< 1 Samuel 22 >
1 David escaped and went to the cave of Adullam. When they heard where he was his brothers and all the rest of his family went and joined him there.
Kaya umalis si David doon at tumakas papunta sa kuweba ng Adulam. Nang marinig ito ng kanyang mga kapatid na lalaki at lahat ng nasa bahay ng kanyang ama, bumaba sila roon sa kanya.
2 Everyone who was in trouble or in debt or resentful also came to him and he became their leader. He had around four hundred men with him.
Ang bawat isang naghihirap, bawat isang may nasa pagkakautang, at bawat isang hindi kuntento—nagtipon silang lahat sa kanya. Naging kapitan si David sa kanila. Mayroong halos apat na raang kalalakihang kasama niya.
3 Then David went to Mizpeh in the country of Moab. He asked the king of Moab, “Please let my father and mother come and stay with you until I find out what God is planning for me.”
Pagkatapos pumunta si David mula roon patungo sa Mizpe sa Moab. Sinabi niya sa hari ng Moab, “Pakiusap hayaan mo ang aking ama at aking inang lumabas kasama mo hanggang sa malaman ko kung ano ang gagawin ng Diyos para sa akin.”
4 So he left them with the king of Moab, and they stayed with the king all the time David lived in the stronghold.
Iniwan niya sila kasama ang hari ng Moab. Nanatili ang kanyang ama at ina na kasama niya sa buong panahon na nasa kanyang malakas na tanggulan si David.
5 But then the prophet Gad told David, “Do not stay in the stronghold. Go back to the land of Judah.” So David left and went to the forest of Hereth.
Pagkatapos sinabi ng propetang Gad kay David, “Huwag manatili sa iyong malakas na tanggulan. Umalis ka at pumunta sa lupain ng Juda.” Kaya umalis doon si David at pumunta sa kagubatan ng Heret.
6 Saul found out that David had returned and where he was. Saul was sitting under the tamarisk tree on the hill in Gibeah. He had his spear in his hand, with all his officials surrounding him.
Narinig ni Saul na natagpuan na si David, kasama ang mga lalaking kasama niya. Ngayon nakaupo si Saul sa Gibea sa ilalim ng puno ng tamariska sa Rama na may sibat sa kanyang kamay at nakatayo ang lahat ng kanyang mga lingkod sa paligid niya.
7 Saul said to them, “Listen to me, you men of Benjamin! Is the son of Jesse going to give all of you fields and vineyards and make you commanders and officers in the army?
Sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod na nakatayo sa paligid niya, “Makinig kayo ngayon, bayan ng Benjamin! Makakapagbigay ba ang bawat isa sa inyong anak na lalaki ni Jesse ng mga bukirin at mga ubasan? Magagawa ba niyang gawin kayong lahat na mga kapitan ng libo-libo at kapitan ng daan-daan,
8 Is that why you've all plotted against me? Not a single one of you told me that my own son had made an agreement with Jesse's son. Not a single one of you has shown you cared about me, or explained to me that my son has encouraged him to try and kill me, which is what he's doing right now!”
kapalit ninyong lahat na nagbabalak ng masama laban sa akin? Wala sa inyo ang nagbalita sa akin nang gumawa ng tipan ang anak kong lalaki sa anak na lalaki ni Jesse. Wala sa inyo ang nalulungkot para sa akin. Wala sa inyo ang nagbalita sa akin na inudyukan ng aking anak ang aking lingkod na si David laban sa akin. Ngayon nagtatago siya at naghihintay para sa akin para masalakay niya ako.”
9 Doeg the Edomite, who was standing there with Saul's officers, spoke up, saying, “I saw the son of Jesse visit Ahimelech, son of Ahitub, at Nob.
Pagkatapos si Doeg na taga-Edom ay tumayo sa tabi ng mga lingkod ni Saul, sumagot siya, “Nakita ko ang anak na lalaki ni Jesse na pumunta sa Nob kay Ahimelec na anak na lalaki ni Ahitub.
10 Ahimelech asked advice from the Lord for him and gave him food. He gave him the sword of Goliath the Philistine as well.”
Nanalangin siya kay Yahweh na tulungan niya siya at binigyan niya siya ng mga pangangailangan at ang espada ni Goliat na Filisteo.”
11 The king sent a message to summon Ahimelech the priest, son of Ahitub, and all his family, who were priests at Nob. They all came to the king.
Pagkatapos nagpadala ang hari ng isang tao upang ipatawag ang paring si Ahimelec anak na lalaki ni Ahitub at ng buong sambahayan ng kanyang ama, ang mga paring nasa Nob. Lahat sila ay nagtungo sa hari.
