< Genesis 31 >
1 Jacob found out that Laban's sons were saying, “Jacob has taken everything that belonged to our father. All the wealth he has actually came from our father.”
Ngayon narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban, na sinabi nila, “Kinuha ni Jacob ang lahat na mga pag-aari ng ating ninuno, at galing sa mga pag-aari ng ating ninuno ang lahat nang nakuha niyang kayamanan.”
2 Jacob also noticed that Laban was treating him differently to the way he had before.
Nakita ni Jacob ang anyo ng mukha ni Laban. Nakita niya na nagbago ang kanyang pakikitungo sa kanya.
3 The Lord told Jacob, “Go back to the country of your forefathers, to your family home. I will be with you.”
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Jacob, “Bumalik ka sa lupain ng iyong mga ninuno at sa iyong mga kamag-anak, at ako'y makakasama mo.”
4 Jacob sent for Rachel and Leah, telling them to come and meet him out in the fields where he was with his flock.
Pinatawag at pinapunta ni Jacob sina Raquel at Lea sa bukid sa kanyang kawan
5 “I've noticed that your father is treating me differently to the way he did before,” he told them. “But the God of my father will be with me.
at sinabi sa kanila, “Nakita kong nagbago ang pakikitungo ng inyong ama sa akin, ngunit ang Diyos ng aking ama ay kasama ko.
6 You both know very well how hard I worked for your father.
Alam ninyong pinaglingkuran ko ang inyong ama ng buong lakas ko.
7 But he's been cheating me—he's reduced my wages ten times! However, God hasn't let him hurt me.
Nilinlang ako ng inyong ama at pinalitan ng sampung beses ang sahod ko, ngunit hindi siya pinahintulutan ng Diyos na ako'y masaktan.
8 If he said, ‘You can have the speckled ones as your wages,’ then the whole flock had speckled young. If he said, ‘You can have the streaked ones as your wages,’ then the whole flock had streaked young.
Nang sinabi niya, 'Ang batik-batik na mga hayop ang ibibigay kong sahod sa iyo,' sa gayon ang lahat ng buong kawan ay nagsilang ng mga batang batik-batik. At nang sinabi niya, 'Ang mga guhitan ang iyong magiging sahod,' sa gayon ang lahat ng buong kawan ay nagsilang ng mga batang guhitan.
9 This is how God took your father's livestock and gave them to me.
Sa ganitong paraan kinuha ng Diyos ang mga alagang hayop ng inyong ama at ibinigay sila sa akin.
10 During the time the flock was breeding I had a dream where I saw that the male goats mating with the flock were all streaked, speckled, or spotted.
Minsan sa panahon ng pagpaparami, nakita ko sa isang panaginip ang mga lalaking kambing na nakikipagtalik sa kawan. Ang mga lalaking kambing ay mga guhitan, batik-batik at may butlig.
11 Then in the dream the angel of the Lord spoke to me and said, ‘Jacob!’ I replied, ‘I'm here.’
Sinabi sa akin ng anghel ng Diyos sa panaginip, “Jacob.' Sumagot ako, 'Narito ako.'
12 He told me, ‘Take a look and you'll see that all the male goats mating with the flock are streaked, speckled or spotted, for I've been watching everything that Laban has been doing to you.
Sabi niya, 'Imulat mo ang iyong mga mata at tingnan mo ang lahat ng mga lalaking kambing na nagpaparami sa kawan. Sila ay mga guhitan, may batik-batik at may batik, sapagkat nakita ko ang lahat ng bagay na ginagawa ni Laban sa iyo.
13 I am the God of Bethel, where you poured olive oil on the stone pillar and made a solemn promise to me. Now get ready to leave this land and go back to your homeland.’”
Ako ang Diyos ng Bethel, kung saan mo binuhusan ng langis ang isang haligi, kung saan ka gumawa ng isang panata sa akin. Ngayon, tumindig ka at lisanin ang lupaing ito at bumalik sa lupain ng iyong kapanganakan.”'
14 “There's nothing for us to inherit from our father's estate anyway,” Rachel and Leah replied.
Sumagot sina Raquel at Lea at sinabi sa kanya, “Mayroon ba kaming makukuhang anumang pamana sa bahay ng aming ama?
15 “He treats us like foreigners because he sold us to you, and now he's spent all that money.
Hindi ba itinuring niya tayo bilang mga dayuhan? Sapagkat ipinagbili niya tayo at tuluyang inubos ang ating pera.
