< Ezra 3 >
1 By the time of the seventh month, the Israelites had settled in their towns, and the people gathered together as one in Jerusalem.
Ito ang ikapitong buwan matapos bumalik ang mga tao ng Israel sa kanilang mga lungsod, nang magkatipon sila ng sama-sama bilang isang mamamayan sa Jerusalem.
2 Then Jeshua, son of Jozadak, and the priests with him, together with Zerubbabel, son of Shealtiel, and his relatives, started to build the altar of the God of Israel in order to sacrifice burnt offerings on it, as instructed by the Law of Moses, the man of God.
Si Josue na lalaking anak ni Jozadak at ang kaniyang mga kapatid na mga pari, at si Zerubabel na lalaking anak ni Sealtiel, at ang kaniyang mga kapatid ay umakyat at itinayo ang altar ng Diyos ng Israel upang mag-alay ng mga handog na susunugin tulad ng iniutos sa kautusan ni Moises, na lingkod ng Diyos
3 Even though they were afraid of the local people, they set up the altar on its original foundation and sacrificed burnt offerings on it to the Lord, both morning and evening burnt offerings.
Pagkatapos ay itinatatag nila ang altar sa kinatatayuan nito, sapagkat nasa kanila ang pangamba dahil sa mga mamamayan sa lupain. Sila ay nag-alay ng mga handog na susunugin kay Yahweh sa umaga at gabi.
4 They observed the Festival of Shelters as the Law required, sacrificing the specified number of burnt offerings each day.
Pinagdiriwang din nila ang Pista ng mga Tolda ayon sa nasusulat, at nag-alay sila ng mga handog na susunugin sa bawat araw alinsunod sa kautusan, ang gawain ng bawat isa sa bawat araw.
5 After that also presented the daily burnt offerings and the new moon offerings, as well as those for all the yearly festivals of the lord and for those who brought voluntary offerings to the Lord.
Bilang karagdagan, mayroon ding arawan at buwanang mga handog na susunugin, at mga handog para sa lahat ng nakatalagang mga pista ni Yahweh, kasama sa lahat ng mga kusang-kaloob na handog.
6 So from the first day of the seventh month, the Israelites began to present burnt offerings to the Lord, even though the foundation of the Lord's Temple had not been laid.
Sila ay nagsimulang mag-alay ng handog na susunugin kay Yahweh sa unang araw ng ikapitong buwan, kahit na ang templo ay hindi pa naitatatag.
7 They paid masons and carpenters, and provided food and drink and olive oil to the people of Sidon and Tyre for them to bring cedar logs from Lebanon to Joppa by sea, as King Cyrus of Persia had authorized.
Kaya sila ay nagbigay ng pilak sa mga manlililok ng bato at mga mahusay na manggagawa; at pagkain, inumin, at langis sa mamamayan ng Sidon at Tiro, para sila ay magpadala ng mga puno ng sedar galing sa Lebanon patungo sa Jopa sa pamamagitan ng dagat, katulad ng pahintulot sa kanila ni Ciro, hari ng Persia.
8 In the second month of the second year after arriving at God's Temple in Jerusalem, Zerubbabel, son of Shealtiel, Jeshua, son of Jozadak, and those with them—the priests, the Levites, and everyone who had come back to Jerusalem from captivity—began the work. They put Levites twenty years and older to in charge of building the Lord's Temple.
At sa ikalawang buwan ng ikalawang taon matapos na magpunta sila sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem, si Zerubabel, si Josue na lalaking anak ni Jozadak, ang iba pang mga pari, ang mga Levita, at ang mga nanggaling sa pagkakabihag pabalik sa Jerusalem ay nagsimula sa paggawa. Itinalaga nila ang mga Levitang dalawampung taong gulang pataas upang pangasiwaan ang gawain sa tahanan ni Yahweh.
9 Jeshua and his sons and relatives, Kadmiel and his sons, the descendants of Yehudah, the sons of Henadad and their sons and relatives, all of them Levites, supervised those working on God's Temple.
Itinalaga ni Josue ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga kapatid, si Kadmiel at ang kaniyang mga anak, at ang mga kaapu-apuhan ni Juda upang pangasiwaan ang mga taong gumagawa sa gawain sa tahanan ng Diyos. Kasama sa kanila ang mga kaapu-apuhan ni Henadad, ang kanilang mga kaapu-apuhan, at ang kanilang kapwa mga Levita din.
10 When the builders laid the foundation of the Lord's Temple, the priests dressed in their special clothes and carrying trumpets, and the Levites (the sons of Asaph) carrying cymbals, all took their places to praise the Lord, following the instructions given by King David of Israel.
Ang mga tagapagtayo ay inaglagay ang pundasyon para sa templo ni Yahweh. Binigyang daan nito ang mga paring nakatayo na suot ang kanilang mga kasuotan kasama ang mga trumpeta, at mga Levita, mga anak ni Asaf, upang papurihan si Yahweh sa pamamagitan ng pompyang, gaya ng iniutos ng mga kamay ni David, na hari ng Israel.
11 They sang with praise and thanks to the Lord: “God is good; for his trustworthy love for Israel lasts forever.” Then everyone there gave a tremendous shout of praise to the Lord, because the foundation of the Lord's Temple had been laid.
Umawit sila ng papuri at pasasalamat kay Yahweh, “Siya ay mabuti! ang kaniyang tipan ng katapatan sa Israel ay mananatili magpakailanman.” Ang lahat ng mamamayan ay humiyaw nang may kagalakan sa pagpupuri kay Yahweh dahil ang pundasyon ng templo ay nailagay na.
12 But many of the older priests, Levites, and family leaders who remembered the first Temple wept loudly when they saw the foundation of this Temple, though many others shouted for joy.
Ngunit marami sa mga pari, mga Levita, mga punong ama ng lipi, at matatandang mga taong nakakita sa unang tahanan ang tumangis ng malakas nang mailagay ang mga pundasyon ng tahanang ito sa harap ng kanilang mga mata. Ngunit marami ang sumisigaw sa tuwa na may galak at isang nasasabik na tunog.
13 However, nobody could tell the shouts of joy from the cries of weeping, because everyone was making so much noise—so much so it could be heard a long way away.
Ang kinahinatnan, ang mamamayan ay hindi makilala ang ingay ng nagagalak at masaya sa ingay ng pagtangis ng mga tao, sapagkat ang mga tao ay umiiyak nang may malaking tuwa, at narinig ang ingay hanggang sa malayo.