< 1 Kings 22 >

1 For three years Aram and Israel were not at war.
Lumipas ang tatlong taon na walang digmaan sa pagitan ng Aram at Israel.
2 But in the third year Jehoshaphat, king of Judah, went to visit the king of Israel.
Pagkatapos nangyari ito sa ikatlong taon, si Jehoshafat hari ng Judah ay pumunta sa hari ng Israel.
3 The king of Israel had said to his officers, “Aren't you aware that Ramoth-gilead really belongs to us and yet we haven't done anything to take it back from the king of Aram?”
Ngayon sinabi ng hari ng Israel sa kaniyang mga lingkod, “Alam ba ninyo na sa atin ang Ramot Galaad, pero wala tayong ginagawa para makuha ito mula sa kamay ng hari ng Aram?”
4 So he asked Jehoshaphat, “Will you join me in an attack to recapture Ramoth-gilead?” Jehoshaphat replied to the king of Israel, “You and I are as one, my men and your men are as one, and my horses and your horses are as one.”
Kaya sinabi niya kay Jehoshafat, “Sasama ka ba sa akin sa pakikidigma sa Ramot Galaad?” Sumagot si Jehoshafat sa hari ng Israel, “Ako ay tulad mo, ang aking bayan ay tulad ng iyong bayan, at aking mga kabayo ay tulad ng iyong mga kabayo.
5 Then Jehoshaphat said to the king of Israel, “But first though, please find out what the Lord says.”
Sinabi ni Jehoshafat sa hari ng Israel, “Pakiusap humingi ka ng gabay mula sa salita ni Yahweh kung ano ang dapat mong unang gawin.”
6 So the king of Israel brought out the prophets—four hundred of them—and he asked them, “Should I go up and attack Ramoth-gilead, or should I not?” “Yes, go ahead,” they replied, “for the Lord will hand it over to the king.”
Pagkatapos pinagtipon-tipon ng hari ng Israel ang mga propeta, na apat na daang mga lalaki, at sinabi sa kanila, “Dapat ba akong pumunta sa Ramot Galaad para makipaglaban, o hindi dapat?” Sinabi nila, “Lumusob tayo, dahil ilalagay ito ng Panginoon sa kamay ng hari.”
7 But Jehoshaphat asked, “Isn't there another prophet of the Lord here that we can ask?”
Pero sinabi ni Jehoshafat “Wala na bang iba pang propeta ni Yahweh kung saan maaaring tayo makakuha ng payo?”
8 “Yes, there's another man who could consult the Lord,” the king of Israel replied, “but I don't like him because he never prophesies anything good for me—it's always bad! His name is Micaiah, son of Imlah.” “You shouldn't talk like that,” said Jehoshaphat.
Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Mayroon pang isang tao na maaari tayong manghingi ng payo mula kay Yahweh para tulungan tayo, si Micaya anak ni Imla, pero ayoko sa kaniya dahil hindi siya nagpropesiya ng kahit anong magandang bagay tungkol sa akin, kundi mga kahirapan lamang.” Pero sinabi ni Jehoshafat, “Nawa'y hindi ito sabihin ng hari”
9 The king of Israel called over one of his officials and told him, “Bring me Micaiah, son of Imlah, right away.”
Pagkatapos ang hari ng Israel ay tumawag ng opisyal at nag-utos na “Ngayon din ay dalhin si Micaya anak ni Imla.”
10 Dressed in their royal robes, the king of Israel and King Jehoshaphat of Judah, were sitting on their thrones at the threshing floor beside the gate of Samaria, with all of the prophets prophesying in front of them.
Ngayon si Ahab na hari ng Israel at si Jehoshafat na hari ng Juda ay nakaupo sa kanilang trono, nakasuot ng kanilang kasuotang pang hari, sa isang malawak na lugar sa tarangkahan ng Samaria, at lahat ng mga propeta ay nagsasabi ng hula sa kanilang harapan.
