< Esther 9 >
1 On the thirteenth day of the twelfth month, the month of Adar, the king's order and decree were to be carried out. That day the enemies of the Jews had thought they would crush them, but the exact opposite happened—the Jews crushed their enemies.
Ngayon sa ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar, sa ikalabintatlong araw, nang ang batas ng hari at ang kautusan ay malapit nang ipatupad, sa araw na ang mga kaaway ng mga Judio ay umaasang makakuha ng kapangyarihan sa ibabaw nila, ito ay nabaliktad. Ang mga Judio ang nakakuha ng kapangyarihan sa ibabaw ng mga galit sa kanila.
2 The Jews gathered in their cities throughout the provinces of King Xerxes to attack those who wanted to destroy them. Nobody could oppose them, because all the other people were afraid of them.
Nagpulong ang mga Judio sa kanilang mga siyudad sa kabuuan ng lahat ng mga lalawigan ni Haring Ahasuerus, upang pagbuhatan ng kamay ang mga sumubok na magdala ng kapahamakan sa kanila. Wala ni isa ang makapanindigan laban sa kanila, dahil ang takot sa kanila ay bumagsak sa lahat ng mga lahi.
3 All the officials of the provinces, the chief officers, the governors, and the king's officials helped the Jews, because they were afraid of Mordecai.
Lahat ng mga opisyal ng mga lalawigan, ang mga panlalawigang gobernador, ang mga gobernador, at ang mga tagapangasiwa ng hari, tumulong sa mga Judio dahil sa takot kay Mordecai na bumagsak sa kanila.
4 Mordecai had a great deal of power in the royal palace, and his reputation spread throughout the provinces as his power increased.
Dahil si Mordecai ay dakila sa bahay ng hari, at ang kanyang kasikatan ay kumalat sa kabuuan ng lahat ng mga lalawigan, dahil ang taong si Mordecai ay nagiging dakila.
5 The Jews attacked their enemies with swords, killing and destroying them, and they did whatever they wanted to their enemies.
Sinalakay ng mga Judio ang kanilang mga kaaway gamit ang espada, pinagpapatay at pinagwawasak sila, at ginawa ang anumang naisin nila sa mga galit sa kanila.
6 In the fortress of Susa, the Jews killed and destroyed five hundred men.
Sa mismong kuta ng Susa, pinatay at winasak ng mga Judio ang limandaang kalalakihan.
7 This included Parshandatha, Dalphon, Aspatha,
Pinatay nila sina Parshandatha, Dalphon, Aspatha,
8 Poratha, Adalia, Aridatha,
Poratha, Adalia, Aridatha,
9 Parmashta, Arisai, Aridai, and Vaizatha,
Parmashta, Arisai, Aridai, Vaizatha,
10 the ten sons of Haman, son of Hammedatha, the enemy of the Jews, but they did not take their possessions.
at ang sampung anak na lalaki ni Haman na anak na lalaki ni Hammedatha, ang kaaway ng mga Judio. Ngunit hindi sila kumuha ng kahit anong nakaw.
11 The same day, when the number of those killed in the fortress of Susa was reported to the king,
Sa araw na iyon ang bilang ng namatay sa Susa, ang pinatibay na siyudad, ay ibinalita sa hari.
12 he said to Queen Esther, “The Jews have killed and destroyed five hundred men in the fortress of Susa, including Haman's ten sons. Imagine what they've done in the rest of the royal provinces! Now what is it you'd like to ask? It will be given to you. What more do you want? It will be granted.”
Sinabi ng hari kay Reyna Esther, “Pinatay ng mga Judio ang limandaang lalaki sa siyudad ng Susa, kasama ang sampung anak na lalaki ni Haman. Pagkatapos ano pa ang ginawa nila sa mga natitirang lalawigan ng hari? Ngayon ano ang iyong kahilingan? Ito ay ipagkakaloob sa iyo. Ano ang pakiusap mo? Ito ay ipagkakaloob sa iyo.”
13 “If it please Your Majesty,” Esther replied, “allow the Jews in Susa be allowed to do the same tomorrow as they did today, following the decree. Also, let the ten sons of Haman be impaled on poles.”
