< 2 Chronicles 24 >
1 Joash was seven when he became king, and he reigned in Jerusalem for forty years. His mother's name was Zibiah of Beersheba.
Pitong taong gulang si Joas nang magsimulang maghari; naghari siya ng apatnapung taon sa Jerusalem. Sibias ang pangalan ng kaniyang ina na taga-Beer-seba.
2 Joash did what was right in the Lord's sight during the lifetime of Jehoiada the priest.
Ginawa ni Joas kung ano ang matuwid sa mata ni Yahweh sa lahat ng araw ni Joiada na pari.
3 Jehoiada arranged for him to marry two wives, and he had sons and daughters.
Ikinuha siya ni Joiada ng dalawang asawa at naging ama siya ng mga anak na lalaki at mga babae.
4 Some time later, Joash decided to repair the Lord's Temple.
At nangyari pagkatapos nito, na si Joas ay nagpasya na muling itayo ang tahanan ni Yahweh.
5 He summoned the priests and Levites and told them, “Go to the towns of Judah and collect the yearly dues from everyone in Israel to repair the Temple of your God. Do it right away.” But the Levites did not go right away.
Tinipon niya ang mga pari at mga Levita at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo taun-taon sa mga lungsod ng Juda at kolektahin ang pera mula sa lahat ng Israelita upang isaayos ang tahanan ng inyong Diyos. Tiyakin ninyo na masimulan ninyo kaagad.” Noong una, walang ginawa ang mga Levita.
6 So the king called for Jehoiada the high priest and asked him, “Why haven't you ordered the Levites to collect from Judah and Jerusalem the tax that Moses, the Lord's servant, and the assembly of Israel imposed to maintain the Tent of the Law?”
Kaya ipinatawag ng hari si Joiada, ang pinakapunong pari, at sinabi sa kaniya, “Bakit hindi mo inatasan ang mga Levita na kunin mula sa Juda at Jerusalem ang buwis na ipinataw ni Moises, ang lingkod ni Yahweh, at ng kapulungan ng Israel, para sa tolda ng tipanan?”
7 (The supporters of that wicked woman Athaliah had broken into God's Temple and had stolen the holy objects of the Lord's Temple and used them to worship the Baals.)
Sapagkat giniba ng mga anak ni Atalia, na masamang babae, ang tahanan ng Diyos at ibinigay sa mga Baal ang lahat ng kagamitan na inilaan sa tahanan ni Yahweh.
8 The king ordered a collection chest to be made and placed outside the entrance to the Lord's Temple.
Kaya nag-utos ang hari, at gumawa sila ng isang kaban at inilagay ito sa labas sa may pasukan sa tahanan ni Yahweh.
9 A decree was proclaimed throughout Judea and Jerusalem to bring to the Lord the tax that Moses, the Lord's servant, imposed on Israel in the wilderness.
At gumawa sila ng proklamasyon sa buong Juda at Jerusalem, para sa mga tao upang dalhin kay Yahweh ang buwis na ipinataw ni Moises na lingkod ng Diyos sa Israel sa ilang.
10 All the leaders and all the people were glad to do so and brought their taxes. They dropped them in the chest until it was full.
Nagalak ang lahat ng pinuno at lahat ng tao at dinala ang pera at inilagay sa kaban, hanggang sa napuno nila ito.
11 Every so often the Levites took the chest to the king's officials. When they saw that it contained a large amount of money, the king's secretary and the chief officer of the high priest would come and empty the chest. Then they would carry it back to its place. They did this every day and collected a great deal of money.
At nangyari na sa tuwing dinadala ng mga Levita ang kaban sa mga opisyal ng hari, at sa tuwing nakikita nila na maaraming perang nasa loob nito, darating ang mga eskriba ng hari at ang opisyal ng pinakapunong hari, aalisin nila ang laman ng kaban at dadalhin nila at ibabalik sa kinalalagyan nito. Ginagawa nila ito araw-araw, at nakakalikom sila ng malaking halaga ng pera.
12 Then the king and Jehoiada would allocate the money of those supervising the work on the Lord's Temple to hire stonecutters and carpenters to restore the Lord's Temple and craftsmen in iron and bronze to repair the Lord's Temple.
Ibinigay ng hari at ni Joiada ang pera sa mga gumawa ng gawaing paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. Umupa ang mga lalaking ito ng mga kantero at mga karpintero upang ibalik sa dating kalagayan ang tahanan ni Yahweh, at maging ang mga gumagawa gamit ang bakal at tanso.
13 The men doing the repairs worked hard and made good progress. They restored God's Temple to its original condition and strengthened it.
Kaya nagtrabaho ang mga manggagawa, at umusad ang gawaing pag-aayos sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; itinayo nila ang tahanan ng Diyos sa dati nitong disenyo at pinatibay ito.
14 When they finished, they returned the money that was left to the king and Jehoiada, and with it utensils were made for the Lord's Temple, both for the worship services and for the burnt offerings, also bowls for incense and vessels of gold and silver. Burnt offerings were regularly offered in the Lord's Temple regularly throughout Jehoiada's lifetime.
Nang kanilang matapos, dinala nila ang natirang pera sa hari at kay Joiada. Ang perang ito ay ginamit sa paggawa ng muwebles para sa bahay ni Yahweh, mga kasangkapan sa paglilingkod at paghahandog, mga sandok at mga kasangkapang ginto at pilak. Patuloy silang nag-alay ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh sa lahat ng mga araw ni Joiada.
