< 2 Kings 23 >

1 Then the king summoned all the elders of Judah and Jerusalem.
Kaya nagpadala ng mga sugo ang hari na tinipon sa kaniya lahat ng mga nakatatandang pinuno ng Juda at ng Jerusalem.
2 He went to the Lord's Temple with all the people of Judah and Jerusalem, together with the priests and the Levites, all the people from the least to the greatest, and he read to them the whole Book of the Agreement that had been discovered in the Lord's Temple.
Pagkatapos pumunta ang hari sa tahanan ni Yahweh, at kasama niya ang lahat ng mga lalaki ng Juda at lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem, at ang mga pari, mga propeta, at lahat ng mga tao, mula sa hamak hanggang sa dakila. Pagkatapos binasa niya sa kanilang pandinig lahat ng mga salita ng aklat ng tipan na natagpuan sa tahanan ni Yahweh.
3 The king stood by the pillar and made a solemn agreement before the Lord to follow him and to keep his commandments, laws, and regulations with total dedication, and to observe the requirements of the agreement as written in the book. All the people entered into the agreement.
Tumayo ang hari sa tabi ng haligi at gumawa ng tipan sa harap ni Yahweh, na susunod kay Yahweh, at susundin ang kaniyang mga utos, mga batas ng tipan, at mga tuntunin, nang kaniyang buong puso at buong kaluluwa, para pagtibayin ang mga salita ng tipang ito na nakasulat sa aklat na ito. Kaya sumang-ayon ang lahat ng mga tao na panindigan ang tipan.
4 Then the king ordered Hilkiah the high priest, the priests of second rank, and the doorkeepers to remove from the Lord's Temple everything made for Baal, Asherah, and the worship of sun, moon, and stars. He burned them outside Jerusalem in the Kidron fields and took their ashes to Bethel.
Inutusan ng hari ang punong pari na si Hilkias, ang mga pari sa ilalim niya, at ang mga bantay ng tarangkahan, na ilabas mula sa templo ni Yahweh lahat ng mga sisidlan na ginawa para kay Baal at Asera, at para sa lahat ng mga bituin ng langit. Sinunog niya ang mga iyon sa labas ng Jerusalem sa mga bukid sa Lambak ng Kidron at dinala ang kanilang abo sa Bethel.
5 He also dismissed the priests appointed by the kings of Judah to present burnt offerings on the high places of the towns of Judah and in the places all around Jerusalem, those who had sacrificed to Baal, to the sun and moon, to the constellations, and to all the powers of heaven.
Inalis niya ang mga pari ng mga diyus-diyosan na pinili ng mga hari ng Juda para magsunog ng insenso sa mga dambana sa mga lungsod ng Juda at sa mga lugar sa palibot ng Jerusalem - ang mga nagsunog ng insenso para kay Baal, para sa araw at sa buwan, para sa mga planeta at sa lahat ng mga butuin ng langit.
6 He removed the Asherah pole from the Lord's Temple and took it to the Kidron Valley outside Jerusalem. He burned it there, ground it into dust, and threw its dust over the graves of the ordinary people.
Inilabas niya ang poste ni Asera mula sa templo ni Yahweh, sa labas ng Jerusalem sa Lambak ng Kidron at sinunog ito roon. Ipinadurog niya ito at itinapon ang mga abo na iyon sa mga libingan ng mga karaniwang tao.
7 He also demolished the quarters of the cult prostitutes that were in the Lord's Temple, where the women used to weave tapestries for the Asherah.
Inalis niya ang mga gamit sa mga silid ng mga gumagawa ng mahahalay na ritwal bilang pagsamba, sa templo ni Yahweh, kung saan humabi ang mga babae ng mga kasuotan para kay Asera.
8 Josiah brought to Jerusalem all the priests from the towns of Judah and defiled the high places, from Geba to Beersheba, where the priests had sacrificed burnt offerings. He demolished the high places of the gates, near to the entrance of the gate of Joshua, the governor of the city, which was left of the town gate.