Sinabi ni Esther, “Kung makalulugod ito sa Hari, hayaang ang mga Judio na nasa Susa ay pahintulutang dalhin ang kautusan ng araw na ito bukas din, at hayaang bitayin ang katawan ng mga anak na lalaki ni Haman sa mga bitayan.”
14 The king ordered this to be done. A decree was issued in Susa, and they impaled the bodies of Haman's ten sons.
Kaya iniutos ng hari na ito ay gawin. Isang kautusan ang pinalabas sa Susa at binitay nila ang sampung anak na lalaki ni Haman.
15 On the fourteenth day of the month of Adar, the Jews in Susa gathered together again and killed three hundred men there, but again they did not take their possessions.
Ang mga Judio na nasa Susa ay dumating na magkakasama sa ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar, at pumatay ng karagdagang tatlondaang lalaki sa Susa, ngunit walang gumalaw sa mga nakaw.
16 The other Jews in the king's provinces also gathered to defend themselves and get rid of their enemies. They killed 75,000 who hated them, but did not touch their possessions.
Ang natirang mga Judio na nasa mga lalawigan ng hari ay nagsama-sama upang ipagtanggol ang kanilang mga buhay, at nagkaroon sila ng kaginhawaan mula sa kanilang mga kaaway at pumatay ng pitumpu't-limang libo sa mga namumuhi sa kanila, ngunit hindi nila ginalaw ang mga mahahalagang bagay ng mga pinatay nila.
17 This happened on the thirteenth day of the month of Adar, and on the fourteenth day they rested and made it a day of feasting and celebration.
Sa ikalabintatlong araw ng buwan ng Adar, sa ikalabing-apat na araw, nagpahinga sila at gumawa ng isang araw ng kapistahan at pagsasaya.
18 However, the Jews in Susa had gathered to fight on the thirteenth and the fourteenth days of the month. So they rested on the fifteenth day, and made that a day of feasting and celebration.
Ngunit ang mga Judio na nasa Susa ay magkakasamang nagtipon sa ikalabintatlo at ikalabing-apat na araw. Sa ikalabinlimang araw nagpahinga sila at ginawa nila itong isang araw ng kapistahan at pagsasaya.
19 To this day rural Jews, living in the villages, observe the fourteenth day of the month of Adar as a day of celebration and feasting, a holiday when they send gifts to one another.
Iyan ang dahilan kung bakit ang mga Judio ng mga nayon, na gumagawa ng kanilang mga tahanan sa mga bayang bukirin, ay ipinagdiriwang ang ikalabing-apat na araw sa buwan ng Adar bilang isang araw ng pagsasaya at kapistahan, at bilang isang araw kung saan nagpapadala sila ng mga regalong pagakain sa isa't-isa.
20 Mordecai recorded these events and sent letters to all the Jews throughout the provinces ruled by King Xerxes, near and far,
Itinala ni Mordecai ang mga bagay na ito at nagpadala ng mga liham sa lahat ng mga Judio na nasa lahat ng mga lalawigan ni Haring Ahasueros, kapwa malapit at malayo,
21 requiring them to celebrate every year the fourteenth and fifteenth days of the month of Adar
pinipilit silang tandaan ang ikalabing-apat at ikalabinlimang araw ng Adar bawat taon.
22 as the time when the Jews rested from their victory over their enemies, and as the month when their sadness was turned into joy and their mourning into a time of celebration. He wrote them to observe the days as days of feasting and joy and giving gifts of food to one another and presents to the poor.
Ito ang mga araw na nakakuha ng kaginhawaan ang mga Judio mula sa kanilang mga kaaway, at ang panahon kung kailan ang kanilang pighati ay napalitan ng kagalakan, at mula sa pagluluksa naging isang araw ng pangilin. Gagawin nila ang mga iyon na araw ng kapistahan at pagsasaya, at ng pagpapadala ng mga regalong pagkain sa isa't-isa at mga regalo para sa mahirap.
