< Revelation 13 >
1 And the dragon stood on the sea shore. Then I saw a beast rising out of the sea. He had ten horns and seven heads, with ten small crowns on his horns, and had blasphemous names on his heads.
Pagkatapos tumayo ang dragon sa buhangin ng dalampasigan. Pagkatapos nakita ko ang isang halimaw na umaahon mula sa dagat. Siya ay may sampung sungay at pitong ulo. Sa mga sungay nito ay may sampung korona, at sa kaniyang ulo ay may mga pangalan na paglalapastangan sa Diyos.
2 The beast I saw looked like a leopard, but his feet looked like those of a bear, and his mouth looked like that of a lion. The dragon gave the beast his power, his throne, and great authority.
Itong halimaw na nakita ko ay parang isang leopardo. Ang kaniyang mga paa ay tulad ng mga paa ng isang oso, at ang kaniyang bibig ay tulad ng bibig ng isang leon. Ibinigay ng dragon ang kapangyarihan nito sa kaniya, at ang kaniyang trono, at ang kaniyang lubos na kapangyarihan para mamuno.
3 One of his heads seemed to have suffered a death-blow, but this fatal wound had been healed. The whole world was filled with wonder at the beast,
Isa sa mga ulo ng halimaw ay nagkaroon ng nakamamatay na sugat na maaring maging sanhi ng kaniyang kamatayan. Pero ang sugat na iyon ay humilom, at ang buong mundo ay namangha at sumunod sa halimaw.
4 and they worshiped the dragon because he had given his authority to the beast; and they worshiped the beast, asking “Who is like the beast? Who could defeat him?”
Sinamba rin nila ang dragon, dahil ibinigay niya ang kaniyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw at paulit-ulit na sinabi, “Sino ang tulad ng halimaw? at “Sino ang maaaring lumaban sa kaniya?”
5 He was given the ability to make great boasts and speak blasphemies, and he was also given the authority to do this for forty-two months.
Binigyan ang halimaw ng bibig na maaring magsalita ng mga mapagmataas na mga salita at mga paglalapastangan. Pinahintulutan siyang gamitin ang kapangyarihan ng apatnapu't dalawang buwan.
6 As soon as he opened his mouth he spoke blasphemies against God, insulting his character, his sanctuary, and those who live in heaven.
Kaya binuksan ng halimaw ang kaniyang bibig para magsalita ng mga paglalapastangan laban sa Diyos, hinahamak ang kaniyang pangalan, ang lugar kung saan siya nanirahan, at silang mga naninirahan sa langit.
7 The beast was given power to attack believers and defeat them, and he was also given authority over every people, tribe, language, and nation.
Pinahintulutan ang halimaw na makipagdigmaan sa mga mananampalataya at para lupigin sila. Gayundin, ibinigay sa kaniya ang kapangyarihan ng bawat lipi, mga tao, wika, at bansa.
8 Everybody living on earth will worship him, those whose names had not been written in the book of life—the book of life that belongs to the Lamb slain from the beginning of the world.
Lahat ng mga naninirahan sa lupa ay sasambahin siya, ang lahat ng hindi nakasulat ang pangalan, simula pa nang nilikha ang mundo, sa aklat ng buhay, na pagmamay-ari ng Kordero, siyang pinatay.
9 If you have ears, listen!
Kung sinuman ang may tainga, hayaan siyang makinig.
10 Anyone who has to go into captivity will go into captivity; anyone who has to die by the sword will die by the sword. This demonstrates the patient endurance and confidence in God of the believers.
Kung sinuman ang hinuli sa pagkabihag, sa pagkabihag siya ay mapupunta. Kung sinuman ang papatayin gamit ang espada, sa espada siya mapapatay. Ito ay isang panawagan para sa matiyagang pagtitiis at pananampalataya para sa kanila na mga banal.
11 Then I saw another beast, rising up from the earth. He had two horns like a lamb, but he spoke like a dragon.
Pagkatapos nakakita ako ng isa pang halimaw na lumalabas mula sa lupa. Mayroon siyang dalawang sungay tulad ng tupa at nagsalita siya tulad ng isang dragon.
12 He imposed the same authority as the first beast on his behalf, and made the earth and those who live there worship the first beast, whose fatal wound had been healed.
Ginamit niya ang lahat ng kaniyang kapangyarihan tulad ng naunang halimaw na nasa kaniyang presensya, at ginawa ang mundo at sa mga naninirahan dito ay sumasamba sa unang halimaw — siya na may nakamamatay na sugat na gumaling.
13 He performed great miracles, even bringing fire down from heaven to earth while people watched.
Gumawa siya ng mga makapangyarihang himala, kahit pabagsakin ang apoy sa lupa mula sa langit sa harap ng mga tao,
14 He deceived those who live on the earth by the miracles he performed on behalf of the beast, ordering the people that they should make an image for the beast who had received the fatal sword wound but came back to life.
at sa pamamagitan ng mga tandang pinahintulutan siyang gawin, kaniyang nilinlang ang mga naninirahan sa lupa, sinasabihan niya sila na gumawa ng larawan sa karalangan ng halimaw na nasugatan sa pamamagitan ng espada, pero buhay pa rin siya.
15 He was permitted to breathe life into the image of the beast so that it could speak, ordering anyone who did not worship it put to death.
Pinahintulutan siya na bigyan ng hininga ang imahe ng halimaw kaya ang imahe ay nakapagsalita at papatayin ang dumudulot sa lahat na tumanggi para sambahin ang halimaw para patayin.
16 He made everyone, whether weak or powerful, rich or poor, free or slave, receive a mark on their right hand or on their foreheads.
Pinilit din niya ang lahat, hindi mahalaga at malakas, mayaman at mahirap, malaya at alipin, para tumanggap ng tatak sa kanang kamay o sa noo.
17 Nobody was permitted to buy or sell except those who had the mark, which was the name of the beast or the number of his name.
Hindi maaring bumili o pagbilhan ang kahit sino maliban na lamang kung siya ay may tatak ng halimaw, iyon ayn, ang bilang na kumakatawan sa kaniyang pangalan.
18 Wisdom is needed here. Whoever has understanding should calculate the number of the beast, for it is the number of a man. His number is 666.
Ito ay tumatawag para sa karunungan. Kung sino ang may kabatiran, hayaan siyang bilangin ang bilang ng halimaw. Dahil ito ang bilang ng isang tao. Ang kaniyang bilang ay 666.