Inilabas ni Josias ang lahat ng mga pari mula sa mga lungsod ng Juda at nilapastangan ang mga dambana kung saan nagsunog ng insenso ang mga pari, mula Geba hanggang Beerseba. Winasak niya ang mga dambana sa mga tarangkahan, ang mga dambana na nasa pasukan patungo sa Tarangkahan ni Josue, na itinayo ng isang gobernador ng lungsod na nagngangalang Josue. Ang mga dambanang ito ay nasa gawing kaliwa ng tarangkahan ng lungsod sa pagpasok ng lungsod.
9 Though the priests of the high places did not serve at the altar of the Lord in Jerusalem, they did eat unleavened bread with their brother priests.
Kahit na hindi pinapayagan ang mga pari ng mga dambanang iyon na paglingkuran ang altar ni Yahweh sa Jerusalem, pinayagan sila na kumain ng tinapay na walang pampaalsa, tulad ng mga kapwa nila pari.
10 He defiled the Topheth altar in the Valley of Ben-hinnom so that no one could sacrifice his son or daughter in the fire to Molech.
Nilapastangan ni Josias ang Tofet, na nasa lambak ng Ben Hinom, para walang makapaghandog ng kaniyang anak na lalaki o kaniyang anak na babae bilang isang sinunog na handog sa apoy para kay Molec.
11 He removed the horses that the kings of Judah had dedicated to the sun from the entrance to the Lord's Temple. They were in the courtyard near the room of a eunuch named Nathan-melech. Josiah also burned the chariots dedicated to the sun.
Inalis niya ang mga kabayo na ibinigay ng mga hari ng Juda sa araw. Nasa isang lugar ang mga iyon sa pasukan patungo sa templo ni Yahweh, malapit sa silid ni Natan Melec, ang katiwala. Sinunog ni Josias ang mga karwahe ng araw.
12 He demolished the altars that the kings of Judah had set up on the roof near the upper chamber of Ahaz, and the altars Manasseh had placed in the two courtyards of the Lord's Temple. The king smashed them to pieces and scattered them in the Kidron Valley.
Winasak ng haring si Josias ang mga altar na nasa bubong ng kaitaasang silid ni Ahaz, na ginawa ng mga hari ng Juda, at ang mga altar na ginawa ni Manases sa dalawang patyo ng templo ni Yahweh. Winasak ni Josias ang mga ito sa maraming piraso at tinapon ang mga ito sa Lambak ng Kidron.
13 The king also defiled the high places to the east of Jerusalem, to the south of the Mount of Corruption, the places which King Solomon of Israel had built for Ashtoreth, the vile goddess of the Sidonians, for Chemosh, the vile god of the Moabites, and for Molech, the vile god of the Ammonites.
Hinamak ni Josias ang mga dambana na nasa silangan ng Jerusalem, sa katimugan ng Bundok ng Katiwalian na itinayo ni Solomon ang hari ng Israel para kay Astoret, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga Sidonio, para kay Quemos, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng Moab; at para kay Milcom, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga mamamayan ng Ammon.
14 He smashed the sacred stone pillars to pieces, chopped down the Asherah poles, and covered the places with human bones.
Binasag ni Haring Josias ang mga sagradong batong haligi, giniba ang mga poste ni Asera, at pinuno ang kanilang mga lugar ng mga buto ng tao.
15 He also demolished the altar at Bethel, the high place set up by Jeroboam, son of Nebat, who had made Israel sin. Then he burned the high place, ground it to dust, and burned the Asherah pole.
Giniba rin ni Josias ang altar na nasa Bethel at ang dambana na itinayo ni Jeroboam, anak na lalaki ni Nebat, na nanguna sa Israel para magkasala. Sinunog niya ang altar sa dambana at dinurog ito; sinunog niya rin ang poste ni Asera.
16 As Josiah looked around he saw some tombs there on the hill. He had the bones taken from the tombs, and he burned them on the altar to defile it, just as the Lord had said through the man of God who had prophesied these things.
Nang makita ni Josias ang lugar, napansin niya ang mga libingan na nasa gilid ng burol. Ipinadala niya ang mga lalaki para kunin ang mga kalansay mula sa mga libingan; pagkatapos sinunog niya ang mga iyon sa altar, na lumapastangan nito. Ito ay sang-ayon sa salita ni Yahweh na sinabi ng lingkod ng Diyos, ang lalaki na sa simula pa ay nagsabi ng mga bagay na ito.
17 Then he asked, “Whose gravestone is this that I see?” “It's the tomb of the man of God who came from Judah and proclaimed exactly what you have done to the altar of Bethel,” the townspeople replied.
