< Esther 9 >
1 On the thirteenth day of the twelfth month, the month of Adar, the king's order and decree were to be carried out. That day the enemies of the Jews had thought they would crush them, but the exact opposite happened—the Jews crushed their enemies.
Sa ikalabing dalawang buwan nga, na siyang buwan ng Adar, nang ikalabing tatlong araw ng buwan ding yaon, nang ang utos ng hari at ang pasiya niya ay malapit nang gagawin, nang araw na inaasahan ng mga kaaway ng mga Judio na magpuno sa kanila; (yamang napabaligtad, na ang mga Judio ay siyang naghari sa kanila na nangapopoot sa kanila),
2 The Jews gathered in their cities throughout the provinces of King Xerxes to attack those who wanted to destroy them. Nobody could oppose them, because all the other people were afraid of them.
Ang mga Judio ay nagpipisan sa kanilang mga bayan sa lahat na lalawigan ng haring Assuero, upang magbuhat ng kamay sa mga nagbabanta ng kanilang kapahamakan: at walang makatayo sa kanila; sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa lahat ng mga bayan.
3 All the officials of the provinces, the chief officers, the governors, and the king's officials helped the Jews, because they were afraid of Mordecai.
At lahat ng mga prinsipe sa mga lalawigan, at ang mga satrapa, at ang mga tagapamahala, at ang mga nagsisigawa ng gawain ng hari, ay nagsitulong sa mga Judio; sapagka't ang takot kay Mardocheo ay suma kanila,
4 Mordecai had a great deal of power in the royal palace, and his reputation spread throughout the provinces as his power increased.
Sapagka't si Mardocheo ay dakila sa bahay ng hari, at ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa lahat ng mga lalawigan: sapagka't ang lalaking si Mardocheo ay dumakila, ng dumakila.
5 The Jews attacked their enemies with swords, killing and destroying them, and they did whatever they wanted to their enemies.
At sinaktan ng mga Judio ang lahat ng kanilang mga kaaway sa taga ng tabak, at sa pagpatay at paggiba, at ginawa ang naibigan nila sa nangapopoot sa kanila.
6 In the fortress of Susa, the Jews killed and destroyed five hundred men.
At sa Susan na bahay-hari ay nagsipatay ang mga Judio at nagsilipol ng limang daang lalake.
7 This included Parshandatha, Dalphon, Aspatha,
At si Phorsandatha, at si Dalphon, at si Asphatha,
8 Poratha, Adalia, Aridatha,
At si Phoratha, at si Ahalia, at si Aridatha.
9 Parmashta, Arisai, Aridai, and Vaizatha,
At si Pharmastha, at si Arisai, at si Aridai, at si Vaizatha,
10 the ten sons of Haman, son of Hammedatha, the enemy of the Jews, but they did not take their possessions.
Na sangpung anak ni Aman, na anak ni Amedatha, na kaaway ng mga Judio, ay pinatay nila; nguni't sa pagsamsam, hindi nila binuhat ang kanilang kamay.
11 The same day, when the number of those killed in the fortress of Susa was reported to the king,
Nang araw na yaon ay ang bilang ng nangapatay sa Susan na bahay-hari ay dinala sa harap ng hari.
12 he said to Queen Esther, “The Jews have killed and destroyed five hundred men in the fortress of Susa, including Haman's ten sons. Imagine what they've done in the rest of the royal provinces! Now what is it you'd like to ask? It will be given to you. What more do you want? It will be granted.”
At sinabi ng hari kay Esther na reina; Ang mga Judio ay nagsipatay at nagsilipol ng limang daang lalake sa Susan na bahay-hari, at ng sangpung anak ni Aman; ano nga ang kanilang ginawa kaya sa ibang mga lalawigan ng hari? Ngayon, ano pa ang iyong kahilingan? at ipagkakaloob sa iyo: o ano pa ang iyong kahingian? at gagawin.
13 “If it please Your Majesty,” Esther replied, “allow the Jews in Susa be allowed to do the same tomorrow as they did today, following the decree. Also, let the ten sons of Haman be impaled on poles.”
