< Nehemiah 9 >
1 On the twenty-fourth day of this same month, the Israelites met together, fasting and wearing sackcloth, with dust on their heads.
Nang ikadalawang pu't apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may pananamit na magaspang, at may lupa sa ulo nila.
2 Those of Israelite ancestry separated themselves from the foreigners, and stood to confess their sins and those of their forefathers.
At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan, at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang.
3 They spent three hours standing there reading the Book of the Law of the Lord their God, and another three hours confessing their sins and worshiping the Lord their God.
At sila'y nagsitayo sa kanilang dako, at bumasa sa aklat ng kautusan ng Panginoon nilang Dios ng isang ikaapat na bahagi ng araw; at ang isang ikaapat na bahagi ay nagpahayag ng kasalanan, at nagsisamba sa Panginoon nilang Dios.
4 The Levites stood on the stage and called out loudly to the Lord their God. (Their names were Jeshua, Bani, Kadmiel, Shebaniah, Bunni, Sherebiah, Bani, and Chenani.)
Nang magkagayo'y nagsitayo sa mga baytang ng mga Levita, si Jesua, at si Bani, si Cadmiel, si Sebanias, si Bunni, si Serebias, si Bani at si Chenani, at nagsidaing ng malakas sa Panginoon nilang Dios.
5 Then the Levites announced: “Stand up and praise the Lord your God who lives eternally: ‘May who you are and your glory be blessed, and may you be lifted up above all blessing and praise.’” (The names of the Levites were Jeshua, Kadmiel, Bani, Hashabneiah, Sherebiah, Hodiah, Shebaniah, and Pethahiah.)
Nang magkagayo'y ang mga Levita; si Jesua at si Cadmiel, si Bani, at si Hosabnias, si Serebias, si Odaias, si Sebanias, at si Pethaia, ay nagsipagsabi, Kayo'y magsitayo at magsipuri sa Panginoon ninyong Dios na mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan: at purihin ang iyong maluwalhating pangalan, na nataas ng higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri.
6 They prayed, “Only you are the Lord. It was you who made the sky, the heavens with all their stars, the land and everything on it, the seas and everything in them. You give life to all of them, and all the heavenly beings worship you.
Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.
7 You are the Lord, the God who chose Abram, who led him out of Ur of the Chaldeans and named him Abraham.
Ikaw ang Panginoon na Dios, na siyang pumili kay Abram, at naglabas sa kaniya sa Ur ng mga Caldeo, at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.
8 You knew he would be faithful to you, and made an agreement with him to give him and his descendants the land of the Canaanites, Hittites, Amorites, Perizzites, Jebusites, and Girgashites. You kept your promise, because you do what is right.
At nasumpungan mo ang kaniyang puso na tapat sa harap mo, at nakipagtipan ka sa kaniya, upang ibigay ang lupain ng Cananeo, ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Jebuseo, at ng Gergeseo, upang ibigay sa kaniyang binhi, at tumupad ng iyong mga salita; sapagka't ikaw ay matuwid.
9 You saw how much our forefathers were suffering in Egypt. You heard their cries for help at the Red Sea.
At iyong nakita ang kadalamhatian ng aming mga magulang sa Egipto, at iyong dininig ang kanilang daing sa tabi ng Dagat na Mapula:
10 You performed miraculous signs and wonders against Pharaoh, all his officials, and all his people of his land, for you recognized how arrogantly they treated our forefathers. You created a wonderful reputation for yourself that people still recognize to this day.
At nagpakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod, at sa buong bayan ng kaniyang lupain; sapagka't iyong nakilala na sila'y nagsigawa na may kapalaluan laban sa kanila; at ipinagimbot mo ikaw ng pangalan gaya sa araw na ito.
11 You split the sea apart in front of them so that they could walk through it on dry ground. But you threw their pursuers into the depths of the sea, like stones thrown into raging waters.
At iyong hinawi ang dagat sa harap nila na anopa't sila'y nagsidaan sa gitna ng dagat sa tuyong lupa; at ang mga manghahabol sa kanila ay iyong ibinulusok sa mga kalaliman na gaya ng isang bato sa malalim na tubig.
12 You led them with a column of cloud during the day, and a column of fire at night, showing them the way which they should go.
Bukod dito'y iyong pinatnubayan sila sa isang tila haliging ulap sa araw; at sa isang tila haliging apoy sa gabi, upang bigyan sila ng tanglaw sa daan na kanilang lalakaran.
13 You descended on Mount Sinai. You spoke to them from heaven. You gave them right ways to live, true laws, and good regulations and commandments.
