< Judges 9 >

1 Abimelech, son of Jerub-baal, went to his mother's brothers at Shechem and told them and all his mother's relatives,
At si Abimelech na anak ni Jerobaal ay napasa Sichem, sa mga kapatid ng kaniyang ina, at nagsalita sa kanila, at sa lahat ng angkan ng sangbahayan ng ama ng kaniyang ina, na nagsasabi,
2 “Please ask all the leaders of Shechem, ‘What's best for you? That seventy men, all of them Jerub-baal's sons, rule over you—or just one man?’ Remember I'm your own flesh and blood!”
Isinasamo ko sa inyo na inyong salitain sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem, Kung ano ang magaling sa inyo, na lahat na anak ni Jerobaal na pitong pung lalake ay magpuno sa inyo, o isa ang magpuno sa inyo? alalahanin din naman ninyo na ako ay inyong buto at inyong laman.
3 His mother's brothers shared his proposal with all the leaders of Shechem, and they decided to follow Abimelech, because they said, “He is our relative.”
At tungkol sa kaniya ay sinalita ng mga kapatid ng ina niya, sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem ang lahat ng mga salitang ito at ang kanilang puso ay kumiling na sumunod kay Abimelech, sapagka't kanilang sinabi, Siya'y ating kapatid.
4 They gave him seventy shekels of silver from the temple of Baal-berith. Abimelech used the money to hire some arrogant troublemakers as his gang.
At nagbigay sila ng pitong pung putol na pilak, mula sa bahay ng Baal-berith, na siyang iniupa ni Abimelech sa mga taong hampas lupa at mga palaboy, na siyang mga sumunod sa kaniya.
5 He went to his father's house in Ophrah, and on one stone killed his seventy half-brothers, the sons of Jerub-baal. But Jotham, Jerub-baal's youngest son, escaped by going into hiding.
At siya'y naparoon sa bahay ng kaniyang ama sa Ophra, at pinatay ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Jerobaal, na pitong pung katao, sa ibabaw ng isang bato: nguni't si Jotham na bunsong anak ni Jerobaal ay nalabi; sapagka't siya'y nagtago.
6 Then the leaders of Shechem and Beth-millo all assembled by the oak at the pillar in Shechem and made Abimelech their king.
At lahat ng mga lalake sa Sichem ay nagpupulong at ang buong sangbahayan ni Millo, at yumaon at ginawang hari si Abimelech sa tabi ng encina ng haliging nasa Sichem.
7 When Jotham got to hear this, he went up to the top of Mount Gerizim, and shouted in a loud voice: “Listen to me, leaders of Shechem, and God may to listen to you!
At nang kanilang saysayin kay Jotham, siya'y yumaon at tumayo sa taluktok ng bundok Gerizim, at inilakas ang kaniyang tinig, at sumigaw, at sinabi sa kanila, Dinggin ninyo ako, ninyong mga lalake sa Sichem, upang dinggin kayo ng Dios.
8 Once upon a time the trees were determined to anoint a king to rule over them. They said to the olive tree, ‘You shall be our king.’
Ang mga puno ng kahoy ay naghalal ng hari na minsan; at kanilang sinabi sa puno ng olibo, Maghari ka sa amin.
9 But the olive tree replied, ‘Should I stop giving my rich oil that benefits both gods and men just to go and sway to and fro over the trees?’
Nguni't sinabi ng puno ng olibo sa kanila, Akin bang iiwan ang aking katabaan, na siyang sa akin ay nakapagpaparangal sa Dios at sa tao, at makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
10 Then the trees asked the fig tree, ‘You come and be our king.’
At sinabi ng mga punong kahoy sa puno ng igos, Halika, at maghari ka sa amin.
11 But the fig tree replied, ‘Should I stop giving my good sweet fruit just to go and sway to and fro over the trees?’
Nguni't sinabi ng puno ng igos sa kanila, Akin bang iiwan ang aking katamisan, at ang aking mabuting bunga, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
12 Then the trees asked the grape vine, ‘You come and be our king.’
At sinabi ng mga puno ng kahoy sa puno ng ubas, Halika, at maghari ka sa amin.
