< 1 Samuel 17 >
1 The Philistine armies gathered for battle at Socoh in Judah. They set up camp between Socoh and Azekah in Ephes-dammim.
Ngayon tinipon ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo para sa labanan. Nagtipon sila sa Soco, na nabibilang sa Juda. Nagkampo sila sa pagitan ng Soco at Azeka, sa Epesdammim.
2 Saul and the Israelites gathered and camped in the Valley of Elah and took up their positions to engage in battle with the Philistines.
Nagtipon at nagkampo si Saul at ang kalalakihan ng Israel sa lambak ng Ela, at nagsihanay upang makipaglaban sa mga Filisteo.
3 The Philistines were on one hill and the Israelites on another with the valley between them.
Nakatayo ang mga Filisteo sa isang bundok sa kabilang dako at nakatayo naman ang mga Israelita sa isang bundok sa kabilang dako na may isang lambak ang nakapagitan sa kanila.
4 Then a champion came out of the Philistine camp. His name was Goliath from Gath, and he was six cubits and a span tall.
Isang malakas na tao ang lumabas mula sa kampo ng mga Filisteo, isang taong nagngangalang Goliat na mula sa Gat, na ang tangkad ay anim na kubit at isang dangkal.
5 He had on his head a bronze helmet and he wore a bronze coat of mail weighing five thousand shekels.
Mayroon siyang isang salakot na tanso sa kanyang ulo, at nasusuutan siya ng isang baluti sa katawan. Tumitimbang ang baluti ng limang libong siklong tanso.
6 On his legs he wore bronze armor, and he carried a javelin slung between his shoulders.
Mayroon siyang tansong baluti sa kanyang mga binti at isang sibat na tanso sa pagitan ng kanyang mga balikat.
7 The shaft of his spear was as thick as weaver's beam, with an iron tip that weighed six hundred shekels. His shield-bearer walked ahead of him carrying his shield.
At ang hawakan ng kanyang sibat ay malaki, na may isang silong panghabi para sa paghahagis nito gaya ng tali sa isang panghabi ng manghahabi. Tumitimbang ang ulo ng kanyang sibat ng anim na raang siklong bakal. Ang kanyang tagadala ng kalasag ay nauuna sa kanya.
8 Goliath stood and shouted at the lines of Israelite soldiers, “Why have you come and lined for battle? I am the Philistine, and you're Saul's servants. Pick one of your men and have him come down and fight me.
Tumayo siya at sumigaw sa mga hukbo ng Israel, “Bakit kayo lumabas para humanay sa pakikipaglaban? Hindi ba ako isang Filisteo, at hindi ba kayo mga lingkod ni Saul? Pumili kayo ng isang lalaki para sa inyong sarili at hayaan siyang bumaba rito sa akin.
9 If he can fight me and kill me, then we will be your slaves. But if I beat him and kill him, then you'll be our slaves and work for us.”
Kung kaya niya akong labanan at mapatay ako, sa gayon magiging mga alipin ninyo kami. Ngunit kung matalo at mapatay ko siya, sa gayon magiging mga lingkod namin kayo at maglingkod sa amin.”
10 Then the Philistine said, “I mock the battle lines of Israel today! Give me a man so we can fight each other!”
Muling sinabi ng Filisteo, “Hinahamon ko ang mga hukbo ng Israel ngayon. Bigyan ninyo ako ng isang tao para makapaglaban kami.”
11 Saul and all the Israelite soldiers were shattered and absolutely terrified when they heard what the Philistine said.
Nang marinig ni Saul at ng buong Israel ang sinabi ng Filisteo, pinanghinaan sila ng loob at labis na natakot.
12 David was the son of a man named Jesse. He was an Ephrathite from Bethlehem of Judah who had eight sons. At the time Saul was king, Jesse was very old.
Ngayon si David ay anak ng Efrateo ng Betlehem sa Juda, na nagngangalang Jesse. Mayroong siyang walong anak na lalaki. Isang matandang lalaki si Jesse sa panahon ni Saul, higit sa gulang sa mga kalalakihan.
