< Deuteronomy 29 >
1 The following are the terms of the agreement that the Lord ordered Moses to make with the Israelites in the country of Moab This was in addition to the agreement he had made with them at Horeb.
Ito ang mga salita ng tipan na iniutos ng Panginoon kay Moises na gawin sa mga anak ni Israel sa lupain ng Moab, bukod sa tipang kaniyang ginawa sa kanila sa Horeb.
2 Moses called all the Israelites together and announced to them, You saw with your own eyes everything the Lord did in Egypt to Pharaoh, to all his officials, and to his whole country.
At tinawag ni Moises ang buong Israel, at sinabi sa kanila, Inyong nakita yaong lahat na ginawa ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata sa lupain ng Egipto, kay Faraon at sa lahat ng kaniyang lingkod at kaniyang buong lupain;
3 You saw with your own eyes the amazing tests, and those great signs and miracles.
Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata, ang mga tanda, at yaong mga dakilang kababalaghan:
4 But up to now the Lord has not given you minds that understand, or eyes that see, or ears that hear, saying,
Nguni't hindi kayo binigyan ng Panginoon ng pusong ikakikilala at ng mga matang ikakikita, at ng mga pakinig na ikaririnig, hanggang sa araw na ito.
5 For forty years I led you through the desert, but your clothes and sandals didn't wear out.
At aking pinatnubayan kayong apat na pung taon sa ilang: ang inyong mga damit ay hindi naluma sa inyo, at ang iyong panyapak ay hindi naluma sa iyong paa.
6 You didn't have bread to eat, or wine or alcohol to drink in order that you would realize that I am the Lord your God.
Hindi kayo kumain ng tinapay, ni uminom ng alak o inuming nakalalasing: upang inyong makilala na ako ang Panginoon ninyong Dios.
7 When we arrived here, Sihon king of Heshbon and Og king of Bashan marched out to fight us in battle, but we defeated them.
At nang kayo'y dumating sa dakong ito, ay lumabas si Sehon na hari sa Hesbon at si Og na hari sa Basan, laban sa atin sa pakikibaka, at ating sinugatan sila;
8 We took their land and gave it to the tribes of Reuben, Gad, and the half-tribe of Manasseh to own.
At ating sinakop ang kanilang lupain at ating ibinigay na pinaka mana sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
9 So make sure you keep and follow the terms of this agreement in order that you may be successful in everything you do.
Ganapin nga ninyo ang mga salita ng tipang ito, at inyong gawin, upang kayo'y guminhawa sa lahat ng inyong ginagawa.
10 Every one of you is stand here today before the Lord your God: you tribal leaders, officials, and all the men of Israel,
Kayo'y tumatayong lahat sa araw na ito, sa harap ng Panginoon ninyong Dios; ang inyong mga pangulo, ang inyong mga lipi, ang inyong mga matanda, at ang inyong mga puno, sa makatuwid baga'y lahat ng mga lalake sa Israel,
11 your children and wives, and the foreigners in your camps who cut your firewood and carry your water.
Ang inyong mga bata, ang inyong mga asawa at ang iyong taga ibang lupa na nasa gitna ng iyong mga kampamento mula sa iyong mangangahoy hanggang sa iyong mananalok:
12 You're here so you can enter into the agreement of the Lord your God, which he is making with you today, and accept his solemn promise,
Upang ikaw ay pumasok sa tipan ng Panginoon mong Dios, at sa kaniyang sumpa na ginagawa sa iyo ng Panginoon mong Dios sa araw na ito:
13 and so he can confirm you today as his people. He will be your God as he told you and as he promised your forefathers Abraham, Isaac, and Jacob.
Upang kaniyang itatag ka sa araw na ito na isang bayan, at upang siya'y maging iyong Dios, na gaya ng kaniyang sinalita sa iyo, at gaya ng kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
14 It's not only with you that the Lord is making this agreement and solemn promise,
At hindi lamang sa inyo ginagawa ko ang tipang ito at ang sumpang ito;
15 those who are standing here with us today in the presence of the Lord our God, but also with those who are not here today.
Kundi doon sa nakatayo ritong kasama natin sa araw na ito sa harap ng Panginoon nating Dios, at gayon din sa hindi natin kasama sa araw na ito:
16 You know very well what it was like when we lived in the land of Egypt and our experiences as we passed through the nations on the way here.
(Sapagka't talastas ninyo kung paanong tumahan tayo sa lupain ng Egipto; at kung paanong tayo'y pumasok sa gitna ng mga bansang inyong dinaanan;
17 You saw their disgusting religious practices and their idols of wood and stone, and silver and gold.
At inyong nakita ang kanilang mga karumaldumal, at ang kanilang mga idolo, na kahoy at bato, pilak at ginto na nasa gitna nila: )
18 You need to make sure today that there's no man or woman, family or tribe of yours who wants to turn from the Lord our God and go and worship the gods of these nations. Make sure there is nothing like that among you that would produce such poison and bitterness.