Nang magkagayo'y sinabi ni Esther, Kung kinalulugdan ng hari ipagkaloob sa mga Judio na nangasa Susan na gawin din bukas ang ayon sa pasiya ng araw na ito, at ang sangpung anak ni Aman ay mabitin sa bibitayan.
14 The king ordered this to be done. A decree was issued in Susa, and they impaled the bodies of Haman's ten sons.
At iniutos ng hari na gawing gayon: at ang pasiya ay nabigay mula sa Susan; at kanilang ibinitin ang sangpung anak ni Aman.
15 On the fourteenth day of the month of Adar, the Jews in Susa gathered together again and killed three hundred men there, but again they did not take their possessions.
At ang mga Judio na nangasa Susan ay nagpipisan nang ikalabing apat na araw din ng buwan ng Adar, at nagsipatay ng tatlong daang lalake sa Susan: nguni't sa pagsamsam ay hindi sila nangagbuhat na kanilang kamay.
16 The other Jews in the king's provinces also gathered to defend themselves and get rid of their enemies. They killed 75,000 who hated them, but did not touch their possessions.
At ang ibang mga Judio na nangasa mga lalawigan ng hari ay nagpipisan, at ipinagsanggalang ang kanilang buhay, at nangagkaroon ng kapahingahan sa kanilang mga kaaway, at nagsipatay sa mga nangapopoot sa kanila ng pitong pu't limang libo; nguni't sa pagsamsam ay hindi nila binuhat ang kanilang kamay.
17 This happened on the thirteenth day of the month of Adar, and on the fourteenth day they rested and made it a day of feasting and celebration.
Ito'y nagawa nang ikalabing tatlong araw ng buwan ng Adar: at nang ikalabing apat na araw ng buwan ding yaon ay nangagpahinga sila, at ginawang araw ng pistahan at kasayahan.
18 However, the Jews in Susa had gathered to fight on the thirteenth and the fourteenth days of the month. So they rested on the fifteenth day, and made that a day of feasting and celebration.
Nguni't ang mga Judio na nangasa Susan ay nagpipisan nang ikalabing tatlong araw niyaon, at nang ikalabing apat niyaon; at nang ikalabing limang araw ng buwan ding yaon ay nangagpahinga sila, at ginawang araw ng kapistahan at kasayahan.
19 To this day rural Jews, living in the villages, observe the fourteenth day of the month of Adar as a day of celebration and feasting, a holiday when they send gifts to one another.
Kaya't ang mga Judio sa mga nayon, na nagsisitahan sa mga bayan na hindi nangakukutaan, ginagawa ang ikalabing apat na araw ng buwan ng Adar na araw ng kasayahan at pistahan, at mabuting araw, at ng padalahan ng mga bahagi ng isa't isa.
20 Mordecai recorded these events and sent letters to all the Jews throughout the provinces ruled by King Xerxes, near and far,
At sinulat ni Mardocheo ang mga bagay na ito, at nagpadala ng mga sulat sa lahat ng Judio, na nangasa lahat na lalawigan ng haring Assuero, sa malapit at gayon din sa malayo,
21 requiring them to celebrate every year the fourteenth and fifteenth days of the month of Adar
Upang ipagbilin sa kanila na kanilang ipangilin ang ikalabing apat na araw ng buwan ng Adar, at ang ikalabing lima niyaon, taon-taon.
22 as the time when the Jews rested from their victory over their enemies, and as the month when their sadness was turned into joy and their mourning into a time of celebration. He wrote them to observe the days as days of feasting and joy and giving gifts of food to one another and presents to the poor.
Na mga pinakaaraw na ipinagkaroon ng kapahingahan ng mga Judio sa kanilang mga kaaway, at buwan ng ikinapaging kasayahan ng kapanglawan, at ikinapaging mabuting araw ng pagtangis: upang kanilang gawing mga araw ng pistahan at kasayahan, at ng pagpapadalahan ng mga bahagi ng isa't isa, at ng mga kaloob sa mga dukha.
