< 2 Chronicles 34 >
1 Josiah was eight when he became king, and he reigned in Jerusalem for thirty-one years.
Si Josias ay may walong taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlong pu't isang taon sa Jerusalem.
2 He did what was right in the Lord's sight and followed the ways of his forefather David—he did not deviate to the right or to the left.
At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, at lumakad ng mga lakad ni David na kaniyang magulang, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa.
3 In the eighth year of his reign, while he was still young, Josiah began to publicly worship the God of David his forefather, and in the twelfth year of his reign he began to cleanse Judah and Jerusalem by removing the high places, the Asherah poles, the carved idols, and the metal images.
Sapagka't sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari, samantalang siya'y bata pa, kaniyang pinasimulang hinanap ang Dios ni David na kaniyang magulang: at sa ikalabing dalawang taon ay kaniyang pinasimulang nilinis ang Juda at Jerusalem na inalis ang mga mataas na dako, at ang mga Asera, at ang mga larawang inanyuan, at ang mga larawang binubo.
4 He had the altars of Baal torn down in front of him, and the incense altars above them cut down. In addition, the Asherah poles, the carved idols, and the metal images were smashed to pieces and scattered over the graves of those who had been sacrificing to them.
At kanilang ibinagsak ang mga dambana ng mga Baal sa kaniyang harapan; at ang mga larawang araw na nasa ibabaw nila, ay kaniyang ibinagsak; at ang mga Asera, at ang mga larawang inanyuan, at ang mga larawang binubo, ay kaniyang pinagputolputol, at dinurog, at isinabog sa mga libingan ng nangaghain sa kanila.
5 He burned the bones of the idolatrous priests on their altars. In this way he cleansed Judah and Jerusalem.
At sinunog niya ang mga buto ng mga saserdote sa kanilang mga dambana, at nilinis ang Juda at ang Jerusalem.
6 Josiah repeated this in the towns of Manasseh, Ephraim, and Simeon, all the way to Naphtali, and in their surrounding areas.
At gayon ang ginawa niya sa mga bayan ng Manases at Ephraim at Simeon, hanggang sa Nephtali, sa kanilang mga guho sa palibot.
7 He tore down the altars and crushed the Asherah poles and the images to dust, and cut down all the incense altars across the whole land of Israel. Then he went back to Jerusalem.
At kaniyang ibinagsak ang mga dambana at pinukpok ang mga Asera at ang mga larawang inanyuan ay dinurog, at pinagputolputol ang lahat na larawang araw sa buong lupain ng Israel, at nagbalik sa Jerusalem.
8 In the eighteenth year of his reign, once he had finished cleansing the land and the Temple, Josiah sent Shaphan, son of Azaliah, Maaseiah the city governor, and Joah, son of Joahaz, the record-keeper, to repair the Temple of the Lord his God.
Sa ikalabing walong taon nga ng kaniyang paghahari, nang kaniyang malinis ang lupain, at ang bahay, ay kaniyang sinugo si Saphan na anak ni Asalias, at si Maasias na tagapamahala ng bayan, at si Joah na anak ni Joachaz na kasangguni, upang husayin ang bahay ng Panginoon niyang Dios.
9 They went to Hilkiah the high priest and gave him the money that had been brought to God's Temple. The Levites at the entrances had collected this money from the people of Manasseh and Ephraim, from what was left of the people of Israel, as well as contributions from Judah, Benjamin, and the people of Jerusalem.
At sila'y nagsiparoon kay Hilcias na dakilang saserdote at ibinigay ang salapi na napasok sa bahay ng Dios, na nakuha ng mga Levita, na mga tagatanod-pinto, sa kamay ng Manases at ng Ephraim, at sa lahat ng nalabi sa Israel, at sa buong Juda, at Benjamin, at sa mga taga Jerusalem.
10 They handed it over to those who were supervising the repair work on Lord's Temple, who in turn paid the workmen doing the restoring and repairing.
At kanilang ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang namamahala sa bahay ng Panginoon; at ibinigay ng mga manggagawa ng bahay ng Panginoon upang husayin at pagtibayin ang bahay;
11 They also paid carpenters and builders to buy cut stone, as well as timber for joists and beams for the buildings that the kings of Judah had let deteriorate.
Sa makatuwid baga'y sa mga anluwagi at sa mga nagtatayo ibinigay nila, upang ibili ng mga batong tinabas, at ng mga kahoy na panghalang, at upang ipaggawa ng mga sikang sa mga bahay na giniba ng mga hari, sa Juda.
