< 2 Kings 17 >

1 In the twelft yeere of Ahaz King of Iudah began Hoshea the sonne of Elah to reigne in Samaria ouer Israel, and reigned nine yeeres.
Nang ikalabing dalawang taon ni Achaz na hari sa Juda ay nagpasimula si Oseas na anak ni Ela na maghari sa Samaria sa Israel, at nagharing siyam na taon.
2 And he did euill in the sight of the Lord, but not as the Kinges of Israel, that were before him.
At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon, bagaman hindi gaya ng mga hari sa Israel na mga una sa kaniya.
3 And Shalmaneser king of Asshur came vp against him, and Hoshea became his seruant, and gaue him presents.
Laban sa kaniya ay umahon si Salmanasar na hari sa Asiria; at si Oseas ay naging kaniyang lingkod, at dinalhan siya ng mga kaloob.
4 And the King of Asshur founde treason in Hoshea: for he had sent messengers to So King of Egypt, and brought no present vnto the King of Asshur, as he had done yeerely: therfore the king of Asshur shut him vp, and put him in prison.
At ang hari sa Asiria ay nakasumpong kay Oseas ng pagbabanta; sapagka't siya'y nagsugo ng mga sugo kay So na hari sa Egipto, at hindi naghandog ng kaloob sa hari sa Asiria, na gaya ng kaniyang ginagawa taontaon; kaya't kinulong siya ng hari sa Asiria, at ipinangaw siya sa bilangguan.
5 Then the king of Asshur came vp throughout all the lande, and went against Samaria, and besieged it three yeere.
Nang magkagayon ay umahon ang hari sa Asiria sa buong lupain, at umahon sa Samaria, at kinulong na tatlong taon.
6 In the ninth yeere of Hoshea, the King of Asshur tooke Samaria, and caryed Israel away vnto Asshur, and put them in Halah, and in Habor by the riuer of Gozan, and in the cities of the Medes.
Nang ikasiyam na taon ni Oseas, sinakop ng hari sa Asiria ang Samaria, at dinala ang Israel sa Asiria, at inilagay sila sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng Gozan, at sa mga bayan ng mga Medo.
7 For when the children of Israel sinned against the Lord their God, which had brought them out of the land of Egypt, from vnder ye hand of Pharaoh king of Egypt, and feared other gods,
At nagkagayon, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nangagkasala laban sa Panginoon nilang Dios, na siyang nagahon sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto, at sila'y natakot sa ibang mga dios.
8 And walked according to the facions of the Heathen, whom the Lord had cast out before the children of Israel, and after the maners of the Kings of Israel, which they vsed,
At lumakad sa mga palatuntunan ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel, at ng mga hari ng Israel, na kanilang ginawa.
9 And the children of Israel had done secretly things that were not vpright before the Lord their God, and throughout all their cities had built hie places, both from the tower of the watch, to the defensed citie,
At ang mga anak ni Israel ay nagsigawa ng mga lihim na bagay na hindi matuwid sa Panginoon nilang Dios, at sila'y nagsipagtayo sa kanila ng mga mataas na dako sa lahat nilang bayan mula sa moog ng mga bantay hanggang sa bayang nakukutaan.
10 And had made them images and groues vpon euery hie hill, and vnder euery greene tree,
At sila'y nangagsipaglagay ng mga haligi na pinakaalaala at mga Asera sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng lahat na sariwang punong kahoy;
11 And there burnt incense in all the hie places, as did the heathen, whom the Lord had taken away before them, and wrought wicked things to anger the Lord,
At doo'y nagsunog sila ng kamangyan sa lahat na mataas na dako, gaya ng ginawa ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap nila; at nagsigawa ng masasamang bagay upang mungkahiin ang Panginoon sa galit;
12 And serued idoles: whereof the Lord had sayd vnto them, Ye shall do no such thing,
At sila'y nagsipaglingkod sa mga diosdiosan, na siyang sa kanila ay sinabi ng Panginoon, Huwag ninyong gagawin ang bagay na ito.
