< Psalms 78 >
1 A psalm (maskil) of Asaph. Listen to what I have to teach you, my people; hear what I have to say.
Dinggin ninyo ang aking mga tinuturo, aking bayan, makinig kayo sa mga salita ng aking bibig.
2 I will tell you wise sayings; I will explain mysteries from the past
Bubuksan ko ang aking bibig sa mga talinhaga; aawit ako tungkol sa mga bagay na lihim tungkol sa nakaraan.
3 that we have heard before and reflected on; stories our forefathers passed down to us.
Ito ang mga bagay na narinig at natutunan natin, mga bagay na sinabi sa atin ng ating mga ninuno.
4 We will not keep them from our children; we will tell the next generation about God's marvelous actions—about his power and the amazing things he has done.
Hindi natin ito itatago sa kanilang mga kaapu-apuhan. Sasabihin natin sa susunod na salinlahi ang tungkol sa kapuri-puring mga bagay na ginawa ni Yahweh, ang kaniyang kalakasan, at ang mga kababalaghan na kaniyang ginawa.
5 He gave his laws to the descendants of Jacob; his instructions to the people of Israel. He commanded our forefathers to teach them to their children,
Dahil tinatag niya ang mga utos sa tipan kay Jacob at nagtalaga ng batas sa Israel. Inutusan niya ang ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak.
6 so that the next generation—children yet to be born—would understand and grow up to teach their children.
Inutos niya ito para malaman ng darating na salinlahi ang kaniyang mga tuntunin, ang mga bata na hindi pa ipinapanganak ay dapat din nilang sabihin ito sa kanilang mga magiging anak.
7 In this way they should place their trust in God and not forget what God has done, and keep his commandments.
Pagkatapos, ilalagak nila ang kanilang pag-asa sa Diyos at hindi kalilimutan ang mga ginawa niya pero susundin ang kaniyang mga kautusan.
8 Then they would not be like their forefathers, a stubborn and rebellious generation that was untrustworthy and unfaithful.
Pagkatapos, hindi (sila) magiging katulad ng kanilang mga ninuno, na matigas ang ulo at rebeldeng salinlahi, salinlahi na hindi tama ang mga puso, at hindi mapagkakatiwalaan at hindi tapat sa Diyos.
9 The soldiers of Ephraim, though armed with bows, ran away on the day of battle.
Ang mga taga-Efraim ay armado ng mga pana, pero umatras (sila) sa araw ng labanan.
10 They did not keep God's agreement, and refused to follow his laws.
Hindi nila iningatan ang tipan sa Diyos, at tumanggi silang sumunod sa kaniyang batas.
11 They ignored what he had done, and the amazing things he had shown them—
Nakalimutan nila ang kaniyang mga ginawa, ang mga kamangha-manghang bagay na ipinakita niya sa kanila.
12 the miracles he had performed for their forefathers near Zoan in Egypt.
Gumawa siya ng kahanga-hangang mga bagay sa harap ng kanilang mga ninuno sa lupain ng Ehipto, sa lupain ng Soan.
13 He split the sea in two and led them through, making the water stand like walls on either side.
Hinati niya ang dagat at dinala (sila) sa kabila nito; pinatayo niya ang mga tubig na gaya ng mga pader.
14 He led them with a cloud by day, and by night with a light of fire.
Sa umaga, pinangunahan niya (sila) ng ulap at sa buong gabi sa liwanag ng apoy.
15 He split open rocks in the desert to give his people plenty to drink, water as deep as the ocean.
Biniyak niya ang mga bato sa ilang, at binigyan (sila) ng maraming tubig, sapat para punuin ang kailaliman ng dagat.
16 He made streams flow from the stone; water rushing down like rivers!
Nagpaagos siya ng tubig mula sa bato at pinadaloy ang tubig gaya ng mga ilog.
17 But they repeatedly sinned against him, rebelling against the Most High in the desert.
Pero pinagpatuloy pa rin nilang magkasala sa inyo, nagrerebelde laban sa Kataas-taasang Diyos sa ilang.