12 The men did good, honest work. In charge of them were Jahath and Obadiah, Levites from the sons of Merari; and Zechariah and Meshullam, Levites from the sons of the Kohathites. The Levites, all skilled musicians,
At ginawa ng mga lalake na may pagtatapat ang gawain: at ang mga tagapamahala ng mga yaon ay si Jahath at si Abdias, na mga Levita, sa mga anak ni Merari; at si Zacharias at si Mesullam, sa mga anak ng mga Coathita, upang ipagpatuloy: at ang iba sa mga Levita, lahat na bihasa sa mga panugtog ng tugtugin.
13 were in charge of the workmen and directed everyone involved, depending on what was required. Some of the Levites were scribes, some officers, and some gatekeepers.
Nasa mga tagadala ng mga pasan naman sila, at pinamamahalaan ang lahat na nagsisigawa ng gawain sa sarisaring paglilingkod: at sa mga Levita ay may mga kalihim, at mga pinuno, at mga tagatanod-pinto.
14 In the process of taking out the money donated to the Lord's Temple, Hilkiah the priest discovered the Book of the Lord's Law written down by Moses.
At nang kanilang ilalabas ang salapi na napasok sa bahay ng Panginoon, nasumpungan ni Hilcias na saserdote ang aklat ng kautusan ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ni Moises.
15 Hilkiah told Shaphan the scribe, “I've found the Book of the Law in the Lord's Temple.” He gave it to Shaphan.
At si Hilcias ay sumagot, at sinabi niya kay Saphan na kalihim: Aking nasumpungan ang aklat ng kautusan sa bahay ng Panginoon, At ibinigay ni Hilcias ang aklat kay Saphan.
16 Shaphan took the book to the king and told him, “We your servants are doing everything we were instructed to do.
At dinala ni Saphan ang aklat sa hari, at bukod dito'y nagdala ng salita sa hari, na sinasabi, Lahat na ipinamahala sa iyong mga lingkod, ay kanilang ginagawa.
17 The money collected at the Lord's Temple has been handed over to those who are supervising the workers, paying them to do the repairs.”
At kanilang ibinubo ang salapi na nasumpungan sa bahay ng Panginoon, at ibinigay sa kamay ng mga tagapamahala, at sa kamay ng mga manggagawa.
18 Then Shaphan the scribe told the king, “Hilkiah the priest gave me this book.” Shaphan read it to the king.
At sinaysay ni Saphan na kalihim sa hari, na sinasabi, Si Hilcias na saserdote ay nagbigay sa akin ng isang aklat. At binasa ni Saphan sa harap ng hari.
19 When the king heard what the Law said, he tore his clothes.
At nangyari, nang marinig ng hari ang mga salita ng kautusan, na kaniyang hinapak ang kaniyang suot.
20 Then he issue the following orders to Hilkiah, Ahikam, son of Shaphan, Abdon, son of Micah, Shaphan the scribe, and Asaiah, the king's assistant:
At ang hari ay nagutos kay Hilcias, at kay Ahicham na anak ni Saphan, at kay Abdon na anak ni Micha, at kay Saphan na kalihim, at kay Asaia na lingkod ng hari, na kaniyang sinasabi,
21 “Go and talk to the Lord for me, and also for those who still live in Israel and Judah, about what is said in the book that's been found. For the Lord must be really angry with us because our forefathers have not obeyed the Lord's instructions by following all that's written in this book.”
Kayo'y magsiyaon, isangguni ninyo ako sa Panginoon, at silang naiwan sa Israel, at sa Juda, tungkol sa mga salita ng aklat na nasumpungan: sapagka't malaki ang pagiinit ng Panginoon na nabugso sa atin, sapagka't hindi iningatan ng ating mga magulang ang salita ng Panginoon, upang gawin ayon sa lahat na nasusulat sa aklat na ito.
22 Hilkiah and those the king had selected went and talked with Huldah the prophetess, the wife of Shallum, son of Tokhath, the son of Hasrah, custodian of the wardrobe. She lived in Jerusalem, in the city's second quarter.
Sa gayo'y si Hilcias at silang pinagutusan ng hari, nagsiparoon kay Hulda na propetisa, na asawa ni Sallum na anak ni Tikoath, na anak ni Hasra, na tagapagingat ng silid ng kasuutan; (siya nga'y tumahan sa Jerusalem sa ikalawang pook; ) at kanilang sinabi sa kanila sa gayong paraan.
