< 2 Samuel 15 >
1 Sometime later, Absalom got himself a chariot with horses, and fifty men as bodyguards to run ahead of him.
Pagkatapos nito naghanda si Absalom ng isang karo at mga kabayo para sa kaniyang sarili, kasama ang limampung tauhan para tumakbo sa kaniyang unahan.
2 He used to get up early and stand by the main road that led to the city gate. When people brought a case to the king for his decision, Absalom would call out and ask them, “What town are you from?” If they replied, “Your servant is from this particular tribe of Israel,”
Babangon ng maaga si Absalom at tatayo sa tabi ng daang papasok sa tarangkahan ng lungsod. Kapag pumunta sa hari ang sinumang may isang alitan para sa paghahatol, sa gayon tatawagin siya ni Absalom at sasabihing, “Mula sa anong lungsod ka galing?” At sasagot ang lalaki, “Nanggaling ang iyong lingkod sa isa sa mga lipi ng Israel.”
3 Absalom would tell them, “Look, you're in the right and you've got a good case. It's such a shame there's no one from the king to hear you.”
Kaya sasabihin ni Absalom sa kaniya, “Tingnan mo, mabuti at tama ang iyong kaso, pero walang isang binigyan ang hari ng kapangyarihan para dinggin ang iyong kaso.”
4 Then he would say, “If only there was someone to appoint me as judge for the country. Then everyone could come to me with their case or complaint, and I would give them justice.”
Idinagdag ni Absalom, “Nais kong maging hukom ako sa lupain, para ang bawat taong may anumang alitan o dahilan ay maaaring makalapit sa akin at bibigyan ko siya ng katarungan!”
5 When anyone came to bow down before him, Absalom would stop them by reaching out his hand, taking hold of him, and kissing him.
Nangyari ito ng may papalapit na isang tao kay Absalom para parangalan siya, iaabot ni Absalom ang kaniyang kamay at hahawakan siya at hahalikan siya.
6 This is how Absalom treated all the Israelites who came to the king for his judgment. So he captured the loyalty of the men of Israel.
Kumilos si Absalom sa ganitong paraan sa buong Israel na pumupunta sa hari para sa paghahatol. Kaya nakuha ni Absalom ang mga puso ng kalalakihan ng Israel.
7 Four years later Absalom asked the king, “Please let me go to Hebron to fulfill a promise I made to the Lord.
Pagkatapos ng apat na taon sinabi ni Absalom sa hari, “Pakiusap pahintulutan mo akong umalis at tuparin ang isang panatang aking ginawa kay Yahweh sa Hebron.
8 For I, your servant, made this promise while living at Geshur in Aram, saying: ‘If the Lord does bring me back to Jerusalem, I will worship the Lord in Hebron.’”
Dahil gumawa ang iyong lingkod ng isang panata habang naninirahan ako sa Gesur sa Aram, sa pagsasabing; “Kung talagang dadalhin ulit ako ni Yahweh sa Jerusalem, sa gayon sasambahin ko si Yahweh.”'
9 “Go in peace,” said the king. So Absalom went to Hebron.
Kaya sinabi ng hari sa kaniya, “Umalis nang mapayapa.” Kaya tumayo si Absalom at pumunta sa Hebron.
10 Then Absalom sent his accomplices among all the tribes of Israel, saying, “When you hear the sound of the ram's horn, you shout, ‘Absalom is king at Hebron!’”
Pero pagkatapos nagpadala si Absalom ng mga espiya sa lahat ng mga lipi ng Israel, na nagsasabing, “Sa sandaling marinig ninyo ang tunog ng trumpeta, sa gayon dapat ninyong sabihin, 'Si Absalom ay hari sa Hebron.”'
11 Two hundred men from Jerusalem went with Absalom. They had been invited and went in all innocence, because they didn't know anything about what was planned.
Kasama ni Absalom na pumunta ang dalawang-daang kalalakihang mula sa Jerusalem, na kaniyang inanyayahan. Pumunta sila nang walang kamalayan, walang nalalaman sa anumang bagay na binalak ni Absalom.
12 While Absalom was offering sacrifices, he sent for Ahithophel the Gilonite, David's advisor, asking him to come from Giloh, the town where he lived. The conspiracy grew stronger, and Absalom's followers went on increasing.
Habang naghahandog si Absalom ng mga alay, ipinatawag niya si Ahitofel mula sa kaniyang bayang pinagmulan sa Gilo. Tagapayo siya ni David. Matindi ang pakikipagsabwatan ni Absalom, dahil patuloy na dumadami ang mga taong sumusunod kay Absalom.
