< Deuteronomy 19 >
1 After the Lord your God has destroyed the nations whose land he's giving you, and after you have driven them out and settled in their cities and houses,
Kapag hiniwalay ni Yahweh na inyong Diyos ang mga bansa, iyong mga lupain na ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, at kapag kayo ay dumating kasunod nila at nanirahan sa kanilang mga lungsod at mga bahay,
2 then you are to choose three sanctuary towns in the country that the Lord your God is giving you to own.
dapat kayong pumili ng tatlong lungsod para sa inyong sarili sa gitna ng inyong lupain na ibibigay ni Yahweh sa inyo para angkinin.
3 You are build roads to these towns. Divide the country the Lord is giving you into three sections. This way anyone who kills someone else can easily run to these towns for protection.
Dapat kayong gumawa ng isang daanan at hatiin ang mga hangganan ng inyong lupain sa tatlong bahagi, ang lupain na gagawin ni Yahweh na inyong Diyos na inyong manahin, para ang bawat isang nakapatay ng ibang tao ay maaaring tumakas doon.
4 This is what is to happen when a person accidentally kills someone else without meaning to, and runs to one of these sanctuary towns to save their life.
Ito ang batas para sa isang nakapatay ng kapwa at siyang tumakas doon para mabuhay: sinumang nakapatay ng kaniyang kapitbahay ng hindi sinasadya, na hindi niya dating kinamuhian—
5 For example, if a man goes to cut wood in the forest with his friend and swings his axe to chop down a tree, but the head flies off the handle and hits and kills his friend, he may run to one of these towns to save his life.
gaya nang isang taong pumunta sa kagubatan kasama ang kaniyang kapitbahay para pumutol ng kahoy, at ipapalo ang kaniyang kamay gamit ang palakol para pumutol ng isang puno, at nadulas ang ulo mula sa hawakan at tinamaan ang kaniyang kapitbahay kung kaya't namatay siya— kaya dapat na tumakas ang taong iyon sa isa sa mga lungsod na iyon at mabuhay.
6 Otherwise the avenger in his anger might chase after the man and catch up with him and kill him, if it's a long distance. The man would be killed even though he didn't deserve to die, because he hadn't meant to cause any harm.
Kung hindi maaaring habulin ng tagapaghiganti sa dugo kung sino ang kumitil sa buhay, at sa matinding galit maabutan siya dahil isang mahabang paglalakbay ito. At hinampas niya siya at pinatay, kahit na hindi karapat-dapat na mamatay ang taong iyon; at kaya't hindi siya karapat-dapat sa parusang kamatayan dahil hindi niya kinamuhian ang kaniyang kapit-bahay bago pa ito nangyari.
7 This is the reason why I'm giving this order to choose three sanctuary towns.
Kaya inuutos ko sa inyo na pumili ng tatlong lungosod para sa inyong sarili.
8 Should the Lord your God expand your territory, as he promised your forefathers, and give you all the land he said he would,
Kapag pinalawak ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong mga hangganan, gaya ng kaniyang ipinangakong gagawin sa inyong mga ninuno, at ibibigay sa inyo ang lahat ng lupain na ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno;
9 and if you are careful to keep all these commandments I'm giving you today, loving the Lord your God and always following his ways, then you are to choose three additional three sanctuary towns.
kung pananatilihin ninyo ang lahat ng mga utos na ito para gawin ang mga ito, na inuutos ko sa inyo ngayon—mga utos na ibigin si Yahweh na inyong Diyos at lumakad palagi sa kaniyang mga kaparaanan, sa gayon dapat kayong magdagdag ng tatlo pang lungsod para sa inyong sarili, bukod sa tatlong ito.
10 In this way the blood of innocent people won't not be shed in the country the Lord your God is giving you to own and you won't be responsible for the death of innocent people who aren't guilty of losing their lives.
Gawin ito para hindi dumanak ang walang salang dugo sa gitna ng lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo bilang isang pamana, para walang dugo ng pagkakasala ang mapunta sa inyo.
11 On the other hand, if a man hates someone, hides in wait, and attacks and kills them, and then the killer runs to one of the sanctuary towns,
Pero kung sinuman ang nagagalit sa kaniyang kapit-bahay, inabangan siya, mangibabaw laban sa kaniya, at malubha siyang sinugatan kung kaya't namatay siya, at kung tatakas siya papunta sa isa sa mga lungsod na iyon—
12 the elders of his home town must send for him, bring him back, and hand him over to the avenger to be killed.
dapat magpadala ang mga nakatatanda ng kaniyang lungsod at dalhin siya pabalik mula roon, at ibigay siya sa kamay ng mapagkakatiwalaang kamag-anak, para mamatay siya.
13 Show him no mercy. You are to eliminate from Israel the guilt of shedding the blood of the innocent, and then all will be well.
Hindi dapat maawa ang inyong mata sa kaniya; sa halip, dapat ninyong pawiin ang dugo ng pagkakasala mula sa Israel, sa ikakabuti ninyo.
14 Don't move your neighbor's boundary marker. It was placed there by your ancestors to mark the land allotment you will receive in the country that the Lord your God is giving you to own.
Hindi dapat ninyo alisin ang mga palatandaan sa lupa ng inyong kapitbahay na inilagay nila sa lugar ng mahabang panahon na ang nakalipas, sa inyong pamana na inyong mamanahin, sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos para angkinin.
15 The evidence given by a single witness is not enough to prove a sin or a crime against someone, never mind what offense they are alleged to have committed. The facts must be confirmed by the evidence given by two or three witnesses.
Hindi dapat mangibabaw laban sa isang tao ang isang tanging saksi para sa anumang kasalan, sa anumang bagay siya nagkasala; sa bibig ng dalawang saksi, o sa bibig ng tatlong saksi, dapat mapatunayan ang anumang bagay.
16 If someone falsely accuses another person of a crime,
Ipagpalagay na nangibabaw ang hindi matuwid na saksi laban sa sinumang tao para magpatotoo laban sa kaniyang maling gawain.
17 both those involved must come to be judged in the presence of the Lord by the priests and judges who are then in office.
Pagkatapos silang dalawa, kung sino sa pagitan nila ang may umiiral na pagtatalo, ay dapat tumayo sa harapan ni Yahweh, sa harapan ng mga pari at ng mga hukom na naglilingkod sa mga araw na iyon.
18 The judges shall conduct a full investigation, and if the accuser proves to be a liar who has made false accusations
Dapat na gumawa ang mga hukom ng masigasig na pagtatanong; tingnan, kung ang saksi ay isang bulaang saksi at nagpahayag ng hindi totoo laban sa kaniyang kapatid,
19 then you must punish the accuser in the same way they wanted to punish their victim. You must eliminate this evil from among you.
kung gayon dapat ninyong gawin sa kaniya, ang nais niyang gawin sa kaniyang kapatid; at maaalis ninyo ang kasamaan mula sa inyo.
20 Then the rest of the people will hear and be afraid, and they will never again do anything so evil among you. Then everyone else will hear about it and be afraid, and won't ever do anything so evil.
Pagkatapos silang mga naiwan ay makakarinig at matatakot, at mula sa panahong iyon hindi na gagawa pa ng anumang kasamaan sa gitna ninyo.
21 Don't show any mercy. The rule is life for life, eye for eye, tooth for tooth, hand for hand, and foot for foot.
Hindi dapat maawa ang inyong mga mata; buhay ang ibabayad para sa buhay, mata para sa mata, ngipin para sa ngipin, kamay para sa kamay, paa para sa paa.