< Nehemiah 11 >

1 The leaders of the people were already living in Jerusalem. The rest of the people cast lots to bring one out of ten to come and live in Jerusalem, the holy city, while the other nine would stay in their own cities.
At ang mga prinsipe ng bayan ay nagsitahan sa Jerusalem: ang nalabi naman sa bayan ay nangagsapalaran upang mangagdala ng isa sa bawa't sangpu na magsisitahan sa Jerusalem na bayang banal, at siyam na bahagi sa ibang mga bayan.
2 Everyone praised those who were willing to move to Jerusalem.
At pinagpala ng bayan ang lahat na lalake na nagsihandog na kusa na magsisitahan sa Jerusalem.
3 This is a list of the leaders of the province who came to live in Jerusalem. (Most of the Israelites lived on their own property in the towns of Judah. This included the priests, the Levites, the Temple servants, and the descendants of Solomon's servants who lived in their home towns.
Ang mga ito nga ang mga pinuno sa lalawigan na nagsitahan sa Jerusalem: nguni't sa bayan ng Juda ay tumahan bawa't isa sa kaniyang pag-aari sa kanilang mga bayan, sa makatuwid baga'y ang Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon.
4 However, some of the people of Judah and Benjamin moved to Jerusalem.) From the tribe of Judah: Athaiah the son of Uzziah, son of Zechariah, son of Amariah, son of Shephatiah, son of Mahalalel, of the sons of Perez;
At sa Jerusalem ay nagsitahan ang ilan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin. Sa mga anak ni Juda: si Athaias na anak ni Uzzias, na anak ni Zacarias, na anak ni Amarias, na anak ni Sephatias na anak ni Mahalaleel, sa mga anak ni Phares.
5 and Maaseiah, son of Baruch, son of Col-hozeh, son of Hazaiah, son of Adaiah, son of Joiarib, son of Zechariah, a descendant of Shelah.
At si Maasias na anak ni Baruch, na anak ni Col-hoze, na anak ni Hazaias, na anak ni Adaias, na anak ni Joiarib, na anak ni Zacarias, na anak ng Silonita.
6 The total of the sons of Perez who lived in Jerusalem was 468 men of ability.
Ang lahat ng mga anak ni Phares na nagsitahan sa Jerusalem, ay apat na raan at anim na pu't walo na mga matapang na lalake.
7 From the tribe of Benjamin: Sallu, son of Meshullam, son of Joed, son of Pedaiah, son of Kolaiah, son of Maaseiah, son of Ithiel, son of Jeshaiah,
At ang mga ito ang mga anak ni Benjamin: si Salu na anak ni Mesullam, na anak ni Joed, na anak ni Pedaias, na anak ni Colaias, na anak ni Maaseias, na anak ni Ithiel, na anak ni Jesaia.
8 and after him Gabbai and Sallai, a total of 928.
At sumusunod sa kaniya, si Gabbai, si Sallai, na siyam na raan at dalawang pu't walo.
9 Joel son of Zichri was the officer in charge of them, and Judah son of Hassenuah was in second-in-command of the city.
At si Joel na anak ni Zichri ay kanilang tagapamahala: at si Jehudas na anak ni Senua ay ikalawa sa bayan.
10 From the priests: Jedaiah, son of Joiarib, Jachin;
Sa mga saserdote: si Jedaias na anak ni Joiarib, si Jachin,
11 Seraiah, son of Hilkiah, son of Meshullam, son of Zadok, son of Meraioth, son of Ahitub, chief administrator of the Temple of God,
Si Seraias na anak ni Hilcias, na anak ni Mesullam, na anak ni Sadoc, na anak ni Meraioth, na anak ni Ahitub, na pinuno sa bahay ng Dios,
12 and their fellow priests who served at the Temple, a total of 822; Adaiah son of Jeroham, son of Pelaliah, son of Amzi, son of Zechariah, son of Pashhur, son of Malchijah,
At ang kanilang mga kapatid na nagsigawa ng gawain sa bahay, walong daan at dalawang pu't dalawa: at si Adaias na anak ni Jeroham, na anak ni Pelalias, na anak ni Amsi, na anak ni Zacarias, na anak ni Pashur, na anak ni Malchias,
13 and those who worked with him, family leaders, a total of 242; and Amashsai, son of Azarel, son of Ahzai, son of Meshillemoth, son of Immer,
At ang kaniyang mga kapatid, na mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang, dalawang daan at apat na pu't dalawa: at si Amasai na anak ni Azarael, na anak ni Azai, na anak ni Mesillemoth, na anak ni Imer.
14 and those who worked with him, a total of 128 strong warriors. Zabdiel, son of Haggedolim, was in charge of them.
At ang kanilang mga kapatid, na mga makapangyarihang lalake na matatapang, isang daan at dalawang pu't walo: at ang kanilang tagapamahala ay si Zabdiel na anak ni Gedolim.
