< Job 29 >

1 Job went on speaking.
Muling nagsalita si Job at sinabi,
2 “I wish I was back in the old days when God looked after me!
“O, na ako ay parang noong mga nakalipas na mga buwan nang pinapangalagaan ako ng Diyos,
3 His light shone above me and lit my way through the darkness.
nang lumiwanag ang kaniyang ilawan sa aking ulo, at nang lumakad ako sa kadilimang ginagabayan ng kaniyang liwanag.
4 When I was young and strong, God was my friend and spoke to me in my home.
O, kung katulad lang sana ako noong nasa kahinugan pa ng aking mga araw nang ang pagkakaibigan ng Diyos ay nasa aking tolda,
5 The Almighty was still with me and I was surrounded with my children.
nang kapiling ko pa ang Makapangyarihan, at ang aking mga anak ay nakapaligid sa akin,
6 My herds produced much milk, and oil flowed freely from my olive presses.
nang ang aking landas ay umaapaw sa gatas, at ibinubuhos sa akin ng bato ang mga batis ng langis!
7 I went out to the city gate and took my seat in the public square.
Nang lumabas ako patungo sa tarangkahan ng lungsod, nang naupo ako sa aking lugar sa plasa,
8 The young men saw me and moved out of the way; the elders would stand up for me.
natanaw ako ng mga kabataang lalaki at pinanatili ang kanilang distansya mula sa akin bilang tanda ng paggalang, at ang mga matatanda ay tumindig at tumayo para sa akin.
9 The leaders remained silent and covered their mouths with their hands.
Dati ay itinitigil ng mga prinsipe ang kanilang usapan kapag dumadating ako; tinatakpan nila ng kanilang kamay ang kanilang mga bibig.
10 The voices of the officials were hushed; they held their tongues in my presence.
Tumahimik ang mga boses ng mga maharlilka, at kumapit ang kanilang dila sa bubong ng kanilang mga bibig.
11 Everyone who listened to me praised me; whoever saw me commended me,
Dahil matapos akong marinig ng kanilang mga tainga, pagpapalain nila ako; matapos akong makita ng kanilang mga mata, nagpapatotoo sila at sumasang-ayon sa akin
12 because I gave to the poor who called out to me and the orphans who had no one to help them.
dahil dati ay sinasagip ko ang taong mahirap na sumisigaw, pati na ang lahat ng mga walang ama, na walang sinumang tutulong sa kaniya.
13 Those who were about to die blessed me; I made the widow sing for joy.
Ang pagpapala ng taong malapit nang masawi ay dumarating sa akin; dinulot kong kumanta ang puso ng biyuda dahil sa kagalakan.
14 Being true and acting right were what I wore for clothing.
Sinuot ko ang katuwiran, at dinamitan ako nito; ang katarungan ko ay tulad ng isang kasuotan at isang turban.
15 I was like eyes for the blind and feet for the lame.
Naging mga mata ako ng mga bulag; naging mga paa ako ng mga pilay.
16 I was like a father to the poor, and I defended the rights of strangers.
Naging isang ama ako ng mga nangangailangan; sinusuri ko ang kaso kahit na ng isang hindi ko kilala.
17 I broke the jaw of the wicked and made them drop their prey from their teeth.
Binasag ko ang mga panga ng masama; hinalbot ko ang biktima mula sa pagitan ng kaniyang mga ngipin.
18 I thought I would die at home, after many years.
Pagkatapos sinabi ko, “Mamamatay ako sa aking pugad; pararamihin ko ang aking mga araw tulad ng mga butil ng buhangin.
19 Like a tree my roots spread out to the water; the dew rests on my branches overnight.
Umaabot ang aking mga ugat sa mga tubig, at nasa mga sanga ko ang hamog buong gabi.
20 Fresh honors were always being given to me; my strength was renewed like an unfailing bow.
Ang parangal sa akin ay laging sariwa, at ang pana ng aking kalakasan ay laging bago sa aking kamay;
21 People listened carefully to what I had to say; they kept quiet as they listened to my advice.
Sa akin nakinig ang mga tao; hinintay nila ako; nanatili silang tahimik para marinig ang aking payo.
22 Once I had spoken they had nothing else to say; what I said was enough.
Matapos kong sabihin ang aking mga salita, hindi na sila muling nagsalita; ang aking pananalita ay pumatak sa kanila tulad ng tubig.
23 They waited for me like people waiting for rain; their mouths wide open for the spring rain.
Lagi nila akong hinihintay na parang paghintay nila sa ulan; ibinuka nila nang malaki ang kanilang bibig para inumin ang aking mga salita, gaya ng ginagawa nila para sa ulan sa panahon ng tag-araw.
24 When I smiled at them they could hardly believe it; my approval meant all the world to them.
Ngumiti ako sa kanila nang hindi nila ito inasahan; hindi nila tinanggihan ang liwanag ng aking mukha.
25 I decided the way forward as their leader, living like a king among his soldiers, and when they were sad I comforted them.
Pinili ko ang kanilang landas at umupo bilang kanilang hepe; namuhay akong tulad ng isang hari sa kaniyang hukbo, tulad ng isang umaaliw sa mga taong nagdadalamhati sa isang libing.

< Job 29 >