< Joshua 8 >
1 The Lord said to Joshua, “Don't be afraid or downhearted! Take all the fighting men with you and attack Ai, for I'm handing over to you the king of Ai, his people, his town, and his land.
Sinabihan ni Yahweh si Josue, “Huwag matakot; huwag mapanghinaan ng loob. Dalhin mo ang lahat ng mga tao sa digmaan. Pumunta sa Ai. Tingnan mo, ang ibinibigay ko sa iyong kamay ang hari ng Ai, kaniyang bayan, kaniyang siyudad, at kaniyang lupain.
2 You will do to Ai and its king what you did to Jericho and its king. However, this time you may keep for yourselves the plunder and the livestock. Set up an ambush behind the town.”
Gagawin mo sa Ai at sa kaniyang hari gaya ng ginawa mo sa Jerico at sa kaniyang hari, maliban na kunin mo ang panloloob at ang mga baka para sa iyong sarili. Magtakda ng isang pananambang sa likod ng lungsod.”
3 So Joshua and all the people got ready to attack Ai. He chose thirty thousand of his best fighting men and sent them out at night.
Kaya tumayo si Josue at kinuha ang mga kalalakihan sa digmaan patungong Ai. Pagkatapos pumili si Josue ng tatlumpung libong kalalakihan—malakas, matapang na mga kalalakihan—at pinadala niya sila sa gabi.
4 He ordered them, “You lie in ambush behind the town, not far away. All of you need to be ready.
Inutusan niya sila, “Masdan ito, maglalagay kayo ng tambangan laban sa lungsod, sa likod nito. Huwag masyadong lumayo mula sa lungsod, pero maging handa kayong lahat.
5 When I and the rest of the men with me approach the town, the defenders will run out to attack us just like before, and we'll run away from them.
Lalapit ako at lahat ng mga kalalakihan na kasama ko sa lungsod. At kapag lumabas sila para salakayin tayo, lalayo tayo mula sa kanila gaya ng dati.
6 They'll chase after us as we draw them away from the town, because they'll say to each other, ‘They're running away from us just like before.’
Lalabas sila pagkatapos natin hanggang ilayo natin sila mula sa lungsod. Sinasabi nila, 'Lumalayo sila sa atin gaya ng ginawa nila noong una.' Kaya lalayo tayo mula sa kanila.
7 While we're running away from them, you will get up from your ambush positions and take the town for the Lord God will hand it over to you.
Pagkatapos lalabas kayo sa lugar ng inyong pinagtataguan, at huhulihin ninyo ang lungsod. Ibibigay ito sa inyong kamay ni Yahweh na inyong Diyos.
8 Once you've captured the town, set it on fire, as the Lord has instructed. Now follow your orders.”
Kapag nahuli ninyo ang lungsdo, susunugin ninyo ito. Gagawin ninyo ito kapag susundin ninyo ang utos na ibinigay sa salita ni Yahweh. Tingnan mo, inutusan ko kayo.”
9 Joshua sent them out, and they went to lie in ambush between Bethel and the west side of Ai. But that night Joshua stayed with the people in the camp.
Ipinadala sila ni Josue, at pumunta sila sa lugar ng tambangan, at nagtago sila sa pagitan ng Bethel at Ai sa kanluran ng Ai. Pero natulog si Josue sa gabing iyon kasama ng mga tao.
10 Early the next morning Joshua got up early and gathered the people and went up to attack Ai, accompanied by the elders of Israel.
Bumangon ng madaling araw si Josue at inihanda ang kaniyang mga sundalo, si Josue at ang mga nakatatanda ng Israel, at sinalakay nila ang bayan ng Ai.
11 All the fighting men who were with him approached the front of the town, and camped there on the north side, with a valley between them and Ai.
Lahat ng lumalaban na kalalakihan ay umakyat at nilapitan ang lungsod. Lumapit sila sa lungsod at nagkampo sa hilagang dako ng Ai. Ngayon mayroong isang lambak sa pagitan nila at Ai.
12 He took about five thousand men and had them lie in ambush between Bethel and Ai, to the west of the town.
Kinuha niya ang humigit-kumulang ng limang libong kalalakihan at itinakda sila sa pananambang sa kanlurang dako ng lungsod sa pagitan ng Bethel at Ai.
13 So the army took up their positions—the main army to the north of the town, and the ambush to the west. Joshua went that night to the valley.