18 They deliberately provoked God by demanding the foods they longed for.
Hinamon nila ang Diyos sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng paghingi ng pagkain para pawiin ang kanilang gutom.
19 They insulted God by saying, “Can God provide food here in the desert?
Nagsalita (sila) laban sa Diyos: Sabi nila, “Kaya ba talaga ng Diyos na maglatag ng lamesa para sa atin sa ilang?
20 Yes, he can strike a rock so that water gushes out like flowing rivers, but can he give us bread? Can he supply his people with meat?”
Tingnan ninyo, nang hinampas niya ang bato, bumulwak ang tubig at nag-umapaw ang pagdaloy nito. Pero kaya din ba niya na magbigay ng tinapay? Magbibigay ba siya ng karne para sa kaniyang bayan?
21 When he heard this, the Lord became very angry, burning like fire against the descendants of Jacob, furious with the people of Israel,
Nang narinig ito ni Yahweh, nagalit siya; kaya nag-alab ang kaniyang apoy laban kay Jacob, nilusob ng galit niya ang Israel,
22 for they didn't believe in God and didn't trust him to take care of them.
dahil hindi (sila) naniwala sa Diyos at hindi (sila) nagtiwala sa kaniyang kaligtasan.
23 Even so he commanded the skies above and the doors of heaven to open,
Gayumpaman, inutusan niya ang mga kalangitan at binuksan ang pinto nito.
24 and he made manna rain down on them to eat, giving them bread from heaven.
Nagpaulan siya ng manna para sa kainin nila, at binigyan (sila) ng butil mula sa langit.
25 Human beings ate the bread of angels; he sent them more than enough food.
Kinain ng mga tao ang tinapay ng mga anghel. Nagpadala siya sa kanila ng masaganang pagkain.
26 He sent the east wind blowing across the sky; by his power he drove the south wind.
Pinaihip niya ang silangang hangin sa kalangitan, at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginabayan niya ang katimugang hangin.
27 He rained down meat on them as plentiful as dust; birds as numerous as sand on a beach.
Nagpaulan siya ng karne para sa kanila gaya ng alikabok, mga ibon na singdami ng mga buhangin sa dagat.
28 He made them fall right in the middle of their camp, all around where they were living.
Nahulog ito sa gitna ng kanilang kampo, sa buong paligid ng kanilang mga tolda.
29 They ate until they were full. He gave them the food they longed for.
Kaya kumain (sila) at nabusog. Binigay niya ang gusto nila.
30 But before they satisfied their appetite, while the meat was still in their mouths,
Pero hindi pa rin (sila) nabusog; ang kanilang pagkain ay nasa mga bibig pa rin nila.
31 God became angry with them and he killed their strongest men, striking them down in the prime of life.
Pagkatapos, nilusob (sila) ng galit ng Diyos at pinatay ang pinakamalalakas sa kanila. Tinumba niya ang mga batang lalaki ng Israel.
32 Despite all this they went right on sinning. Despite the miracles, they refused to trust him.
Sa kabila nito, patuloy pa rin silang nagkasala at hindi (sila) naniwala sa kaniyang kahanga-hangang mga ginawa.
33 So he snuffed out their futile lives, bringing them to an end in terror.
Dahil dito, pinaikli ng Diyos ang kanilang mga araw; ang kanilang mga taon ay napuno ng takot.
34 When he began killing them, the rest came back to God in repentance, praying to him.
Sa tuwing pinapahirapan (sila) ng Diyos, nagsisimula silang hanapin siya, at babalik (sila) at masidhing hahanapin siya.
35 They remembered that God was their rock, that God Most High was their Savior.
Maaalala nila na ang Diyos ang kanilang bato at ang Kataas-taasang Diyos ang kanilang tagapagligtas.
36 They flattered him by what they told him, but they were only lying.
Pero bobolahin siya nila sa pamamagitan ng kanilang bibig at magsisinungaling (sila) sa pamamagitan ng kanilang mga salita.
