< Ezekiel 8 >
1 On the fifth day of the sixth month of the sixth year, I was sitting in my house with the elders of Judah and the power of the Lord God came over me there.
At nangyari nang ikaanim na taon, nang ikaanim na buwan, nang ikalima ng buwan, ako'y nakaupo sa aking bahay, at ang mga matanda sa Juda ay nangakaupo sa harap ko, na ang kamay ng Panginoong Dios ay dumating sa akin doon.
2 I looked around and saw a being that looked like a man. From what seemed to be his waist downwards, he looked like fire. From what seemed to his waist upwards, he looked like brightly glowing metal.
Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, may isang anyo na parang apoy; mula sa anyo ng kaniyang mga balakang at paibaba, ay apoy; at mula sa kaniyang mga balakang at paitaas, parang anyo ng kinang, na parang metal na nagbabaga.
3 He reached out what seemed to be a hand and picked me up by my hair. The Spirit took me up into the sky, and in the vision God was giving me he carried me to Jerusalem, to the entrance of the north gate of the Temple's inner courtyard, where the offensive idol that made God angry had been placed.
At kaniyang inilabas ang anyo ng isang kamay, at hinawakan ako sa buhok ng aking ulo; at itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit, at dinala ako sa pangitain na mula sa Dios sa Jerusalem, sa pintuan ng pintuang-daan ng pinakaloob na looban na nakaharap sa dakong hilagaan; na kinaroroonan ng upuan ng larawan ng panibugho, na namumungkahi sa paninibugho.
4 I saw the glory of the God of Israel there, just like I had in the vision I'd seen in the valley.
At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nandoon, gaya ng anyo na aking nakita sa kapatagan.
5 “Son of man,” he told me, “now look to the north.” So I looked to the north, and in the entrance to the north of the Altar Gate I saw this idol that angered God.
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, itingin mo ang iyong mga mata ngayon sa daan na dakong hilagaan. Sa gayo'y itiningin ko ang aking mga mata sa daan na dakong hilagaan, at narito, nasa dakong hilagaan ng pintuang-daan ng dambana ang larawang ito ng panibugho sa pasukan.
6 “Son of man,” he said to me, “can you see what they are doing? Look at the disgusting sins the people of Israel are committing that are driving me far away from my sanctuary? But you're going to see even more disgusting sins than these!”
At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga ang kanilang ginagawa? ang malaking kasuklamsuklam na ginagawa ng sangbahayan ni Israel dito, upang ako'y lumayo sa aking santuario? Nguni't iyo muling makikita pa ang ibang mga malalaking kasuklamsuklam.
7 He took me to the entrance to the Temple courtyard. As I looked around, I saw a hole in the wall.
At dinala niya ako sa pintuan ng looban; at nang ako'y tumingin, narito, ang isang butas sa pader.
8 “Son of man,” he told me, “pull the wall apart.” So I pulled the wall apart and found a doorway.
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, humukay ka ngayon sa pader: at nang ako'y humukay sa pader, narito, ang isang pintuan.
9 He told me, “Go through the wall and see the evil and disgusting things they are doing in here.”
At sinabi niya sa akin, Ikaw ay pumasok, at tingnan mo ang mga masamang kasuklamsuklam na kanilang ginagawa rito.
10 So I went through the wall and saw carved images covering the walls, representing all kinds of reptiles and disgusting animals, as well as all the idols worshiped by the people of Israel.
Sa gayo'y pumasok ako at nakita ko; at narito, ang bawa't anyo ng nagsisiusad na mga bagay, at kasuklamsuklam na mga hayop, at lahat ng mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel, na nakaguhit sa pader sa palibot.
11 Seventy elders of the house of Israel were standing in front of them, including Jaazaniah son of Shaphan. They all were holding censers, producing a sweet-smelling cloud of incense that rose above them.
At nagsitayo sa harap nila ang pitong pung lalake sa mga matanda ng sangbahayan ni Israel; at sa gitna nila ay tumayo si Jaazanias na anak ni Saphan, bawa't lalake ay may kaniyang pangsuub sa kaniyang kamay; at ang amoy ng usok ng kamangyan ay napailanglang.
12 “Son of man,” he said to me, “can you see what the elders of the people of Israel are doing here in the dark, with each one worshiping in the shrine room of his own idol? This is what they're saying: ‘The Lord can't see what we're doing; besides the Lord has abandoned our country!’”
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga kung anong ginagawa ng mga matanda ng sangbahayan ni Israel sa kadiliman, bawa't isa'y sa kaniyang mga silid na nilarawanan? sapagka't kanilang sinasabi, Hindi tayo nakikita ng Panginoon; pinabayaan ng Panginoon ang lupa.
13 The Lord went on to tell me, “You're going to see them doing even more disgusting things than these!”
Sinabi rin niya sa akin, Iyong muling makikita pa ang mga ibang malaking kasuklamsuklam na kanilang ginagawa.
14 Then he took me to the north entrance of the Lord's Temple. I saw women sitting there, weeping for the god Tammuz.
Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pintuan ng pintuang-daan ng bahay ng Panginoon na nasa dakong hilagaan; at, narito, doo'y nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz.
15 “Son of man,” he said to me, “have you seen this? But you're going to see even more disgusting things than these!”
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? iyo pa muling makikita ang lalong malaking mga kasuklamsuklam kay sa mga ito.
16 He took me to the inner courtyard of the Lord's Temple and right there at the entrance to the Temple, between the porch and the altar, were around twenty-five men. They had their backs to the Temple, and were facing towards the east. They were bowing in worship of the sun rising in the east.
At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana, ay may dalawang pu't limang lalake, na sila'y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan.
17 “Son of man,” he said to me, “have you seen this? The people of Judah aren't content just to do these disgusting things. They also commit violent crimes across the country and keep on making me angry. Look at how they're deliberately insulting me!
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? Magaan bagang bagay sa sangbahayan ni Juda, na sila'y nagsisigawa ng mga kasuklamsuklam na kanilang ginagawa dito? sapagka't kanilang pinuno ng karahasan ang lupa, at sila'y nangagbalik uli upang mungkahiin ako sa galit: at, narito, kanilang inilalagay ang sanga sa kanilang ilong.
18 As a result I will respond in anger. I won't treat them kindly; I won't be merciful to them. Even though they shout loudly for my help, I won't listen to them.”
Kaya't akin namang gagawin sa kapusukan; ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako: at bagaman sila'y nagsisidaing sa aking pakinig ng malakas na tinig, gayon ma'y hindi ko sila didinggin.