< Daniel 4 >
1 King Nebuchadnezzar, to people of every nation and language in the whole world: I wish you well!
Ipinadala ni Haring Nebucadnezar ang atas na ito sa lahat ng mga lahi, mga bansa, at mga wikang naninirahan sa lupa: “Sumagana nawa ang inyong kapayapaan.
2 It is my pleasure to share with you an account of the signs and wonders the Most High God has done for me.
Tila mabuti sa aking sabihin sa inyo ang tungkol sa mga tanda at mga himalang ginawa sa akin ng Kataas-taasan.
3 His signs are incredible. His wonders are amazing! His kingdom is an eternal kingdom, and his rule will last for all generations!
Kahanga-hanga ang kaniyang mga tanda at makapangyarihan ang kaniyang mga himala! Walang hanggang kaharian ang kanyang kaharian, at nananatili sa sali't saling lahi ang kaniyang kapangyarihan.
4 I, Nebuchadnezzar, was doing well at home, living happily in my palace.
Ako, si Nebucadnezar, masayang naninirahan sa aking tahanan at nagpapakasaya sa kasagaanan sa aking palasyo.
5 But then one night I had a dream that really scared me—I saw visions that terrified me while I lay in my bed.
Ngunit natakot ako sa isang panaginip ko. Habang nakahiga ako roon, nabagabag ako sa mga larawang aking nakita at sa mga pangitain sa aking isipan.
6 So I ordered all the wise men of Babylon brought before me to explain the dream to me.
Kaya nagbigay ako ng isang atas na dalhin sa aking harapan ang lahat ng mga kalalakihan sa Babilonia na may karunungan upang maipaliwanag nila ang panaginip sa akin.
7 When the magicians, enchanters, astrologers, and diviners came in I told them the dream, but they couldn't explain to me what it meant.
At dumating ang mga salamangkero, mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan, at mga astrologo. Sinabi ko sa kanila ang panaginip, ngunit hindi nila ito maipaliwanag sa akin.
8 In the end Daniel came before me and I told him the dream. (He is also called Belteshazzar after my god, and he has the spirit of the holy gods in him.)
Ngunit sa huli, pumasok si Daniel—na pinangalanang Beltesazar ayon sa pangalan ng aking diyos, at sumasakanya ang espiritu ng mga banal na diyos. Sinabi ko sa kaniya ang panaginip.
9 “Belteshazzar, chief of magicians,” I said, “I certainly know that the spirit of the holy gods is in you and that no mystery is difficult for you to explain. So tell me about what I saw in my dream and explain what it means.
“Beltesazar, pinuno ng mga salamangkero, alam kong sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos at walang hiwaga ang labis na mahirap sa iyo. Sabihin mo sa akin kung ano ang aking nakita sa aking panaginip at kung ano ang kahulugan nito.
10 As I lay in bed dreaming, I saw a tree in the middle of the earth—a really large tree.
Ito ang mga pangitaing aking nakita sa aking isipan habang nakahiga ako sa aking higaan: Tumingin ako, at may isang puno sa gitna ng lupa, at labis na kahanga-hanga ang taas nito.
11 It grew strong and tall, reaching high into the sky so it could be seen by everyone in the whole world.
Lumaki ang puno at naging matatag. Umabot hanggang sa kalangitan ang tuktok nito at makikita ito hanggang sa mga dulo ng buong daigdig.
12 Its leaves were beautiful, and it was full of fruit for all to eat. Wild animals rested in its shade, and birds nested in its branches. It fed all living creatures.
Magaganda ang mga dahon, sagana ang bunga at narito ang pagkain para sa lahat. Sumisilong sa lilim nito ang mga mababangis na hayop at namumugad ang mga ibon sa mga sanga nito. Mula dito, napapakain ang lahat ng nilalang.
13 As I went on dreaming, lying on my bed, I saw a watcher, a holy one, coming down from heaven.
Nakita ko sa aking isipan habang nakahiga ako sa aking higaan, at isang banal na mensahero ang bumaba mula sa kalangitan.
14 He cried out in a loud voice, ‘Cut down the tree and chop off its branches! Shake off its leaves and scatter its fruit! Drive the animals away from its shade, and scare off the birds from its branches.
Sumigaw siya at sinabing, 'Sibakin ang puno at putulin ang mga sanga nito, tanggalin ang mga dahon, at ikalat ang mga bunga. Hayaang umalis ang mga hayop mula sa ilalim nito at lumipad ang mga ibon mula sa mga sanga nito.
15 But leave the stump and its roots in the ground, and bind it with iron and bronze, surrounded by the new grass of the field. Let him become soaked with the dew of heaven, and let him live with the animals outside in the undergrowth.
Iwan ang tuod ng mga ugat nito sa lupa, na nakagapos ng isang gapos na bakal at tanso sa gitna ng mga murang damo sa parang. Hayaang mabasa ito ng hamog mula sa kalangitan. Hayaang mamuhay ito kasama ng mga hayop sa mga halaman sa lupa.