15 Jehoiada grew old and died at the age of 130, having lived a full life.
Tumanda si Joiada at napuspos ng mga araw, at siya ay namatay. Siya ay 130 taong gulang nang siya mamatay.
16 He was buried with the kings in the City of David, for all the good he had done in Israel for God and his Temple.
Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David kasama ng mga hari, dahil mabuti ang ginawa niya sa Israel, sa Diyos, at sa tahanan ng Diyos.
17 But after the death of Jehoiada, the leaders of Judah came to swear their loyalty to the king, and he listened to their advice.
Ngayon pagkatapos ng kamatayan ni Joiada, nagpunta ang mga pinuno ng Juda at pinarangalan ang hari. At nakinig sa kanila ang hari.
18 They abandoned the Temple of the Lord, the God of their forefathers, and worshiped Asherah poles and idols. Judah and Jerusalem were punished because of their sin.
Pinabayaan nila ang tahanan ni Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at sinamba ang mga diyos na Ashera at ang mga diyus-diyosan. Dumating ang galit ng Diyos sa Juda at Jerusalem dahil sa kanilang maling gawain.
19 The Lord sent prophets to bring the people back to him and to warn them; but they refused to listen.
Gayunman, nagpadala siya ng mga propeta sa kanila upang muli silang ibalik sa kaniya, kay Yahweh. Nagpatotoo ang mga propeta laban sa mga tao, ngunit ayaw nilang makinig.
20 Then the Spirit of God came to Zechariah, son of Jehoiada the priest. He stood before the people and told them, “This is what God says: ‘Why do you break the Lord's commandments so that you cannot be successful? Since you have abandoned the Lord, he has abandoned you.’”
Dumating ang Espiritu ng Diyos kay Zacarias na anak ng paring si Joiada. Tumayo si Zacarias sa itaas ng mga tao at sinabi sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Diyos, 'Bakit ninyo nilalabag ang mga kautusan ni Yahweh, nang sa gayon hindi kayo sumagana? Yamang tinalikuran na ninyo si Yahweh, tinalikuran rin niya kayo.'”
21 Then the leaders hatched a plot to kill Zechariah, and on the orders of the king they stoned him to death in the courtyard of the Lord's Temple.
Ngunit nagsabuwatan sila laban sa kaniya at sa utos ng hari, siya ay binato nila ng mga bato sa patyo ng tahanan ni Yahweh.
22 King Joash showed he had forgotten all about the loyalty and love shown to him by Jehoiada, Zechariah's father, by killing his son. As he died, Zechariah cried out, “May the Lord see what you've done and pay you back!”
Sa paraang ito, pinagsawalang-bahala ni haring Joas ang kabaitan na ginawa sa kaniya ni Joiada, ang ama ni Zacarias. Sa halip, pinatay niya ang anak ni Joiada. Nang si Zacarias ay naghihingalo, kaniyang sinabi, “Makita nawa ito ni Yahweh at papanagutin ka.”
23 At the end of the year, the Aramean army came to attack Joash. They invaded Judah and Jerusalem and killed all the people's leaders, and sent all their plunder back to the king of Damascus.
At nangyari, sa katapusan ng taon na ang hukbo ng Aram ay dumating laban kay Joas. Pumunta sila sa Juda at Jerusalem, pinatay nila lahat ng mga pinuno ng mga tao at ipinadala ang lahat ng kanilang ninakaw sa hari ng Damasco.
24 Even though the Aramean army had come with only a few men, the Lord gave them the victory over a very large army, because Judah had abandoned the Lord, the God of their forefathers. In this way they punished Joash.
Pumunta ang hukbo ng mga Arameo na may munting bilang, ngunit ibinigay sa kanila ni Yahweh ang katagumpayan laban sa isang nakapalaking hukbo dahil tinalikuran ng taga-Juda si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Sa paraang ito, ang mga Arameo ang nagdala ng hatol kay Joas.
25 When the Arameans departed, they left Joash badly wounded. But then his own officers plotted against him for murdering the son of Jehoiada the priest, and they killed him in his bed. He was buried in the City of David, but not in the cemetery of the kings.
Nang nakaalis na ang mga Arameo, malubhang nasugatan si Joas. Nagsabuwatan ang kaniyang sariling mga lingkod laban sa kaniya dahil sa pagpatay sa mga anak ng paring si Joiada. Siya ay pinatay nila sa kaniyang higaan, at namatay siya. Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
26 Those who plotted against him were Zabad, son of Shimeath, an Ammonite woman, and Jehozabad, son of Shimrith, a Moabite woman.
Ito ang mga taong nagsabuwatan laban sa kaniya, si Sabad na anak ni Simeat na Ammonita at si Jehosabad na anak ni Simrit na Maobita.
27 The story of the sons of Joash, as well as the many prophecies about him and about the restoration of God's Temple, are recorded in the Commentary on the Book of the Kings. His son Amaziah took over as king.
Ngayon ang kasaysayan tungkol sa kaniyang mga anak, ang mahalagang mga propesiya na sinabi tungkol sa kaniya, at ang muling pagtatayo ng tahanan ng Diyos, tingnan, nakasulat ang mga ito sa Ang Paliwanag sa Aklat ng mga Hari. At si Amazias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.