< Jeremiah 2 >

1 The Lord's message came to me, saying,
At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 Go and announce to the people of Jerusalem that this is what the Lord says: I remember when you were young how devoted to me you were. I remember how you loved me when you were my bride. I remember how you followed me in the desert, in a land where nothing is grown.
Ikaw ay yumaon, at humiyaw sa mga pakinig ng Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inaalaala ko sa ikabubuti mo ang kagandahang-loob ng iyong kabataan, ang pagibig sa iyong mga pagaasawa; kung paanong ikaw ay sumunod sa akin sa ilang, sa lupain na hindi hinasikan.
3 Israel was holy to the Lord, the firstfruits of his harvest. Anyone who ate this harvest was guilty of sin, and they experienced the disastrous results, declares the Lord.
Ang Israel ay kabanalan sa Panginoon, na mga pangunang bunga ng kaniyang halaman: lahat na nagsisisakmal sa kaniya ay aariing salarin; kasamaan ay darating sa kanila, sabi ng Panginoon.
4 Listen to the Lord's message, descendants of Jacob, all you Israelites.
Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh sangbahayan ni Jacob, at lahat na angkan ng sangbahayan ng Israel:
5 This is what the Lord says: What did your forefathers think was wrong with me that they went so far away from me? They went off to worship useless idols, and as a result became useless themselves!
Ganito ang sabi ng Panginoon, Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila'y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?
6 They didn't ask themselves, “Where is the Lord who led us from Egypt, who led us through the wasteland, through a land of deserts and ravines, a land of drought and darkness, a land that no one travels through and where no one lives?”
Hindi man nila sinabi, Saan nandoon ang Panginoon na nagahon sa atin mula sa lupain ng Egipto, na pumatnubay sa atin sa ilang, sa mga lupaing ilang at bakobako, sa lupaing may pagkakatuyo at lilim ng kamatayan, sa lupain na walang dumaraan at walang taong tumatahan?
7 I led you into a productive land to eat all the good things that grow there. But you came and made my land unclean, making it offensive to me.
At dinala ko kayo sa saganang lupain, upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon; nguni't nang kayo'y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain, at ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana.
8 Your priests did not ask, “Where is the Lord?” Your teachers of the law no longer believed in me, and your leaders rebelled against me. Your prophets prophesied by calling on Baal and followed worthless idols.
Hindi sinabi ng mga saserdote, Saan nandoon ang Panginoon? at silang nagsisihawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin: ang mga pinuno naman ay nagsisalansang laban sa akin, at ang mga propeta ay nanganghula sa pamamagitan ni Baal, at nagsilakad na sumunod sa mga bagay na hindi pinakikinabangan.
9 So I'm going to confront you again, declares the Lord, and I will bring charges against your children's children.
Kaya't ako'y makikipagtalo pa sa inyo, sabi ng Panginoon, at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako.
10 Travel over to the islands of Cyprus and take a look; go to the land of Kedar and examine carefully to see if anything like this has ever happened before.
Sapagka't mangagdaan kayo sa mga pulo ng Chittim, at tingnan, at kayo'y mangagsugo sa Cedar, at mangagbulay na maingat; at inyong tingnan kung may nangyaring ganiyang bagay.
11 Has a nation ever changed its gods? —even though they're not gods at all! Yet my people have traded their glorious God for worthless idols.
Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios, na hindi mga dios? nguni't ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan.
12 You heavens, you should be appalled, shocked and horrified! declares the Lord.
Mangagtaka kayo Oh kayong mga langit, sa bagay na ito, at mangatakot ng kakilakilabot, mangatuyo kang lubha, sabi ng Panginoon.
13 For my people have done two evil things. They have abandoned me, the source of living water, and they have dug their own cisterns—broken cisterns that can't hold water.
Sapagka't ang bayan ko ay nagkamit ng dalawang kasamaan; kanilang iniwan ako na bukal ng buhay na tubig, at nagsigawa sa ganang kanila ng mga balon na mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig.