16 Let his mind become like that of an animal. Let him be like this for seven times.
Hayaang mapalitan ang kaniyang isipan mula sa isipan ng tao at hayaaang isang isipan ng hayop ang maibigay sa kaniya hanggang sa pagkaraan ng pitong taon.
17 This is the decree conveyed by the watchers, the verdict declared by the holy ones in order that everyone alive may know that the Most High rules over human kingdoms. He gives them to whoever he chooses—he puts the most humble individuals in charge.’
Ang pasyang ito ay sa pamamagitan ng atas na iniulat ng mensahero. Ito ay pasyang ginawa ng mga banal upang malaman ng mga nabubuhay na ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay ang mga ito sa sinumang naisin niyang mamuno sa mga ito, maging sa mga pinakamabababang tao.'
18 This is what I, King Nebuchadnezzar, saw in my dream. Now it's up to you, Belteshazzar, to give me the explanation as you have before. None of the wise men in my kingdom could explain it to me. But you can, because the spirit of the holy gods is in you.”
Ako, si Haring Nebucadnezar ay nagkaroon ng ganitong panaginip. Ngayon, ikaw Beltesazar, sabihin mo sa akin ang paliwanag, dahil wala sa mga may karunungang kalalakihan sa aking kaharian ang makapagpaliwanag nito sa akin. Ngunit makakaya mong gawin, dahil sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos.”
19 When Daniel (also called Belteshazzar) heard this, he was upset for a while, disturbed as he thought about it. The king told him, “Belteshazzar, don't be worried about the dream and what it means.” “My lord, I only wish this dream was for those who hate you and the explanation for your enemies,” Daniel replied.
At labis na nabahala nang sandali si Daniel na pinangalanang Beltesazar, at nangamba siya sa kaniyang mga saloobin. Sinabi ng hari, “Beltesazar, huwag mong pangambahan ang panaginip o ang paliwanag nito.” Sumagot si Beltesazar, “Aking panginoon, nawa sa mga namumuhi sa iyo mangyari ang panaginip, nawa para sa iyong mga kaaway ang paliwanag nito.
20 “The tree you saw was growing strong and tall, reaching high into the sky so it could be seen by everyone in the whole world.
Ang punong nakita mo—na lumaki at naging matatag, at umabot hanggang sa kalangitan ang tuktok nito, at nakikita sa mga dulo ng buong daigdig—
21 Its leaves were beautiful, and it was full of fruit for all to eat. Wild animals lived under its shade, and birds nested in its branches.
na magaganda ang mga dahon, at sagana ang bunga, upang ito ay pagkain para sa lahat, at sumisilong sa lilim nito ang mga hayop, at kung saan namumugad ang mga ibon sa kalangitan—
22 This is you, Your Majesty. You have grown strong, your power has become so great that it has reached high into the sky, and your rule extends to the ends of the earth.
ang punong ito ay ikaw, hari, ikaw na lumaking napakatatag. Lumaki ang iyong kadakilaan at umaabot sa kalangitan, at umaabot sa mga dulo ng daigdig ang iyong kapangyarihan.
23 Then Your Majesty saw a watcher, a holy one, coming down from heaven who said, ‘Cut down the tree and destroy it, but leave the stump and its roots in the ground, and bind it with iron and bronze, surrounded by the new grass of the field. Let him become soaked with the dew of heaven and let him live with the animals outside in the undergrowth. Let his mind become like that of an animal. Let him be like this for seven times.’
Nakita mo, hari, ang isang banal na mensaherong bumababa mula sa langit at sinasabing, 'Sibakin ang puno at wasakin ito, ngunit iwan ang tuod ng mga ugat nito sa lupa, na nakagapos ng isang gapos na bakal at tanso sa gitna ng mga murang damo sa parang. Hayaang mabasa ito ng hamog mula sa kalangitan. Hayaang mamuhay ito kasama ng mga mababangis na hayop sa parang hanggang sa pagkaraan ng pitong taon.'
24 This is what it means, Your Majesty, and what the Most High has decreed will happen to my lord the king.
Ito ang paliwanag, hari. Isang atas ito ng Kataas-taasan na nakarating sa iyo, aking panginoong hari.
25 You will be driven away from human society and you will live with the wild animals. You will eat grass like the cattle, and you will be soaked with the dew of heaven. You will be like this for seven times until you acknowledge that the Most High rules over human kingdoms, and that he gives them to those he chooses.
Itataboy ka mula sa mga tao, at maninirahan ka kasama ng mga mababangis na hayop sa parang. Kakain ka ng damo tulad ng isang baka, at mababasa ka ng hamog mula sa kalangitan, at lilipas ang pitong taon hanggang kilalanin mong ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya.
26 However, as it was decreed, the stump and its roots were to be left in the ground. Your kingdom will be restored to you when you acknowledge that Heaven rules.
