< 1 Kings 10 >

1 And the Queene of Sheba hearing ye fame of Salomon (concerning the Name of the Lord) came to proue him with hard questions.
Nang mabalitaan ng reyna ng Seba ang katanyagan ni Solomon tungkol sa pangalan ni Yahweh, pumunta siya para subukin si Solomon sa pamamagitan ng mga mahihirap na tanong.
2 And she came to Ierusalem with a verie great traine, and camels that bare sweete odours, and golde exceeding much, and precious stones: and shee came to Salomon, and communed with him of all that was in her heart.
Dumating siya sa Jerusalem kasama ang isang napakahabang karawan, mga kamelyo na punong-puno ng mga pabango, maraming ginto, at maraming mga mamahaling bato. Nang siya ay dumating, sinabi niya kay Solomon lahat ng nasa loob ng kaniyang puso.
3 And Salomon declared vnto her all her questions: nothing was hid from the King, which he expounded not vnto her.
Sinagot ni Solomon lahat ng kaniyang mga katanungan. Wala ni isa man na kaniyang mga tanong ang hindi sinagot ng hari.
4 Then the Queene of Sheba sawe all Salomons wisedome, and the house that he had built,
Nang makita ng reyna ng Seba ang lahat ng karunungan ni Solomon, ang palasyo na kaniyang itinayo,
5 And the meate of his table, and the sitting of his seruants, and the order of his ministers, and their apparel, and his drinking vessels, and his burnt offrings, that he offered in the house of the Lord, and she was greatly astonied.
ang pagkain sa kaniyang hapag-kainan at mga tirahan ng kaniyang mga lingkod at kanilang mga gawain at kanilang mga kasuotan, at saka mga taga-silbi niya ng inumin at ang paraan kung paano siya nag-alay ng mga handog na susunugin sa templo ni Yahweh, wala ng espiritu sa kaniya.
6 And shee sayde vnto the King, It was a true worde that I heard in mine owne lande of thy sayings, and of thy wisedome.
Sinabi niya sa hari, “Totoo nga, ang balita na aking narinig sa sarili kong lupain tungkol sa iyong mga salita at iyong karunungan.
7 Howebeit I beleeued not this report till I came, and had seene it with mine eyes: but lo, ye one halfe was not tolde mee: for thou hast more wisedome and prosperitie, then I haue heard by report.
Hindi ko mapaniwalaan ang aking narinig hanggang sa dumating ako rito, at ngayon ay nakita ito ng aking mga mata. Wala pa pala sa kalahati ang nasabi sa akin tungkol sa iyong karunungan at kayamanan! Nahigitan mo ang katanyagan na aking nabalitaan.
8 Happy are the men, happie are these thy seruants, which stande euer before thee, and heare thy wisedome.
Pinagpala ang iyong bayan, at pinagpala ang iyong mga lingkod na palaging nasa iyong harapan, dahil naririnig nila ang iyong karunungan.
9 Blessed be the Lord thy God, which loued thee, to set thee on the throne of Israel, because the Lord loued Israel for euer and made thee King to doe equitie and righteousnesse.
Nawa ay purihin si Yahweh ang inyong Diyos, na nalulugod sa iyo, na siyang naglagay sa iyo sa trono ng Israel. Dahil walang hanggang minahal ni Yahweh ang Israel, ginawa ka niyang hari, para gumawa ka ng katarungan at katuwiran.
10 And she gaue the King sixe score talents of golde, and of sweete odours exceeding much, and precious stones. There came no more such aboundance of sweete odours, as the Queene of Sheba gaue to King Salomon.
Binigyan niya ang hari ng 120 talentong ginto at malaking halaga ng mga pabango at mga mamahaling mga bato. Wala nang mas higit pang halaga ng mga pabango tulad nitong mga ibinigay ng reyna ng Seba kay Haring Solomon ay kailanman naibigay pa muli sa kaniya.
11 The nauie also of Hiram (that caried gold from Ophir) brought likewise great plentie of Almuggim trees from Ophir and precious stones.
Ang mga barko ni Hiram, na nagdala ng ginto mula sa Ofir, ay nagdala rin mula sa Ofir ng napakaraming kahoy na algum at mga mamahaling bato.
12 And the King made of ye Almuggim trees pillars for the house of the Lord, and for ye Kings palace, and made harpes and psalteries for singers. There came no more such Almuggim trees, nor were any more seene vnto this day.
Gumawa ang hari ng mga haligi gamit ang kahoy na algum para sa templo ni Yahweh at para sa palasyo ng hari, at mga alpa at mga lira para sa mga mang-aawit. Wala nang mas madami pang bilang ng kahoy na algum ang dumating o nakita pa muli hanggang sa araw na ito.
13 And King Salomon gaue vnto the Queene of Sheba, whatsoeuer she would aske, besides that, which Salomon gaue her of his kingly liberalitie: so she returned and went to her owne countrey, both shee, and her seruantes.
Ibinigay lahat ni Haring Solomon ang lahat ng maibigan ng reyna ng Seba, anuman ang hiniling niya, karagdagan sa mga ibinigay ni Solomon ayon sa kaniyang maharlikang kabutihang-loob. Kaya bumalik siya sa kaniyang sariling lupain kasama ang kaniyang mga lingkod.