13 A messenger came to tell David, “Absalom has the loyalty of the men of Israel.”
Isang mensahero ang dumating kay David na nagsasabing, “Sumusunod kay Absalom ang mga puso ng kalalakihan ng Israel.”
14 David said to all the officials with him in Jerusalem, “Quick! Let's go! Otherwise we won't be able to get away from Absalom! We must leave immediately, or he will soon catch up with us, attack us, and kill the people here in the city.”
Kaya sinabi ni David sa lahat ng kaniyang lingkod na kasama niya sa Jerusalem, “Tumayo at tumakas tayo, o walang isa sa atin ang makakaligtas mula kay Absalom. Maghanda para makaalis agad, o mabilis niya tayong maaabutan at magdadala siya ng kapahamakan sa atin at sasalakayin ang lungsod sa pamamagitan ng talim ng espada.”
15 “Whatever Your Majesty decides, we'll do what you want,” the king's servants replied.
Sinabi ng mga lingkod sa hari, “Tingnan, handa ang iyong mga lingkod na gawin ang anumang ipasya ng aming panginoong hari.”
16 The king set off with his whole household following him, but he left behind ten concubines to look after the palace.
Umalis ang hari kasunod ang pamilya niya ay kasunod niya, pero iniwan ng hari ang sampung babae na mga kerida, para pangalagaan ang palasyo.
17 The king left with all his soldiers following him. He stopped at the last house,
Pagkatapos makaalis ng hari at ng lahat ng taong kasunod niya, huminto sila sa huling bahay.
18 and all his men marched past him, including all the Cherethites and Pelethites, and six hundred Gittites who had come with him from Gath.
Lumakad kasama niya ang kaniyang buong hukbo at nauna sa kaniya ang lahat ng mga taga-Ceret, at lahat ng taga-Pelet, at lahat ng taga-Gat ang lahat ng Peletheo at ang lahat ng Getheo—animnaraang kalalakihang sumunod sa kaniya ay mula sa Gat.
19 The king said to Ittai the Gittite, “Why are you coming with us too? Go back and stay with the new king, because you are a foreigner and an exile a long way from home.
Pagkatapos sinabi ng hari kay Itai ang taga- Gat, “Bakit sumama ka rin sa amin? Bumalik at manatili kasama ni Haring Absalom, dahil isa kang dayuhan at isang pinalayas. Bumalik sa iyong sariling lugar.
20 You only just got here, so why should I make you wander around with us now when I don't even know where I am going? Go back and take your men with you. May the Lord show you kindness and faithfulness.”
Yamang kahapon ka lang umalis, bakit maglalakbay kami kasama ka? Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kaya bumalik at isama ang iyong kababayan pabalik. Nawa'y mapasaiyo ang katapatan at pagkamatapat.”
21 But Ittai answered the king, “As the Lord lives, and as Your Majesty lives, wherever Your Majesty may be, whether dead or alive, that's where your servant will be!”
Pero sinagot ni Itai ang hari at sinabing, “Habang nabubuhay si Yahweh at habang nabubuhay ang aking among hari, tunay na kahit sa anumang lugar pumunta ang aking among hari, doon din pupunta ang iyong lingkod kahit mangahulugan ito ng buhay o kamatayan.”
22 “Go ahead, march on!” David replied. Ittai the Gittite marched past with all his men and all the families that were with him.
Kaya sinabi ni David kay Itai, “Mauna at magpatuloy kasama namin.” Kaya naglakbay si Itai na taga-Gat kasama ang hari, kasama ang lahat ng kaniyang tauhan at ang lahat ng pamilyang kasama niya.
23 All the people in the countryside were crying aloud as everyone with David passed by. They crossed the Kidron Valley with the king on the way toward the wilderness.
Umiyak ng malakas ang buong bansa habang dumadaan ang lahat ng tao sa Lambak Kidron at habang tumatawid din mismo ang hari. Naglakbay ang lahat ng tao sa daan patungong ilang.
24 Zadok was there too, and all the Levites were with him, carrying the Ark of God's Agreement. They set down the Ark of God, and Abiathar offered sacrifices until everyone had left the city.
Kahit si Zadok kasama ang lahat ng Levita, dala-dala ang kaban ng kautusan ng Diyos, ay naroon. Ibinaba nila ang kaban ng Diyos at sumama sa kanila si Abiatar. Naghintay sila hanggang sa makaraan ang lahat ng tao palabas ng lungsod.