16 All the wealth that God has taken from him belongs to us and our children, so do whatever God has told you to do!”
Dahil lahat ng kayamanang kinuha ng Diyos sa ating ama ngayo’y sa atin na at sa ating mga anak. Kaya ngayon, anumang sinabi ng Diyos sa iyo, gawin mo.”
17 So Jacob got ready. He helped his children and his wives onto the camels,
Pagkatapos bumangon si Jacob at pinasakay ang kanyang mga anak at mga asawa sa mga kamelyo.
18 and drove all his livestock in front of him. He took with him all his possessions and livestock he'd gained during his time in Paddan-aram, and left to go back to his father in the country of Canaan.
Pinauna niya ang kanyang mga alagang hayop, kasabay ng lahat ng kanyang mga ari-arian, pati na ang mga alagang hayop na nakuha niya sa Paddan Aram. Pagkatapos humayo siya patungo sa lupain ng Canaan sa kanyang amang si Isaac.
19 While Laban was away from home shearing his sheep, Rachel stole the household idols that belonged to her father.
Nang umalis si Laban para gupitan ang kanyang mga tupa, ninakaw naman ni Raquel ang diyos ng sambahayan ng kanyang ama.
20 Jacob also deceived Laban the Aramean by not informing him that he was going to run away.
Nilinlang din ni Jacob si Laban na Aramean, sa hindi pagsasabing aalis siya.
21 So Jacob left in a hurry with everything he had, crossed the Euphrates River, and headed towards the hill country of Gilead.
Kaya tumakas siya dala lahat ng mayroon siya at nagmamadaling tumawid sa Ilog, patungo sa dako ng burol na bansa ng Galaad.
22 Three days later Laban found out that Jacob had run away.
Sa ikatlong araw, nalaman ni Laban na tumakas si Jacob.
23 Taking some of his relatives with him, he chased after Jacob and caught up with him seven days later in the hill country of Gilead.
Kaya dinala niya ang kanyang mga kamag-anak at tinugis siya sa pitong araw na paglalakbay. Naabutan siya sa burol na bansa ng Galaad.
24 But during the night God came to Laban in a dream and told him, “Watch what you say to Jacob. Don't try to persuade him to come back, and don't threaten him either.”
Ngayon nagpakita ang Diyos kay Laban na Aramean sa isang panaginip sa gabi at sinabi sa kanya, “Mag-ingat kang magsalita kay Jacob, kahit masama man o mabuti.”
25 Jacob had set up his tents in the hill country of Gilead when Laban caught up with him, so Laban and his relatives did the same.
Naunahan ni Laban si Jacob. Ngayon itinayo ni Jacob ang kanyang tolda sa burol na bansa. Nagkampo rin si Laban at ang kanyang mga kamag-anak sa burol na bansa ng Galaad.
26 “Why did you deceive me like this?” Laban asked Jacob. “You carried off my daughters as if they were some prisoners captured by the sword!
Sinabi ni Laban kay Jacob, “Ano ang ginawa mo, na nilinlang mo ako at tinangay ang aking mga anak na babae na parang mga bilanggo sa digmaan?
27 Why did you run away in secret, trying to trick me? Why didn't you come and tell me? I would have given you a good send-off, a celebration with singing and the music of tambourines and lyres.
Bakit ka tumakas nang palihim at nilinlang ako at hindi mo man lang ako sinabihan. Pinaalis sana kita nang may pagdiriwang, at may mga awitin, may tamborin at may mga alpa.
28 You didn't even let me kiss my grandchildren and daughters goodbye! You've really acted stupidly!
Hindi mo ako pinayagang halikan ang aking mga apong lalaki at babae upang makapagpaalam. Gumawa ka ng kamangmangan.
29 I could really punish you badly, but the God of your father spoke to me last night and told me, ‘Watch what you say to Jacob. Don't try to persuade him to come back, and don't threaten him either.’
Nasa kapangyarihan ko ang gawan kayo ng masama, ngunit ang Diyos ng inyong ama ay nakipag-usap sa akin kagabi at sinabi, 'Mag-ingat kang magsalita laban kay Jacob masama man o mabuti.'
30 Clearly you wanted to leave and go back to your family home, but why did you have to steal my idols?”
At ngayon, lumayo ka dahil labis ka nang nangulila sa bahay ng iyong ama. Ngunit bakit mo ninakaw ang aking mga diyos?”