Ipinuwesto nila ang lahat ng sundalo, ang mga pangunahing hukbo sa hilagang dako ng lungsod, at ang likurang bantay sa kanlurang dako ng lungsod. Nagpalipas ng gabing si Josue sa lambak.
14 As soon as the king of Ai saw the situation, he and all his men rushed out early in the morning to attack the Israelites where they had before, at a place overlooking the Jordan valley. He didn't know about the ambush waiting on the other side of the town.
Nangyari ito nang nakita ng hari ng Ai, siya at kaniyang hukbo ay bumangon ng maaga at nagmadaling lumabas para salakayin ang Israel sa lugar na nakaharap patungo sa lambak ng Ilog Jordan. Hindi niya alam na naghihintay ang isang pananambang para sumalakay mula sa likuran ng lungsod.
15 Joshua and the Israelites allowed themselves to be driven back, and ran away in the direction of the wilderness.
Si Josue at lahat ng Israel ay hinayaan ang kanilang sarili na matalo sa kanilang harapan, at tumakas sila patungo ng ilang.
16 All the men of the town were called out to chase after them, and as they pursued Joshua they were drawn father from the town.
Lahat ng mga tao na nasa loob ng lungsod ay sama-samang tinawag para sumunod sa kanila, at sumunod sila kay Josue at lumayo sila mula sa lungsod.
17 There wasn't a man left in Ai and Bethel who didn't go out to chase the Israelites. They left the town wide open as they pursued the Israelites.
Walang lalaki ang umalis sa Ai at Bethel na siyang hindi lumabas para tugisin ang Israel. Pinabayaan nila ang lungsod at iniwan itong bukas habang tinutugis nila ang Israel.
18 Then the Lord told Joshua, “Hold up the spear in your hand and point it at Ai, because I'm giving it to you.” So Joshua held up the spear in his hand and pointed it at the town.
Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Itutok ang sibat na iyon sa iyong kamay patungong Ai, dahil ibibigay ko ang Ai sa iyong kamay.” Itinutok ni Josue ang sibat na nasa kaniyang kamay patungo ng lungsod.
19 As soon as they saw this signal the men lying in ambush got up and rushed into the town. They captured it, and quickly set it on fire.
Ang mga sundalong nagtatago sa pananambang ay nagmadaling lumabas sa kanilang lugar nang inabot niya ang kaniyang kamay. Tumakbo at pumasok sila ng lungsod at hinuli ito. Mabilis nilang sinunog ang lungsod.
20 When the men of Ai looked back they saw the smoke rising up into the sky from the town. They had nowhere to run to, because the Israelites who had been running away towards the wilderness now turned on their pursuers.
Lumiko at lumingon ang mga kalalakihan ng Ai. Nakita nila ang usok mula sa lungsod na tumataas sa himpapawid, at hindi sila makatakas sa paraang ito o iyon. Dahil ang mga sundalong Israelita na siyang tumakas sa ilang ngayon ay bumalik para harapin ang mga tumutugis sa kanila.
21 For when Joshua and the Israelites saw that the ambush group had captured the town, and that smoke was rising from it, they turned around and attacked the men of Ai.
Nang nakita ni Josue at lahat ng Israel na nabihag ang siyudad ng pananambang na may tumataas na usok, umikot sila at pinatay ang mga kalalakihan ng Ai.
22 The men from the ambush also came from the town and attacked them, so they were caught on the middle, with the Israelites on both sides. The Israelites cut them down—not a single man survived or got away.
At ang ibang mga sundalo ng Israel, ang mga umalis ng lungsod, lumabas para salakayin sila. Kaya hinuli ang kalalakihan ng Ai sa pagitan ng mga hukbo ng Israel, sa ilang bahagi nito at sa ilang bahagi na iyon. Sinalakay ng Israel ang kalalakihan ng Ai; wala sa kanila ang nakaligtas o nakatakas.
23 Only the king of Ai was captured alive, and he was brought before Joshua.
Itinago nila ang hari ng Ai, na siyang binihag nilang buhay, at dinala nila siya kay Josue.
24 When the Israelites had finished killing the men of Ai who had chased them towards the wilderness—once they had all been cut down by the sword—the whole Israelite army returned to the town and killed everyone living there.
Nangyari ito nang natapos patayin ng Israel ang lahat ng mga naninirahan ng Ai sa lupaing malapit sa ilang kung saan tinugis nila sila, at nang lahat sa kanila, sa isang kahuli-hulihan, na natalo sa pamamagitan ng talim ng espada, bumalik ang lahat ng Israel sa Ai. Sinalakay nila ito sa pamamagitan ng talim ng espada.