11 One of them, Zedekiah, son of Chenaanah, had made himself iron horns. He announced, “This is what the Lord says: ‘With these horns you will gore the Arameans until they're dead!”
Gumawa si Zedekias anak na lalaki ni Caanana ng mga sungay na bakal at sinabi, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Sa pamamagitan ng mga ito mapapaatras ninyo ang mga Arameo hanggang sila ay maubos.”
12 All the prophets were prophesying the same thing, saying, “Go ahead, attack Ramoth-gilead; you will be successful, for the Lord will hand it over to the king.”
At pareho ang ipinahayag ng lahat ng mga propeta na sinasabi, “Lusubin natin ang Ramot Galaad at mananalo, dahil ibinigay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”
13 The messenger who went to call Micaiah told him, “Look, all the prophets are unanimous in prophesying positively to the king. So please make sure to speak positively like them.”
Ang mensahero na nagpunta para tawagin si Micaya ay sinabi sa kaniya, “Ngayon masdan mo, ang mga salita ng mga propeta ay naghahayag ng magagandang bagay sa hari sa iisang bibig. Hayaan ang iyong mga salita ay maging tulad ng isa sa kanila at magsabi ng magagandang bagay.”
14 But Micaiah replied, “As the Lord lives, I can only say what my God tells me.”
Sumagot si Micaya, “Habang nabubuhay si Yahweh, ito ang sinasabi niya sa akin na aking sasabihin.”
15 When he came before the king, the king asked him, “Should we go up and attack Ramoth-gilead, or should we not?” “Yes, go ahead and be victorious,” Micaiah replied, “for the Lord will give it into the king's hand.”
Nang lumapit siya sa hari, sinabi sa kaniya ng hari, “Micaya, dapat ba kaming pumunta sa Ramot Galaad upang makipaglaban, o hindi?' Sumagot si Micaya, “Lumusob tayo at manalo. Ilalagay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”
16 But the king said to him, “How many times must I make you swear to tell me only the truth in the name of the Lord?”
Pagtapos sinabi sa kaniya ng hari, “Gaano karaming beses ko ba dapat ipag-utos sa iyo na katotohanan lamang ang sasabihin sa akin sa pangalan ni Yahweh?”
17 So Micaiah answered, “I saw all Israel scattered on the mountains like sheep without a shepherd. The Lord said, ‘These people have no master; let each of them go home in peace.’”
Kaya sinabi ni Micaya, “Nakita ko ang lahat ng mga Israelita na nagkalat sa mga kabundukan, tulad ng mga tupa na walang pastol, at sinabi ito ni Yahweh, 'Walang pastol ang mga ito. Pabakilin ang bawat tao sa kanilang mga tahanan ng payapa.”'
18 The king of Israel said to Jehoshaphat, “Didn't I tell you he never prophesies anything good for me, only bad?”
Kaya sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na hindi siya magsasabi ng magandang pahayag tungkol sa akin, puro kapahamakan lamang?”
19 Micaiah went on to say, “So listen to what the Lord says. I saw the Lord sitting on his throne, surrounded by the whole army of heaven standing to his right and to his left.
Pagkatapos sinabi ni Micaya, “Gayuman pakinggan ang salita ni Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kaniyang trono, at lahat ng hukbo sa langit ay nakatayo sa tabi niya sa kaniyang kanang kamay at sa kaniyang kaliwa.
20 The Lord asked, ‘Who will trick Ahab, king of Israel, into attacking Ramoth-gilead so he will be killed there?’ One said this, another said that, and another said something else.
Sinabi ni Yahweh, 'Sino ang mag-uudyok kay Ahab, para siya ay maaaring lumusob at matalo sa Ramot-Galaad?' at may isang sumagot sa ganitong paraan, at sumagot ang isa pa sa ganoong paraan.
21 Finally a spirit came and approached the Lord and said, ‘I will trick him.’
Pagkatapos isang espiritu ang lumapit, tumayo sa harapan ni Yahweh, at sinabi, 'Ako ang mag-uudyok sa kaniya.' Sinabi sa kaniya ni Yahweh, 'Paano?'