13 But the grape vine replied, ‘Should I stop giving my wine that makes both gods and men happy just to go and sway to and fro over the trees?’
At sinabi ng puno ng ubas sa kanila, Akin bang iiwan ang aking alak, na nagpapasaya sa Dios at sa tao, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
14 Then all the trees asked the thorn bush, ‘You come and be our king.’
Nang magkagayo'y sinabi ng lahat ng mga puno ng kahoy sa dawag, Halika, at maghari ka sa amin.
15 The thorn bush replied to the trees, ‘If you're really sincere about anointing me as your king, come and find shelter in my shade. But if not, may fire flame out of the thorn bush and burn up the cedars of Lebanon!’
At sinabi ng dawag sa mga puno ng kahoy, Kung tunay na ako'y inyong inihahalal na hari ninyo, pumarito nga kayo at manganlong kayo sa aking lilim: at kung hindi ay labasan ng apoy ang dawag at pugnawin ang mga sedro ng Libano.
16 Have you acted sincerely and honestly by making Abimelech your king? Have you been acted honorably to Jerub-baal and his family? Have you respected him for all that he accomplished?
Ngayon nga'y kung tapat at matuwid mong ginawang hari si Abimelech, at kung gumawa kayo ng mabuti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan, at kayo'y gumawa sa kaniya ng ayon sa marapat sa kaniyang mga kamay;
17 Don't forget how my father fought for you and risked his own life to save you from the Midianites!
(Sapagka't ipinakipaglaban kayo ng aking ama at inihadlang ang kaniyang buhay, at pinapaging laya kayo sa kamay ni Madian:
18 But you have rebelled against my father's family today. You have killed his seventy sons on one stone and have made Abimelech, the son of his slave woman, king over the leaders of Shechem simply because he's related to you.
At kayo'y bumangon laban sa sangbahayan ng aking ama sa araw na ito, at pinatay ninyo ang kaniyang mga anak, na pitong pung lalake, sa ibabaw ng isang bato, at ginawa ninyong hari si Abimelech, na anak ng kaniyang aliping babae, sa mga lalake sa Sichem, sapagka't siya'y inyong kapatid; )
19 Have you acted sincerely and honestly toward Jerub-baal and his family today? If so, may you be happy with Abimelech, and may he be happy with too!
Kung tapat nga at matuwid na kayo'y gumanti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan sa araw na ito, magalak nga kayo kay Abimelech at magalak naman siya sa inyo:
20 But if you haven't, then may fire flame out from Abimelech, and may it burn up the leaders of Shechem and Beth-millo, and may fire flame out from the leaders of Shechem and Beth-millo and burn up Abimelech!”
Nguni't kung hindi ay labasan ng apoy si Abimelech, at pugnawin ang mga lalake sa Sichem, at ang sangbahayan ni Millo, at labasan ng apoy ang mga lalake sa Sichem, at ang sangbahayan ni Millo, at pugnawin si Abimelech.
21 Then Jotham escaped and ran away. He went to Beer and stayed there because of the threat of Abimelech his brother.
At si Jotham ay tumakbong umalis, at tumakas, at napasa Beer, at tumahan doon, dahil sa takot kay Abimelech na kaniyang kapatid.
22 Abimelech ruled over Israel for three years.
At si Abimelech ay naging prinsipe sa Israel na tatlong taon.
23 Then God sent an evil spirit to cause trouble between Abimelech and the leaders of Shechem. The leaders of Shechem betrayed Abimelech.
At nagsugo ang Dios ng isang masamang espiritu kay Abimelech at sa mga lalake sa Sichem; at ang mga lalake sa Sichem ay naglilo kay Abimelech.
24 This happened because of the murder of the seventy sons of Jerub-baal and that responsibility for their blood be placed on Abimelech their brother, who killed them, and on the leaders of Shechem, who provided the means to kill his brothers.