13 Notwithstanding the Lord testified to Israel, and to Iudah by all the Prophets, and by all the Seers, saying, Turne from your euill wayes, and keepe my commandements and my statutes, according to all the Lawe, which I commanded your fathers, and which I sent to you by my seruants the Prophets.
Gayon ma'y tumutol ang Panginoon sa Israel, at sa Juda, sa pamamagitan ng bawa't propeta, at ng bawa't tagakita, na sinasabi, Iwan ninyo ang inyong masasamang lakad, at ingatan ninyo ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, ayon sa buong kautusan na aking iniutos sa inyong mga magulang, at aking ipinadala sa inyo, sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta.
14 Neuerthelesse they would not obey, but hardened their neckes, like to the neckes of their fathers, that did not beleeue in the Lord their God.
Gayon ma'y hindi nila dininig, kundi kanilang pinatigas ang kanilang ulo, na gaya ng ulo ng kanilang mga magulang, na hindi nagsisampalataya sa Panginoon nilang Dios.
15 And they refused his statutes and his couenant, that he made with their fathers, and his testimonies (wherewith he witnessed vnto them) and they followed vanitie, and became vaine, and followed the heathen that were round about them: concerning whome the Lord had charged them, that they should not do like them.
At kanilang itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang, at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila; at sila'y nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan, at nagsisunod sa mga bansa na nangasa palibot nila, ayon sa ibinilin ng Panginoon na huwag silang magsigawa ng gaya ng mga yaon.
16 Finally they left all the commandements of the Lord their God, and made them molten images, euen two calues, and made a groue, and worshipped all the hoste of heauen, and serued Baal.
At kanilang iniwan ang lahat na utos ng Panginoon nilang Dios, at nagsigawa ng mga larawang binubo, sa makatuwid baga'y ng dalawang guya, at nagsigawa ng isang Asera, at sinamba ang buong natatanaw sa langit, at nagsipaglingkod kay Baal.
17 And they made their sonnes and their daughters passe thorowe the fire, and vsed witchcraft and inchantments, yea, solde them selues to doe euill in the sight of the Lord, to anger him.
At kanilang pinaraan ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy, at nagsihilig sa panghuhula at mga panggagaway, at nangapabili upang magsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin siya sa galit.
18 Therefore the Lord was exceeding wroth with Israel, and put them out of his sight, and none was left but the tribe of Iudah onely.
Kaya't ang Panginoon ay totoong nagalit sa Israel, at inalis sila sa kaniyang paningin: walang naiwan kundi ang lipi ni Juda lamang.
19 Yet Iudah kept not the commandements of the Lord their God, but walked according to the facion of Israel, which they vsed.
Hindi rin naman iningatan ng Juda ang mga utos ng Panginoon nilang Dios, kundi nagsilakad sa mga palatuntunan ng Israel na kanilang ginawa.
20 Therefore the Lord cast off all the seede of Israel, and afflicted them, and deliuered them into the handes of spoylers, vntill he had cast them out of his sight.
At itinakuwil ng Panginoon ang buong binhi ng Israel, at pinighati sila at ibinigay sila sa kamay ng mga mananamsam hanggang sa kaniyang pinalayas sila sa kaniyang paningin.
21 For he cut off Israel from the house of Dauid, and they made Ieroboam the sonne of Nebat King: and Ieroboam drewe Israel away from following the Lord, and made them sinne a great sinne.
Sapagka't kaniyang inihiwalay ang Israel sa sangbahayan ni David, at kanilang ginawang hari si Jeroboam na anak ni Nabat: at pinahiwalay ni Jeroboam ang Israel sa pagsunod sa Panginoon at pinapagkasala sila ng malaking kasalanan.