22 ‘How are you going to do that?’ the Lord asked. ‘I will go and be a lying spirit and make all his prophets tell lies,’ the spirit replied. ‘That will work,’ the Lord responded. ‘Go and do it.’
Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang mapanlinlang na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Uudyukan mo siya, at ikaw rin ay magtatagumpay. Pumunta ka na ngayon at gawin iyon.'
23 As you see, the Lord has put a lying spirit into these prophets of yours, and the Lord has pronounced your death sentence.”
Ngayon masdan mo, inilagay ni Yahweh ang mapanlinlang na espiritu sa lahat ng bibig nitong mga propeta mong ito, at si Yahweh ay naghanda ng pagkawasak para sa iyo.”
24 Then Zedekiah, son of Chenaanah, went and slapped Micaiah in the face, and demanded, “Which way did the Spirit of the Lord go when he left me to speak to you?”
Pagkatapos si Zedekias anak na lalaki ni Cananaa, ay umakyat, sinampal si Micaya sa pisngi, at sinabi, “Aling daan ang tinahak ng Espiritu ni Yahweh para umalis sa akin upang magsalita sa iyo?”
25 “You'll soon find out when you try and find some secret place to hide!” Micaiah replied.
Sumagot si Micaya, “Masdan ito, malalaman mo sa araw na iyon, kapag tumakbo ka papunta sa isang kaloob-loobang kwarto para magtago.”
26 The king of Israel ordered, “Place Micaiah under arrest and take him back to Amon the governor of the city and to my son Joash.
Sinabi ng hari ng Israel sa kaniyang lingkod, “Hulihin si Micaya at dalhin siya kay Amon, ang gobernador sa lungsod, at kay Joas, aking anak na lalaki. Sabihin sa kaniya,
27 Tell them these are the king's instructions: ‘Put this man in jail. Give him only bread and water until my safe return.’”
'Sinabi ng hari, ilagay ang lalaking ito sa bilangguan at pakainin ng kaunting tinapay at kaunting tubig, hanggang sa makarating akong ligtas.'”
28 “If you do in fact return safely then the Lord has not spoken through me,” Micaiah declared. “Pay attention everyone to all I've said!”
Pagkatapos sinabi ni Micaya. “Kung makakabalik ka ng ligtas, hindi nangusap sa akin si Yahweh,” at dinagdag pa niya, “Pakinggan niyo ito, lahat kayong mga tao.”
29 The king of Israel and Jehoshaphat, king of Judah, went to attack Ramoth-gilead.
Kaya si Ahab, ang hari ng Israel, at Jehoshafat, ang hari ng Juda, ay pumunta sa Ramot Galaad.
30 The king of Israel told Jehoshaphat, “When I go into battle I will be in disguise, but you should wear your royal robes.” So the king of Israel disguised himself and went into battle.
Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Magbabalatkayo ako at pupunta sa isang labanan, pero isuot mo ang iyong pangharing kasuotan.” Kaya nagbalatkayo ang hari at nagpunta sa labanan.
31 The king of Aram had already given these orders to his chariot commanders: “Head straight for the king of Israel alone. Don't fight with anyone else, whoever they are.”
Ngayon inutusan ng hari ng Aram ang tatlumpu't dalawang mga kapitan ng mga karwaheng pandigma, na nagsasabi, “Huwag niyong lusubin ang hindi mahalaga o mahalagang mga kawal. Sa halip, ang hari ng Israel lamang ang lusubin ninyo.”
32 So when the chariot commanders saw Jehoshaphat, they shouted, “This must be the king of Israel!” So they turned to attack him, but when Jehoshaphat called out for help,
Nang makita ng mga kapitan ng mga karwaheng pandigma si Jehoshafat sinabi nila, “Siguradong iyon ang hari ng Israel.” Lumiko sila at nilusob siya, kaya sumigaw si Jehoshafat.
33 the chariot commanders saw it wasn't the king of Israel and stopped chasing him.