37 Deep down they were not sincere, and did not keep the agreement they had with him.
Dahil ang kanilang mga puso ay hindi matatag na nakatuon sa kaniya, at hindi (sila) tapat sa kaniyang tipan.
38 But being compassionate he pardoned their guilt and did not destroy all of them. He often held back his anger—he did not pour out all his fury.
Gayumpaman, siya ay naging maawain, pinatawad niya ang kanilang labis na kasalanan at hindi (sila) winasak. Oo, maraming beses niyang pinigil ang kaniyang galit at hindi pinukaw lahat ang kaniyang matinding galit.
39 He remembered their mortality—that they were like a puff of wind that would not return.
Inalala niya na (sila) ay gawa sa laman, isang hangin na umiihip at hindi na bumalik.
40 How often they rebelled against him in the wilderness, giving him grief in the desert!
Napakadalas nilang nagrebelde laban sa kaniya sa ilang at pinagdalamhati siya sa tigang na mga rehiyon!
41 Again and again they provoked God, causing pain to the Holy One of Israel.
Paulit-ulit nilang sinubok ang Diyos at sinaktan ang Banal ng Israel.
42 They did not remember his strength when he rescued them from their oppressors,
Hindi nila inisip ang kaniyang kapangyarihan, kung paano niya (sila) niligtas mula sa mga kalaban
43 performing miracles in Egypt, doing wonderful things on the plain of Zoan.
nang ipinakita niya ang nakasisindak na mga tanda sa Ehipto at kababalaghan niya sa rehiyon ng Soan.
44 There he turned their rivers and their streams into blood so that no one could drink from them.
Ginawa niyang dugo ang mga ilog ng Ehipto para hindi (sila) makainom mula sa kanilang mga batis.
45 He sent flies among them to destroy them, and frogs to ruin everything.
Nagpadala siya ng kulupon ng mga langaw na lumamon sa kanila at mga palaka na kumalat sa kanilang lupain.
46 He gave their crops to locusts; everything they worked had for was taken by locusts.
Binigay niya ang kanilang mga pananim sa mga tipaklong at ang trabaho nila sa mga balang.
47 He destroyed their vines with hail, and their fig trees with freezing rain.
Winasak niya ang kanilang mga taniman gamit ang yelo at ang kanilang mga punong sikamore ng mas maraming pang yelo.
48 He handed over their cattle to hail and their flocks to lightning bolts.
Nagpaulan siya ng yelo sa kanilang mga baka at naghagis ng mga kidlat sa kanilang mga baka.
49 He poured out on them his fierce anger—rage and hostility and anguish—sending a band of destroying angels against them.
Ang bagsik ng kaniyang galit ay humagupit laban sa kanila. Pinadala niya ang kaniyang poot, matinding galit, at kaguluhan tulad ng mga kinatawan na sinugo para magdala ng sakuna.
50 He sent his unrestrained anger against them; he did not spare them from death, handing them over to the plague.
Itinaas niya ang landas ng kaniyang galit; hindi niya (sila) niligtas mula sa kamatayan pero ibinigay niya (sila) sa salot.
51 He struck down all the firstborn of Egypt, the first to be conceived in the tents of Ham.
Pinatay niya ang lahat ng panganay sa Ehipto, ang panganay ng kanilang lakas sa mga tolda ni Ham.
52 But he led out his people like sheep, and guided them like a flock in the wilderness.
Inakay niya ang sarili niyang bayan gaya ng tupa at ginabayan (sila) mula sa ilang gaya ng isang kawan.
53 He led them to safety, and they were not afraid. He drowned their enemies in the sea.
Inakay niya (sila) nang may kapanatagan at walang takot, pero nagapi ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 He brought them to the border of his holy land, to this mountainous land that he had conquered for them.
Pagkatapos, dinala niya (sila) sa hangganan ng kaniyang banal na lupain, sa kaniyang bundok na nakuha ng kaniyang kanang kamay.
