< Daniel 6 >

1 It pleased Darius to set ouer the kingdome an hundreth and twentie gouernours, which should be ouer the whole kingdome,
Minagaling ni Dario na maglagay sa kaharian ng isang daan at dalawang pung satrapa, na doroon sa buong kaharian;
2 And ouer these, three rulers (of whome Daniel was one) that the gouernours might giue accompts vnto them, and the King should haue no domage.
At sa kanila'y tatlong pangulo, na si Daniel ay isa; upang ang mga satrapang ito ay mangagbigay-alam sa kanila, at upang ang hari ay huwag magkaroon ng kapanganiban.
3 Now this Daniel was preferred aboue the rulers and gouernours, because the spirit was excellent in him, and the King thought to set him ouer the whole realme.
Nang magkagayo'y ang Daniel na ito ay natangi sa mga pangulo at sa mga satrapa, sapagka't isang marilag na espiritu ay nasa kaniya; at inisip ng hari na ilagay siya sa buong kaharian.
4 Wherefore the rulers and gouernours sought an occasion against Daniel concerning the kingdome: but they could finde none occasion nor fault: for he was so faithfull that there was no blame nor fault found in him.
Nang magkagayo'y ang mga pangulo at ang mga satrapa ay nagsihanap ng maisusumbong laban kay Daniel, tungkol sa kaharian; nguni't hindi sila nangakasumpong ng anomang kadahilanan, ni kakulangan man, palibhasa'y tapat siya, walang anomang kamalian ni kakulangan nasumpungan sa kaniya.
5 Then sayd these men, We shall not finde an occasion against this Daniel, except we finde it against him concerning the Law of his God.
Nang magkagayo'y sinabi ng mga lalaking ito, Hindi tayo mangakakasumpong ng anomang maisusumbong laban sa Daniel na ito, liban sa tayo'y mangakasumpong laban sa kaniya ng tungkol sa kautusan ng kaniyang Dios.
6 Therefore the rulers and these gouernours went together to the King, and sayde thus vnto him, King Darius, liue for euer.
Nang magkagayo'y ang mga pangulo at mga satrapang ito ay nagpisan sa hari, at nagsabi ng ganito sa kaniya, Haring Dario, mabuhay ka magpakailan man.
7 All the rulers of thy kingdome, the officers and gouernours, the counsellers, and dukes haue consulted together to make a decree for the King and to establish a statute, that whosoeuer shall aske a petition of any god or man for thirtie dayes saue of thee, O King, he shalbe cast into the denne of lyons.
Ang lahat ng pangulo ng kaharian, ang mga kinatawan at mga satrapa, ang mga kasangguni at ang mga gobernador, ay nangagsanggunian upang magtatag ng isang palatuntunang hari sa kaharian, at upang maglagda ng isang pasiyang mahigpit, na sinomang humingi ng isang kahilingan sa kanino mang dios o tao sa loob ng tatlong pung araw, liban sa iyo, Oh hari, ihahagis sa yungib ng mga leon.
8 Nowe, O King, confirme the decree, and seale the writing, that it be not changed according to the law of the Medes and Persians, which altereth not.
Ngayon, Oh hari, papagtibayin mo ang pasiya, at lagdaan mo ng iyong pangalan ang kasulatan upang huwag mabago ayon sa kautusan ng mga taga Media at mga taga Persia, na hindi nababago.
9 Wherefore King Darius sealed the writing and the decree.
Kaya't ang kasulatan at ang pasiya ay nilagdaan ng pangalan ng haring Dario.
10 Now when Daniel vnderstood that he had sealed the writing, hee went into his house, and his window being open in his chamber toward Ierusalem, he kneeled vpon his knees three times a day, and prayed and praysed his God, as he did aforetime.
