< Ruth 1 >

1 There was a famine during the time when the judges ruled Israel, so a man left Bethlehem in Judah and went to live in exile in the country of Moab, along with his wife and two sons.
Nangyari ito noong mga araw nang ang mga hukom ay namahala na nagkaroon ng taggutom doon, at isang tiyak na lalaki ng Bethlehem ng Juda ang pumunta sa bansa ng Moab kasama ang kaniyang asawa at kaniyang dalawang anak na lalaki.
2 His name was Elimelech, and his wife's name Naomi. His sons were called Mahlon and Chilion. They were Ephrathites from Bethlehem in Judah. They went to the country of Moab and lived there.
Elimelek ang pangalan ng lalaki at Naomi ang pangalan ng kaniyang asawa. Ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na lalaki ay sina Mahlon at Quelion, na mga Efrateo na taga-Bethlehem-Juda. Nakarating sila sa bansa ng Moab at nanirahan doon.
3 However, Elimelech, Naomi's husband, died, and she was left with her two sons.
Pagkatapos namatay si Elimelek na asawa ni Naomi, at naiwan siyang kasama ng kaniyang dalawang anak na lalaki.
4 The sons married Moabite women. One was called Orpah, the other was called Ruth. After about ten years,
Itong mga anak na lalaki ay kumuha ng mga asawa mula sa mga kababaihan ng Moab; ang pangalan ng isa ay Orpa at ang pangalan ng isa pa ay Ruth. Nanirahan sila roon nang halos sampung taon.
5 both Mahlon and Chilion died. Naomi was left alone, without her two sons or her husband.
Pagkatapos parehong namatay sina Mahlon at Quelion, kaya naiwan si Naomi wala ang kaniyang asawa at wala ang kaniyang dalawang anak.
6 So she and her daughters-in-law prepared to leave the country of Moab and return home because she had heard that the Lord had blessed his people there with food.
Pagkatapos nagpasya si Naomi na umalis ng Moab kasama ang kaniyang mga manugang at bumalik sa Juda dahil narinig niya sa rehiyon ng Maob na tinulungan ni Yahweh ang kaniyang bayan na nangangailangan at binigyan sila ng pagkain.
7 She left the place where she had been living and with her two daughters-in-law set out on the road back to the land of Judah.
Kaya umalis siya sa lugar kung saan siya naroon kasama ang kaniyang mga manugang na babae at naglakad sila pababa sa daan para bumalik sa lupain ng Juda.
8 However, as they left, Naomi said to her two daughters-in-law, “Each of you, go back to your mother's homes, and may the Lord be as kind to you as you have been to me, and to those who have died.
Sinabi ni Naomi sa kaniyang dalawang manugang na babae, “Lumakad, bumalik, kayo bawat isa sa inyo, sa bahay ng inyong ina. Nawa ipakita ni Yahweh ang kabaitan sa inyo, tulad ng pagpapakita ninyo ng katapatan sa namatay at sa akin.
9 May the Lord give you a good home with another husband.” She kissed them, and they all started to cry loudly.
Nawa idulot sa inyo ng Panginoon ang pahinga, bawat isa sa inyo sa bahay ng panibagong asawa.” Pagkatapos hinalikan niya sila at nagtaas sila ng mga boses at umiyak.
10 “No! We want to go back with you to your people,” they replied.
Sinabi nila sa kaniya, “Hindi! Babalik kami kasama mo sa iyong lahi.”
11 “Why do you want to go back with me?” Naomi asked. “I'm not able to have any more sons for you to marry.
Pero sinabi ni Naomi, “Bumalik kayo, aking mga anak! Bakit kayo sasama sa akin? May mga anak pa ba ako sa aking sinapupunan para sa inyo, para maging asawa ninyo?