Upang ang dahas na ginawa sa pitong pung anak ni Jerobaal ay dumating, at upang ang kanilang dugo ay malagpak kay Abimelech na kanilang kapatid, na siyang pumatay sa kanila, at sa mga lalake sa Sichem, na nagpalakas ng kaniyang mga kamay upang patayin ang kaniyang mga kapatid.
25 The leaders of Shechem sent men to the hill passes to lie in wait and attack Abimelech, and, in the meantime, they robbed everyone who passed by on the road. Abimelech found out what was happening.
At binakayan siya ng mga lalake sa Sichem sa mga taluktok ng mga bundukin, at kanilang pinagnakawan yaong lahat na dumaan sa daang yaon na malapit sa kanila; at naibalita kay Abimelech.
26 Gaal, son of Ebed, had moved to Shechem with his relatives, and he gained the loyalty of the leaders of Shechem.
At dumating si Gaal na anak ni Ebed na kasama ng kaniyang mga kapatid, at dumaan sa Sichem: at inilagak ng mga lalake sa Sichem ang kanilang tiwala sa kaniya.
27 At harvest time they went out into the countryside and gathered the grapes from their vineyards and trod them. They celebrated by having a festival in the temple of their god, where they ate and drank, and cursed Abimelech.
At sila'y lumabas sa bukid, at namitas sa kanilang mga ubasan, at pinisa, at nagpapista, at napasa bahay ng kanilang dios, at nagkainan at naginuman, at sinumpa si Abimelech.
28 “Who is this Abimelech?” asked Gaal, son of Ebed. “And who is Shechem, that we should have to serve him? Isn't he the son of Jerub-baal, while Zebul is actually the one in charge? You should serve the family of Hamor, the father of Shechem. Why should we have to serve Abimelech?
At sinabi ni Gaal na anak ni Ebed, Sino si Abimelech at sino si Sichem, upang, aming paglingkuran siya? hindi ba siya ang anak ni Jerobaal? at si Zebul ay kaniyang pinuno? Maglingkod kayo sa mga lalake ni Hamor na ama ni Sichem: nguni't bakit kami maglilingkod sa kaniya?
29 If I was the one in charge of you people, I would dispose of Abimelech! I would tell him, ‘Get your army together, and come and fight!’”
At kahi manawari ang bayang ito'y mapasa ilalim ng aking kamay. Kung magkagayo'y aking hahalinhan si Abimelech. At kaniyang sinabi kay Abimelech, Dagdagan mo ang iyong kawal at lumabas ka.
30 When Zebul, the governor of the city, got to hear what Gaal was saying, he became very angry.
At nang marinig ni Zebul na puno ng bayan ang mga salita ni Gaal na anak ni Ebed, ay nagalab ang kaniyang galit.
31 He secretly sent messengers to Abimelech to tell him, “Look, Gaal, son of Ebed, and his relatives have arrived in Shechem, and they are stirring up the town to rebel against you.
At lihim na nagsugo siya ng mga sugo kay Abimelech, na nagsabi, Narito, si Gaal na anak ni Ebed at ang kaniyang mga kapatid ay naparoon sa Sichem; at, narito, kanilang pinilit ang bayan laban sa iyo.
32 So come at night with your army and hide in the countryside.
Ngayon nga'y bumangon ka sa gabi, ikaw at ang bayan na kasama mo, at bakayan mo sa bukid:
33 In the morning as soon as the sun comes up, go and attack the town. When Gaal and his men come out to fight you, you can do whatever you want to them.”
At mangyayari, na sa kinaumagahan, pagsikat ng araw, ay babangon kang maaga, at isasalakay mo ang bayan: at, narito, pagka siya at ang bayan na kasama niya ay lumabas laban sa iyo, ay magagawa mo nga sa kanila ang magalingin mo.