Gaya ng iniutos na iwan ang tuod ng mga ugat ng puno, sa paraang ito, maibabalik ang kaharian sa iyo sa panahong kilalanin mong naghahari ang langit.
27 So, Your Majesty, please take my advice. Stop sinning and do what's right. End your iniquities and be merciful to the oppressed. Maybe then things will continue to go well for you.”
Kaya hari, hayaang maging katanggap-tanggap ang payo ko sa iyo. Tumigil ka sa pagkakasala at gawin kung ano ang matuwid. Talikuran mo ang iyong mga kasamaan sa pamamagitan ng pagpapakita ng habag sa mga inaapi, at maaaring magpatuloy pa ang iyong kasaganaan.”
28 (However, all this did happen to King Nebuchadnezzar.
Nangyari ang lahat ng ito kay Haring Nebucadnezar,
29 Twelve months later he was walking on the roof of the royal palace in Babylon.
pagkaraan ng labindalawang buwan, Naglalakad siya sa maharlikang palasyo sa Babilonia.
30 He said, “I was the one who built this great city of Babylon! By my own great power I built it as my royal residence for my majestic glory!”
Sinasabi ng hari, “Hindi ba ito ang dakilang Babilonia, na aking itinatag para sa aking maharlikang tirahan, para sa kaluwalhatian ng aking kapangyarihan?”
31 The words were still on the king's lips when a voice came from heaven, “King Nebuchadnezzar, this is what is decreed concerning you: the kingdom has been taken away from you.
Habang sinasabi pa ito ng hari, isang tinig ang nagmula sa langit: “Haring Nebucadnezar, iniatas laban sa iyo na hindi mo na pag-aari pa ang kahariang ito.
32 You will be driven away from human society and you will live with the wild animals. You will eat grass like the cattle, and you will become soaked with the dew of heaven. You will be like this for seven times until you acknowledge that the Most High rules over human kingdoms, and that he gives them to whoever he chooses.”
Itataboy ka palayo mula sa mga tao, at sa parang ang iyong magiging tahanan kasama ng mga mababangis na hayop. Kakain ka ng damo tulad ng isang baka. Lilipas ang pitong taon hanggang sa kilalanin mong ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya.”
33 Immediately the decree was fulfilled, and Nebuchadnezzar was driven away from human society. He ate grass like the cattle, and his body was soaked with the dew of heaven. His hair grew matted like a vulture, and his nails like bird claws.)
Natupad kaagad kay Nebucadnezar ang atas na ito. Itinaboy siya palayo mula sa mga tao. Kumain siya ng damo tulad ng isang baka, at nabasa ang kaniyang katawan ng hamog mula sa kalangitan. Humaba ang kaniyang buhok na kasing haba ng mga balahibo ng mga agila, at naging tulad ng mga pangalmot ng mga ibon ang kaniyang mga kuko.
34 Once the time had passed, I, Nebuchadnezzar, looked up to heaven and my sanity returned to me. I blessed and praised the Most High and worshiped the One who lives forever. His rule is an eternal rule, and his kingdom lasts for all generations.
At sa katapusan ng mga araw, ako, si Nebucadnezar ay tumingin sa langit, at ibinalik sa akin ang aking katinuan. “Pinuri ko ang Kataas-taasan, at pinarangalan at niluwalhati ko ang siyang nabubuhay magpakailanman. Sapagkat ang kaniyang paghahari ay walang hanggang paghahari, at nananatili ang kaniyang kaharian sa lahat ng sali't saling lahi.
35 Everyone who lives on earth are as nothing compared to him. He does whatever he chooses among the heavenly host and among those who live on earth. No one can hold him back from what he does, or ask him, “What are you doing?”
Itinuturing niyang walang halaga ang lahat ng mga naninirahan sa lupa, ginagawa niya sa hukbo ng langit at sa mga naninirahan sa lupa ang anumang naaayon sa kaniyang kagustuhan. Walang makakapigil o makakatutol sa kaniya. Walang makakapagsasabi sa kaniyang, 'Bakit mo ito ginawa?''
36 When my sanity returned, then my kingdom, majesty, and splendor also returned to me. My advisors and nobles came looking for me, and I was restored as ruler over my kingdom, even greater than before.
Sa gayunding panahong nanumbalik sa akin ang aking katinuan, nanumbalik sa akin ang aking kapangyarihan at kaningningan para sa kaluwalhatian ng aking kaharian. Hinangad ng aking mga tagapayo at aking mga tagapamahala ang aking pagpanig. Ibinalik ako sa aking trono, at higit pang kadakilaan ang ibinigay sa akin.
37 So now I, Nebuchadnezzar, praise, honor, and glorify the King of Heaven, for everything he does is right, and his ways are true. He is able to humble those who are proud.
Ngayon, ako, si Nebucadnezar ay nagpupuri, nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit, sapagkat matuwid ang lahat ng kaniyang mga gawa, at makatarungan ang kaniyang mga pamamaraan. Kaya niyang ibaba ang mga namumuhay sa kanilang sariling kapalaluan.