< Jeremiah 52 >
1 Zedekiah was twenty-one when he became king, and he reigned in Jerusalem for eleven years. His mother's name was Hamutal, daughter of Jeremiah She came from Libnah.
Si Zedekias ay dalawampu't isang taon nang siya ay magsimulang maghari; naghari siya ng labing-isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal; siya ang anak na babae ni Jeremias na mula sa Libna.
2 He did evil in the Lord's sight, just as Jehoiakim had done.
Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh at ginawa niya ang lahat ng ginawa ni Jehoiakim.
3 All this happened in Jerusalem and Judah, because of the Lord's anger, until he eventually banished them from his presence. Zedekiah rebelled against the king of Babylon.
Sa galit ni Yahweh, nangyari ang lahat ng pangyayaring ito sa Jerusalem at Juda, hanggang sa itakwil niya sila sa kaniyang harapan. Pagkatapos ay naghimagsik si Zedekias laban sa hari ng Babilonia.
4 In the ninth year of Zedekiah's reign, on the tenth day of the tenth month, Nebuchadnezzar, king of Babylon, attacked Jerusalem with his entire army. He set up camp around the city and built siege ramps against the walls.
Nangyari na sa ikasiyam na taon ng paghahari ni Haring Zedekias, sa ikasampung buwan, at sa ikasampung araw ng buwan, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia, kasama ang lahat ng kaniyang mga hukbo laban sa Jerusalem. Nagkampo sila sa kabila nito, at nagtayo sila ng pader sa palibot nito.
5 The city remained under siege until the eleventh year of King Zedekiah.
Kaya ang lungsod ay nilusob hanggang sa ikalabing-isang taon ng paghahari ni Haring Zedekias.
6 By the ninth day of the fourth month, the famine in the city was so bad that the people had nothing left to eat.
Sa ikaapat na buwan, sa ikasiyam na araw ng taon na iyon, matindi ang taggutom sa lungsod na walang pagkain para sa mga tao ng lupain.
7 Then the city wall was broken through, and all the soldiers ran away, escaping at night through the gate between the two walls by the king's garden, even though the Babylonians had the city surrounded. They went in the direction of the Arabah,
Pagkatapos nilusob at winasak ang lungsod, at ang lahat ng mga kalalakihang mandirigma ay tumakas at lumabas sa lungsod sa gabi, dumaan sila sa tarangkahan na nasa pagitan ng dalawang pader, malapit sa hardin ng hari, kahit na ang mga Caldea ay nakapalibot sa lungsod. Kaya nagtungo sila sa direksiyon ng Araba.
8 but the Babylonian army chased after the king and caught up with him on the plains of Jericho. His whole army had scattered and left him.
Ngunit hinabol ng mga Caldean ang hari at inabot si Zedekias sa kapatagan ng Ilog Jordan na malapit sa Jerico. Ang lahat ng kaniyang hukbo ay nagkalat palayo sa kaniya.
9 They captured the king and took him to the king of Babylon at Riblah, where he sentenced him.
Binihag nila ang hari at dinala sa hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat, kung saan niya ibinigay ang hatol sa kaniya.
10 The king of Babylon slaughtered Zedekiah's sons while he watched, and also killed the officials of Judah there at Riblah.
Pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedekias sa kaniyang harapan, at pinatay din niya sa Ribla ang lahat ng mga pinuno ng Juda.
11 Then he gouged out Zedekiah's eyes, and bound him in bronze shackles. The king of Babylon took him to Babylon and imprisoned him there until the day he died.
Pagkatapos dinukot niya ang mga mata ni Zedekias, at iginapos siya ng tansong tanikala at dinala siya sa Babilonia. Ikinulong siya ng hari ng Babilonia hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
12 On the tenth day of the fifth month, in the nineteenth year of Nebuchadnezzar, king of Babylon, Nebuzaradan, the commander of the guard, an officer of the king of Babylon, entered Jerusalem.