34 Abimelech left at night along with his army, and they separated into four companies that lay in wait near Shechem.
At bumangon si Abimelech, at ang buong bayan na kasama niya, sa kinagabihan at sinalakay nila ang Sichem, na sila'y apat na pulutong.
35 When Gaal, son of Ebed, went out and stood at the town's entrance gate, Abimelech and his army came out from where they had been hiding.
At lumabas si Gaal na anak ni Ebed, at tumayo sa pasukan ng pintuang-bayan; at si Abimelech ay bumangon sa pagbakay at ang bayan na kasama niya.
36 Gaal saw the army approaching and said to Zebul, “Look! Some people are coming down from the hilltops!” “That's just shadows made by the hills that look like men,” Zebul replied.
At nang makita ni Gaal ang bayan, ay kaniyang sinabi kay Zebul, Narito, bumababa ang bayan mula sa taluktuk ng mga bundok. At sinabi ni Zebul sa kaniya, Iyong nakikita'y mga lilim ng mga bundukin, na parang mga lalake.
37 “No really, people are coming down from the high ground,” Gaal repeated. “Plus, there's another company coming down the road that passes the diviners' oak tree.”
At nagsalita uli si Gaal, at nagsabi, Tignan mo, bumababa ang bayan sa kalagitnaan ng lupain, at isang pulutung ay dumarating sa daan ng encina ng Meonenim.
38 “Where's your big mouth now? You're the one who said, ‘Who is this Abimelech, that we should have to serve him?’” Zebul told him. “Aren't these the people you detested? Go on then—go and fight with them!”
Nang magkagayo'y sinabi ni Zebul sa kaniya, Saan nandoon ngayon ang iyong bibig, na iyong ipinagsabi, Sino si Abimelech upang tayo'y maglingkod sa kaniya? hindi ba ito ang bayan na iyong niwalan ng kabuluhan? lumabas ka ngayon at lumaban sa kanila.
39 So Gaal led the leaders of Shechem out of the town and fought with Abimelech.
At lumabas si Gaal sa harap ng mga lalake sa Sichem, at lumaban kay Abimelech.
40 Abimelech attacked, and chased him and his men as they ran away, killing many of them as they tried to get back to the town gate.
At hinabol ni Abimelech siya, at siya'y tumakas sa harap niya, at nabuwal ang maraming sugatan hanggang sa pasukan ng pintuang-bayan.
41 Abimelech went back to Arumah while Zebul expelled Gaal and his relatives from Shechem.
At si Abimelech ay tumahan sa Aruma: at pinalayas ni Zebul si Gaal at ang kaniyang mga kapatid, upang sila'y huwag tumahan sa Sichem.
42 The following day the people of Shechem went out to the fields, and Abimelech was informed about it.
At nangyari nang kinaumagahan, na ang baya'y lumabas sa parang; at kanilang isinaysay kay Abimelech.
43 He divided his army into three companies and had them lay in ambush in the fields. When he saw the people coming out of the city, he attacked and killed them.
At kaniyang kinuha ang bayan, at binahagi niya ng tatlong pulutong, at bumakay sa parang; at siya'y tumingin, at narito, ang bayan ay lumabas sa kabayanan; at siya'y bumangon laban sa kanila, at sila'y sinaktan niya.
44 Abimelech and his company raced to occupy the town's entrance gate, while the two companies raced to attack everyone in the fields and kill them.
At si Abimelech at ang mga pulutong na kasama niya ay nagsidaluhong at nagsitayo sa pasukan ng pintuan ng bayan: at ang dalawang pulutong ay nagsidaluhong doon sa lahat ng nasa bukid, at sila'y sinaktan nila.
45 The battle for the town lasted all day but eventually Abimelech captured it. He killed the people, demolished the town, and scattered salt over the ground.
At lumaban si Abimelech sa bayan nang buong araw na yaon; at sinakop ang bayan, at pinatay ang bayan na nasa loob niyaon: at iginiba ang kabayanan at hinasikan ng asin.
