< Lamentations 1 >

1 How desolate sits the city of Jerusalem, once filled with people! She has become like a widow, she who was once great among the nations. The queen of all the world has become a slave-laborer.
Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis!
2 She cries bitterly through the night, tears rolling down her cheeks. Despite all her many lovers, no one comes to comfort her. Betrayed by all her friends, they are now her enemies.
Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.
3 Judah has been dragged off into captivity, suffering miserably under brutal slavery; she lives among the nations but has no place of her own where she can rest. Those chasing her have brought her down and she cannot escape.
Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit.
4 Even the roads to Zion are in mourning because no one travels on them to go to the religious festivals. All her gates are empty. Her priests groan in sadness. Her girls are suffering. She herself is in bitter distress.
Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan.
5 Those who hated her now control her; her enemies enjoy life, because the Lord has made her suffer due to all her sins of rebellion. Her children have been taken away as prisoners of the enemy.
Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa; sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang: ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.
6 All the glory has left the Daughter of Zion. Her leaders are like deer that can't find any grass to eat. They don't even have the strength to run away when the hunter comes after them!
At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion: ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan, at nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol.
7 As she wanders around in her misery, Jerusalem thinks back to all the wonderful things she once had in the old days. When her enemies conquered her people, she didn't receive any help. Her enemies gloated over her, and laughed at her downfall.
Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una: nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya, nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira.
8 Jerusalem sinned terribly which is why she is now treated as someone unclean. Everyone who used to honor her now despise her, because they've seen her naked and ashamed. She herself groans as she turns away.
Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay; lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't kanilang nakita ang kaniyang kahubaran: Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod.
9 Her uncleanness contaminates her skirts. She didn't think about what would happen. Her fall was a shock, and no one was there to comfort her. “Please, Lord, see how much I'm suffering, because the enemy has won!” she says.
Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas; kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw; masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki.
10 The invader has stolen all her treasures. She even had to watch as heathen nations went into her sanctuary, people you had forbidden to enter.
Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay; sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay pumasok sa kaniyang santuario, yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan.
11 All her people groan, looking for bread. They have spent what they value the most to buy food so they can stay alive. “Please, Lord, look and see what's happening to me,” she says. “It's as if I'm worthless!
Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga, sila'y nagsisihanap ng tinapay; ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa. Iyong tingnan, Oh Panginoon, at masdan mo; sapagka't ako'y naging hamak.
12 Don't you care anything about it, all you people passing by? Take a look and see! Is there any suffering as bad as mine, punished by the Lord when he became angry?
Wala bagang anoman sa inyo, sa inyong lahat na nagsisipagdaan? Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin, na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.
13 He sent down fire from heaven that destroyed my bones. He spread out a net to catch my feet, tripping me over. He abandoned me, leaving me sick all day long.
Mula sa itaas ay nagsugo siya ng apoy sa aking mga buto, at mga pinananaigan; kaniyang ipinagladlad ng silo ang aking mga paa, kaniyang ibinalik ako: kaniyang ipinahamak ako at pinapanglupaypay buong araw.
14 He took my rebellious sins and twisted them together into a yoke that he tied to my neck. He took away all my strength, and handed me over defenseless to my enemies.
Pamatok ng aking mga pagsalangsang ay hinigpit ng kaniyang kamay; mga nagkalakiplakip, nagsiabot sa aking leeg; kaniyang pinanglupaypay ang aking kalakasan: ibinigay ako ng Panginoon sa kanilang mga kamay, laban sa mga hindi ko matatayuan.
15 The Lord brushed aside all my strong soldiers defending me. He called up an army to attack me, to crush my young men. The Lord has trampled down the virgin Daughter of Judah like grapes in a winepress.
Iniuwi ng Panginoon sa wala ang lahat na aking mga makapangyarihang lalake sa gitna ko; siya'y tumawag ng isang takdang kapulungan laban sa akin upang pagwaraywarayin ang aking mga binata: niyapakan ng Panginoon na parang pisaan ng ubas ang anak na dalaga ng Juda.
16 This is why I'm weeping, tears flowing from my eyes, because there's is no one here to comfort me, no one to make me feel better. There's nothing left for my children because the enemy has conquered us.”
Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha; sapagka't ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin: ang mga anak ko ay napahamak, sapagka't nanaig ang kaaway.
17 Zion holds out her hands in distress, but there's no one to comfort her. The Lord issued orders against Jacob, and his neighbors became his enemies. Jerusalem is to them something disgusting.
Iginawad ng Sion ang kaniyang mga kamay; walang umaliw sa kaniya; nagutos ang Panginoon tungkol sa Jacob, na silang nangasa palibot niya ay magiging kaniyang mga kalaban: ang Jerusalem ay parang maruming bagay sa gitna nila.
18 “The Lord has done what's right, because I rebelled against his instructions. Listen, everyone everywhere; look at what I'm suffering. My young women and young men have been taken off into captivity.
Ang Panginoon ay matuwid; sapagka't ako'y nanghimagsik laban sa kaniyang utos: inyong pakinggan, isinasamo ko sa inyo, ninyong lahat na bayan, at inyong masdan ang aking kapanglawan: ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag.
19 I called out for help to my lovers, but they betrayed me. My priests and elders starved to death in the city as they tried to find food to keep themselves alive.
Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin, nguni't dinaya nila: nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan, habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa.
20 Can't you see, Lord, how upset I am? inside I am in turmoil; my heart is breaking because I've been so rebellious. Outside, the sword kills those I love; inside, it's like I'm living in the house of death.
Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; ang aking puso ay namamanglaw; ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik: sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.
21 People hear me groaning, but no one comes to comfort me. All my enemies have heard about the bad things that have happened to me, and they're delighted that it was you who did it. Please bring about the day of judgment that you promised so they can end up like me.
Nabalitaan nila na ako'y nagbubuntong-hininga; walang umaliw sa akin; Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan; sila'y nangatuwa na iyong ginawa: iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag, at sila'y magiging gaya ko.
22 May you see all the evil things they've done! Treat them the same way as you've treated me as a result of all my rebellious sins, for I'm groaning all the time, and I'm sick at heart.”
Magsidating nawa ang lahat nilang kasamaan sa harap mo; at gawin mo sa kanila, ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang: sapagka't ang aking mga buntong-hininga ay marami, at ang aking puso ay nanglulupaypay.

< Lamentations 1 >