< Isaiah 16 >
1 Send lambs as tribute to the ruler of the land, from Sela through the desert, to the mountain of the daughter of Zion.
Ipadadala ninyo ang mga kordero na ukol sa pinuno ng lupain mula sa Selah na nasa dakong ilang, hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion.
2 The Moabite women at the fords of the Arnon are like birds fluttering around when their nest is destroyed.
Sapagka't mangyayari, na gaya ng mga ibong nagsisigala, na gaya ng kalat na pugad, magiging gayon ang mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng Arnon.
3 Think about it and make a decision. Make your shadow as invisible at midday as during the night. Hide the refugees; don't betray them as they run away.
Magpayo ka, magsagawa ka ng kahatulan; iyong gawin ang iyong anino na gaya ng gabi sa gitna ng katanghaliang tapat: ikubli mo ang mga tapon; huwag mong ilitaw ang palaboy.
4 Let my refugees stay among you, Moab. Hide them from our enemies until the destroyer is no more, the destruction is over, and the aggressive invaders have gone.
Patirahin mong kasama mo ang aking natapon; tungkol sa Moab, maging kanlungan ka niya sa mukha ng mananamsam: sapagka't ang mamimighati ay mauuwi sa wala, ang pagsamsam ay matitigil, ang mga mamimighati ay malilipol sa lupain.
5 Then a kingdom will be set up based on trustworthy love, and on its throne will sit a faithful king from the line of David. He will judge fairly, and will be passionately committed to doing what is right.
At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob, at isa'y uupo roon sa katotohanan, sa tabernakulo ni David; na humahatol at humahanap ng kahatulan, at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran.
6 We know all about the pride of the Moabites, how terribly vain and conceited they are, completely arrogant! But their boasting is false.
Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang kahambugan, at ang kaniyang kapalaluan, at ang kaniyang poot, ang kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala.
7 All the Moabites grieve for Moab. They all mourn the loss of the raisin cakes of Kir-hareseth, all of them destroyed.
Kaya't aangal ang Moab dahil sa Moab, bawa't isa'y aangal: dahil sa mga binilong pasas ng Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw.
8 Heshbon's fields have dried up, as have Sibmah's grapevines. The rulers of the nations have trampled down the vines that once branched out to Jazer and east towards the desert, and west as far as the sea.
Sapagka't ang mga bukid ng Hesbon ay nanghihina, at ang ubasan ng Sibma; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon; sila'y nagsisapit hanggang sa Jazer, sila'y nagsilaboy sa ilang; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad, sila'y nagsitawid sa dagat.
9 So I cry with Jazer for Sibmah's vines; I soak Heshbon and Elealeh with my tears. Nobody shouts in celebration over your summer fruit and your harvest any more.
Kaya't iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma: aking didiligin ka ng aking mga luha, Oh Hesbon, at Eleale; sapagka't sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani, dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka.
10 Joy and happiness are gone. Nobody celebrates in the harvest fields or the vineyards; nobody shouts happily. Nobody treads grapes in the winepresses. I have stopped their cheering.
At ang kasayahan ay naalis, at ang kagalakan sa mainam na bukid; at sa mga ubasan ay hindi magkakaroon ng mga awitan, o masayang kaingay man: walang manyayapak na gagawa ng alak sa alakan; aking pinatigil ang awitan sa pagaani.
11 Heartbroken I cry for Moab like sad music on a harp; deep inside I weep for Kir-hareseth.
Kaya't ang aking tiyan ay tumutunog na parang alpa dahil sa Moab, at ang aking mga lamang-loob dahil sa Kir-hares.
12 The Moabites go and wear themselves out worshiping at their high places. They go to their shrines to pray, but it does them no good.
At mangyayari, pagka ang Moab ay humarap, pagka siya'y napagod sa mataas na dako, at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin, ay hindi siya mananaig.
13 This is the message that the Lord has already delivered about Moab.
Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Moab sa panahong nakaraan.
14 But now the Lord speaks again, and says, In three years, just as a contract worker precisely counts years, Moab's glory will turn into something to be laughed at. Despite there being so many Moabites now, soon there will only be a few feeble people left.
Nguni't ngayo'y nagsalita ang Panginoon, na nagsasabi, Sa loob ng tatlong taon, na gaya ng mga taon ng isang upahan, ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab sangpu ng lahat niyang karamihan; at ang nalabi ay mangangaunti at walang halaga.