< Judges 21 >

1 The men of Israel had sworn an oath at Mizpah, “None of us will allow our daughters to marry a Benjamite.”
Ang mga lalake nga ng Israel ay nagsisumpa sa Mizpa, na nagsasabi, Walang sinoman sa atin na magbibigay ng kaniyang anak na babae sa Benjamin upang maging asawa.
2 The Israelites went to Bethel and sat there before God until the evening, crying loudly in distress.
At ang bayan ay naparoon sa Beth-el at umupo roon hanggang sa kinahapunan sa harap ng Dios, at inilakas ang kanilang mga tinig, at tumangis na mainam.
3 “Lord, God of Israel, why has this happened to Israel?” they asked. “Today one of our tribes is missing from Israel.”
At kanilang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, bakit nangyari ito sa Israel, na mababawas ngayon ang isang lipi sa Israel?
4 The next day they got up early, built an altar, and brought burnt offerings and friendship offerings.
At nangyari nang kinabukasan, na ang bayan ay bumangong maaga, at nagtayo roon ng dambana, at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
5 “Which of all the tribes of Israel didn't attend the assembly we held before the Lord?” they asked. For they had sworn a sacred oath that anyone who did not come before the Lord at Mizpah would without exception be executed.
At sinabi ng mga anak ni Israel, Sino yaong hindi umahon sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan sa Panginoon? Sapagka't sila'y gumawa ng dakilang sumpa laban doon sa hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa, na sinasabi, Walang pagsalang siya'y papatayin.
6 The Israelites felt sorry for their brother Benjamin, saying, “Today one tribe has been hacked off from Israel!
At nangagsisi ang mga anak ni Israel dahil sa Benjamin na kanilang kapatid, at sinabi, May isang angkan na nahiwalay sa Israel sa araw na ito.
7 What shall we do about wives for those who are left, since we have sworn an oath before the Lord that we will not allow any of our daughters to marry them?”
Paano ang ating gagawing paghanap ng mga asawa sa kanila na nangaiwan, yamang tayo'y nagsisumpa sa Panginoon na hindi natin ibibigay sa kanila ang ating mga anak na babae upang maging asawa?
8 Then they asked, “Which one of all the tribes of Israel didn't attend the assembly we held before the Lord at Mizpah?” They found out that no one from Jabesh-gilead had come to the camp for the assembly,
At kanilang sinabi, Sino sa mga lipi ng Israel ang hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa? At, narito, walang naparoon sa kampamento sa Jabes-galaad sa kapulungan.
9 for once they had done a head count, there was nobody there from Jabesh-gilead.
Sapagka't nang bilangin ang bayan, narito, wala sa nagsisitahan sa Jabes-galaad doon.
10 So the assembly sent twelve thousand of their best warriors there. They gave them orders, saying, “Go and kill the inhabitants of Jabesh-gilead with your swords, even the women and children.
At nagsugo ang kapisanan ng labing dalawang libong lalaking napaka matapang, at iniutos sa kanila, na sinasabi, Kayo'y yumaon sugatan ninyo ng talim ng tabak ang nagsisitahan sa Jabes-galaad pati ang mga babae at mga bata.
11 This is what you have to do: Destroy every male and every woman who has had sex with a man.”
At ito ang bagay na inyong gagawin: inyong lubos na lilipulin ang bawa't lalake, at bawa't babae na sinipingan ng lalake.
12 They managed to find among the inhabitants of Jabesh-gilead four hundred virgins who had not had sex with a man. They took them to the camp in Shiloh, in the land of Canaan.
At kanilang nasumpungan sa nagsisitahan sa Jabes-galaad ay apat na raang dalaga, na hindi nakakilala ng lalake sa pagsiping sa kaniya: at kanilang dinala sa kampamento sa Silo, na nasa lupain ng Canaan.
13 Then the whole assembly sent a message to the Benjamites at Pomegranate Rock to tell them, “Peace!”
At nagsugo ang buong kapisanan at nagsalita sa mga anak ni Benjamin na nangasa bato ng Rimmon, at inihayag ang kapayapaan sa kanila.
14 So the men of Benjamin went back home, and gave to them the four hundred women from Jabesh-gilead who had been spared as wives. However, there wasn't enough for all of them.