12 “Now you listen, son of Ahitub,” the king shouted. “What is it, my lord?” Ahimelech asked.
Sinabi ni Saul, “Makinig ka ngayon, anak na lalaki ni Ahitub.” Sumagot siya, “Narito ako, aking panginoon.”
13 “Why have you and the son of Jesse plotted against me? You gave him bread and a sword, and asked advice from God for him so that he could rebel against me and try and kill me, which is what he's doing right now!”
Sinabi ni Saul sa kanya, “Bakit ka nagtangka laban sa akin, ikaw at ang anak na lalaki ni Jesse, sa ginawa mong pagbibigay sa kanya ng tinapay at isang espada at nanalangin sa Diyos na tulungan nawa siya para lumaban sa akin para magtago sa lihim gaya ng ginawa niya ngayon?”
14 “Who of all your officers is as trustworthy as David, the king's son-in-law? He is in charge of your bodyguard, and highly respected in your family!” Ahimelech responded.
Pagkatapos sumagot si Ahimelec sa hari at sinabing, “Sino sa inyong lahat na mga lingkod ang pinakamatapat gaya ni David na manugang ng hari at nasa ibabaw ng iyong mga bantay at pinararangalan sa inyong bahay?
15 “And was that day the first time he asked advice from God on his behalf? Of course not! The king should not accuse me your servant or any of my family, for I didn't know anything about any of this.”
Ito ba ang unang pagkakataon na nanalangin ako sa Diyos upang tulungan siya? Malayo nawa ito mula sa akin! Huwag ninyo hayaan ang haring magpasa ng kahit anong bagay sa kanyang lingkod o sa lahat ng nasa bahay ng aking ama. Sapagkat walang alam ang iyong lingkod sa mga bagay na ito.”
16 “You're going to die for this!” the king declared. “You and all your family!”
Sumagot ang hari, “Tiyak na mamamatay ka, Ahimelec, ikaw at ang buong bahay ng iyong ama.”
17 Then the king turned to his bodyguards standing there and ordered them, “Kill these priests of the Lord, because they're on David's side! They knew he was a fugitive and yet they didn't tell me!” But the king's guards refused to attack the priests of the Lord.
Sinabi ng hari sa bantay na nakatayo sa paligid niya, “Bumalik kayo at patayin ang mga pari ni Yahweh. Dahil na kay David din ang kanilang kamay at dahil alam nilang tumakas siya ngunit hindi ito sinabi sa akin.” Ngunit hindi mailabas ng mga lingkod ng hari ang kanilang kamay upang patayin ang mga pari ni Yahweh.
18 So the king ordered Doeg, “You kill the priests!” Doeg the Edomite attacked and killed the priests, killing eighty-five men wearing the priestly ephod.
Pagkatapos sinabi ng hari kay Doeg, “Bumalik at patayin ang mga pari.” Kaya bumalik si Doeg na taga-Edom at sinalakay ang mga pari; nakapatay siya ng walumpu't-limang mga tao na nakasuot ng isang telang efod sa araw na iyon.
19 Then he went to Nob, the town of the priests, and slaughtered its men and women, children and infants, cattle, donkeys, and sheep.
Sa pamamagitan ng dulo ng espada sinalakay niya ang Nob, ang lungsod ng mga pari, kapwa mga lalaki at mga babae, mga bata at mga sanggol at mga lalaking baka at mga asno at mga tupa. Pinatay niya silang lahat gamit ang talim ng espada.
20 But one of the sons of Ahimelech, son of Ahitub, managed to escape. His name was Abiathar, and he ran away and joined David.
Ngunit isa sa mga anak na lalaki ni Ahimelec anak na lalaki ni Ahitub, na nagngangalang Abiatar, ang nakatakas at tumakbo kay David.
21 He told David that Saul had killed the priests of the Lord.
Sinabihan ni Abiatar si David na pinatay ni Saul ang mga pari ni Yahweh.
22 David told Abiathar, “I knew that day when Doeg the Edomite was there that he was going to tell Saul about it. It's my fault that all your family have died.
Sinabi ni David kay Abiatar, “Alam kong sa araw na iyon, noong naroon si Doeg na taga-Edom, na siguradong sasabihin niya kay Saul. May pananagutan ako para sa bawat kamatayan ng pamilya ng iyong ama!
23 But you can stay with me and you don't need to be afraid, because the man who wants to kill you wants to kill me too. I'll take good care of you.”
Manatili ka kasama ko at huwag matakot. Dahil ang nagtatangka sa buhay mo ay nagtatangka din sa buhay ko. Magiging ligtas ka kasama ako.”