Baka magkaroon sa gitna ninyo ng lalake, o babae, o angkan, o lipi, na ang puso'y humiwalay sa araw na ito, sa Panginoon nating Dios, na yumaong maglingkod sa mga dios ng mga bansang yaon; baka magkaroon sa gitna ninyo ng isang ugat na nagbubunga ng nakakalason at ng ajenjo;
19 For when someone like that hears the words of this solemn promise, they think they'll still receive a blessing, telling themselves, “I'll be safe, even though I'll go on doing whatever I feel like.” Such an attitude would destroy good and bad alike.
At mangyari, na pagka kaniyang narinig ang mga salita ng sumpang ito, na kaniyang basbasan ang kaniyang sarili sa kaniyang puso, na magsabi, Ako'y magkakaroon ng kapayapaan, bagaman ako'y lumalakad sa pagmamatigas ng aking puso upang ilakip ang paglalasing sa kauhawan:
20 The Lord would never want to pardon them. In fact, his passionate anger will burn against them, and every curse written in this book will fall on them. The Lord will erase their name from the earth,
Ay hindi siya patatawarin ng Panginoon, kundi ang galit nga ng Panginoon at ang kaniyang paninibugho ay maguusok laban sa taong yaon, at ang lahat ng sumpa na nasusulat sa aklat na ito ay hihilig sa kaniya, at papawiin ng Panginoon ang kaniyang pangalan sa silong ng langit.
21 and punish them as an example of them for all the Israelite tribes, in accordance with all the curses of the agreement written in this Book of the Law.
At ihihiwalay siya ng Panginoon sa lahat ng mga lipi sa Israel sa kasamaan, ayon sa lahat ng mga sumpa ng tipan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan.
22 Later generations, your descendants and foreigners from far away, will see how the Lord has brought disaster on the country and devastated it.
At ang mga lahing darating, ang inyong mga anak na magsisibangon pagkamatay ninyo, at ang taga ibang bayan na magmumula sa malayong lupain, ay magsasabi, pagka nakita nila ang mga salot ng lupaing yaon, at ang sakit na inilagay ng Panginoon, na ipinagkasakit;
23 The whole country will be burning wasteland of sulfur and salt. Nothing is sown; it's totally unproductive; no plant grows there—just like the destruction of Sodom and Gomorrah, Admah and Zeboiim, which the Lord destroyed in his furious anger.
At ang buong lupaing yaon ay asupre, at asin, at sunog, na hindi nahahasikan, at walang ibubunga, ni walang tumutubong damo, na gaya ng nangyari sa pagkagiba ng Sodoma at Gomorra, Adma at Seboim, na giniba ng Panginoon sa kaniyang kagalitan at sa kaniyang maningas na pagiinit;
24 Everyone everywhere will ask, “Why did the Lord do this to the country? Why did he get so terribly angry?”
Na anopa't lahat ng mga bansa ay magsasabi, Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupaing ito? ano ang kahulugan ng init nitong malaking kagalitan?
25 The people will answer, “It's because they abandoned the agreement of the Lord, the God of their forefathers, which he made with them when he led them out of Egypt.
Kung magkagayo'y sasabihin ng mga tao, Sapagka't kanilang pinabayaan ang tipan ng Panginoon, ng Dios ng kanilang mga magulang, na kaniyang ginawa sa kanila, nang kaniyang kunin sila sa lupain ng Egipto;
26 They went off and worshiped other gods, bowing down to gods they'd never heard of—gods that the Lord had not given to them.
At sila'y yumaon at naglingkod sa ibang mga dios, at sinamba nila, na mga dios na hindi nila nakilala, at hindi niya ibinigay sa kanila:
27 That's why the Lord was so angry with this land, and he rained down on it every curse written in this book.
Kaya't ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa lupaing ito, upang dalhin sa kaniya ang buong sumpa na nasusulat sa aklat na ito:
28 The Lord uprooted them from their country in his anger, rage, and fury, and he threw them out, leaving them in another land, where they are to this day.”
At sila'y binunot ng Panginoon sa kanilang lupain, sa kagalitan, at sa pagiinit, at sa malaking pagkagalit, at sila'y itinaboy sa ibang lupain gaya sa araw na ito.
29 The Lord our God has secrets that belong to him, but what has been revealed belong to us and to our descendants forever, so that we may follow everything in this law.
Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios: nguni't ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man, upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.