At bumalik ang Benjamin nang panahong yaon; at ibinigay nila sa kanila ang mga babaing kanilang iniligtas na buhay sa mga babae sa Jabes-galaad: at gayon ma'y hindi sapat sa kanila.
15 The people felt sorry for the Benjamites because the Lord had made this empty hole among the Israelite tribes.
At ang bayan ay nagsisi dahil sa Benjamin, sapagka't ginawan ng kasiraan ng Panginoon ang mga lipi ng Israel.
16 The elders of the assembly asked, “What shall we do to supply the remaining wives because all the women of Benjamin have been destroyed?”
Nang magkagayo'y sinabi ng mga matanda ng kapisanan, Paanong ating gagawin na paghanap ng asawa doon sa nangatitira, yamang ang mga babae ay nalipol sa Benjamin?
17 They added, “There have to be heirs for the Benjamite survivors—an Israelite tribe of Israel can't be wiped out.
At kanilang sinabi, Nararapat magkaroon ng mana yaong nangakatakas sa Benjamin, upang ang isang lipi ay huwag mapawi sa Israel.
18 But we can't let them have our daughters as wives, since we as the people of Israel swore a sacred oath, saying, ‘Anyone who gives a wife to a Benjamite is cursed!’”
Gayon man ay hindi natin maibibigay na asawa sa kanila ang ating mga anak na babae: sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa, na nangagsasabi, Sumpain yaong magbigay ng asawa sa Benjamin.
19 Then they said, “Look! Every year there's the Lord's festival in Shiloh. It's held north of Bethel, and east of the road that goes from Bethel to Shechem, south of Lebonah.”
At kanilang sinabi, Narito, may isang kasayahan sa Panginoon sa taon-taon sa Silo, na nasa hilagaan ng Beth-el sa dakong silanganan ng lansangan na paahon sa Sichem mula sa Beth-el, at sa timugan ng Lebona.
20 So they ordered the Benjamites, “Go and hide in the vineyards.
At kanilang iniutos sa mga anak ni Benjamin, na sinasabi, kayo'y yumaon at bumakay sa mga ubasan;
21 Keep a lookout, and when you see the young women from Shiloh come out to perform their dances, run out from the vineyards, and each of you abduct a wife for yourself and go back home to the land of Benjamin.
At tingnan ninyo, at, narito, kung ang mga anak na babae sa Silo ay lumabas na sumayaw ng mga sayaw, lumabas nga kayo sa ubasan, at kumuha ang bawa't lalake sa inyo, ng kaniyang asawa sa mga anak sa Silo; at yumaon kayo sa lupain ng Benjamin.
22 If their fathers or brothers come complaining to us, we'll tell them, ‘Please do us a favor, because we couldn't find enough wives for them in the war. And it's not as if you're guilty of breaking the oath since you didn't give them in marriage.”
At mangyayari, na pagka ang kanilang mga magulang o ang kanilang mga kapatid ay naparito upang kami ay usapin, ay aming sasabihin sa kanila, Ipagkaloob na ninyo sila sa amin: sapagka't hindi namin kinuha na asawa sa bawa't isa sa kanila sa pagkikipagbaka: o ibinigay man ninyo sila sa kanila, sa ibang paraan kayo'y magkakasala.
23 The Benjaminites did as they were ordered. Each man grabbed one of the women dancers up to the total needed and carried her off to be his wife. Then they went back to their own land, where they rebuilt their towns and lived in them.
At ginawang gayon ng mga anak ni Benjamin, at kinuha nila silang asawa ayon sa kanilang bilang, sa mga sumasayaw, na kanilang dinala: at sila'y yumaon at nagbalik sa kanilang mana, at itinayo ang mga bayan, at tinahanan nila.
24 Then the Israelites left and went home to their tribes and families, each one going to the land they owned.
At yumaon ang mga anak ni Israel mula roon nang panahong yaon, bawa't lalake ay sa kaniyang lipi at sa kaniyang angkan, at yumaon mula roon ang bawa't lalake na umuwi sa kaniyang mana.
25 At that time Israel didn't have a king—everyone did what they themselves thought was the right thing to do.
Nang mga araw na yao'y walang hari sa Israel: ginagawa ng bawa't isa ang matuwid sa kaniyang sariling mga mata.

< Judges 21 >