23 The Jews agreed to continue what they had already started doing, following what Mordecai had written to them.
At pinagkasunduan ng mga Judio na gawin ang gaya ng kanilang pinasimulan, at ang isinulat ni Mardocheo sa kanila;
24 For Haman, son of Hammedatha, the Agagite, the enemy of all the Jews, had plotted to destroy the Jews, and had cast “pur” (meaning a “lot”) to crush and destroy them.
Sapagka't si Aman na anak ni Amedatha na Agageo, na kaaway ng lahat na Judio ay nagbanta laban sa mga Judio upang lipulin sila, at pinagsapalaran nga ang Pur, upang patayin, at upang lipulin sila;
25 But when it came to the king's attention, he sent out letters ordering that the evil scheme which Haman had planned against the Jews should rebound on him, and that he and his sons should be impaled on poles.
Nguni't nang dumating sa harap ng hari ang bagay, ay kaniyang iniutos sa pamamagitan ng mga sulat na ang kaniyang masamang banta, na kaniyang ibinanta laban sa mga Judio, ay mauwi sa kaniyang sariling ulo; at siya at ang kaniyang mga anak ay mabitay sa bibitayan.
26 (That's why these days are called Purim, from the word Pur.) As a result of all the instructions in Mordecai's letter, and what they'd seen, and what had happened to them,
Kaya't kanilang tinawag ang mga araw na ito na Purim, ayon sa pangalan ng Pur. Kaya't dahil sa lahat na salita ng sulat na ito, at ng kanilang nakita tungkol sa bagay na ito, at ng dumating sa kanila,
27 the Jews committed themselves to adopt the practice that they and their descendants and all who join them should not forget to celebrate these two days as set down, and at the right time every year.
Ang mga Judio ay nangagpasiya at nagsipangako sa kanilang sarili at sa kanilang binhi, at sa lahat ng yaon na nagpipisan sa kanila, na anopa't huwag magkulang, na kanilang ipangingilin ang dalawang araw na ito ayon sa sulat niyaon, at ayon sa takdang panahon niyaon taon-taon;
28 These days were to be remembered and celebrated by every generation, family, province, and city, so that these days of Purim would always be observed among the Jews, and they would not be forgotten by their descendants.
At ang mga araw na ito ay aalalahanin at ipangingilin sa buong panahon, na bawa't angkan, ng bawa't lalawigan, at ng bawa't bayan; at ang mga araw na ito ng Purim ay hindi lilipas sa mga Judio, o ang alaala man sa mga yaon ay lilipas sa kanilang binhi.
29 Then Queen Esther, the daughter of Abihail, wrote a letter, along with Mordecai the Jew, giving in her letter full authority to Mordecai's letter about Purim.
Nang magkagayo'y si Esther na reina na anak ni Abihail, at si Mardocheo na Judio, sumulat ng buong kapamahalaan upang pagtibayin ang ikalawang sulat na ito ng Purim.
30 Letters expressing peace and reassurance were also sent all the Jews in the 127 provinces of the empire of King Xerxes.
At siya'y nagpadala ng mga sulat sa lahat ng mga Judio, sa isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan ng kaharian ni Assuero, na may mga salita ng kapayapaan at katotohanan,
31 They established these days of Purim at their given time as Mordecai the Jew and Queen Esther had ordered, committing themselves and their descendants to the times of fasting and mourning.
Upang pagtibayin ang mga araw na ito ng Purim, sa kanilang mga takdang panahon, ayon sa ibinilin sa kanila ni Mardocheo na Judio at ni Esther na reina, at ayon sa kanilang ipinasiya sa kanilang sarili at sa kanilang binhi, sa bagay ng pag-aayuno at ng kanilang pagdaing.
32 In this way Esther's decree confirmed these practices regarding Purim, which were entered in the official record.
At pinagtibay ng utos ni Esther ang mga bagay na ito ng Purim; at nasulat sa aklat.