Pagkatapos sinabi niya, “Anong bantayog iyon na nakikita ko?' Sinabi sa kaniya ng mga lalaki ng lungsod, “Iyon ay ang libingan ng lingkod ng Diyos na nanggaling sa Juda at nagsalita tungkol sa mga bagay na ito na kagagawa mo lamang laban sa altar ng Bethel.”
18 “Let him rest in peace,” said Josiah. “Don't anyone touch his bones.” So they left his bones undisturbed, together with the bones of the prophet who came from Samaria.
Kaya sinabi ni Josias, “Pabayaan ninyo ito. Walang dapat gumalaw ng kaniyang kalansay.” Kaya hindi nila ginalaw ang kaniyang kalansay, kasama ng kalansay ng propeta na nanggaling sa Samaria.
19 Josiah destroyed, just as he did at Bethel, all the shrines of the high places in the towns of Samaria that the kings of Israel had built that had angered the Lord.
Ang lahat ng mga templo at dambana na nasa mga lungsod ng Samaria, na dinulot ng mga hari ng Israel na pumukaw ng galit ni Yahweh - ipinagiba ni Josias ang mga iyon. Ginawa niya sa kanila eksakto kung ano ang nagawa sa Bethel.
20 Josiah slaughtered all the priests who were there at the high places on the altars, and burned human bones on them. Then he returned to Jerusalem.
Pinatay rin niya ang lahat ng mga pari ng mga dambana sa mga altar doon, at sinunog ang mga kalansay ng tao sa mga iyon. Pagkatapos bumalik siya sa Jerusalem.
21 The king sent out an order to all the people, “Observe the Passover of the Lord your God, as it is written in this Book of the Agreement.”
Pagkatapos inutos ng hari sa lahat ng mga tao, na sinasabing, “Ipagdiwang ang Paskwa para kay Yahweh ang inyong Diyos, tulad ng nasusulat sa aklat ng tipan na ito.”
22 Such a Passover as this had not been observed from the days of the judges who ruled Israel on through all the days of the kings of Israel and Judah.
Ang gayong pagdiriwang ng Paskwa ay hindi kailanman idinaos mula pa sa mga araw ng mga hukom na namuno sa Israel ni sa loob ng lahat ng mga araw ng mga hari ng Israel o Juda.
23 But in the eighteenth year of King Josiah, this Passover was observed to honor the Lord in Jerusalem.
Ngunit ang Paskwang ito ay tunay na ipinagdiwang noong ika-labing walong taon ni Haring Josias; ito ay para kay Yahweh sa Jerusalem.
24 In addition, Josiah got rid of the mediums and spiritists, the household gods and idols, and all the disgusting practices that were present in the land of Judah and in Jerusalem. He did this to fulfill the words of the law written in the book that Hilkiah the priest had found in the Lord's Temple.
Pinaalis din ni Josias ang mga nakipag-usap sa mga patay o sa mga espiritu. Pinaalis din niya ang mga anti-anting, ang mga diyus-diyosan, at ang lahat ng mga nakasusuklam na mga bagay na nakita sa lupain ng Juda at sa Jerusalem, para pagtibayin ang mga salita ng batas na nasusulat sa aklat na natagpuan ng paring si Hilkias sa tahanan ni Yahweh.
25 Never before was there a king like him who committed himself to the Lord in all his thoughts and attitudes, and with all his strength, keeping all the Law of Moses. There was no king like him afterwards either.
Bago kay Josias, walang naging hari na tulad niya, na nagtalaga ng sarili kay Yahweh nang kaniyang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas, na sinunod ang lahat ng batas ni Moises. Ni walang sinumang haring kasunod na katulad ni Josias.
26 However, the Lord had not given up his furious hostility, which burned against Judah because of all that Manasseh had done to anger him.
Pero hindi bumaling si Yahweh mula sa bangis ng kaniyang matinding galit, na nag-alab laban sa Juda dahil sa lahat ng pagsambang pagano na kung saan inudyok siya ni Manases.
27 So the Lord announced, “I'm also going to banish Judah from my presence, just as I banished Israel. I will abandon this city that I have chosen, Jerusalem, and the Temple regarding which I said, My name will be there.”
