< 2 Chronicles 16 >
1 In the thirty-sixth year of Asa's reign, Baasha, king of Israel, invaded Judah. He fortified Ramah to stop anyone coming from or going to Asa, king of Judah.
Sa ikatatlumpu't anim na taon ng paghahari ni Asa, agrisibong kumilos si Baasa na hari ng Israel laban sa Juda at itinayo ang Rama upang walang sinumang makalabas o makapasok sa lupain ni Asa na hari ng Juda.
2 Asa took the silver and gold from the treasuries of the Lord's Temple and the king's palace and sent them to Ben-hadad, king of Syria, who lived in Damascus, with a message that said:
Pagkatapos, kinuha ni Asa ang pilak at ginto mula sa silid imbakan sa templo ni Yahweh at sa sambahayan ng hari at ipinadala kay Ben-hadad, ang hari ng Aram na nakatira sa Damascus. Sinabi niya,
3 “Make an alliance between me and you like the one between my father and your father. Look at the silver and gold I've sent you. Go ahead and break your agreement with Baasha, king of Israel, so that he will leave me and go home.”
“Magkaroon tayo ng kasunduan, gaya ng aking ama at ng iyong ama. Tingnan mo, pinadalhan kita ng pilak at ginto. Putulin mo na ang iyong kasunduan kay Baasha na hari ng Israel, upang ako ay lubayan niya.”
4 King Ben-hadad did as Asa had asked, and he sent his armies and their commanders to attack the towns of Israel. They conquered Ijon, Dan, Abel-maim, and all the storehouse towns of Naphtali.
Pinakinggan ni Ben-hadad si Haring Asa at ipinadala niya ang mga pinuno ng kaniyang mga hukbo laban sa mga lungsod ng Israel. Sinalakay nila ang Ijon, Dan at Abelmain at ang imbakang lungsod ng Neftali.
5 When Baasha heard about it, he stopped fortifying Ramah and gave up his project.
Nang mabalitaan ito ni Baasha, itinigil niya ang pagpapatayo sa Rama at itinigil niya ang kaniyang gawain.
6 So King Asa went with all the men of Judah, and they carried away from Ramah the stones and the timbers Baasha had used for building, and with them he built up Geba and Mizpah.
Pagkatapos, tinawag ni haring Asa ang lahat ng Juda. Kinuha nila ang mga bato at mga troso sa Rama na ginagamit ni Baasha sa pagtatayo ng lungsod. Pagkatapos, ginamit ni Haring Asa ang mga kagamitang iyon upang itayo ang Geba at Mizpah.
7 But right then Hanani the seer came to Asa, king of Judah, and told him, “Because you have put your trust in the king of Aram and have not put your trust in the Lord your God, your opportunity to destroy the army of the king of Aram has gone.
Sa panahong iyon, pumunta ang manghuhulang si Hanani kay Asa, ang hari ng Juda at sinabi sa kaniya, “Dahil umasa ka sa hari ng Aram at hindi ka umasa kay Yahweh na iyong Diyos, ang hukbo ng hari ng Aram ay nakatakas mula sa iyong mga kamay.
8 Didn't the Ethiopians and Libyans have a huge army with many chariots and horsemen? Yet because you trusted in the Lord, he made you victorious over them.
Hindi ba malaking hukbo ang mga taga-Ethiopia at mga taga-Libya na may mga napakaraming karwahe at mangangabayo? Ngunit, dahil umasa ka kay Yahweh, pinagtagumpay ka niya laban sa kanila.
9 For the Lord looks all over the earth for the opportunity to show his power on behalf of those who are completely and sincerely devoted to him. You have acted stupidly in doing this. So from now on you will always be at war.”
Sapagkat nagmamasid si Yahweh sa lahat ng dako ng mundo upang ipakita niya ang kaniyang kapangyarihan sa ngalan ng mga buong pusong nagtitiwala sa kaniya. Ngunit ikaw ay naging hangal sa mga bagay na ito. Mula ngayon, makakaranas ka ng digmaan.”
10 Asa was angry with the seer. He was so angry with him over this that he put him in prison. At this same time Asa started to mistreat some of the people.
Pagkatapos, nagalit si Asa sa propeta; ikinulong niya ito, sapagkat nagalit siya sa kaniya sa mga bagay na ito. Sa araw na iyon, pinahirapan ni Asa ang ilan sa mga tao.
11 The rest of what Asa did, from beginning to end, is written down in the Book of the Kings of Judah and Israel.
Ang lahat ng mga ginawa ni Asa mula sa umpisa hanggang sa wakas, tingnan ninyo, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.
12 In the thirty-ninth year of his reign, Asa had trouble with disease in his feet, which only became worse and worse. Yet even in his sickness he did not turn to the Lord, but only the physicians.
Sa ikatatlumpu't siyam na taon ng kaniyang paghahari, si Asa ay nagkaroon ng sakit sa paa; napakalubha ng kaniyang sakit. Gayunpaman, hindi siya humingi ng tulong kay Yahweh, kundi sa mga manggagamot lamang.
13 Asa died in the forty-first year of his reign.
Namatay si Asa kasama ang kaniyang mga ninuno; namatay siya nang ikaapatnapu't isang taon ng kaniyang paghahari.
14 He was buried in the tomb that he had prepared for himself in the City of David. They placed him on a bed full of spices, perfumed oils, and fragrances. Then they made a great fire to honor him.
Inilibing nila siya sa kaniyang sariling libingan, na ipinahukay niya sa lungsod ni David para sa kaniyang. Inilagay siya sa kabaong na puno ng mababangong amoy at iba't ibang uri ng pabango na inihanda ng mga taong mahusay gumawa ng pabango. Pagkatapos, gumawa sila ng napakalaking apoy bilang parangal sa kaniya.