< Exodus 38 >
1 Bezalel made the altar burnt offering from acacia wood. It was square and measured five cubits long by five cubits wide by three cubits high.
Gumawa si Bezalel ng altar para sa mga handog na susunugin sa kahoy ng akasya. Iyon ay limang kubit ang haba at limang kubit ang lapad—isang parisukat—at tatlong kubit ang taas.
2 He made horns for each of its corners, all one piece with the altar, and covered the whole altar with bronze.
Ginawan niya ng mga karugtong sa apat nitong kanto na kahugis ng mga sungay ng kapong baka. Ang mga sungay ay ginawa sa isang piraso na kasama ang altar at binalutan niya ito ng tanso.
3 He made all its utensils: buckets for removing ashes, shovels, sprinkling bowls, meat forks, and firepans. He made all its utensils of bronze.
Ginawa niya ang lahat na kagamitan para sa altar—palayok para sa mga abo, mga pala, mga palanggana, mga tinidor ng karne, at mga lalagyan ng apoy. Ginawa niya ang lahat ng kagamitang ito sa tanso.
4 He made a bronze mesh grate for the altar and placed it under the ledge of the altar, so that the mesh came halfway down the altar.
Gumawa siya ng rehas na bakal para sa altar, isang naayos na nagkakabit-kabit na tanso na ilalagay sa ilalim ng baytang, kalagitnaan pababa sa ilalim.
5 He cast four bronze rings for the four corners of the grate as holders for the poles.
Nagmolde siya ng apat na singsing para sa apat ng mga kanto ng tanso na rehas na bakal, bilang tagahawak sa mga poste.
6 He made poles of acacia wood for the altar and covered them with bronze.
Gumawa si Bezalel ng mga poste sa kahoy ng akasya at binalutan ang mga ito ng tanso.
7 He put the poles through the rings on either side of the altar so it could be carried. He made the altar hollow, using boards.
Nilagay niya ang mga poste sa mga singsing sa mga gilid ng altar, para buhatin ito. Ginawa niya ang altar na banal, mula sa makapal na mga tabla.
8 He made the bronze basin with its stand with bronze from the mirrors of the women who served at the entrance to the Tent of Meeting.
Gumawa si Bezalel ng malaking palangganang tanso kasama ng tansong patungan. Ginawa niya ang palanggana mula sa mga salamin na pag-aari ng mga babaeng naglingkod sa pasukan sa tolda ng pagpupulong.
9 Then he made a courtyard. For the south side of the courtyard he made curtains of finely-spun linen, a hundred cubits long on one side,
Ginawa rin niya ang patyo. Ang mga nakabitin sa timog na bahagi ng patyo ay pinong lino, isandaang kubit ang haba.
10 with twenty posts and twenty bronze stands, with silver hooks and bands on the posts.
Ang mga nakabitin ay mayroong dalawampung mga poste, kasama ng dalawampung mga tuntungang tanso. Mayroong mga kawit na nakadikit sa mga poste, at gayundin ang mga pilak na baras.
11 Similarly he made curtains placed on the north side in an identical arrangement.
Gayundin naman sa bandang hilagang bahagi, mayroong mga nakabiting isandaang kubit ang haba kasama ng dalawampung mga poste, dalawampung mga tungtungang tanso, dinikit ang mga kawit sa mga poste, at mga pilak na baras.
12 He made curtains for the west side of the courtyard fifty cubits wide, with ten posts and ten stands.
Ang mga nakabitin sa kanlurang bahagi ay limampung kubit ang haba, kasama ng sampung mga poste at mga tuntungan. Ang mga kawit at mga baras ng poste ay pilak.
13 The east side of the courtyard that faces the sunrise was fifty cubits wide.
Ang patyo rin ay limampung kubit ang haba sa silangan bahagi.
14 He made the curtains on one side fifteen cubits long, with three posts and three stands,
Ang mga nakabitin sa isang bahagi ng pasukan ay labinlimang kubit ang haba. Mayroon silang tatlong mga poste kasama ng tatlong mga tuntungan.
15 and the curtains on the other side just the same.
Sa kabilang bahagi ng pasukan ng hukuman ay may nakabitin ding labinlimang kubit ang haba, kasama ng tatlong mga poste at tatlong mga tuntungan.
16 All the curtains around the courtyard were of finely-woven linen.
Lahat ng mga nakabitin sa palibot ng patyo ay gawa sa pinong lino.
17 The stands for the posts were bronze, the hooks and bands were silver, and the tops of the posts were covered with silver. All the posts around the courtyard had silver bands.
Ang mga tuntungan para sa mga poste ay gawa sa tanso. Ang mga kawit at mga baras para sa mga poste ay gawa sa pilak, at ang tabing para sa mga ibabaw ng mga poste ay gawa rin sa pilak. Ang lahat ng mga poste ng patyo ay binalutan ng pilak.