31 “I ran away because I was afraid,” Jacob explained to Laban. “I was worried that you would take your daughters from me by force.
Sumagot si Jacob at sinabi kay Laban, “Dahil natatakot ako at ang akala ko na kukunin mo ang iyong mga anak na bababe mula sa akin nang sapilitan kaya umalis ako nang palihim.
32 As for your idols, anyone you find who has them will die. You can search everything in the presence of our relatives, and if you find I have anything that belongs to you, you can take it.” (Jacob didn't know that Rachel had stolen the household idols.)
Kung sino man ang nagnakaw ng iyong mga diyos-diyosan ay hindi na patuloy na mabubuhay. Sa harap ng ating mga kamag-anak, alamin mo kung anong mayroon sa akin ang sa iyo at kunin mo.” Pagkat hindi alam ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw sa mga iyon.
33 Laban searched the tents of Jacob, Leah, and the two personal maids, but didn't find anything. He left Leah's tent and went into Rachel's tent.
Pumunta si Laban sa tolda ni Jacob, sa tolda ni Lea at sa tolda ng dalawang babaeng alipin, ngunit hindi niya natagpuan ang mga ito. Pumunta siya sa tolda ni Lea at pumasok sa tolda ni Raquel.
34 Rachel had put the household idols in a camel's saddlebag and was sitting on it. Laban carefully searched the whole tent but couldn't find them.
Ngayon kinuha ni Raquel ang diyos ng sambahayan, nilagay niya ang mga ito sa upuan sa likod ng kamelyo at inupuan niya. Hinanapan ni Laban ang buong tolda, ngunit hindi niya ito natagpuan.
35 She said to her father, “Sir, please don't get upset with me for not standing up in your presence, but I have my period.” He looked everywhere but didn't find the idols.
Sinabi ni Raquel sa kanyang ama, “Huwag kang magalit, aking panginoon, sapagkat hindi ako makakatayo sa kinauupuan ko dahil sa ako ay may buwanang dalaw.” Kaya naghanap siya ngunit hindi niya natagpuan ang kanyang pansambahayang diyos.
36 Jacob got angry with Laban and confronted him, saying, “What crime am I guilty of? What wrong have I done to you that you've come hunting me down?
Nagalit si Jacob at nakipagtalo kay Laban. Sinabi niya sa kanya, “Ano ba ang atraso ko? Ano ba ang kasalanan ko, na pinag-iinitan mo akong habulin?
37 You've searched through all my possessions. Did you find anything belonging to you? If you did, bring it out here before my relatives and yours so they can decide who's right!
Hinanapan mo na ang lahat ng aking ari-arian. Anong natagpuan mong iyong mga pansambahayang bagay? Ilagay ang mga iyon dito sa harap ng ating mga kamag-anak, upang humatol sila sa pagitan nating dalawa.
38 I've worked for you for these past twenty years. During that time none of your sheep and goats miscarried, and I haven't eaten a single ram from your flock.
Kasama ninyo ako sa loob ng dalawampung taon. Ang inyong mga babaeng tupa at babaeng kambing ay hindi nakunan, ni kumain ako ng anumang lalaking tupa mula sa iyong mga kawan.
39 If any of them were killed by wild animals, I never even brought you the carcass to prove the loss—I bore the loss myself. But you on the other hand always made me compensate you for any animals that were stolen, whether at night or in broad daylight.
Anuman ang nilapa ng mga mababangis na hayop hindi ko dinala sa iyo. Sa halip, inako ko ang pagkawala nito. Palagi mo akong pinagbayad sa mga nawawalang hayop, kahit na ninakaw sa araw o ninakaw sa gabi.
40 Whether it was sweating in the heat of the day, or freezing in the cold of the night when I couldn't sleep, I went on working for you for twenty years in your home.
Naroon ako; sa araw pinahirapan ako ng init, at ng nagyeyelong hamog sa gabi; at nagtiis ako nang walang tulog.
41 I worked fourteen years for your two daughters, and six more years with your flocks. You reduced my wages ten times!
Nitong dalawampung taon ay nasa inyong sambahayan mo ako. Nagtrabaho ako ng labing-apat na taon para sa dalawa mong anak na babae, at anim na taon para sa iyong kawan. Binago mo ang aking sahod ng sampung beses.
42 If it weren't for the God of my father, the God of Abraham, the awesome God of Isaac, who took care of me, you would have dismissed me with nothing. But God saw my suffering, how hard I worked, and he condemned you last night.”