Kaya sinabi ni Yahweh, “Aalisin ko rin ang Juda mula sa aking paningin, tulad ng pag-aalis ko sa Israel, at itatapon ko ang lungsod na ito na aking pinili, Jerusalem, ang tahanan na sinabi kong, 'Malalagay doon ang aking pangalan.'”
28 The rest of what happened in Josiah's reign, and all he did, are recorded in the Book of Chronicles of the Kings of Judah.
Tungkol sa ibang mga bagay hinggil kay Josias, lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba't nasusulat ang mga iyon sa Ang Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?
29 While Josiah was still king, Pharaoh Neco, king of Egypt, led his army to help the king of Assyria at the Euphrates River. King Josiah took his army to fight him at Megiddo, but when Neco saw Josiah he killed him.
Sa panahon na siya ang hari ng Ehipto, nilabanan ni Faraon Neco ang hari ng Asiria sa Ilog Eufrates. Pumunta si Haring Josias para harapin si Neco sa labanan, at pinatay siya ni Neco sa Megido.
30 His servants put his body in a chariot, brought him back from Megiddo to Jerusalem, and buried him in his own tomb. Then the people of the land chose Jehoahaz, son of Josiah, anointed him, and made him king in succession to his father.
Binuhat siyang patay ng mga lingkod ni Josias sa isang karwahe mula sa Megido, dinala siya sa Jerusalem, at inilibing siya sa kaniyang sariling puntod. Pagkatapos pinili ng mga mamamayan ng lupain si Jehoahas, anak ni Josias, pinahiran siya ng langis at ginawa siyang hari kapalit ng kaniyang ama.
31 Jehoahaz was twenty-three when he became king, and he reigned in Jerusalem for three months. His mother's name was Hamutal, daughter of Jeremiah. She came from Libnah.
Si Jehoahas ay dalawampu't tatlong taong gulang nang nagsimula siyang maghari, at siya ay naghari nang tatlong buwan sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal; siya ang anak na babae ni Jeremias ng Libna.
32 He did what was evil in the Lord's sight, just as all his forefathers had done.
Ginawa ni Jehoahas kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, tulad ng lahat ng ginawa ng kaniyang mga ninuno.
33 Pharaoh Neco imprisoned Jehoahaz at Riblah in the land of Hamath to stop him ruling in Jerusalem. He also imposed on Judah a tribute of one hundred talents of silver and a talent of gold.
Ikinadena siya ni Faraon Neco sa Ribla sa lupain ng Hamat, para hindi siya makapaghari sa Jerusalem. Pagkatapos minultahan ni Neco ang Juda ng isang daang talento ng pilak at isang talento ng ginto.
34 Pharaoh Neco made Eliakim, son of Josiah, king in succession to his father Josiah, and he changed Eliakim's name to Jehoiakim. Neco took Jehoahaz to Egypt, where he died.
Ginawang hari ni Faraon Neco si Eliakim anak ni Josias, bilang kapalit ng kaniyang amang si Josias, at pinalitan ang kaniyang pangalan sa Jehoiakim. Pero dinala niyang palayo si Jehoahas sa Ehipto, at namatay doon si Jehoahas.
35 Jehoiakim paid the silver and gold to Pharaoh Neco, but in order to meet Pharaoh's demand he taxed the land and required payment of the silver and the gold from the people, each in proportion to their wealth.
Ibinayad ni Johoiakim kay Faraon ang pilak at ginto. Binuwisan niya ang lupain para ibayad ang pera, para sundin ang utos ni Faraon. Pinilit niya ang bawat isang lalaki sa mga mamamayan ng lupain na magbayad ng pilak at ng ginto para ibigay ito kay Faraon Neco.
36 Jehoiakim was twenty-five when he became king, and he reigned in Jerusalem for eleven years. His mother's name was Zebidah, daughter of Pedaiah She came from Rumah.
Si Jehoiakim ay dalawamput limang taong gulang nang nagsimula siyang maghari, at naghari siya ng labing isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Zebida; siya ay ang anak ni Pedaias ng Ruma.
37 He did evil in the Lord's sight, just as his forefathers had done.
Ginawa ni Jehoiakim kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, tulad ng lahat ng ginawa ng kaniyang mga ninuno.

< 2 Kings 23 >