At nang maalaman ni Daniel na ang kasulatan ay nalagdaan ng pangalan siya'y pumasok sa kaniyang bahay (ang kaniya ngang mga dungawan ay bukas sa dakong Jerusalem); at siya'y lumuhod ng kaniyang mga tuhod na makaitlo isang araw, at dumalangin, at nagpasalamat sa harap ng kaniyang Dios, gaya ng kaniyang dating ginagawa.
11 Then these men assembled, and founde Daniel praying, and making supplication vnto his God.
Nang magkagayo'y nagpisan ang mga lalaking ito, at nasumpungan si Daniel na sumasamo at dumadaing sa harap ng kaniyang Dios.
12 So they came and, spake vnto the King concerning the Kings decree, Hast thou not sealed the decree, that euery man that shall make a request to any god or man within thirtie dayes, saue to thee, O King, shall be cast into the denne of lyons? The King answered, and sayd, The thing is true, according to the Lawe of the Medes and Persians, which altereth not.
Nang magkagayo'y lumapit sila, at nagsalita sa harap ng hari ng tungkol sa pasiya ng hari, Hindi ka baga naglagda ng pasiya, na bawa't tao na humingi sa kanino mang dios o tao sa loob ng tatlong pung araw, liban sa iyo, Oh hari, ihahagis sa yungib ng mga leon? Ang hari ay sumagot, at nagsabi, Ang bagay ay tunay, ayon sa kautusan ng mga taga Media at mga taga Persia, na hindi nababago.
13 Then answered they, and sayd vnto the King, This Daniel which is of the children of the captiuitie of Iudah, regardeth not thee, O King, nor the decree, that thou hast sealed, but maketh his petition three times a day.
Nang magkagayo'y nagsisagot sila, at nangagsabi sa harap ng hari, Ang Daniel na yaon na sa mga anak ng nangabihag sa Juda, hindi ka pinakukundanganan, Oh hari, o ang pasiya man na iyong nilagdaan ng pangalan, kundi dumadalangin na makaitlo isang araw.
14 When the King heard these wordes, hee was sore displeased with himselfe, and set his heart on Daniel, to deliuer him: and he laboured till the sunne went downe, to deliuer him.
Nang marinig nga ng hari ang mga salitang ito namanglaw na mainam, at inilagak ang kaniyang puso kay Daniel, upang iligtas siya; at kaniyang pinagsikapan hanggang sa paglubog ng araw na iligtas siya.
15 Then these men assembled vnto the King, and sayde vnto ye King, Vnderstand, O King, that the lawe of the Medes and Persians is, that no decree nor statute which the King confirmeth, may be altered.
Nang magkagayo'y nagpisan ang mga lalaking ito sa hari at nagsabi sa hari, Talastasin mo, Oh hari, na isang kautusan ng mga taga Media, at ng mga taga Persia, na walang pasiya o palatuntunan man na pinagtitibay ng hari na mababago.
16 Then the King commanded, and they brought Daniel, and cast him into the denne of lyons: now the King spake, and said vnto Daniel, Thy God, whome thou alway seruest, euen he will deliuer thee.
Nang magkagayo'y nagutos ang hari, at kanilang dinala si Daniel, at inihagis siya sa yungib ng mga leon. Ang hari nga ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Ang iyong Dios na pinaglilingkuran mong palagi, ay siyang magliligtas sa iyo.
17 And a stone was brought, and layed vpon the mouth of the denne, and the King sealed it with his owne signet, and with the signet of his princes, that the purpose might not be changed, concerning Daniel.
At isang bato ay dinala, at inilagay sa bunganga ng yungib; at tinatakan ng hari ng kaniyang singsing na panatak, at ng singsing na panatak ng kaniyang mga mahal na tao; upang walang anomang bagay ay mababago tungkol kay Daniel.
18 Then the King went vnto his palace, and remained fasting, neither were the instruments of musike brought before him, and his sleepe went from him.