13 Jesse's three oldest sons had joined Saul's army war. These were Eliab (the firstborn), Abinadab (second), and Shammah (third).
Sumunod ang tatlong anak ni Jesse kay Saul sa pakikipaglaban. Ang pangalan ng tatlong anak niyang lalaki na sumama sa labanan ay sina Eliab ang panganay, pangalawa sa kanya si Abinadab, at ang pangatlo ay si Shamma.
14 David was the youngest. The three oldest were with Saul,
Si David ang bunso. Sumunod kay Saul ang tatlong pinakamatanda.
15 while David went to Saul and then back again to look after his father's sheep.
Ngayon nagpapabalik-balik si David sa pagitan ng hukbo ni Saul at ng mga tupa ng kanyang ama sa Betlehem, upang pakainin ang mga ito.
16 Every morning and evening for forty days the Philistine came out to take his stand.
Lumalapit sa umaga at gabi ang malakas na taong Filisteo sa loob ng apatnapung araw upang iharap ang kanyang sarili sa labanan.
17 Jesse told his son David, “Please take your brothers this ephah of roasted grain and these ten loaves of bread for your brothers. Take them quickly to your brothers' camp.
Pagkatapos sinabi ni Jesse sa kanyang anak na si David, “Dalahan mo ang iyong mga kapatid ng epa ng butil na sinangag at itong sampung tinapay at dalhin agad ang mga ito sa kampo para sa iyong mga kapatid mo.
18 Take these ten cheese pieces to their commander. Check carefully to see how your brothers are doing and bring back their news.”
Dalahin mo din ang sampung kesong ito sa kapitan ng kanilang libo. Tingnan mo kung ano ang kalagayan ng iyong mga kapatid na lalaki at magdala ka pabalik ng ilang patunay na mabuti ang kanilang kalagayan.
19 They were with Saul and the whole Israelite army in the Valley of Elah, fighting the Philistines.
Kasama ni Saul ang iyong mga kapatid at lahat ng kalalakihan ng Israel sa lambak ng Ela, na nakikipaglaban sa mga Filisteo.”
20 David got up early in the morning and left the flock with a shepherd. He took the supplies and set out as Jesse had told him to. He arrived at the camp just as the army was marching out to its battle line, shouting the war cry.
Bumangon si David ng maaga kinaumagahan at iniwan ang kawan ng tupa sa pangangalaga ng isang pastol. Kinuha niya ang mga gamit at umalis, gaya ng iniutos ni Jesse sa kanya. Pumunta siya sa kampo habang lumalabas ang hukbo sa larangan ng digmaan na isinisigaw ang sigaw pandigma.
21 The Israelites took up their battle line and the Philistines took up their battle line on the opposite side.
At nagsihanay ang Israel at mga Filisteo para sa labanan, hukbo laban sa hukbo.
22 David left his supplies with the one responsible and ran to the battle line. When he got there he asked his brothers how they were.
Iniwan ni David ang kanyang mga dala sa tagapag-ingat ng mga gamit, tumakbo sa mga hukbo, at binati ang kanyang mga kapatid.
23 While he was talking with them, Goliath, the Philistine champion from Gath, came up out of his lines and shouted his challenge as he had before, and David heard what he said.
Habang nakikipag-usap siya sa kanila, lumabas mula sa hukbo ng Filisteo ang isang malakas na tao, ang taga-Filisteo ng Gat, na Goliat ang pangalan, at sinabi ang ganoon ding mga salita.
24 All the Israelite soldiers ran away when they saw him because they were terribly afraid.
At narinig ni David ang mga ito. Nang makita ng lahat ng kalalakihan ng Israel ang lalaki, tumakas sila mula sa kanya at takot na takot sila.
25 “Have you seen this man who keeps on coming out to mock Israel?” they asked. “The king will make the man who kills him really rich. He will also give him his daughter in marriage, and his family will live tax-free in Israel.”
Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel, “Nakita ba ninyo ang taong dumating dito? Naparito siya upang hamunin ang Israel. At bibigyan ng hari ng maraming kayamanan ang taong makakapatay sa kanya, ibibigay sa kanya ang kanyang anak na babae para mapangasawa, at hindi na pababayarin ang sambahayan ng kanyang ama mula sa pagpapabuwis sa Israel.”
26 David asked the men who were standing beside him, “What will the man receive who kills this Philistine and removes this shame from Israel? Who does this heathen Philistine think he is, mocking the armies of the living God?”
Sinabi ni David sa mga kalalakihang nakatayo sa tabi niya, “Ano ang gagawin sa taong makakapatay sa Filisteong ito at mag-aalis ng kahihiyan mula sa Israel? Sino ang hindi tuling Filisteo ito na humahamon sa mga hukbo ng buhay na Diyos?”
27 The soldiers repeated what they had said, telling him, “This is what the man who kills him will receive.”
Pagkatapos inulit ng mga tao kung ano ang kanilang sinasabi at sinabihan siya, “Ganito ang gagawin sa taong makakapatay sa kanya.”
28 When David's oldest brother Eliab heard him talking with the men, he got angry with him. “What are you doing here?” he asked. “Who have you left those few sheep with in the wilderness? I know how proud and wicked you are! You've just come to watch the battle!”
Narinig ng kanyang pinakamatandang kapatid na si Eliab nang nakipag-usap siya sa mga kalalakihan. Nag-alab ang galit ni Eliab laban kay David, at sinabi niya, “Bakit ka pumunta dito? Kanino mo iniwan ang ilang tupa na nasa desyerto? Alam ko ang iyong pagmamataas, at ang katusuhan sa iyong puso; dahil pumunta ka dito upang makita mo ang labanan.”
29 “What have I done now?” David asked. “Can't I even ask a question?”
Sinabi ni David, “Ano ang nagawa ko ngayon? Hindi ba isang tanong lang iyon?”
30 He went over to some others and asked the same question, and they gave the same answer as before.
Tumalikod siya sa kanya tungo sa iba, at nagsalita sa ganoon ding paraan. Sumagot ang mga tao ng parehong bagay gaya ng kanina.
31 Someone overheard what David said and reported it to Saul who sent for him.
Nang marinig ang mga salitang sinabi ni David, inulit ng mga sundalo ang mga ito kay Saul, at ipinatawag niya si David.
32 David told Saul, “No one should lose heart because of this Philistine. I, your servant, will go and fight him!”
Pagkatapos sinabi ni David kay Saul, “Hayaang walang puso ang mabigo dahil sa Filisteong iyon; pupunta ang iyong lingkod at makikipaglaban sa Filisteong ito.”
33 “You can't go out and fight this Philistine,” Saul replied. “You're just a boy, and he's a warrior trained from his youth.”
Sinabi ni Saul kay David, “Hindi mo kayang pumunta sa Filisteong iyon para makipaglaban sa kanya; sapagkat isang kabataan ka lamang, at isa siyang taong mandirigma mula sa kanyang kabataan.”
34 David replied, “Your servant has been looking after his father's sheep. When a lion or a bear came and took a lamb from the flock,
Pero sinabi ni David kay Saul, “Isang tagapangalaga ng tupa ng kanyang ama ang iyong lingkod. Kapag dumating ang isang leon o oso at kinuha ang isang kordero sa kawan,
35 I would chase after it, knock it down, and save the lamb from its mouth. If it turned to attack me, I would grab its hair, hit it, and kill it.
hinahabol ko ito at sinasalakay ito, at inililigtas ito mula sa kanyang bibig. At kapag lumaban ito sa akin, hinuhuli ko ito sa kanyang balbas, hinahampas at pinapatay ito.
36 I have killed lions and bears, and this heathen Philistine will be just like one of them, for he has mocked the armies of the living God.”
Parehong pinatay ng iyong lingkod ang isang leon at isang oso. Ang hindi tuling Filisteong ito ay magiging tulad ng isa sa kanila, yamang hinahamon niya ang mga hukbo ng buhay na Diyos.”