Ngayon sa ikalimang buwan, sa ikasampung araw ng buwan, na siyang ikalabinsiyam na taon ng paghahari ni Haring Nebucadnezar, na hari ng Babilonia, dumating si Nebuzaradan sa Jerusalem. Siya ang pinuno ng mga bantay ng hari at isang lingkod ng hari ng Babilonia.
13 He burned down the Lord's Temple, the royal palace, and all the large buildings of Jerusalem.
Sinunog niya ang tahanan ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at lahat ng mga bahay sa Jerusalem. Ganoon din sinunog niya ang lahat ng mga mahahalagang gusali sa lungsod.
14 The whole Babylonian army under the commander of the guard knocked down all the walls around Jerusalem.
Ang mga pader naman sa palibot ng Jerusalem ay winasak ng lahat ng hukbo ng Babilonia kasama ng pinuno ng mga bantay.
15 Nebuzaradan, the commander of the guard, deported some of the poor people and those who were left in the city, even those who had gone over to the side of the king of Babylon, as well as the rest of the craftsmen.
At ang mga pinakamahihirap na tao, ang mga taong naiwan sa lungsod, ang mga nagsitakas patungo sa hari ng Babilonia, at ang mga nalabing manggagawa—dinalang bihag ni Nebuzaradan, na pinuno ng mga bantay, ang ilan sa kanila ay ipinatapon.
16 But Nebuzaradan allowed others of the poor people who were left in the country to stay and take care of the vineyards and the fields.
Ngunit iniwan ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay, ang ilan sa mga pinakamahihirap sa lupain upang magtrabaho sa ubasan at sa mga bukid.
17 The Babylonians broke into pieces the bronze pillars, the movable carts, and the bronze Sea that belonged to the Lord's Temple, and they took all the bronze to Babylon.
Ang mga posteng tanso naman na nasa tahanan ni Yahweh, at ang mga patungan at ang dagat na tanso na nasa tahanan ni Yahweh, sinira at dinurog ng mga Caldea sa malilit na piraso ang tanso at dinala sa Babilonia.
18 They also took all the pots, shovels, lamp snuffers, sprinkling bowls, and all the other bronze items used in the Temple service.
Ang mga palayok, mga pala, mga gunting, mga mangkok, at lahat ng mga kagamitang tanso na ginagamit ng mga pari sa paglilingkod sa templo ay kinuhang lahat ng mga Caldea.
19 The commander of the guard removed the basins, censers, sprinkling bowls, pots, lampstands, dishes and bowls, anything that was made of pure gold or silver.
Ang mga palanggana at ang mga sunugan ng insenso, ang mga mangkok, mga palayok, mga kandelero, at mga palanggana na gawa sa ginto, at ang mga gawa sa pilak ay kinuha rin ng kapitan ng bantay ng hari.
20 The amount of bronze that came from the two columns, the Sea, the twelve bronze bulls under it, and the movable carts, which Solomon had made for the Lord's Temple, all of this weighed more than could be measured.
Ang dalawang poste, ang dagat-dagatan, at ang labindalawang tansong toro na nasa ilalim ng mga patungan, ang mga bagay na ginawa ni Solomon para sa tahanan ni Yahweh ay naglalaman ng maraming tanso na higit sa kanilang kayang timbangin.
21 Each column was eighteen cubits tall and twelve cubits around. They were hollow with walls four fingers thick.
Ang poste ay may taas na labing walong kubit bawat isa, at ang bawat paikot ay nasukat ang bawat isa ng labindalawang kubit. Ang bawat isa ay may apat na daliri ang kapal ngunit walang laman sa loob.
22 The bronze capital on top of one column was five cubits high, with a network of bronze pomegranates around it. The second column was the same, and also had a decorative network.
May pangunahing tanso sa ibabaw nito. Ang sukat nito ay may limang kubit ang taas, na may palamuti at mga granada sa palibot. Ang lahat ay gawa sa tanso. Ang ibang poste at mga granada ay kapareho ng nauna.