Nang magkagayo'y umuwi ang hari sa kaniyang palacio, at nagparaan ng buong gabi na nagaayuno; at wala kahit panugtog ng tugtugin na dinala sa harap niya: at ang kaniyang pagaantok ay nawala.
19 Then the King arose early in the morning, and went in all haste vnto the denne of lyons.
Nang magkagayo'y bumangong maagang maaga ang hari, at naparoon na madali sa yungib ng mga leon.
20 And when he came to the denne, he cryed with a lamentable voyce vnto Daniel: and the King spake, and saide to Daniel, O Daniel, the seruant of ye liuing God, is not thy God (whom thou alway seruest) able to deliuer thee from the lyons?
At nang siya'y lumapit sa yungib kay Daniel, siya'y sumigaw ng taghoy na tinig; ang hari ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Oh Daniel, na lingkod ng buhay na Dios, ang iyo bagang Dios na iyong pinaglilingkurang palagi ay makapagliligtas sa iyo sa mga leon?
21 Then saide Daniel vnto the King, O King, liue for euer.
Sinabi nga ni Daniel sa hari, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man.
22 My God hath sent his Angel and hath shut the lyons mouthes, that they haue not hurt mee: for my iustice was founde out before him: and vnto thee, O King, I haue done no hurt.
Ang Dios ko'y nagsugo ng kaniyang anghel, at itinikom ang mga bibig ng mga leon, at hindi nila ako sinaktan; palibhasa'y sa harap niya ay nasumpungan akong walang sala; at gayon din sa harap mo, Oh hari, wala akong ginawang kasamaan.
23 Then was the King exceeding glad for him, and commanded that they should take Daniel out of the denne: so Daniel was brought out of the denne, and no maner of hurt was found vpon him, because he beleeued in his God.
Nang magkagayo'y natuwang mainam ang hari, at ipinagutos na kanilang isampa si Daniel mula sa yungib. Sa gayo'y isinampa si Daniel mula sa yungib, at walang anomang sugat nasumpungan sa kaniya, sapagka't siya'y tumiwala sa kaniyang Dios.
24 And by the commandement of the King these me which had accused Daniel, were brought, and were cast into the denne of lions, euen they, their children, and their wiues: and the lyons had the mastry of them, and brake all their bones a pieces, or euer they came at the groud of the denne.
At ang hari ay nagutos, at kanilang dinala ang mga lalaking yaon na nagsumbong laban kay Daniel, at sila'y inihagis nila sa yungib ng mga leon, sila ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa; at ang leon ay nanaig sa kanila, at pinagwaraywaray ang lahat ng kanilang buto, bago sila dumating sa kalooblooban ng yungib.
25 Afterwarde King Darius wrote, Vnto all people, nations and languages, that dwel in all the world: Peace be multiplied vnto you.
Nang magkagayo'y sumulat ang haring Dario sa lahat ng mga bayan, bansa, at wika na tumatahan sa buong lupa; Kapayapaa'y managana sa inyo.
26 I make a decree that in all the dominion of my kingdome, men tremble and feare before the God of Daniel: for he is the liuing God, and remayneth for euer: and his kingdome shall not perish, and his dominion shalbe euerlasting.
Ako'y nagpapasiya, na sa lahat ng sakop ng aking kaharian ay magsipanginig at mangatakot ang mga tao sa harap ng Dios ni Daniel; sapagka't siya ang buhay na Dios, at namamalagi magpakailan man, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba; at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging hanggang sa wakas.
27 Hee rescueth and deliuereth, and hee worketh signes and wonders in heauen and in earth, who hath deliuered Daniel from the power of the lyons.
Siya'y nagliligtas at nagpapalaya, at siya'y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa, na siyang nagligtas kay Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.
28 So this Daniel prospered in the reigne of Darius and in the reigne of Cyrus of Persia.
Gayon guminhawa ang Daniel na ito sa paghahari ni Dario, at sa paghahari ni Ciro na taga Persia.

< Daniel 6 >