< Proverbs 10 >

1 Solomon's proverbs. A wise son makes his father happy, but a stupid son only brings his mother grief.
Mga kawikaan ni Salomon. Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama: nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina.
2 Wealth gained through evil does you no good; but living right saves you from death.
Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
3 The Lord doesn't let good people go hungry, but he stops the wicked from getting what they want.
Hindi titiisin ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid: nguni't kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama.
4 Lazy hands make you poor, but hard-working hands make you rich.
Siya'y nagiging dukha na gumagawa ng kamay na walang kasipagan: nguni't yumayaman ang kamay ng masipag.
5 A son who gathers crops during the summer is sensible, but the one who sleeps during harvest brings disgrace.
Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak: nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya.
6 Those who are good are blessed, but what the wicked say hides their violent nature.
Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
7 The good are remembered as a blessing, but the reputation of the wicked will rot.
Ang alaala sa ganap ay pinagpapala: nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam.
8 Those who think wisely pay attention to instruction, but a stupid chatterbox ends up in disaster.
Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.
9 Honest people will live in safety, but those who behave deceitfully will be caught out.
Siyang lumalakad ng matuwid ay lumalakad na tiwasay: nguni't siyang sumisira ng kaniyang mga lakad ay makikilala.
10 People who wink slyly cause trouble, but someone who gives a strong rebuke brings peace.
Siyang kumikindat ng mata ay nagpapapanglaw: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.
11 What good people say is a spring that gives life, but what the wicked say hides their violent nature.
Ang bibig ng matuwid, ay bukal ng kabuhayan: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
12 Hatred causes conflict, but love covers all wrongs.
Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan: nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang.
13 Wisdom comes from people with good judgment, but stupid people are punished with a rod.
Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan: nguni't ang pamalo ay sa likod ng walang unawa.
14 Wise people accumulate knowledge, but the chattering of stupid people is a prelude to disaster.
Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak.
15 The wealth of the rich provides them protection, while the poverty of the poor ruins them.
Ang kayamanan ng mayaman ay ang kaniyang matibay na bayan: ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan.
16 If you do right you're rewarded with life, but if you're wicked all you gain is sin.
Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay; ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala.
17 If you accept instruction, you're on the path to life, but if you reject correction you'll go astray.
Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway: nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali.
18 Anyone who hides their hatred is lying, and anyone who spreads slander is stupid.
Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi; at siyang nagpaparatang ay mangmang.
19 If you talk too much, you'll say something wrong. Be wise and take care what you say.
Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang: nguni't siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan.
20 What good people say is like the best silver, but the mind of the wicked isn't worth much.
Ang dila ng matuwid ay parang piling pilak: ang puso ng masama ay kaunti ang halaga.
21 Advice from good people helps feed many others, but stupid people die because they have no sense.
Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami: nguni't ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa.
22 The Lord's blessing makes you rich, and he doesn't add any sadness to accompany it.
Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman, at hindi niya idinadagdag ang kapanglawan.
23 Stupid people think it's fun to do wrong, but someone who has wisdom understands what's right.
Isang paglilibang sa mangmang ang paggawa ng kasamaan: at gayon ang karunungan sa taong naguunawa.
24 What the wicked fear will happen to them, while what good people hope for will be granted.
Ang takot ng masama ay darating sa kaniya: at ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob.
25 When the storm hits, the wicked are no more, but the good are safe and secure forever.
Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang masama: nguni't ang matuwid ay walang hanggang patibayan.
26 In the same way vinegar irritates the teeth and smoke irritates the eyes, lazy people irritate their employers.
Kung paano ang suka sa mga ngipin, at kung paano ang usok sa mata, gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kaniya.
27 Honoring the Lord makes your life longer, but the years the wicked live will be cut short.
Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan: nguni't ang mga taon ng masama ay mangangaunti.
28 Good people look forward to happiness, but the hopes of the wicked come to nothing.
Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan: nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala.
29 The way of the Lord protects those who do right, but he destroys those who do evil.
Ang daan ng Panginoon ay katibayan sa matuwid; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.
30 The good will never be removed from the land, but the wicked will not remain there.
Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man: nguni't ang masama ay hindi tatahan sa lupain.
31 What good people say produces wisdom, but liars will have their tongues cut out.
Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan: nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay.
32 Good people know the right thing to say, but the wicked always lie.
Nalalaman ng mga labi ng matuwid ang nakalulugod: nguni't ang bibig ng masama ay nagsasalita ng karayaan.

< Proverbs 10 >