22 For the children of Israel walked in all the sinnes of Ieroboam, which he did, and departed not therefrom,
At ang mga anak ni Israel ay nagsilakad sa lahat ng kasalanan ni Jeroboam na kaniyang ginawa; hindi nila hiniwalayan;
23 Vntill the Lord put Israel away out of his sight, as he had said by all his seruants the Prophets, and caryed Israel away out of their land to Asshur vnto this day.
Hanggang sa inihiwalay ng Panginoon ang Israel sa kaniyang paningin, gaya ng kaniyang sinalita sa pamamagitan ng lahat niyang lingkod na mga propeta. Gayon dinala ang Israel sa Asiria na mula sa kanilang sariling lupain, hanggang sa araw na ito.
24 And the King of Asshur brought folke from Babel, and from Cuthah, and from Aua, and from Hamath, and from Sepharuaim, and placed them in the cities of Samaria in steade of the children of Israel: so they possessed Samaria, and dwelt in the cities thereof.
At ang hari sa Asiria ay nagdala ng mga tao na mula sa Babilonia, at sa Cutha, at sa Ava, at sa Hamath at sa Sepharvaim, at inilagay sila sa mga bayan ng Samaria na kahalili ng mga anak ni Israel: at kanilang inari ang Samaria, at nagsitahan sa mga bayan niyaon.
25 And at the beginning of their dwelling there, they feared not the Lord: therefore the Lord sent lions among them, which slewe them.
At nagkagayon, sa pasimula ng kanilang pagtahan doon, na hindi sila nangatakot sa Panginoon: kaya't ang Panginoon ay nagsugo ng mga leon sa gitna nila, na pinatay ang ilan sa kanila.
26 Wherefore they spake to the King of Asshur, saying, The nations which thou hast remoued, and placed in the cities of Samaria, knowe not the maner of the God of the land: therefore he hath sent lions among them, and behold, they slay them, because they knowe not the maner of the God of the land.
Kaya't kanilang sinalita sa hari sa Asiria, na sinasabi, Ang mga bansa na iyong dinala at inilagay sa mga bayan ng Samaria, hindi nakaaalam ng paraan ng Dios sa lupain; kaya't siya'y nagsugo ng mga leon sa gitna nila, at, narito, pinatay sila, sapagka't hindi sila nakakaalam ng paraan ng Dios sa lupain.
27 Then the King of Asshur commanded, saying, Carie thither one of the Priestes whome ye brought thence, and let him goe and dwell there, and teache them the maner of the God of the countrey.
Nang magkagayo'y nagutos ang hari sa Asiria, na nagsasabi, Dalhin ninyo roon ang isa sa mga saserdote na inyong dinala mula roon; at inyong payaunin at patahanin doon, at turuan niya sila ng paraan ng Dios sa lupain.
28 So one of the Priestes, which they had caryed from Samaria, came and dwelt in Beth-el, and taught them how they shoulde feare the Lord.
Sa gayo'y isa sa mga saserdote na kanilang dinala mula sa Samaria ay naparoon at tumahan sa Beth-el, at tinuruan sila kung paanong sila'y marapat na matakot sa Panginoon.
29 Howbeit euery nation made their gods, and put them in the houses of the hie places, which the Samaritanes had made, euery nation in their cities, wherein they dwelt.
Gayon ma'y bawa't bansa ay gumawa ng mga dios sa kanikaniyang sarili, at ipinaglalagay sa mga bahay sa mga mataas na dako na ginawa ng mga Samaritano, na bawa't bansa ay sa kanilang mga bayan na kanilang tinatahanan.
30 For the men of Babel made Succoth-Benoth: and the men of Cuth made Nergal, and the men of Hamath made Ashima,
At itinayo ng mga lalake sa Babilonia ang Succoth-benoth, at itinayo ng mga lalake sa Cutha ang Nergal, at itinayo ng mga lalake sa Hamath ang Asima,
31 And the Auims made Nibhaz, and Tartak: and the Sepharuims burnt their children in the fire to Adrammelech, and Anammelech the gods of Sepharuaim.
