
24 For I wil cast out the nations before thee, and enlarge thy coasts, so that no man shall desire thy land, whe thou shalt come vp to appeare before the Lord thy God thrise in the yeere.
Dahil palalayasin ko ang mga bansa sa harap ninyo at palalawakin ang inyong hangganan. Walang sinumang maghahangad na sakupin ang inyong lupain at kukuha nito kapag kayo ay haharap sa akin, Yahweh, ang inyong Diyos, tatlong beses sa bawat taon.
25 Thou shalt not offer the blood of my sacrifice with leauen, neither shall ought of the sacrifice of the feast of Passeouer be left vnto the morning.
Hindi ninyo dapat ialay ang dugo ng aking handog nang may anumang lebadura, ni anumang karne mula sa handog sa Pista ng Paskua ang matira sa umaga.
26 The first ripe fruites of thy land thou shalt bring vnto the house of the Lord thy God: yet shalt thou not seethe a kid in his mothers milke.
Dapat ninyong dalhin sa aking bahay ang pinakamagandang unang aning prutas mula sa inyong mga bukid. Hindi ninyo dapat ilaga ang batang kambing sa gatas ng ina nito.”
27 And the Lord said vnto Moses, Write thou these words: for after the tenour of these words I haue made a couenant with thee and with Israel.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Isulat mo itong mga salita dahil ipinapangako ko ang aking sarili ng mga salitang ito na aking sinabi, at gumawa ng tipan sa inyo at sa Israel.”
28 So hee was there with the Lord fourtie dayes and fourtie nights, and did neither eat bread nor drinke water: and hee wrote in the Tables the wordes of the couenant, euen the tenne commandements.
Naroon si Moises kasama si Yahweh ng apatnapung araw at gabi; hindi siya kumain ng kahit anong pagkain o uminom ng tubig. Isinulat niya sa mga tipak ang mga salita ng tipan, ang Sampung Utos.
29 So when Moses came downe from mount Sinai, the two Tables of the Testimonie were in Moses hande, as hee descended from the mount: (nowe Moses wist not that the skinne of his face shone bright, after that God had talked with him.
Nang makababa si Moises galing sa Bundok ng Sinai dala ang dalawang tipak ng mga utos ng tipan sa kaniyang kamay, hindi niya alam na ang balat ng kaniyang mukha ay lumiwanag habang nakikipag-usap siya sa Diyos.
30 And Aaron and all the children of Israel looked vpon Moses, and beholde, the skin of his face shone bright, and they were afraid to come neere him)
Nang makita ni Aaron at ng mga Israelita si Moises, ang balat ng kaniyang mukha ay lumiliwanag, at natakot silang lumapit sa kaniya.
31 But Moses called them: and Aaron and all the chiefe of the congregation returned vnto him: and Moses talked with them.
Pero tinawag sila ni Moises, at si Aaron at ang lahat ng pinuno sa komunidad ay lumapit sa kaniya. Pagkatapos nakipag-usap si Moises sa kanila.
32 And afterwarde all the children of Israel came neere, and he charged them with al that the Lord had said vnto him in mount Sinai.
Pagkatapos nito, ang lahat ng mga tao sa Israel ay lumapit kay Moises, at sinabi niya sa kanila ang lahat ng utos na ibinigay ni Yahweh sa kaniya sa Bundok ng Sinai.
33 So Moses made an end of comuning with them, and had put a couering vpon his face.
Nang natapos makipag-usap ni Moises sa kanila, naglagay siya ng takip sa kaniyang mukha.
34 But, when Moses came before the Lord to speake with him, he tooke off the couering vntill he came out: then he came out, and spake vnto the children of Israel that which he was commanded.
Sa tuwing pupunta si Moises kay Yahweh para kausapin siya, inaalis niya ang takip. Pagkatapos ibabalik niya ang takip sa tuwing siya ay aalis. Lalabas siya sa kaniyang tolda at sasabihin sa mga Israelita kung ano ang mga naging tagubilin sa kaniya.
35 And the children of Israel sawe the face of Moses, howe the skin of Moses face shone bright: therefore Moses put the couering vpon his face, vntill he went to speake with God.
Nakita ng mga Israelita ang mukha ni Moises na nagliliwanag. Pagkatapos ilalagay niya muli ang takip sa kaniyang mukha hanggang sa bumalik siya sa loob para makipag-usap kay Yahweh.