23 There were ninety-six bronze pomegranates around each column. Above the network were a total of one hundred pomegranates.
Kaya mayroong siyamnapu't anim na granada sa tagiliran ng kapitel, at isandaang granada sa itaas ng nakapalibot na palamuti.
24 The commander of the guard took as prisoners Seraiah, the chief priest, Zephaniah the priest, second in rank, and the three Temple doorkeepers.
Dinalang bihag ng pinuno ng bantay si Seraias, na pinakapunong pari, kasama si Zepanias, na pangalawang pari, at ang tatlong bantay ng tarangkahan.
25 From those left in the city he took the officer in charge of the soldiers, and seven of the king's advisors. He also took the secretary to the army commander who was in charge of calling up the people for military service, and sixty other men who were present in the city.
Mula sa lungsod dinala niyang bihag ang isang opisyal na namamahala sa mga kawal, at pitong mga kalalakihan na tagapayo ng hari, na nananatili sa lungsod. Kinuha din niyang bilanggo ang opisyal ng hukbo ng hari na tumatawag sa mga kalalakihan para maging kawal, kasama ang animnapung mahahalagang mga kalalakihan mula sa lupain na nasa lungsod.
26 Nebuzaradan, the commander of the guard, took them and brought them before the king of Babylon at Riblah.
Pagkatapos kinuha at dinala sila ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay, sa hari ng Babilonia sa Ribla.
27 The king of Babylon had them executed at Riblah in the land of Hamath. So the people of Judah had to leave their land.
Ipinapatay sila ng hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat. Sa ganitong paraan lumabas ang Juda sa lupain nito sa pagpapatapon.
28 This is a record of the number of people Nebuchadnezzar took into exile. In the seventh year of his reign he took 3,023 Judeans.
Ito ang mga taong dinalang bihag ni Haring Nebucadnezar: sa ikapitong taon ay 3, 023 na mga taga-Judea.
29 In his eighteenth year Nebuchadnezzar took another 832 from Jerusalem.
Sa ikalabing-walong taon ni haring Nebucadnezar kinuha niya ang 832 mga tao mula sa Jerusalem.
30 In his twenty-third year of Nebuchadnezzar's reign, Nebuzaradan, the commander of the guard, took another 745 Judeans, making a total of 4,600.
Sa ikadalawampu't tatlong taon ni Nebucadnezar, dinalang bihag ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay ng hari ang 745 na mga Judio. Ang lahat ng kabuuan ng mga taong ipinatapon ay 4, 600.
31 In the year Evil-merodach became king of Babylon, he released Jehoiachin, king of Judah, from prison. This happened on the twenty-fifth day of the twelfth month of the thirty-seventh year of the exile of Jehoiachin, king of Judah.
Nangyari na sa ika-tatlumpu't pitong taon ng pagpapatapon kay Jehoiakin, na hari ng Juda, sa ikalabindalawang buwan, sa ikadalawampu't limang araw ng buwan, na pinalaya ni Evil-merodac na hari ng Babilonia si haring Jehoiakin mula sa kulungan. Nangyari ito sa taon nang simulang maghari si Evil-merodac.
32 The king of Babylon treated him well him and gave him a position of honor higher than the other kings there with him in Babylon.
Siya ay nagsalita ng kagandahang loob at binigyan siya ng upuan na mas kagalang-galang kaysa sa ibang hari na kasama niya sa Babilonia.
33 So Jehoiachin was able to remove his prison clothes, and he ate frequently at the king's table for the rest of his life.
Inalis ni Evil-merodac ang damit pangbilanggo ni Jehoiakin at palaging kumakain si Jehoiakin sa hapag ng hari sa natirang taon ng kaniyang buhay.
34 The king provided Jehoiachin with a daily allowance for the rest of his life until he died.
At binigyan ng pagkain sa araw-araw sa natitira pang taon ng kaniyang buhay hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.