18 The curtain for the entrance to the courtyard was embroidered with blue, purple, and crimson thread, and finely-spun linen. It was twenty cubits long by five cubits high, the same height as the courtyard curtains.
Ang kurtina ng tarangkahan ng patyo ay dalawampung kubit ang haba. Ang kurtina ay gawa sa asul, lila, at matingkad na pulang lino, pinong pinulupot na lino, at dalawampung kubit ang haba. Iyon ay dalawampung kubit ang haba at limang kubit ang taas, katulad ng mga kurtina ng patyo.
19 It was held up by four posts and four stands. The posts had silver hooks, tops, and bands.
Ito ay mayroong apat na tansong mga tuntungan at mga kawit na pilak. Ang tabing ng kanilang ibabaw at ang mga baras nito ay gawa sa pilak.
20 All the tent pegs for the Tabernacle and for the surrounding courtyard were made of bronze.
Ang lahat ng mga tulos ng tolda para sa tabernakulo at patyo ay gawa sa tanso.
21 The following is what was used for the Tabernacle, the Tabernacle of the Testimony, recorded at Moses' direction by the Levites under the supervision of Ithamar, son of Aaron the priest.
Ito ang talaan ng pag-aari ng tabernakulo, ang tabernakulo ng kautusang kasunduan, gaya ng ito ay kinuha sa pagsunod sa mga tagubilin ni Moises. Iyon ay ang trabaho ng mga Levita sa ilalim ng pamamahala ni Itamar na anak na lalaki ni Aaron na pari.
22 Bezalel, son of Uri, son of Hur, from the tribe of Judah, made everything that the Lord had ordered Moses to make.
Si Bezalel na anak na lalaki ni Uri, na anak na lalaki ni Hur, mula sa lipi ng Juda, ang gumawa ng lahat na iniutos ni Yahweh kay Moises.
23 He was assisted by Oholiab, son of Ahisamach, from the tribe of Dan, an engraver, designer, and embroiderer using blue, purple, and crimson thread and finely-woven linen.
Si Oholiab na anak na lalaki ni Ahisamach, mula sa lipi ni Dan, nagtrabaho kasama ni Bezalel bilang tagapag-ukit, bilang isang bihasang manggagawa at bilang mangbuburda ng asul, lila, matingkad na pulang lana, at pinong lino.
24 The total amount of gold from the offering that was used for the work on the sanctuary was 29 talents and 730 shekels, (using the sanctuary shekel standard).
Ang lahat ng ginto na ginamit para sa proyekto, sa lahat ng trabaho na karugtong sa banal na lugar—ang ginto na mula sa handog na tinanghal—ay dalawampu't siyam na talento at 730 sekel, sinukat ng pamantayan ng sekel ng santuwaryo.
25 The total amount of silver from those who had been counted in the census was 100 talents and 1,775 shekels (using the sanctuary shekel standard).
Ang pilak na binigay ng kumunidad ay nagtitimbang ng isandaang talento at 1, 775 sekel, ayon sa sekel ng santuwaryo,
26 This represents a beka per person, or half a shekel, (using the sanctuary shekel standard) from everyone twenty years of age or older who had been censused, a total of 603,550 men.
o isang beka bawat lalaki, na kalahati ng sekel, sinukat ng sekel ng santuwaryo. Ang bilang na ito ay umabot sa batayan na ang bawat tao na nabilang sa sensus, ang mga dalawampung taong gulang at nakatatanda—603, 550 kalalakihan lahat.
27 The hundred talents of silver were used to cast the sanctuary stands and the curtain stands, 100 bases from the 100 talents, or one talent per base.
Isandaang talento ng pilak ay minolde para sa tuntungan ng banal na lugar at ang tuntungan ng mga kurtina: isandaan tuntungan, isang talento sa bawat tuntungan.
28 Bezalel used the 1,775 shekels of silver to make the hooks for the posts, cover their tops, and make bands for them.
Sa natitirang 1, 775 sekel ng pilak, ginawa ni Bezalel ang mga kawit at ginawa ang mga baras para sa kanila.
29 The total amount of bronze from the offering was 70 talents and 2,400 shekels.
Ang mga tanso na galing sa handog ay nagtitimbang ng pitumpong mga talento at 2, 400 mga sekel.
30 Bezalel used it to make the stands for the entrance to the Tent of Meeting, the bronze altar and its bronze grate, all the utensils for the altar,
Gamit nito ginawa niya ang mga tuntungan para sa pasukan papunta sa tolda ng pagpupulong, ang tansong altar, tansong rehas na bakal nito, lahat ng kagamitan para sa altar,
31 the stands for the courtyard and its entrance, and all the tent pegs for the Tabernacle and the courtyard.
ang mga tuntungan para sa patyo, ang mga tuntungan sa pasukan ng patyo, lahat ng mga tulos ng tolda para sa tabernakulo, at lahat ng mga tulos ng tolda para sa patyo.