< 2 Chronicles 14 >
1 Abijah died and was buried in the City of David. His son Asa took over as king. For ten years of his reign the country was at peace.
Namatay si Abias at inilibing siya kasama ng kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David. Ang kaniyang anak na si Asa ang naging hari. Sa kaniyang kapanahunan, mapayapa ang lupain nang sampung taon.
2 Asa did what was good and right in the Lord's sight.
Ginawa ni Asa ang mabuti at matuwid sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos,
3 He took down the foreign altars and high places, smashed their sacred pillars, and cut down the Asherah poles.
sapagkat tinanggal niya ang mga altar ng mga diyus-diyosan at mga dambana. Giniba niya ang mga sagradong batong poste at binuwal ang mga imahe ni Ashera.
4 He ordered Judah to worship the Lord, the God of their forefathers, and to observe the law and the commandments.
Inutusan niya ang mga taga-Juda na hanapin si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno at tuparin ang kaniyang batas at mga kautusan.
5 He also took down the high places and the incense altars from all the towns of Judah. Under his rule the kingdom was at peace.
Tinanggal din niya sa lahat ng lungsod ng Juda ang mga dambana at ang mga altar na sunugan ng insenso. Naging mapayapa ang kaharian sa kaniyang pamamahala.
6 Because the country was at peace he was able to rebuild the fortified towns of Judah. There were no wars during these years because the Lord had granted him peace.
Nagpatayo siya ng matitibay na pader sa lungsod ng Juda, sapagkat mapayapa ang lupain at walang digmaan sa mga panahong iyon dahil binigyan siya ni Yahweh ng kapayapaan.
7 Asa told the people of Judah, “Let us build up these towns and surround them with walls and towers and barred gates. The land is still ours, because we continue to worship the Lord our God. We worship him, and he has given us peace from all our enemies.” So they began the building projects, and completed them successfully.
Sapagkat sinabi ni Asa sa Juda, “Itayo natin ang mga lungsod na ito at gumawa tayo ng mga pader sa paligid nito, mga tore, tarangkahan at rehas. Sa atin pa rin ang lupain dahil hinanap natin si Yahweh na ating Diyos. Hinanap natin siya at binigyan niya tayo ng kapayapaan sa bawat dako.” Kaya nagtayo sila at nagtagumpay.
8 Asa had an army made up of three hundred thousand men from Judah who carried large shields and spears, and two hundred eighty thousand men from Benjamin who carried regular shields and bows. All of them were brave warriors.
May mga kawal si Asa na nagdadala ng mga kalasag at mga sibat. Mula sa tribu ni Juda ay mayroon siyang 300, 000 na tauhan at mula sa tribu ni Benjamin ay 280, 000 na tauhan na nagdadala ng mga kalasag at mga pana. Malalakas at matatapang ang mga kalalakihang ito.
9 Zerah the Ethiopian attacked them with an army of a thousand times a thousand men and three hundred chariots, advancing as far as Mareshah.
Nilusob sila ni Zera na taga-Etiopia na may hukbong isang milyong kawal at tatlong daang karwahe at nagtungo siya sa Maresa.
10 Asa went out to confront him, lining up for battle in the Valley of Zephathah at Mareshah.
Pagkatapos, lumabas si Asa upang harapin siya at itinakda nila ang hanay para sa labanan sa lambak ng Sefata at Maresa.
11 Asa called out for help to the Lord his God: “Lord, there is no one apart from you who can help the powerless against the powerful. Please help us, Lord our God, for we trust in you. We have come against this horde because we stand for you, Lord. You are our God. Do not let a mere human being beat you.”
Tumangis si Asa kay Yahweh na kaniyang Diyos at sinabi, “Yahweh, walang iba kundi ikaw lamang ang tumutulong sa mga mahihina kapag humaharap sa mga kaaway. Tulungan mo kami Yahweh na aming Diyos sapagkat umaasa kami sa iyo at sa iyong pangalan, narito kami laban sa ganito karaming bilang. Yahweh, ikaw ang aming Diyos, huwag mong hayaang matalo ka ng tao.”
12 The Lord struck the Ethiopians in front of Asa and Judah, and the Ethiopians ran away.
Kaya hinampas ni Yahweh ang mga taga-Etiopia sa harapan ni Asa at ng Juda, tumakas ang mga taga-Etiopia.
13 Asa and his army chased them as far as Gerar. The Ethiopians were killed—there were none who survived, for they were caught between the Lord and his army. The men of Judah carried off a large amount of plunder.
Hinabol sila ni Asa at ang kaniyang mga kawal hanggang Gerar. Kaya marami sa mga taga-Etiopia ang namatay at ang iba ay hindi na nakabawi pa, dahil lubos silang nawasak sa harapan ni Yahweh at sa kaniyang hukbo. Marami ang nasamsam ng hukbo.
14 They also attacked all the towns around Gerar, because the inhabitants were terrified of the Lord. The men of Judah took a large amount of plunder from all the towns.
Winasak ng hukbo ang lahat ng nayon sa paligid ng Gerar, dahil natakot ang lahat ng naninirahan doon kay Yahweh. Sinamsam ng hukbo ang lahat ng nayon at marami silang nakuhang mahahalagang bagay.
15 Then they attacked the camps of the herdsmen and took many sheep and camels. Then they went back to Jerusalem.
Winasak din ng hukbo ang mga toldang tinirhan ng mga pastol na pagala-gala, kinuha nila ang napakaraming tupa, gayundin ang mga kamelyo at bumalik na sila sa Jerusalem.