37 David concluded, “The Lord who saved me from the claws of the lion and the bear will save me from this Philistine.” “Go, and may the Lord be with you,” Saul responded.
Sinabi ni David, “Iniligtas ako ni Yahweh mula sa pangalmot ng leon at mula sa pangalmot ng oso. Ililigtas niya ako mula sa kamay ng Filisteong ito.” Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, “Humayo ka, at sumaiyo nawa si Yahweh.”
38 Saul gave David his own battle clothes to wear, placed a bronze helmet on his head, and put armor on him.
Dinamitan ni Saul si David ng kanyang baluti. Inilagay niya ang isang turbanteng tanso sa kanyang ulo, at dinamitan niya siya ng isang baluti sa katawan.
39 David strapped his sword on over the armor but he couldn't walk because he wasn't used to it. “I can't walk in all this,” David told Saul. “I ‘m not used to it.” So David took all the armor off.
Ibinigkis ni David ang kanyang espada sa kanyang baluti. Pero hindi na siya makalakad, dahil hindi siya nasanay sa mga ito. Pagkatapos sinabi ni David kay Saul, “Hindi ako makakalaban gamit ang mga ito, sapagka't hindi ako nasanay sa mga ito.” Kaya hinubad ni David ang mga ito.
40 He picked up his stick, chose five smooth stones from the stream, and put them in his shepherd's bag. Carrying his sling in his hand, he approached the Philistine.
Kinuha niya ang kanyang tungkod at pumili ng limang makinis na bato mula sa batis; inilagay niya ang mga ito sa kanyang supot pangpastol. Nasa kanyang kamay ang kanyang tirador habang lumalapit siya sa Filisteo.
41 The Philistine came towards David, closer and closer, with his shield-bearer in front of him.
Dumating ang Palestina at lumapit kay David, kasama ang tagadala ng kanyang kalasag sa kanyang harapan.
42 When the Philistine looked closely he could see that David was just a red-faced handsome youth, and so he treated David with contempt.
Nang tumingin sa palibot ang Palestina at nakita si David, kinamuhian niya siya, sapagka't isa lamang siyang bata, at malusog na may isang magandang anyo.
43 “Do you think I'm a dog, coming to fight me with a stick?” the Philistine asked David, and he cursed David by his gods.
Pagkatapos sinabi ng Palestina kay David, “Isa ba akong aso, na pumarito kang may dalang tungkod?” At isinumpa ng Palestina si David sa pamamagitan ng kanyang mga diyos.
44 Then the Philistine shouted at David, “Come over here, and I'll feed your flesh to the birds and the wild animals.”
Sinabi ng Filisteo kay David, “Lumapit ka sa akin, at ibibigay ko ang iyong laman sa mga ibon sa kalangitan at sa mga mababanigs na hayop ng parang.”
45 David replied to the Philistine, “You come to attack me with a sword, a spear, and a javelin. But I come to attack you in the name of the Lord Almighty, the God of the armies of Israel—the one you have mocked.
Sumagot si David sa Filisteo, “Pumarito ka sa akin na may isang espada, isang sibat, at isang mahabang sibat. Ngunit pumarito ako sa iyo sa pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng mga hukbo ng Israel, na iyong kinamumuhian.
46 Today the Lord will hand you over to me, and I will strike you down, cut off your head, and give the dead bodies of the Philistine soldiers to the birds and the wild animals. Then all the world will know that there is a God who acts for Israel.
Ngayon, bibigyan ako ni Yahweh ng tagumpay laban sa iyo, at papatayin kita at aalisin ang iyong ulo mula sa iyong katawan. Ngayon ibibigay ko ang mga patay na katawan ng hukbong Filisteo sa mga ibon ng kalangitan at sa mababangis na mga hayop ng mundo, upang malaman ng lahat ng mundo na may Diyos ang Israel,
47 Everyone gathered here will realize that the Lord saves, but not with sword and spear. For the battle is the Lord's, and he will hand all of you over to us.”
at upang malaman ng lahat ng nagtitipong ito na hindi nagbibigay ng tagumpay si Yahweh gamit ang espada o sibat. Sapagka't ang pakikipaglaban ay kay Yahweh, at ibibigay niya kayo sa aming mga kamay.”