23 The Jews agreed to continue what they had already started doing, following what Mordecai had written to them.
Kaya nagpatuloy ang mga Judio sa pagdiriwang ng kanilang nasimulan, paggawa sa kung ano ang isinulat ni Mordecai sa kanila.
24 For Haman, son of Hammedatha, the Agagite, the enemy of all the Jews, had plotted to destroy the Jews, and had cast “pur” (meaning a “lot”) to crush and destroy them.
At sa panahong iyon si Haman na anak na lalaki ni Hammedatha na Agageo, ang kaaway ng lahat ng mga Judio, ay nagpakana laban sa mga Judio para lipulin sila at nagtapon siya ng Pur (iyon ay, nagpalabunutan), upang durugin at wasakin sila.
25 But when it came to the king's attention, he sent out letters ordering that the evil scheme which Haman had planned against the Jews should rebound on him, and that he and his sons should be impaled on poles.
Ngunit nang dumating iyon sa harapan ng Hari, nagbigay siya ng mga kautusan sa pamamagitan ng mga liham na ang masamang balak ni Haman na kanyang binuo laban sa mga Judio ay dapat ibalik sa kanyang sariling ulo at siya at ang kanyang mga anak na lalaki ay dapat bitayin sa bitayan.
26 (That's why these days are called Purim, from the word Pur.) As a result of all the instructions in Mordecai's letter, and what they'd seen, and what had happened to them,
Kaya tinawag nila ang mga araw na ito na Purim, sunod sa pangalan ng Pur. Dahil sa lahat ng bagay na naitala sa liham na ito at lahat ng bagay na kanilang nakita at nangyari sa kanila,
27 the Jews committed themselves to adopt the practice that they and their descendants and all who join them should not forget to celebrate these two days as set down, and at the right time every year.
tinanggap ng mga Judio ang isang bagong kaugalian at tungkulin. Itong kaugalian ay para sa kanilang mga sarili, kanilang mga kaapu-apuhan, at bawat isang sasama sa kanila. Ipagdiriwang nila ang dalawang araw na ito bawat taon. Ipagdiriwang nila sa tiyak na paraan at sa parehong panahon bawat taon.
28 These days were to be remembered and celebrated by every generation, family, province, and city, so that these days of Purim would always be observed among the Jews, and they would not be forgotten by their descendants.
Itong mga araw ay ipagdiriwang at tatandaan ng bawat salinlahi, bawat pamilya, bawat lalawigan at bawat siyudad. Itong mga Judio at kanilang mga kaapu-apuhan ay hindi hihinto sa matapat na pagdiriwang ng mga araw na ito ng Purim, upang hindi nila makalimutan.
29 Then Queen Esther, the daughter of Abihail, wrote a letter, along with Mordecai the Jew, giving in her letter full authority to Mordecai's letter about Purim.
Si Reyna Esther na anak ni Abihail at Mordecai na Judio, sumulat na may ganap na kapangyahiran at pinatunayan ang pangalawang liham na ito patungkol sa Purim.
30 Letters expressing peace and reassurance were also sent all the Jews in the 127 provinces of the empire of King Xerxes.
Ipinadala ang mga liham sa lahat ng mga Judio sa 127 na mga lalawigan ng kaharian ni Ahasuerus, ninanais ang kaligtasan at katotohanan ng mga Judio.
31 They established these days of Purim at their given time as Mordecai the Jew and Queen Esther had ordered, committing themselves and their descendants to the times of fasting and mourning.
Ang mga liham na ito ay nagpatunay sa mga araw ng Purim sa kanilang mga itinakdang panahon, ayon sa ibinilin sa mga Judio ni Mordecai na Judio at Reyna Esther. Tinanggap ng mga Judio ang tungkuling ito para sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga kapu-apuhan, katulad din ng pagtanggap nila sa mga panahon ng pag-aayuno at pagdaing.
32 In this way Esther's decree confirmed these practices regarding Purim, which were entered in the official record.
Ang utos ni Esther ay pinagtibay ang mga alituntuning ito hinggil sa Purim, at nakasulat ito sa aklat.