< Judges 21 >
1 The men of Israel had sworn an oath at Mizpah, “None of us will allow our daughters to marry a Benjamite.”
Ngayon gumawa ng isang pangako ang mga kalalakihan ng Israel sa Mizpa, “Wala sa amin ang magbibigay ng kaniyang anak na babae para ipakasal sa isang Benjaminita.”
2 The Israelites went to Bethel and sat there before God until the evening, crying loudly in distress.
Pagkatapos nagpunta ang mga tao sa Bethel at umupo sa harapan ng Diyos hanggang gabi, at labis silang umiyak na may malakas na tinig.
3 “Lord, God of Israel, why has this happened to Israel?” they asked. “Today one of our tribes is missing from Israel.”
Sinigaw nila, “Bakit, nangyari ito sa Israel, Yahweh, Diyos ng Israel, dapat bang mawala ang isa sa aming mga lipi sa araw na ito?”
4 The next day they got up early, built an altar, and brought burnt offerings and friendship offerings.
Nagising ng maaga ang mga tao nang sumunod araw at nagtayo ng isang altar doon at naghandog ng susunuging alay at mga handog ng pangkapayapaan.
5 “Which of all the tribes of Israel didn't attend the assembly we held before the Lord?” they asked. For they had sworn a sacred oath that anyone who did not come before the Lord at Mizpah would without exception be executed.
Sinabi ng mga tao ng Israel, “Alin sa lahat ng lipi ng Israel ang hindi dumalo sa pagpupulong para kay Yahweh?” Dahil gumawa sila ng isang mahalagang pangako tungkol sa sinumang hindi nagpakita kay Yahweh sa Mizpa. Sinabi nila, “Tiyak na ipapapatay siya.”
6 The Israelites felt sorry for their brother Benjamin, saying, “Today one tribe has been hacked off from Israel!
May malasakit ang mga tao ng Israel sa kapatid nilang si Benjamita. Sinabi nila, “Ngayong araw isang lipi ang ititiwalag mula sa Israel.
7 What shall we do about wives for those who are left, since we have sworn an oath before the Lord that we will not allow any of our daughters to marry them?”
Sino ang magbibigay ng mga asawang babae para sa mga naiwan, dahil mayroon tayong ginawang isang pangako kay Yahweh na hindi natin hahayaan ang sinuman sa kanila na maipakasal sa ating mga anak na babae?”
8 Then they asked, “Which one of all the tribes of Israel didn't attend the assembly we held before the Lord at Mizpah?” They found out that no one from Jabesh-gilead had come to the camp for the assembly,
Sinabi nila, “Alin sa mga lipi ng Israel ang hindi nagpakita kay Yahweh sa Mizpa?” Nakitang wala ni isa ang pumunta sa kapulungan mula sa Jabes Galaad.
9 for once they had done a head count, there was nobody there from Jabesh-gilead.
Dahil nang binilang ng mga tao sa isang maayos na paraan, masdan ninyo, wala sa mga naninirahan sa Jabes Galaad ang naroon.
10 So the assembly sent twelve thousand of their best warriors there. They gave them orders, saying, “Go and kill the inhabitants of Jabesh-gilead with your swords, even the women and children.
Nagpadala ang kapulungan ng 12, 000 sa kanilang pinakamatatapang na tauhan at inutusang magtungo sa Jabes Galaad at salakayin at patayin sila, kahit ang mga kababaihan at mga bata.
11 This is what you have to do: Destroy every male and every woman who has had sex with a man.”
“Gawin ito: Dapat ninyong patayin ang bawat lalaki at bawat babaeng nakipagsiping sa isang lalaki.”
12 They managed to find among the inhabitants of Jabesh-gilead four hundred virgins who had not had sex with a man. They took them to the camp in Shiloh, in the land of Canaan.
Nakita ng mga kalalakihan ang apat na daang kababaihan na naninirahan sa Jabes Galaad na hindi pa nasipingan ng isang lalaki, at dinala sila sa kampo ng Silo, sa Canaan.
13 Then the whole assembly sent a message to the Benjamites at Pomegranate Rock to tell them, “Peace!”
Nagpadala ng isang mensahe ang buong kapulungan at sinabi sa mga tao ng Benjamin na naroon sa bato ng Rimon na sila ay nag-handog ng kapayapaan.
14 So the men of Benjamin went back home, and gave to them the four hundred women from Jabesh-gilead who had been spared as wives. However, there wasn't enough for all of them.