14 Are Israelites slaves? Were they born into slavery? So why have they become victims?
Ang Israel baga'y alipin? siya baga'y aliping ipinanganak sa bahay? bakit siya'y naging samsam.
15 The young lions roared at you; they growled loudly. They have devastated your country; your towns lie in ruins. No one lives there.
Ang mga batang leon ay nagsiungal sa kaniya, at nagsihiyaw: at sinira nila ang kaniyang lupain; ang kaniyang mga bayan ay nangasunog, na walang mananahan.
16 The men of Memphis and Tahpanhes have shaved your heads.
Binasag naman ng mga anak ng Memfis at ng Taphnes ang bao ng iyong ulo.
17 Didn't you bring this on yourself by abandoning the Lord your God when he was leading you in the right way?
Hindi mo baga pinapangyari ito sa iyong sarili, dahil sa iyong pagpapabaya sa Panginoon mong Dios, nang kaniyang patnubayan ka sa daan?
18 Now what will you benefit as you travel back to Egypt to drink the waters of Shihor River? What will you gain on your way to Assyria to drink the waters of the Euphrates River?
At ngayo'y anong ipakikialam mo sa daan na patungo sa Egipto, upang uminom ng tubig sa Sikor? o anong ipakikialam mo sa daang patungo sa Asiria, upang uminom ng tubig sa ilog?
19 Your own wickedness will discipline you; your own disobedience will teach you a lesson. Think about it and you'll recognize what a bitter evil it is for you to abandon the Lord your God and not to respect me, declares the Lord God Almighty.
Sasawayin ka ng iyong sariling kasamaan, at sasawayin ka ng iyong mga pagtalikod: talastasin mo nga at iyong tingnan na masamang bagay at kapanglawpanglaw, na iyong pinabayaan ang Panginoon mong Dios: at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.
20 You broke off your yoke and ripped off your chains long ago. “I won't worship you!” you declared. On the contrary, you lay down like a prostitute on every high hill and under every green tree.
Sapagka't nang unang panahon ay inalis ko ang iyong pamatok, at nilagot ko ang iyong mga tali; at iyong sinabi: Hindi ako maglilingkod; sapagka't sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy ay yumuko ka, na nagpatutot.
21 I was the one who planted you like the finest vine, grown from the very best seed. How could you degenerate into a useless wild vine?
Gayon ma'y tinamnan kita ng mahal na puno ng ubas, na pawang mabuting binhi: bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin?
22 Even bleach and plenty of soap can't get rid of your guilty stains. I still see them, declares the Lord God.
Sapagka't bagaman maghugas ka ng lihiya, at magbunton ka ng maraming sabon, gayon ma'y natatala sa harap ko ang iyong kasamaan, sabi ng Panginoong Dios.
23 How dare you say, “I'm not unclean! I haven't gone to worship the Baals!” Look at what you've been doing down in the valley. Admit what you've done! You're a young female camel, racing around everywhere.
Paanong masasabi mo, Hindi ako nagpakahawa, hindi ako yumaong sumunod sa mga Baal? tingnan mo ang iyong daan sa libis, talastasin mo kung ano ang iyong ginawa: ikaw na maliksing dromedario na dumadamba sa paglakad;
24 You're a female donkey living in the desert, sniffing the wind for a mate because she's in heat. No one can control her at mating time. All those who're looking for her won't have trouble finding her when she's in heat.
Isang asnong babaeng mailap na sanay sa ilang na sumisingasing sa kaniyang nais; sa kaniyang pagkakataon, sinong makapagliligaw sa kaniya? silang lahat na nagsisihanap sa kaniya ay hindi mapapagod: sa kaniyang kabuwanan ay masusumpungan siya.
25 You don't have to run around barefoot or have your throat go dry. But you reply, “No, it's impossible! I'm in love with foreign gods—I must go to them.”
Ingatan mo ang iyong paa sa paglakad na walang suot, at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw. Nguni't iyong sinabi, Walang kabuluhan; hindi, sapagka't ako'y umibig sa mga taga ibang lupa, at sa kanila'y susunod ako.
26 In the same way that a thief feels guilty when they're caught, so the people of Israel have been shamed. All of them—their kings, their officials, their priests, and their prophets.