At itinayo ng mga Avveo ang Nibhaz at ang Tharthac, at sinunog ng mga Sepharvita ang kanilang mga anak sa apoy sa Adrammelech at sa Anammelech, na mga dios ng Sefarvaim.
32 Thus they feared the Lord, and appoynted out Priestes out of them selues for the hie places, who prepared for them sacrifices in the houses of the hie places.
Sa gayo'y nangatakot sila sa Panginoon, at nagsipaghalal sila sa gitna nila ng mga saserdote sa mga mataas na dako, na siyang naghahain para sa kanila sa mga bahay, na nangasa mga mataas na dako.
33 They feared the Lord, but serued their gods after the maner of the nations whome they caryed thence.
Sila'y nangatakot sa Panginoon, at nagsipaglingkod sa kanilang sariling mga dios, ayon sa paraan ng mga bansa na kinadalhang bihag nila.
34 Vnto this day they doe after the olde maner: they neyther feare God, neyther doe after their ordinances, nor after their customes, nor after the Lawe, nor after the commandement, which the Lord commanded the children of Iaakob, whom he named Israel,
Hanggang sa araw na ito ay ginagawa nila ang ayon sa mga dating paraan: sila'y hindi nangatatakot sa Panginoon, o nagsisigawa man ng ayon sa kanilang mga palatuntunan, o ayon sa kanilang mga ayos, o ayon sa kautusan, o ayon sa utos na iniutos ng Panginoon sa mga anak ni Jacob, na kaniyang pinanganlang Israel,
35 And with whom the Lord had made a couenant, and charged them, saying, Feare none other gods, nor bowe your selues to them, nor serue them, nor sacrifice to them:
Na siyang pinakipagtipanan ng Panginoon, at pinagbilinan na sinasabi, Kayo'y huwag mangatatakot sa ibang mga dios, o nagsisiyukod man sa kanila, o magsisipaglingkod man sa kanila, o magsisipaghain man sa kanila:
36 But feare the Lord which brought you out of the land of Egypt with great power, and a stretched out arme: him feare ye, and worshippe him, and sacrifice to him.
Kundi ang Panginoon, na nagahon sa inyo mula sa lupain ng Egipto na may dakilang kapangyarihan at may unat na kamay, siya ninyong katatakutan, at sa kaniya kayo magsisiyukod, at sa kaniya kayo magsisipaghain.
37 Also keepe ye diligently the statutes and the ordinances, and the Lawe, and the commandement, which he wrote for you, that ye do them continually, and feare not other gods.
At ang mga palatuntunan, at ang mga ayos, at ang kautusan, at ang utos na kaniyang sinulat para sa inyo ay inyong isasagawa magpakailan man; at kayo'y huwag mangatatakot sa ibang mga dios:
38 And forget not the couenant that I haue made with you, neither feare ye other gods,
At ang tipan na aking ipinakipagtipan sa inyo, huwag ninyong kalilimutan; ni mangatatakot man kayo sa ibang mga dios:
39 But feare the Lord your God, and he will deliuer you out of the handes of all your enemies.
Nguni't sa Panginoon ninyong Dios ay mangatatakot kayo; at kaniyang ililigtas kayo sa kamay ng lahat ninyong mga kaaway.
40 Howbeit they obeyed not, but did after their olde custome.
Gayon ma'y hindi nila dininig, kundi kanilang ginawa ang ayon sa kanilang dating paraan.
41 So these nations feared the Lord, and serued their images also: so did their children, and their childrens children: as did their fathers, so do they vnto this day.
Sa gayo'y ang mga bansang ito ay nangatakot sa Panginoon, at nagsipaglingkod sa kanilang mga larawang inanyuan; ang kanilang mga anak ay gayon din, at ang mga anak ng kanilang mga anak, kung ano ang ginawa ng kanilang mga magulang ay gayon ang ginawa nila hanggang sa araw na ito.

< 2 Kings 17 >