46 When all the leaders of the tower of Shechem realized what had happened, they took refuge in the strongroom of the temple of El-berith.
At nang mabalitaan yaon ng lahat ng mga lalake sa moog ng Sichem, ay pumasok sila sa kuta ng bahay ng El-berith.
47 When Abimelech found out that all the leaders in the tower of Shechem had gathered there,
At nasaysay kay Abimelech, na ang lahat ng mga tao sa moog ng Sichem ay nagpipisan.
48 he and all the men with him went up Mount Zalmon. Abimelech grabbed hold of an ax and cut a branch from the trees. He lifted it onto his shoulder, and told his men, “Quick! You saw what I did. Do the same!”
At umahon si Abimelech sa bundok ng Salmon, siya at ang buong bayan na kasama niya; at sumunggab si Abimelech ng isang palakol sa kaniyang kamay, at pumutol ng isang sanga sa mga kahoy at itinaas, at ipinasan sa kaniyang balikat: at sinabi niya sa bayan na kasama niya, Kung ano ang makita ninyo na gawin ko, magmadali kayo, at gawin ninyo ang aking ginawa.
49 Each of them cut down a branch and followed Abimelech. They placed the branches against the strongroom and set it on fire. So all the people who lived in the tower of Shechem died, around one thousand men and women.
At ang buong bayan ay pumutol na gayon din ang bawa't lalake ng kanikaniyang sanga, at sumunod kay Abimelech, at ipinaglalagay sa kuta, at sinilaban ang kuta sa pamamagitan niyaon; na ano pa't ang lahat ng mga lalake sa moog ng Sichem ay namatay rin, na may isang libong lalake at babae.
50 Then Abimelech went to attack Thebez and captured it.
Nang magkagayo'y naparoon si Abimelech sa Thebes, at humantong ng laban sa Thebes, at sinakop.
51 But there was a strong tower inside the city. All the men and women and the town leaders ran there and barricaded themselves in, and then went up to the roof of the tower.
Nguni't may isang matibay na moog sa loob ng bayan, at doo'y nagsitakas ang lahat na lalake at babae at ang lahat na nasa bayan, at sinarhan, at nagsisampa sa bubungan ng moog.
52 Abimelech went up to the tower to attack it. But as he came close to the tower's entrance to set it on fire,
At naparoon si Abimelech sa moog, at lumaban, at lumapit sa pintuan ng moog, upang sunugin ng apoy.
53 a woman dropped millstone down on Abimelech's head and cracked his skull open.
At hinagis ng isang babae, ng isang pangibabaw na bato ng gilingan ang ulo ni Abimelech at nabasag ang kaniyang bungo.
54 He quickly called the young man who carried his weapons, and ordered him, “Draw your sword and kill me, so they won't say about me that a woman killed him.” So the young man drove his sword through him, and he died.
Nang magkagayo'y tinawag niyang madali ang bataang kaniyang tagadala ng almas, at sinabi niya sa kaniya, Kunin mo ang iyong tabak, at patayin mo ako, upang huwag sabihin tungkol sa akin ng mga tao, Isang babae ang pumatay sa kaniya. At pinalagpasan siya ng kaniyang bataan, at siya'y namatay.
55 When the Israelites saw that Abimelech was dead, they all left and went home.
At nang makita ng Israel na namatay si Abimelech, ay yumaon ang bawa't lalake sa kanikaniyang dako.
56 This is how God paid back Abimelech's crime against his father of murdering his seventy brothers.
Ganito pinaghigantihan ng Dios ang kasamaan ni Abimelech, na kaniyang ginawa sa kaniyang ama, sa pagpatay ng kaniyang pitong pung kapatid:
57 He also repaid the people of Shechem for their evil, and the curse of Jotham, son of Jerub-baal, came down upon them.
At ang buong kasamaan ng mga lalake sa Sichem ay pinaghigantihan ng Dios sa kanilang mga ulo: at dumating sa kanila ang sumpa ni Jotham na anak ni Jerobaal.

< Judges 9 >