Kung ang Diyos na sinasamba ng aking ama, ang Diyos ni Abraham, at ang isang kinatatakutan ni Isaac ay kasama ko, tiyak na ngayon pinaalis mo na sana akong walang dala. Nakita ng Diyos ang aking kaapihan at kung gaano kabigat ako nagtrabaho, at pagsabihan ka niya kagabi.”
43 Laban replied, “These are my daughters and these are my children and these are my flocks! In fact, everything you see here is mine! However, what can I do now about my daughters and their children?
Sumagot si Laban kay Jacob. ''Ang mga anak na babae ay aking mga anak na babae, ang mga apo ay aking mga apo, ang mga kawan ay aking mga kawan. Lahat ng nakita mo ay akin. Ngunit ano ba ang gagawin ko ngayon sa aking mga anak na babae at sa magiging anak nila na kanilang isinilang?
44 So let's make a solemn agreement between you and I, and it will be a witness to our mutual commitment.”
Kaya ngayon, gagawa tayo ng isang kasunduan, ikaw at ako, at hayaang maging saksi ito sa pagitan mo at sa akin.”
45 Jacob took a stone and set it upright as a pillar.
Kaya kumuha si Jacob ng isang bato at itinayo bilang isang haligi.
46 Then he told his relatives, “Go and collect some stones.” They all made a pile of stones and then sat beside it to eat a meal.
Sinabi ni Jacob sa kanyang mga kamag-anak, “Magtipon kayo ng mga bato.” Kaya kumuha sila ng mga bato at gumawa ng isang tumpok. Pagkatapos doon sila kumain sa may tumpok.
47 Laban called it Jegar-sahadutha, while Jacob called it Galeed.
Tinawag ni Laban itong Jegar-sahaduta, ngunit tinawag ni Jacob itong Galeed.
48 Laban announced, “This pile of stone serves as a witness between me and you.” This is why it was called Galeed.
Sinabi ni Laban, “Ang mga tumpok na ito ang isang saksi sa pagitan ko at sa iyo ngayon.” Kaya ang pangalan ay tinawag na Galeed.
49 It was also called Mizpah, for as Laban said, “May the Lord keep a close eye on both of us when we're not together.
Tinawag din itong Mizpah, dahil sinabi ni Laban, “Nawa si Yahweh ang magbantay sa pagitan mo at ako, kung hindi natin nakikita ang isa't isa.
50 If you treat my daughters badly or marry more wives in addition to them, God will see what you do even if no one else finds out!”
Kung abusuhin mo ang aking mga anak, o kumuha ka ng ibang mga asawa maliban sa mga anak ko, bagamat wala tayong kasama, tingnan mo, ang Diyos ang saksi sa pagitan mo at ako.”
51 Then Laban told Jacob, “Look at this pile of stones and this pillar that I have set up as a memorial of the agreement between you and me.
Sinabi ni Laban kay Jacob, “Tingnan mo ang tumpok na ito at tingnan ang poste, kung saan itinakda ko sa pagitan mo at ako.
52 They also act as a witness to our solemn promises to each other: I will not come past them to attack you; and you will not come past them to attack me.
Ang poste na ito ay isang saksi, at ang haligi ay isang saksi, na hindi ako lalampas sa tumpok na ito patungo sa iyo, at hindi ka lalampas sa tumpok na ito at sa haliging ito patungo sa akin, para gumawa ng pinsala.
53 May the God of Abraham and the God of Nahor—the God of our forefathers—be the one to judge between us in any dispute.” Jacob in turn made his solemn promise in the name of the awesome God of his father Isaac.
Nawa'y ang Diyos ni Abraham, at ang Diyos ni Nahor, ang Diyos ng kanilang ama, ang humatol sa pagitan natin.” Nanumpa si Jacob sa Diyos, na kinatatakutan ng kanyang amang si Isaac.
54 Then he offered a sacrifice on the mountain and invited all his relatives to eat a meal there. They spent the night on the mountain.
Nag-alok ng isang alay si Jacob sa bundok at tinawag ang kanyang mga kamag-anak para kumain. Kumain sila at nanatili sila sa bundok buong gabi.
55 Laban got up early in the morning and kissed his grandchildren and his daughters goodbye. He blessed them, and then left to go back home.
Madaling araw pa bumangon si Laban, hinalikan ang kanyang mga apong lalaki at mga anak na babae at pinagpala sila. Pagkatapos umalis si Laban at bumalik sa kanyang tahanan.