Kaya bumalik ang Benjaminita sa panahon na iyon at binigyan sila ng kababaihan sa Jabesh Gilead. Dahil hindi sapat ang kababaihan para sa kanilang lahat.
15 The people felt sorry for the Benjamites because the Lord had made this empty hole among the Israelite tribes.
Nalungkot ang mga tao sa nangyari kay Benjamin, dahil gumawa si Yahweh ng isang pagkakahati-hati sa pagitan ng mga lipi ng Israel.
16 The elders of the assembly asked, “What shall we do to supply the remaining wives because all the women of Benjamin have been destroyed?”
Pagkatapos sinabi ng mga namumuno ng kapulungan, “Paano natin aayusin ang mga asawang babae para sa mga Benjamita na naiwan, simula nang pinatay ang mga kababaihan ni Benjamin?”
17 They added, “There have to be heirs for the Benjamite survivors—an Israelite tribe of Israel can't be wiped out.
Sinabi nila,” Dapat na mayroong isang pamana para sa mga nakaligtas na Benjaminta, para hindi mawasak ang isang lipi mula sa Israel.
18 But we can't let them have our daughters as wives, since we as the people of Israel swore a sacred oath, saying, ‘Anyone who gives a wife to a Benjamite is cursed!’”
Hindi namin sila mabibigyan ng mga asawa mula sa aming mga anak na babae. Dahil gumawa ng isang pangako ang tao ng Israel, 'Sumpain ang sinumang magbigay ng asawa sa lipi ng Benjamin.”'
19 Then they said, “Look! Every year there's the Lord's festival in Shiloh. It's held north of Bethel, and east of the road that goes from Bethel to Shechem, south of Lebonah.”
Kaya sinabi nila, “Alam ninyong may isang pista para kay Yahweh sa bawat taon sa Silo (na nasa hilaga ng Betel, silangan ng daan na nagdudugtong mula sa Betel hanggang Sechem, at timog ng Lebona).”
20 So they ordered the Benjamites, “Go and hide in the vineyards.
Binigyan nila ng tagubilin mga kalalakihan ni Benjamin, sinasabing, “Humayo at magtago ng palihim at maghintay sa mga ubasan.
21 Keep a lookout, and when you see the young women from Shiloh come out to perform their dances, run out from the vineyards, and each of you abduct a wife for yourself and go back home to the land of Benjamin.
Bantayan ang pagkakataon kapag lumabas na ang mga kababahan para sumayaw mula sa Silo, magmadaling pumunta sa mga ubasan at dapat na kumuha ng isang asawa mula sa mga kababahan ng Silo ang bawat isa sa inyo, pagkatapos bumalik sa lupain ng Benjamin.
22 If their fathers or brothers come complaining to us, we'll tell them, ‘Please do us a favor, because we couldn't find enough wives for them in the war. And it's not as if you're guilty of breaking the oath since you didn't give them in marriage.”
Kapag pumunta ang kanilang mga ama o kanilang mga kapatid na lalaki para tumutol sa amin, sasabihin namin sa kanila, 'Bigyan ninyo kami ng pabor! Hayaan silang manatili sa amin dahil hindi kami nakakuha ng mga asawa sa panahon ng digmaan. At wala kayong kasalanan hinggil sa isang pangako, dahil hindi ninyo ibinigay sakanila ang inyong mga anak na babae.”'
23 The Benjaminites did as they were ordered. Each man grabbed one of the women dancers up to the total needed and carried her off to be his wife. Then they went back to their own land, where they rebuilt their towns and lived in them.
Iyon nga ang ginawa ng mga tao ni Benjamin, kinuha nila ang bilang ng mga asawang kinakailangan nila mula sa mga kababaihan na sumasayaw, at sila ay dinala nila palayo para maging kanilang mga asawa. Sila ay umalis at bumalik sa lugar na kanilang minana; muli nilang itinayo ang mga bayan, at doon sila namuhay.
24 Then the Israelites left and went home to their tribes and families, each one going to the land they owned.
Pagkatapos iniwan ng mga tao ng Israel ang lugar at umuwi, bawat isa sa kaniyang sariling lipi at angkan, at bawat isa sa kaniyang sariling mana.
25 At that time Israel didn't have a king—everyone did what they themselves thought was the right thing to do.
Sa mga panahon na iyon walang hari sa Israel. Ginawa ng bawat isa kung ano ang tama sa kanilang sariling mga paningin.