14 Also the weight of golde, that came to Salomon in one yeere, was sixe hundreth three score and six talents of gold,
Ngayon ang timbang ng ginto na dumating kay Solomon sa loob ng isang taon ay 666 talento ng ginto,
15 Besides that he had of marchant men and of the marchandises of them that solde spices, and of all the Kinges of Arabia, and of the princes of the countrey.
bukod sa mga ginto na dinala ng mga mangangalakal at mga negosyante. Lahat ng mga hari na taga-Arabia at mga gobernador sa bansa ay nagdala rin ng ginto at pilak kay Solomon.
16 And King Salomon made two hundreth targets of beaten golde, sixe hundreth shekels of gold went to a target:
Si Solomon ay nagpagawa ng dalawang-daang malalaking kalasag na binalutan ng ginto. Anim na raang siklo ng ginto ang napunta sa bawat isa.
17 And three hundreth shieldes of beaten golde, three pound of gold went to one shielde: and the King put them in the house of the wood of Lebanon.
Nagpagawa rin siya ng tatlong-daang kalasag na binalutan ng ginto. Tatlong mina ng ginto ang napunta sa bawat kalasag; inilagay ang mga ito ng hari sa loob ng Palasyo ng Kagubatan ng Lebanon.
18 Then the King made a great throne of yuorie, and couered it with the best golde.
Pagkatapos ay nagpagawa ang hari ng isang malaking trono na gawa sa garing at nilatagan ito ng pinakamataas na uri ng ginto.
19 And the throne had six steps, and the top of the throne was round behind, and there were stayes on either side on the place of the throne, and two lions standing by the stayes.
May anim na baytang papunta sa trono, at ang likod nito ay may pabilog na tuktok. May mga dantayan ng bisig sa magkabilang gilid ng upuan, at dalawang leon ang nakatayo sa tabi ng mga dantayan.
20 And there stoode twelue lions on the sixe steps on either side: there was not the like made in any kingdome.
Labingdalawang leon ang nakatayo sa mga baytang, isa sa bawat magkabilang gilid sa bawat anim na baytang. Walang anumang trono kagaya nito sa alinmang kaharian.
21 And all King Salomons drinking vessels were of golde, and all the vessels of the house of the woode of Lebanon were of pure golde, none were of siluer: for it was nothing esteemed in the dayes of Salomon.
Lahat ng iniinumang tasa ni Haring Solomon ay ginto, at lahat ng mga iniinumang tasa sa Palasyo ng Kagubatan ng Lebanon ay purong ginto. Walang pilak, dahil ang pilak ay hindi itinuturing na mahalaga noong panahon ni Solomon.
22 For the King had on the sea the nauie of Tharshish with the nauie of Hiram: once in three yere came the nauie of Tharshish, and brought golde and siluer, yuorie, and apes and peacockes.
Ang hari ay may mga grupo ng barko sa dagat na pumapalaot sa karagatan, kasama ang mga barko ni Hiram. Isang beses sa bawat tatlong taon ang mga barko ay nagdadala ng ginto, pilak, garing, gayundin ng mga bakulaw at mga malalaking unggoy.
23 So King Salomon exceeded all the kings of the earth both in riches and in wisedome.
Kaya nahigitan ni Haring Solomon ang lahat ng hari sa mundo sa kayamanan at karunungan.
24 And al the world sought to see Salomon, to heare his wisedome, which God had put in his heart,
Sinadya ng buong mundo ang presensiya ni Solomon para mapakinggan ang kaniyang karunungan, na inilagay ng Diyos sa kaniyang puso.
25 And they brought euery man his present, vessels of siluer, and vessels of golde, and raiment, and armour, and sweete odours, horses and mules, from yeere to yeere.
Ang mga bumisita sa kaniya ay nagdala ng pagpaparangal, mga sisidlang gawa sa pilak at gawa sa ginto, mga damit, mga armas, pampalasa, gayundin ng mga kabayo at mga asno, taon taon.
26 Then Salomon gathered together charrets and horsemen: and he had a thousand and foure hundreth charets, and twelue thousande horsemen, whome hee placed in the charet cities, and with the King at Ierusalem.
Sama-samang tinipon ni Solomon ang mga karwahe at mga mangangabayo. Mayroon siyang 1, 400 na mga karwahe at labing dalawang libong mangangabayo na inihimpil niya sa mga lungsod ng mga karwahe at sa kaniyang sarili sa Jerusalem.
27 And the King gaue siluer in Ierusalem as stones, and gaue cedars as the wilde figtrees that growe abundantly in the plaine.
Napakaraming pilak ang hari sa Jerusalem, kasing dami ng mga bato sa lupa. Ginawa niyang sagana ang mga kahoy na cedar gaya ng mga punong sikamoreng igos na nasa mabababang lupain.
28 Also Salomon had horses brought out of Egypt, and fine linen: the Kings marchants receiued the linen for a price.
Nagmamay-ari si Solomon ng mga kabayo na nanggaling sa Ehipto at Cilicia. Ang mga mangangalakal ng hari ay binili ang mga iyon sa kawan, bawat isang kawan ay may halaga.
29 There came vp and went out of Egypt some charet, worth sixe hundreth shekels of siluer: that is, one horse, an hundreth and fiftie and thus they brought horses to all the Kings of the Hittites and to the Kings of Aram by their meanes.
Ang mga karwahe ay binili sa labas ng Ehipto sa halagang animnaraang siklo ng pilak bawat isa, at mga kabayo ng 150 siklo bawat isa. Pagkatapos karamihan sa mga ito ay ipinagbili sa lahat ng mga hari ng mga Heteo at Arameo.

< 1 Kings 10 >