25 Then the king told Zadok, “Take the Ark of God back to the city. If I find the Lord approves of me, he will bring me back and let me see both the Ark and his Tent again.
Sinabi ng hari kay Zadok, “Dalhin ang kaban ng Diyos pabalik sa lungsod. Kung makakasumpong ako ng biyaya sa mga mata ni Yahweh, dadalhin niya ako pabalik dito at ipapakitang muli sa akin ang kaban at ang lugar kung saan siya naninirahan.
26 But if he says, ‘I'm not happy with you,’ then here I stand. Let him do to me whatever he thinks best.”
Pero kung sasabihin niyang, 'Hindi ako nasisiyahan sa iyo; tingnan, narito ako, hayaan siyang gawin sa akin kung ano ang mabuti sa kaniya.”
27 The king also told Zadok the priest, “You understand the situation, don't you? Go back to the city safely with your son Ahimaaz, and also Jonathan, son of Abiathar. You and Abiathar take both of your sons back with you.
Sinabi rin ng hari kay Zadok na pari, “Hindi kaba isang manghuhula?” Bumalik lungsod nang mapayapa at ang dalawa mong anak na lalaking kasama mo, sina Ahimaaz na anak mo at Jonatan na anak ni Abiatar.
28 I'll wait at the fords of the wilderness until I hear from you.”
Tingnan, maghihintay ako sa mga tawiran ng Araba hanggang sa dumating ang salita mula sa iyo para sabihan ako.”
29 Zadok and Abiathar took the Ark of God back to Jerusalem and remained there.
Kaya dinala ni Zadok at Abiatar ang kaban ng Diyos pabalik sa Jerusalem at nanatili sila roon.
30 David went on his way up the Mount of Olives, weeping as he did so. He had his head covered, and walked barefoot. All the people with him covered their heads, weeping as they went along.
Pero umakyat si David nang nakapaa at umiiyak paakyat sa Bundok ng mga Olibo, at tinakpan niya ang kaniyang ulo. Tinakpan ng bawat isang mga taong kasama niya ang kanilang ulo at umakyat silang umiiyak habang naglalakad.
31 David was told, “Ahithophel is one of the people conspiring with Absalom.” So David prayed, “Lord, please make Ahithophel's advice worthless.”
May isang taong nakapagsabi kay David na, “Si Ahitofel ay kasama sa mga kasabwat ni Absalom.” Kaya nanalangin si David, “O Yahweh, pakiusap gawin mong kahangalan ang payo ni Ahitofel.”
32 When David arrived at the top of the Mount of Olives, where people worshiped God, there to meet him was Hushai the Archite, with his robe torn and with dust on his head.
Nang nakarating si David sa tuktok ng daan, kung saan nakagawiang sambahin ang Diyos, dumating si Cusai na Arkita para salubungin siya na punit ang kaniyang damit at may lupa sa kaniyang ulo.
33 David told him, “If you come with me, you'll only be a burden to me,
Sinabi ni David sa kaniya, “Kung maglalakbay ka kasama ko, sa gayon magiging isang pabigat ka sa akin.
34 but if you go back to the city and tell Absalom, ‘I will be your servant, Your Majesty! Formerly I worked for your father, but now I'll work for you,’ then you can block Ahithophel's advice for me.
Pero kung babalik ka sa lungsod at sasabihin kay Absalom, 'Magiging lingkod mo ako, hari, gaya ng paglilingkod ko dati sa iyong ama,' kaya magiging lingkod mo ako ngayon; pagkatapos guguluhin mo ang payo ni Ahitofel para sa akin.
35 Zadok and Abiathar, the priests, will be there too. Tell them everything you hear in the king's palace.
Hindi mo ba makakasama roon si Abiatar at Zadok na mga pari? Kaya kahit ano ang marinig mo sa palasyo ng hari, dapat mong sabihin ito kina Zadok at Abiatar na mga pari.
36 Their two sons, Ahimaaz and Jonathan, are there with them. Send them to me so they can tell me everything you hear.”
Makikita mo na kasama nila roon ang kanilang dalawang anak, sina Ahimaaz, anak na lalaki ni Zadok at Jonatan, anak na lalaki ni Abiatar. Dapat mong ipadala sa akin sa pamamagitan ng kanilang kamay ang lahat ng bagay na marinig mo.”
37 David's friend Hushai arrived back in Jerusalem at the same time Absalom was entering the city.
Kaya pumunta si Cusai, kaibigan ni David sa lungsod habang dumating at pumasok si Absalom sa Jerusalem.