23 Huldah told them, “This is what the Lord, the God of Israel, says: Tell the man who sent you to me,
At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Saysayin ninyo sa lalake na nagsugo sa inyo sa akin.
24 this is what the Lord says: I am about to bring disaster down on this place and on its people, in accordance with all the curses written in the book that has been read to the king of Judah.
Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa dakong ito, at sa mga tagarito, sa makatuwid baga'y lahat ng sumpa na nangakasulat sa aklat na kanilang nabasa sa harap ng hari sa Juda:
25 They have abandoned me and offered sacrifices to other gods, making me angry by everything they've done. My anger will be poured out upon this place and will not be stopped.
Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at nagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, upang mungkahiin nila ako sa galit ng lahat na gawa ng kanilang mga kamay; kaya't ang aking pagiinit ay nabugso sa dakong ito, at hindi mapapawi.
26 But tell the king of Judah who sent you to ask the Lord, tell him this is what the Lord, the God of Israel, says: As for the what you heard read to you—
Nguni't sa hari sa Juda, na nagsugo sa inyo upang magusisa sa Panginoon, ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Tungkol sa mga salita na iyong narinig,
27 because you were receptive and repentant before God when you heard his warnings against this place and against its people, and because you have repented, tearing your clothes and weeping before me, I have also heard you, declares the Lord.
Sapagka't ang iyong puso ay malumanay, at ikaw ay nagpakababa sa harap ng Dios ng iyong marinig ang kaniyang mga salita laban sa dakong ito, at laban sa mga tagarito; at ikaw ay nagpakababa sa harap ko, at hinapak mo ang iyong suot, at umiyak sa harap ko; dininig naman kita, sabi ng Panginoon.
28 All this will not happen until after you have died, and you will die in peace. You will not see all the disaster that I'm going to bring down on this place and on its inhabitants.” They went back to the king and gave him her response.
Narito, ipipisan kita sa iyong mga magulang, at ikaw ay mapipisan na payapa sa iyong libingan, at hindi makikita ng iyong mga mata ang lahat na kasamaan na aking dadalhin sa dakong ito, at sa mga tagarito. At sila'y nagbalik ng salita sa hari.
29 Then the king summoned all the elders of Judah and Jerusalem.
Nang magkagayo'y nagsugo ang hari at pinisan ang lahat na matanda sa Juda at sa Jerusalem.
30 He went to the Lord's Temple with all the people of Judah and Jerusalem, together with the priests and the Levites, all the people from the least to the greatest, and he read to them the whole Book of the Agreement that had been discovered in the Lord's Temple.
At sumampa ang hari sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na lalake ng Juda, at ang mga taga Jerusalem, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang buong bayan, malaki at gayon din ang maliit: at kaniyang binasa sa kanilang mga pakinig ang lahat na salita ng aklat ng tipan na nasumpungan sa bahay ng Panginoon.
31 The king stood by the pillar and made a solemn agreement before the Lord to follow him and to keep his commandments, laws, and regulations with total dedication, and to observe the requirements of the agreement as written in the book.
At ang hari ay tumayo sa kaniyang dako, at nakipagtipan sa harap ng Panginoon, upang lumakad ng ayon sa Panginoon, at upang ingatan ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga patotoo, at ang kaniyang mga palatuntunan, ng buong puso niya, at ng buong kaluluwa niya, upang tuparin ang mga salita ng tipan na nasusulat sa aklat na ito.
32 Then he had everyone present from Jerusalem and Benjamin stand up to show they agreed to it. So all the people of Jerusalem accepted and followed the agreement with God, the God of their forefathers.
At kaniyang pinapanayo sa tipan ang lahat na nasumpungan sa Jerusalem at Benjamin. At ginawa ng mga taga Jerusalem ang ayon sa tipan ng Dios ng kanilang mga magulang.
33 Josiah demolished all the vile idols from the whole territory belonging to the Israelites, and he made everyone in Israel serve the Lord their God. During his reign they did not give up worshiping the Lord, the God of their fathers.
At inalis ni Josias ang lahat na karumaldumal sa lahat ng lupain na ukol sa mga anak ni Israel, at pinapaglingkod ang lahat na nangasumpungan sa Israel, upang mangaglingkod nga sa Panginoon nilang Dios. Lahat ng mga kaarawan niya ay hindi sila nagsihiwalay sa pagsunod sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.