Ikaw rin naman ay bumaba sa bundok ng Sinai, at nagsalita ka sa kanila mula sa langit, at binigyan mo sila ng mga matuwid na kahatulan at mga tunay na kautusan, mga mabuting palatuntunan at mga utos:
14 You explained your holy Sabbath to them. You gave them commandments and regulations and laws through your servant Moses.
At ipinakilala mo sa kanila ang iyong banal na sabbath, at nagutos ka sa kanila ng mga utos, at ng mga palatuntunan, at ng kautusan, sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod:
15 When they were hungry you gave them bread from heaven, and when they were thirsty you brought water out of the rock for them. You told them to go and take ownership of the land which you had sworn to give them.
At nagbigay ka sa kanila ng tinapay na mula sa langit sa kanilang pagkagutom, at nilabasan mo sila ng tubig na mula sa malaking bato sa kanilang pagkauhaw, at inutusan mo sila na magsipasok na ariin ang lupain na iyong isinumpa upang ibigay sa kanila.
16 But they and our forefathers acted arrogantly and became stubborn, and didn't pay attention to your commands.
Nguni't sila at ang aming mga magulang ay nagsigawa na may kapalaluan, at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi dininig ang iyong mga utos.
17 They refused to listen to you, and forgot about all the miracles you did for them. They became obstinate and decided to choose themselves a leader to take them back to slavery in Egypt. But you are a forgiving God, gracious and merciful, slow to get angry, and full of trustworthy love. You did not give up on them,
At nagsitanggi na magsisunod, ni hindi man inalaala ang iyong mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila, kundi nagpatigas ng kanilang leeg, at sa kanilang panghihimagsik ay naghalal ng isang punong kawal upang magsibalik sa kanilang pagkabihag. Nguni't ikaw ay Dios na madaling magpatawad, mapagbiyaya at puspos ng kaawaan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kahabagan, at hindi mo pinabayaan sila.
18 even when they made themselves a metal calf and said, ‘This is your god who led you out of Egypt,’ and committed terrible blasphemies.
Oo, nang sila'y magsigawa sa kanila ng isang guyang binubo, at magsabi, Ito ay iyong Dios na nagahon sa iyo mula sa Egipto, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi;
19 But you because you are so merciful didn't abandon them in the desert. The column of cloud didn't stop guiding them during the day, and the column of fire continued to light their way at night.
Gayon ma'y ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo pinabayaan sila sa ilang: ang tila haliging ulap ay hindi humiwalay sa kanila sa araw, upang patnubayan sila sa daan; ni ang tila haliging apoy man sa gabi, upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran.
20 You gave your good Spirit to teach them. You did not stop feeding them with your manna, and you gave them water when they were thirsty.
Iyo rin namang ibinigay ang iyong mabuting Espiritu upang turuan sila, at hindi mo inaalis ang iyong mana sa kanilang bibig, at bigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw.
21 You took care of them for forty years in the desert. Their clothes didn't wear out, they didn't want for anything. Their feet didn't even swell up!
Oo apat na pung taon na iyong kinandili sila sa ilang, at hindi sila nagkulang ng anoman; ang kanilang mga suot ay hindi naluma, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.
22 You gave them kingdoms and nations; you assigned their borders. They took control of the land of Sihon, king of Heshbon, and of Og, king of Bashan.
Bukod dito'y binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bayan, na iyong binahagi ayon sa kanilang mga bahagi: sa gayo'y kanilang inari ang lupain ng Sehon, sa makatuwid baga'y ang lupain ng hari sa Hesbon, at ang lupain ni Og na hari, sa Basan.
23 You made their descendants as countless as the stars of heaven, and led them to the land you had promised their fathers they would enter and possess.
Ang kanila namang mga anak ay pinarami mo na gaya ng mga bituin sa langit, at mga ipinasok mo sila sa lupain, tungkol doon sa iyong sinabi sa kanilang mga magulang, na sila'y magsiparoon, upang ariin.
24 Their descendants went in and took over the land. Right in front of them you conquered the Canaanites who lived there, handing over their kings and people so they could do with them whatever they wanted.
Sa gayo'y ang mga anak ay pumasok at inari ang lupain, at iyong pinasuko sa harap nila ang mga mananahan sa lupain, ang mga Cananeo, at ibinigay mo sa kanilang mga kamay, pati ng kanilang mga hari, at ang mga bayan ng lupain, upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang ibigin.
25 They captured fortified cities and fertile land. They took over houses full of valuable things, water cisterns, vineyards, olive groves, and many fruit trees. They ate until they were full, and grew fat. They were so happy at how good you were to them.
At sila'y nagsisakop ng mga bayan na nakukutaan, at ng matabang lupain, at nangagari ng mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, ng mga balon na hinukay, ng mga ubasan, at ng mga olibohan, at ng mga punong kahoy na may bungang sagana: na anopa't sila'y nagsikain, at nangabusog, at naging mataba, at nangaaliw sa iyong malaking kagandahang loob.
