< Exodus 34 >

1 The Lord told Moses, “Cut out two stone tablets like the first ones, and I will write on them again the same words that were on the first tablets—the ones you broke.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Humugis ka ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una: at aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas, na iyong sinira.
2 Get ready in the morning, and then come up Mount Sinai. Stand before me there on the mountain top.
At iyong ihanda sa kinaumagahan, at sumampa ka sa kinaumagahan sa bundok ng Sinai at humarap ka roon sa akin sa taluktok ng bundok.
3 Nobody else can come up with you—I don't want to see anyone anywhere on the mountain, and no flocks or herds should graze at the foot of the mountain.”
At sinomang tao ay huwag sasampang kasama mo, o makikita ang sinomang tao sa buong bundok; kahit ang mga kawan at ang mga bakahan ay huwag manginain sa harap ng bundok na yaon.
4 So Moses cut out two stone tablets like the previous ones and went up Mount Sinai early in the morning as the Lord had ordered him, taking with him the two stone tablets.
At siya'y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una; at bumangon si Moises na maaga sa kinaumagahan, at sumampa sa bundok ng Sinai, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, at kinuha sa kaniyang kamay ang dalawang tapyas na bato.
5 The Lord descended in a cloud, stood there with him, and called out the name “Yahweh.”
At ang Panginoon ay bumaba sa ulap, at tumayong kasama niya roon at itinanyag ang pangalan ng Panginoon.
6 The Lord passed in front of him, calling out, “Yahweh! Yahweh! I am the God of grace and mercy! I am slow to become angry, full of trustworthy love and always faithful.
At ang Panginoo'y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan;
7 I go on showing my trustworthy love to thousands, forgiving guilt, rebellion, and sin. But I will not leave the guilty unpunished—the impact of sin will affect not only the parents, but also their children and grandchildren, up until the third and fourth generation.”
Na gumagamit ng kaawaan sa libolibo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan: at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak, at sa mga anak ng mga anak, hanggang sa ikatlo at ika apat na salin.
8 Moses quickly bowed down to the ground, and worshiped.
At nagmadali si Moises, at itinungo ang kaniyang ulo sa lupa, at sumamba.
9 He said, “Lord, if it's true that you're happy with me, please accompany us. Admittedly this is a rebellious people, but please forgive our guilt and sin. Accept us as specially belonging to you.”
At kaniyang sinabi, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, Oh Panginoon, ay ipahintulot nawa ng Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na pasa gitna namin; sapagka't isang bayang may matigas na ulo; at ipatawad mo ang aming kasamaan, at ang aming kasalanan, at ariin mo kaming iyong mana.
10 The Lord said, “Look, I'm making an agreement with you. Right in front of all of you I will do miracles that have never been done before—not among anyone anywhere on earth. Everyone here and those around will see the Lord at work, for what I'm going to do for you will be incredible.
At kaniyang sinabi, Narito, ako'y nakikipagtipan sa harap ng iyong buong bayan at gagawa ako ng mga kababalaghan, na kailan ma'y hindi ginawa sa buong lupa, o sa alin mang bansa: at ang buong bayan sa gitna ng iyong kinaroroonan ay makakakita ng gawa ng Panginoon, sapagka't kakilakilabot na bagay ang aking gagawin sa pamamagitan mo.
11 But you must carefully follow what I tell you to do today. Pay attention! I'm going to drive out ahead of you the Amorites, Canaanites, Hittites, Perizzites, Hivites, and Jebusites.
Tuparin mo ang mga iniutos ko sa iyo sa araw na ito: narito, aking pinalalayas sa harap mo ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, at ang Jebuseo.
12 Make sure you don't agree to a peace treaty with the people living in the land where you are going. Otherwise they will become a trap for you.
Magingat ka, na huwag kang makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain na iyong pinaroroonan, baka maging isang silo sa gitna mo:
13 For you must tear down their altars, knock down their idolatrous pillars, and cut down their Asherah poles,
Kundi inyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera.
14 because you must not worship any other gods than the Lord. His name stands for being exclusive, because he is a God who demands an exclusive relationship.
Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:
15 Make sure you don't agree to a peace treaty with the people living in the land, for when they prostitute themselves by worshiping and sacrificing to their gods, they will invite you to join them, and you will eat from their pagan sacrifices.
Magingat ka; baka ikaw ay makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain, at sila'y sumunod sa kanilang mga dios, at magsipaghain sa kanilang mga dios, at ikaw ay alukin ng isa at kumain ka ng kanilang hain;
16 When you have their daughters marry your sons and those daughters prostitute themselves to their gods, they will make your sons worship their gods in the same way.
At iyong papag-asawahin ang iyong mga anak na lalake at kanilang mga anak na babae, at ang kanilang mga anak na babae ay sumunod sa kanilang mga dios at pasunurin ang inyong mga anak na sumunod sa kanilang mga dios.
17 Don't make any idols for yourselves.
Huwag kang gagawa para sa iyo ng mga dios na binubo.
18 Observe the Festival of Unleavened Bread. For seven days you are to eat bread made without yeast, as I ordered you to do. You are to do this at the specified time in the month of Abib, because that was the month when you left Egypt.
Ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipangingilin. Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura na gaya ng iniutos ko sa iyo, sa takdang panahon sa buwan ng Abib: sapagka't sa buwan ng Abib, ay umalis ka sa Egipto.
19 Every firstborn is mine. That includes all the firstborn males of your livestock from your cattle herds, and flocks.
Yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata ay akin; at gayon din ang lahat ng hayop na lalake, ang panganay ng baka at ng tupa,
20 You can redeem the firstborn of a donkey with a lamb, but if you don't, you must break its neck. All your firstborn sons must be redeemed. No one is to come before me without an offering.
At ang panganay ng isang asno ay iyong tutubusin ng isang kordero: at kung hindi mo tutubusin ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg. Lahat ng panganay sa iyong mga anak ay iyong tutubusin. At walang lalapit sa harapan ko na walang dala.
21 You shall work for six days, but you shall rest on the seventh day. Even during the times of sowing and harvest you shall rest.
Anim na araw na gagawa ka, nguni't sa ikapitong araw ay magpapahinga ka: sa panahon ng pagbubukid at sa pagaani ay magpapahinga ka.
22 Observe the Festival of Weeks when you offer the firstfruits of wheat harvest, and the Harvest Festival at the end of the agricultural year.
At iyong ipangingilin ang kapistahan ng mga sanglinggo, ang sa mga unang bunga ng pagaani ng trigo, at ang kapistahan ng pagaani sa katapusan ng taon.
23 Three times every year all your males must appear before the Lord Yahweh, the God of Israel.
Makaitlo nga sa isang taon na haharap ang lahat ng iyong mga lalake sa Panginoong Dios, na Dios ng Israel.
24 I will drive out the nations ahead of you and expand your borders, and no one will come and take your land when you go three times a year to appear before the Lord your God.
Sapagka't aking palalayasin ang mga bansa sa harap mo, at aking palalaparin ang iyong mga hangganan: at hindi pagnanasaan ng sinoman ang iyong lupain, pagka ikaw ay pumapanhik na humarap sa Panginoong iyong Dios, na makaitlo sa isang taon.
25 Don't offer bread made with yeast when you present a sacrifice to me, don't keep any sacrifice from the Passover Feast until the morning.
Huwag kang maghahandog ng dugo ng hain sa akin, na kasabay ng tinapay na may lebadura; o magtitira man ng hain sa kapistahan ng paskua hanggang sa kinaumagahan.
26 When you harvest your crops, bring the firstfruits to the house of the Lord your God. Don't cook a young goat in milk from its mother.”
Ang pinakaunang bunga ng iyong lupa ay iyong dadalhin sa bahay ng Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
27 Then the Lord told Moses, “Write down these words, because these are the basis for the agreement I have made with you and with Israel.”
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ang mga salitang ito: sapagka't ayon sa tunog ng mga salitang ito, ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel.
28 Moses spent forty days and forty nights there with the Lord without eating bread or drinking water. He wrote down on the tablets the words of the agreement, the Ten Commandments.
At siya'y natira doong kasama ng Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig. At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sangpung utos.
29 When Moses came down from Mount Sinai carrying the two tablets of the Law, he didn't realize that his face was shining brightly because he had been speaking with the Lord.
At nangyari, nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, na dala ang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya, noong bumaba sa bundok ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya sa Dios.
30 When Aaron and the Israelites saw Moses with his face shining so brightly they were frightened to approach him.
At nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises, narito, ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag; at sila'y natakot na lumapit sa kaniya.
31 But Moses called out to them, so Aaron and all the community leaders went over to him, and he talked with them.
At tinawag sila ni Moises; at si Aaron at ang lahat ng puno sa Israel ay nagbalik sa kaniya: at si Moises ay nagsalita sa kanila.
32 Afterwards all the Israelites came over and he gave them all the Lord's instructions he'd received on Mount Sinai.
At pagkatapos, ang lahat ng mga anak ni Israel ay lumapit; at kaniyang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng utos ang lahat ng salita ng Panginoon na sinalita sa kaniya sa bundok ng Sinai.
33 After Moses finished talking with them, he put a veil over his face.
At pagkapagsalita sa kanila ni Moises ay naglagay siya ng isang lambong sa kaniyang mukha.
34 However, whenever Moses went in to talk with the Lord, he would take off the veil until he came out again. Then he would tell the Israelites the Lord's instructions,
Datapuwa't pagka si Moises ay pumapasok sa harap ng Panginoon upang makipagsalitaan sa kaniya, ay nagaalis siya ng lambong hanggang siya'y makalabas; at siya'y lumabas at kaniyang sinalita sa mga anak ni Israel ang iniutos sa kaniya;
35 and the Israelites would see his face shining brightly. So he would put the veil over his face until the next time he went to talk with the Lord.
At nakita ng mga anak ni Israel ang mukha ni Moises, na ang balat ng mukha ni Moises ay nagliliwanag: at inilagay uli ni Moises ang lambong sa ibabaw ng kaniyang mukha, hanggang sa siya'y makapasok na nakipagsalitaan sa Dios.

< Exodus 34 >