12 Go back home, my daughters, because I'm too old to marry again. Even if I were to sleep with a new husband tonight and had sons,
Bumalik kayo, aking mga anak, lumakad sa sarili ninyong landas dahil ako ay napakatanda na para magkaroon ng asawa. Kung sabihin ko, “Umaasa akong makakuha ako ng asawa ngayong gabi,' at pagkatapos magsilang ng mga anak na lalaki,
13 would you wait for them to grow up? Would you decide you weren't going to marry anyone else? No. The whole situation is more bitter for me than it is for you, for the Lord has turned against me!”
kung gayon maghihintay pa ba kayo hanggang lumaki sila? Maghihintay pa ba kayo at hindi magpapakasal sa mga lalaki ngayon? Huwag, mga anak ko! Ito ay higit na magpapahirap sa akin kaysa magpapahirap sa inyo, dahil bumaling laban sa akin ang kamay ni Yahweh.
14 They started crying loudly again. Then Orpah kissed her mother-in-law goodbye. But Ruth held on tightly to Naomi.
Pagkatapos ang kaniyang mga manugang ay nagtaas ng kanilang mga boses at muling umiyak. Hinalikan ni Orpah ang kaniyang biyenan nang may pamamaalam, pero si Ruth ay nanatili sa kaniya.
15 “Look, your sister-in-law is going back to her people and her gods. Go back home with her,” said Naomi.
Sinabi ni Naomi, “Makinig ka, ang hipag mo ay bumalik na sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga diyos! Bumalik ka kasama ang iyong hipag.”
16 But Ruth replied, “Please don't keep on telling me to leave you and go back. Where you go, I will go. Where you live, I will live. Your people will be my people. Your God will be my God.
Pero sinabi ni Ruth, “Huwag mo akong palayuin mula sa iyo, sapagkat kung saan ka pupunta, doon ako pupunta; kung saan ka titira, doon ako titira; ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay magiging aking Diyos.
17 Where you die, I will die, and there I will be buried. May the Lord punish me harshly if I let anything but death separate us!”
Kung saan ka mamamatay, doon ako mamamatay at doon din ako ililibing. Nawa parusahan ako ni Yahweh, at kahit higit pa, kung anuman pero kamatayan kailanman ang magpahiwalay sa atin.
18 When Naomi saw that Ruth was determined to go with her, she stopped telling Ruth to go home.
Nang makita ni Naomi na nagpasya nang sumama si Ruth sa kanya, tumigil na siyang makipagtalo sa kaniya.
19 So the two of them walked on until they reached Bethlehem. When they arrived there, the whole town got excited. “Is this Naomi?” the women asked.
Kaya naglakbay ang dalawa hanggang makarating sila sa bayan ng Bethlehem. Nangyari ito nang dumating sila sa Bethlehem, ang buong bayan ay sobrang nagulat tungkol sa kanila. Sinabi ng mga kababaihan, “Ito ba si Naomi?”
20 She said to them, “Don't call me Naomi! Call me Mara, for the Almighty has treated me very bitterly.
Pero sinabi niya sa kanila, “Huwag ako tawaging Naomi. Tawagin akong Maramdamin, dahil ang Maykapal ay sobrang nagdaramdam sa akin.
21 I left here full, but the Lord has brought me home empty. Why call me Naomi when the Lord has condemned me, when the Almighty has brought disaster on me?”
Lumabas akong puno pero muli akong ibinalik ni Yahweh sa bahay ng walang dala. Kaya bakit tinatawag ninyo akong Naomi, nakikitang hinatulan ako ni Yahweh, na pinahirapan ako ng Maykapal?”
22 This is the way that Naomi returned from Moab with Ruth, the Moabite, her daughter-in-law. They arrived in Bethlehem at the beginning of the barley harvest.
Kaya sina Naomi at Ruth na Moabita, na kaniyang manugang, ay bumalik mula sa bansa ng Moab. Dumating sila sa Bethlehem sa simula ng pag-aani ng sebada.

< Ruth 1 >