48 As the Philistine moved forward to attack him, David raced toward the battle line to confront him.
Nang tumayo ang Filisteo at lumapit kay David, sa gayon tumakbo ng mabilis si David patungo sa hukbo ng mga kaaway upang salubungin siya.
49 David reached into his bag, took out a stone, and fired it from his sling, hitting the Philistine on the forehead. The stone went into his forehead, and he collapsed facedown on the ground.
Isinuot ni David ang kanyang kamay sa kanyang supot, kumuha ng isang bato mula rito, tinirador ito, at tinamaan ang Filisteo sa kanyang noo. Bumaon ang bato sa noo ng Filisteo, at sumubsob ang kanyang mukha sa lupa.
50 This is how David defeated the Philistine with just a sling and a stone; with no sword in his hand David knocked the Philistine down and killed him.
Tinalo ni David ang ang Palestina gamit ang isang tirador at isang bato. Tinamaan niya ang ang Palestina at pinatay siya. Walang espada sa kamay ni David.
51 David ran and stood over the Philistine. He took the Philistine's sword and pulled it out of its sheath. He killed him and then he cut off his head with the sword. When the Philistines saw that their champion was dead, they turned and ran away.
Pagkatapos tumakbo si David at tumayo sa ibabaw ng Palestina at kinuha ang kanyang espada, binunot sa lagayan ng kaniyang espada, pinatay siya, at pinugot ang kanyang ulo gamit ito. Nang makita ng mga Filisteo na patay na ang kanilang malakas na lalaki, tumakas sila.
52 Then the men of Israel and Judah rushed forward shouting the war-cry and chased the Philistines all the way to Gath and to the gates of Ekron. Their bodies were scattered along the Shaaraim road to Gath and Ekron.
Pagkatapos sumigaw ang mga kalalakihan ng Israel at Juda, at hinabol nila ang mga Filisteo hanggang sa lambak at mga tarangkahan ng Ekron. Nakahandusay ang mga patay na Filisteo sa daan patungong Shaaraim, hanggang sa Gat at sa Ekron.
53 When the Israelites returned from their hot pursuit of the Philistines, they plundered their camps.
Bumalik ang mga tao ng Israel mula sa pagtugis sa mga Filisteo, at ninakawan ang kanila kampo.
54 David took the Philistine's head and brought it to Jerusalem, but he put the Philistine's weapons in his own tent.
Kinuha ni David ang ulo ng Filisteo at dinala ito sa Jerusalem, ngunit nilagay niya ang kanyang baluti sa kanyang tolda.
55 When Saul had watched David going out to fight the Philistine, he'd asked Abner the army commander, “Abner, whose son is that young man?” “On your life, Your Majesty, I do not know,” Abner replied.
Nang makita ni Saul si David na lumabas laban sa mga Filisteo, sinabi niya kay Abner, ang kapitan ng hukbo, “Abner, kaninong anak ang binatang ito?” Tumugon si Abner, “Habang nabubuhay ka, hari, hindi ko alam.”
56 “Find out whose son this young man is,” the king ordered.
Sinabi ng hari, “Tanungin ninyo kung sino ang maaaring nakakaalam, kung kaninong anak ang binata.”
57 As soon as David returned from killing the Philistine, Abner took him and brought him before Saul. David was still clutching the Philistine's head in his hand.
Nang makabalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo, pinuntahan siya ni Abner at dinala sa harapan ni Saul na dala ang ulo ng Palestina sa kanyang kamay.
58 “Whose son are you, young man?” Saul asked. “I am the son of your servant Jesse of Bethlehem,” David replied.
Sinabi ni Saul sa kanya, “Kaninong anak ka, binata?” At sumagot si David, “Anak ako ng iyong lingkod na si Jesse na taga-Bethlehem.”