55 He drove out the heathen nations before them. He divided up the land for them to own. He settled the tribes of Israel in their tents.
Tinaboy niya ang mga bansa sa kanilang mga harapan at itinalaga (sila) sa kanilang pamana; pinatira niya ang mga tribu ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 But they provoked God Most High, rebelling against him. They did not follow what he had told them.
Pero hinamon at sumuway (sila) sa Kataas-taasang Diyos at hindi sinunod ang kaniyang banal na mga kautusan.
57 Just like their forefathers they turned away from God and were unfaithful to him, as twisted as a defective bow.
Hindi (sila) tapat at kumilos (sila) nang may kataksilan gaya ng kanilang mga ama; hindi (sila) maaasahan tulad ng isang sirang pana.
58 They made him angry with their pagan high places of worship; they made him jealous with their idols.
Dahil siya ay ginalit nila sa kanilang paganong mga templo at pinukaw siya na magalit dahil sa kanilang mga diyos-diyosan.
59 When God heard their worship he became furious and he totally rejected Israel.
Nang marinig ito ng Diyos, nagalit siya at lubusang itinakwil ang Israel.
60 He abandoned his place at Shiloh, the Tabernacle where he lived among the people.
Iniwan niya ang banal na santuwaryo ng Shilo, ang tolda kung saan siya naninirahan kasama ng mga tao.
61 He surrendered the Ark of his power, allowing it to be captured; handing it over into enemy hands.
Hinayaan niyang mahuli ang kaniyang lakas at ibinigay niya ang kaniyang kaluwalhatian sa kamay ng kaniyang mga kaaway.
62 He handed over his people to be slaughtered by the sword; he was furious with his chosen people.
Ibinigay niya ang kaniyang bayan sa mga espada, at nagalit siya sa kaniyang pamana.
63 Their young men were destroyed by fire; their young women had no wedding songs.
Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata, at ang mga dalaga nila ay walang mga kantang pangkasal.
64 Their priests were killed by the sword; their widows were unable to mourn.
Nahulog ang kanilang mga pari sa espada, at ang kanilang mga balo ay hindi makaiyak.
65 Then the Lord woke up as if from sleep, as a warrior sobering up from drinking wine.
Pagkatapos, gumising ang Diyos mula sa pagkakatulog, gaya ng isang mandirigma na sumisigaw dahil sa alak.
66 He defeated his enemies, striking them on the back, causing them everlasting shame.
Pinaatras niya ang kaniyang mga kaaway; inilagay niya (sila) sa walang hanggang kahihiyan.
67 He rejected the descendants of Joseph, and did not choose the tribe of Ephraim.
Tinanggihan niya ang tolda ni Jose, at hindi niya pinili ang tribu ni Efraim.
68 Instead he chose the tribe of Judah, and Mount Zion which he loves.
Pinili niya ang tribu ng Juda at Bundok ng Sion na iniibig niya.
69 There he built his sanctuary, high like the heavens, on earth that he made to last forever.
Itinayo niya ang kaniyang banal na santuwaryo gaya ng langit, gaya ng daigdig na kaniyang itinatag magpakailanman.
70 He chose his servant David, taking him from the sheep pens,
Pinili niya si David, ang kaniyang lingkod, at kinuha siya mula sa kulungan ng mga tupa.
71 taking him from caring for the sheep and lambs to be a shepherd to the descendants of Jacob—God's special people, Israel.
Kinuha siya mula sa pagsunod sa mga babaeng tupa kasama ng mga kanilang anak, at dinala siya para maging pastol ni Jacob, ng kaniyang bayan, at ng Israel, na kaniyang pamana.
72 Like a shepherd, he took care of them with sincere devotion, leading them with skillful hands.
Pinatnubayan (sila) ni David nang may dangal sa kaniyang puso, at ginabayan (sila) sa pamamagitan ng kahusayan ng kaniyang mga kamay.