15 From the Levites: Shemaiah, son of Hasshub, son of Azrikam, son of Hashabiah, son of Bunni;
At sa mga Levita; si Semaias na anak ni Hassub, na anak ni Azricam, na anak ni Hasabias, na anak ni Buni;
16 and Shabbethai and Jozabad, Levite leaders who were in charge of the outside work of God's Temple;
At si Sabethai at si Jozabad, sa mga pinuno ng mga Levita, na siyang nagsipamahala sa mga gawain sa labas sa bahay ng Dios;
17 Mattaniah, son of Mica, son of Zabdi, son of Asaph, who led out in giving thanks and praise; and Bakbukiah, who was second; and Abda, son of Shammua, son of Galal, son of Jeduthun.
At si Mattanias, na anak ni Micha, na anak ni Zabdi, na anak ni Asaph, na siyang pinuno upang magpasimula na magpasalamat sa panalangin, at si Bacbucias, sa ikalawa sa kaniyang mga kapatid; at si Abda na anak ni Samua, na anak ni Galal, na anak ni Jeduthun.
18 The total number of priests in the holy city was 284.
Lahat na Levita sa bayang banal, dalawang daan at walong pu't apat.
19 The gatekeepers: Akkub, Talmon, and their fellow workers, who guarded the gates: a total of 172.
Bukod dito'y ang mga tagatanod-pinto, na si Accub, si Talmon, at ang kanilang mga kapatid, na nangagbabantay sa mga pintuang-bayan, ay isang daan at pitong pu't dalawa.
20 The other Israelites, with rest of the priests and Levites, lived in their home towns in Judah, each on their own property.
At ang nalabi sa Israel, sa mga saserdote, sa mga Levita, ay nangasa lahat na bayan ng Juda, bawa't isa'y sa kaniyang mana.
21 The Temple servants lived on the hill of Ophel. Ziha and Gishpa were in charge of them.
Nguni't ang mga Nethineo ay nagsitahan sa Ophel: at si Siha at si Gispa ay nasa mga Nethineo.
22 The one in charge of the Levites in Jerusalem was Uzzi, son of Bani, son of Hashabiah, son of Mattaniah, son of Mica, one of Asaph's descendants, the singers who led the service in God's Temple.
Ang tagapamahala naman sa mga Levita sa Jerusalem ay si Uzzi na anak ni Bani, na anak ni Hasabias, na anak ni Mattanias, na anak ni Micha, sa mga anak ni Asaph, na mga mangaawit, na nasa mga gawain sa bahay ng Dios.
23 They had specific orders from the king who had instructed them to perform a daily service.
Sapagka't may utos na mula sa hari tungkol sa kanila, at takdang pagkain na ukol sa mga mangaawit, ayon sa kailangan sa bawa't araw.
24 Pethahiah, son of Meshezabel, a descendant of Zerah, son of Judah, was the king's advisor on all things relating to the Israelites.
At si Pethahias na anak ni Mesezabel, sa mga anak ni Zerah, na anak ni Juda, ay nasa kapangyarihan ng hari sa lahat ng bagay na tungkol sa bayan.
25 Regarding the villages with their nearby fields: some of the people of Judah lived in Kiriath-arba, Dibon, and Jekabzeel, and their smaller settlements;
At tungkol sa mga nayon, pati ng kanilang mga bukid, ang ilan sa mga anak ni Juda ay nagsitahan sa Chiriat-arba at sa mga nayon niyaon, at sa Dibon at sa mga nayon niyaon, at sa Jecabzeel at sa mga nayon niyaon;
26 in Jeshua, Moladah, and Beth-pelet;
At sa Jesua, at sa Moladah, at sa Beth-pelet;
27 in Hazar-shual, in Beersheba with its settlements,
At sa Hasar-sual, at sa Beerseba at sa mga nayon niyaon;
28 in Ziklag, in Mekonah and its settlements,
At sa Siclag, at sa Mechona at sa mga nayon niyaon;
29 in En-rimmon, in Zorah, in Jarmuth,
At sa En-rimmon, at sa Soreah, at sa Jarmuth;
30 Zanoah, Adullam, and their villages, Lachish and its fields, and Azekah and its settlements. They lived all the way from Beersheba to the Valley of Hinnom.
Sa Zanoah, sa Adullam, at sa mga nayon niyaon, sa Lachis, at sa mga parang niyaon, sa Azeca at sa mga nayon niyaon. Gayon sila nagsihantong mula sa Beer-seba hanggang sa libis ni Hinnom.
31 The people of Benjamin from Geba lived in Michmash, Aija, and Bethel and its settlements,
Ang mga anak ni Benjamin naman ay nagsitahan mula sa Geba, hanggang sa Michmas at sa Aia, at sa Beth-el at sa mga nayon niyaon;
32 in Anathoth, Nob, Ananiah,
At sa Anathoth, sa Nob, sa Ananiah;
33 Hazor, Ramah, Gittaim,
Sa Hasor, sa Rama, sa Gitthaim;
34 Hadid, Zeboim, Neballat,
Sa Hadid, sa Seboim, sa Neballath;
35 Lod, Ono, and in the Valley of Craftsmen.
Sa Lod, at sa Ono, na libis ng mga manggagawa.
36 Some divisions of the Levites of Judah also settled in Benjamin.
At sa mga Levita ay ang ibang mga bahagi sa Juda na pumisan sa Benjamin.

< Nehemiah 11 >