Kung paanong ang magnanakaw ay napapahiya pagka siya'y nahuhuli, gayon napapahiya ang sangbahayan ni Israel; sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga prinsipe, at ang kanilang mga saserdote, at ang kanilang mga propeta,
27 They say to an idol made of wood, “You are my father,” and one made of stone, “You gave birth to me.” They turn their backs on me, and hide their faces from me. But when they're in trouble they come begging to me, saying, “Please come and save us!”
Na nangagsasabi sa kahoy, Ikaw ay aking ama; at sa bato, Iyong ipinanganak ako: sapagka't kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin, at hindi ang kanilang mukha: nguni't sa panahon ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila, Ikaw ay bumangon, at iligtas mo kami.
28 So where are these “gods” of yours that you made for yourselves? Let them come and help you when you're in trouble! Let them save you if they can, because you Israelites have as many gods as you have towns.
Nguni't saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, kung sila'y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda.
29 Why are you complaining to me? It's all of you who have all rebelled against me! declares the Lord.
Bakit kayo nangakikipagpunyagi sa akin? kayong lahat ay nagsisalangsang laban sa akin, sabi ng Panginoon.
30 It was pointless of me to punish your children because they refused to accept any discipline. You used your own swords to kill your prophets, destroying them like a ferocious lion.
Sa walang kabuluhan sinaktan ko ang inyong mga anak; sila'y hindi nagsitanggap ng saway; nilamon ng inyong sariling tabak ang inyong mga propeta, na parang manglilipol na leon.
31 You people of today, think about what the Lord is saying: Israel, have I treated you like an empty desert, or a land of thick darkness? Why are my people saying, “We can go where we like! We don't have to come and worship you any more”?
Oh lahi, tingnan ninyo ang salita ng Panginoon. Naging ilang baga ako sa Israel? o lupain ng salimuot na kadiliman? bakit nga sinasabi ng aking bayan, Kami ay nangakalaya; hindi na kami paroroon pa sa iyo?
32 Does a girl forget her jewelry or a bride her wedding dress? Yet my people have forgotten me for too many years to count.
Malilimutan baga ng dalaga ang kaniyang mga hiyas, o ng kasintahang babae ang kaniyang kagayakan? gayon ma'y nilimot ako ng bayan ko sa mga araw na walang bilang.
33 How cleverly you look for your lovers! Even prostitutes could learn something from you!
Anong pagpapaganda mo ng iyong lakad upang humanap ng pagibig! kaya't gayon din ang mga patutot ay iyong tinuruan ng iyong mga lakad.
34 On top of that, your clothes are stained with the blood of the poor and the innocent. It's not like you killed them breaking into your homes. Despite all this,
Gayon din sa mga laylayan mo ay nakasumpong ng dugo ng mga kaluluwa ng dukhang walang sala: hindi mo nasumpungan sa dako ng pagbubukas; kundi dahil sa lahat ng mga ito.
35 you go on saying, “I'm innocent! Surely he can't still be upset with me!” Watch out! I'm going to punish you because you go on saying, “I haven't sinned.”
Gayon ma'y sinabi mo: Ako'y walang sala; tunay na ang kaniyang galit ay humiwalay sa akin. Narito, hahatulan kita, sapagka't iyong sinabi, Hindi ako nagkasala.
36 You're just so fickle—you keep on changing your mind! You will end up just as disappointed by your alliance with Egypt as you were with Assyria.
Bakit ka lumalaboy upang papanibaguhin mo ang iyong lakad? ikahihiya mo rin naman ang Egipto na gaya ng iyong pagkahiya sa Asiria.
37 In fact you will go into exile with your hands on your head as prisoners, because the Lord will have nothing to do with those you trust; they will be no help to you.
Mula doon ay lalabas ka rin, na ang iyong mga kamay ay nakapatong sa iyong ulo: sapagka't itinakuwil ng Panginoon ang iyong mga pinagkakatiwalaan, at hindi ka giginhawa sa kanila.

< Jeremiah 2 >