26 But they completely rebelled against you. They tossed your Law over their shoulders. They killed your prophets who warned them to try and bring them back to you, and they committed terrible blasphemies.
Gayon ma'y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo, at tinalikdan ang iyong kautusan, at pinatay ang iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila'y magsipanumbalik sa iyo, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi.
27 So you handed them over to their enemies who treated them badly. In their suffering they cried out to you for help. But you heard their cries from heaven, and because you're so merciful you sent them leaders to save them from their enemies.
Kaya't iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban, na siyang nangagpapanglaw sa kanila: at sa panahon ng kanilang kabagabagan, nang sila'y magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas, na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban.
28 However, as soon as they had peace, they went back to doing evil in your sight. So once more you handed them over to their enemies, who dominated them. They came back to you, and they cried out to you again. But you heard from heaven once more, and you saved them time and again because you are so merciful.
Nguni't pagkatapos ng kanilang kapahingahan, sila'y nagsigawa uli ng kasamaan sa harap mo: kaya't pinabayaan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na anopa't mga napapanginoon sa kanila: gayon ma'y nang sila'y magsipanumbalik, at magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at madalas na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan.
29 You warned them to come back to your Law, but they were arrogant. They ignored your commands, and sinned against your rules, which, as you previously said, ‘If people obey they will live by them.’ They obstinately turned their backs on you and refused to listen.
At sumaksi ka laban sa kanila, upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan. Gayon ma'y nagsigawa sila na may kapalaluan, at hindi dininig ang iyong mga utos, kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan, (na kung gawin ng isang tao, siya'y mabubuhay sa kanila, ) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi nangakinig.
30 You were patient with them for many years. You warned them by your Spirit through your prophets, but they didn't listen, so you handed them over to the other nations.
Gayon ma'y tiniis mong malaon sila, at sumaksi ka laban sa kanila ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta: gayon ma'y hindi sila nangakinig: kaya't ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan ng mga lupain.
31 But because of your wonderful mercy you did not finish with them, and you did not abandon them, for you are a gracious and merciful God.
Gayon ma'y sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo lubos na niwakasan sila, o pinabayaan man sila; sapagka't ikaw ay mapagbiyaya at maawaing Dios.
32 So now, our God, the great and powerful and awesome God who keeps his agreement of trustworthy love, please don't see as unimportant all the hardships that have happened to us, and to our kings and leaders, our priests and prophets, our forefather and all your people, from the time of the Assyrian kings of Assyria up till now.
Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito.
33 But you have done what is right regarding everything that has happened to us. You have always acted faithfully, while we have done so much evil.
Gayon ma'y banal ka sa lahat na dumating sa amin; sapagka't gumawa kang may pagtatapat, nguni't nagsigawa kaming may kasamaan:
34 Our kings, our leaders, our priests, and our forefathers did not follow your Law, and they ignored your commands and regulations you ordered them to keep.
Kahit ang aming mga hari, ang aming mga pangulo, ang aming mga saserdote, o ang aming mga magulang man, hindi nangagingat ng iyong kautusan, o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga patotoo, na iyong ipinatotoo laban sa kanila.
35 But they, even during the time they had their own kingdom, with so many blessings you had given them in the wide and fertile land you had provided for them, even then they refused to serve you and would not turn from their evil ways.
Sapagka't sila'y hindi nangaglingkod sa iyo sa kanilang kaharian, at sa iyong dakilang kagandahang loob na iyong ipinakita sa kanila, at sa malaki at mabungang lupain na iyong ibinigay sa harap nila, o nagsihiwalay man sila sa kanilang mga masamang gawa.
36 Look at us now, slaves in the land you gave our forefathers to enjoy its fruit and all its good things. Look at us slaves here!
Narito, kami ay mga alipin sa araw na ito, at tungkol sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang upang kanin ang bunga niyaon, at ang buti niyaon, narito, kami ay mga alipin doon.
37 The rich harvests of this land go to the kings you have placed over us because of our sins. They rule over our bodies and our cattle, doing whatever they want. We are suffering so much!”
At ang lupain ay nagbubunga ng marami sa ganang mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan: sila nama'y may kapangyarihan din sa aming mga katawan, at sa aming hayop sa ikapagsasaya nila, at kami ay nangasa malaking kapanglawan.
38 In response the people declared, “Considering all this, we are making a solemn agreement, putting it in writing. It is sealed by our leaders, Levites, and priests.”
At gayon ma'y dahil sa lahat na ito ay tapat na nangakikipagtipan kami, at isinusulat namin; at tinatakdaan ng aming mga prinsipe, ng aming mga Levita, at ng aming mga saserdote.