25 Those who were killed that day numbered twelve thousand, men and women—all the inhabitants of Ai.
Lahat ng natalo sa araw na iyon, kapwa mga lalaki at babae, ay labindalawang libo, lahat ng bayan ng Ai.
26 For Joshua had continued to hold up his spear until all the people of Ai had been destroyed.
Hindi ibinalik ni Josue ang kaniyang kamay na inabot niya, habang hinahawakan ang kaniyang sibat, hanggang tuluyang nawasak niya ang lahat ng bayan ng Ai.
27 Only the livestock and plunder were taken from the town by the Israelites, as the Lord had instructed Joshua.
Kinuha lamang ng Israel ang mga alagang hayop at ang ninakaw mula sa lungsod para sa kanilang sarili, tulad ng inutos ni Yahweh kay Josue.
28 So Joshua burned the town of Ai, making it permanently into a heap of ruins where no one lives to this very day.
Sinunog ni Josue ang Ai at ginawa itong isang tambakan ng mga nawasak magpakailanman. Ito ay isang lugar na pinabayaan sa araw na ito.
29 He killed the king of Ai and hung his body on a tree until evening. When the sun went down Joshua ordered the body taken down. They threw it down in front of the entrance to the town gate and piled a heap of rocks over it which is still there today.
Ibinitin niya ang hari ng Ai sa isang puno hanggang gabi. Nang palubog na ang araw, nagbigay ng utos si Josue at kinuha nila ang katawan ng hari pababa mula sa puno at itinapon ito sa harap ng tarangkahan ng lungsod. Nagtayo sila roon ng isang malaking tambakan ng mga bato sa ibabaw nito. Nanatili ang tambakan na iyon doon sa araw na ito.
30 Then Joshua built an altar on Mount Ebal for the Lord, the God of Israel.
Pagkatapos itinayo ni Josue ang isang altar para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sa Bundok Ebal,
31 He did what Moses, the servant of the Lord, had told the Israelites to do, as recorded in the book of the Law of Moses: an altar of uncut stones which no one has worked with iron tools. On the altar they made burnt offerings and friendship offerings to the Lord.
gaya ni Moises ang lingkod ni Yahweh na inutusan ang bayan ng Israel, ayon sa nakasulat sa aklat ng batas ni Moises: “Isang altar mula sa hindi nahating mga bato, na walang ni isa ang makahawak sa isang bakal na kagamitan.” At naghandog siya rito ng handog na susunugin kay Yahweh, at nag-alay sila ng mga handog para sa kapayapaan.
32 There in the presence of the Israelites, Joshua inscribed on the stones a copy of the Law of Moses.
At doon sa presensya ng bayan ng Israel, isinulat niya sa mga bato ang isang kopya ng batas ni Moises.
33 All the Israelites, the elders, the officers, and the judges stood in two groups facing each other with the priests, the Levites, and the Ark of the Lord's Agreement between them. (Included were the foreigners as well as the native born.) Half of them stood in front of Mount Gerizim, and half in front of Mount Ebal, just as Moses had ordered, for the blessing of the people this first time.
Lahat ng Israel, kanilang nakatatanda, mga opisyales, at kanilang mga hukom ay tumayo sa magkabilang bahagi ng kaban sa harap ng mga pari at mga Levita na nagdala ng kaban ng tipan ni Yahweh—ang dayuhan gayundin ang ipinanganak na katutubo—nakatayo sa harap ng Bundok Gerizim ang kalahati sa kanila at nakatayo sa harap ng Bundok Ebal ang ibang kalahati. Pinagpala nila ang bayan ng Israel, gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kanila sa simula.
34 Then Joshua read out the whole Law—all the blessings and curses recorded in the book of the Law.
Pagkatapos, binasa ni Josue ang lahat ng mga salita sa batas, ang mga pagpapala at ang mga sumpa, gaya ng kanilang isinulat sa aklat ng batas.
35 Joshua read out every word of Moses' instruction to the whole Israelite assembly, including the women, the children, and the foreigners who lived among them.
Walang isang salita mula sa lahat na inutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng pagpupulong ng Israel, kasama ang mga kababaihan, ang maliliit na mga bata, at ang mga dayuhan na siyang nanirahan sa kanila.