Nang makita ng mga pinuno ng mga karwaheng pandigma na hindi iyon ang hari ng Israel, huminto sila sa pagtugis sa kaniya.
34 However, an enemy archer shot an arrow at random, hitting the king of Israel between the joints of his armor by his breastplate. The king told his charioteer, “Turn around and get me out of the fight, because I've been wounded!”
Ngunit isang lalaki ang basta nalang nagpalipad ng kaniyang palaso at tinamaan ang hari ng Israel sa pagitan ng dugtungan ng kaniyang mga baluti. Pagkatapos sinabi ni Ahab sa nagpapatakbo ng kaniyang karwaheng pandigma, “Umikot at dalhin ako palabas sa labanang ito, dahil lubha akong sugatan.”
35 The battle lasted all day. The king of Israel was propped up in his chariot to face the Arameans, but in the evening he died. The blood had poured out of his wound onto the floor of the chariot.
Lalong sumidhi ang labanan nang araw na iyon, at ang hari ay nanatili sa kaniyang karwaheng pandigma laban sa mga Arameo. Namatay siya ng gabing iyon. dumaloy ang dugo sa kaniyang sugat hanggang sa ilalim ng kaniyang karwaheng pandigma.
36 At sunset, a shout went out from the lines: “Retreat! Every man back to his town, every man back to his own country!”
Pagkatapos ng paglubog ng araw, isang sigaw ang narinig ng buong hukbo, na nagsasabing, “Bawat lalaki ay dapat bumalik sa kaniyang lungsod, at bawat lalaki ay bumalik na sa kaniyang rehiyon!”
37 So the king died. He was taken back to Samaria where they buried him.
Kaya si haring Ahab ay namatay at dinala sa Samaria, at inilibing nila siya sa Samaria.
38 They washed his chariot at a pool in Samaria where the prostitutes came to bathe, and dogs licked up his blood, just as the Lord had said.
Hinugasan nila ang karwaheng pandigma sa paliguan ng Samaria, at ang mga aso ay dinilaan ang kaniyang dugo (Ito ay kung saan naliligo ang mga babaeng bayaran), gaya ng inihayag na salita ni Yahweh.
39 The rest of what happened in Ahab's reign, all that he did, the ivory palace he constructed and all the cities he built are recorded in the Book of Chronicles of the Kings of Israel.
Para sa ibang bagay na ukol kay Ahab, lahat ng kaniyang ginawa, ang bagay na garing na kaniyang itinayo, at lahat ng mga lungsod na kaniyang itinatag, hindi ba nakasulat ito sa Ang Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
40 Ahab died and his son Ahaziah succeeded him as king.
Kaya natulog si Ahab kasama ng kaniyang mga ninuno, at si Ahazias kaniyang anak ay naging hari kapalit niya.
41 Jehoshaphat, son of Asa, became king of Judah in the fourth year of the reign of Ahab, king of Israel.
Pagkatapos si Jehoshafat anak na lalaki ni Asa ay nagsimulang maghari sa Juda sa ikaapat na taon ni Ahab hari ng Israel.
42 Jehoshaphat was thirty-five when he became king, and he reigned in Jerusalem for twenty-five years. His mother's name was Azubah, daughter of Shilhi.
Si Jehoshafat ay tatlumpu't limang taon nang magsimula siyang maghari, at namuno siya sa Jerusalem nang dalawampu't limang taon. Ayuba ang pangalan ng kaniyang ina, na anak na babae ni Silhi.
43 He followed all the ways of his father; he did not depart from them, and he did what was right in the Lord's sight. However, the high places were not removed and the people still sacrificed and presented offerings there.
Lumakad siya sa kaparaanan ni Asa, kaniyang ama; hindi niya sila tinalikuran; ginawa niya kung ano ang tama sa paningin ni Yahweh. Gayunman, ang mga dambana ay hindi parin inalis. Patuloy na nag-aalay at nagsusunog ng mga insenso ang mga tao sa mga dambana.
44 Jehoshaphat also made peace with the king of Israel.
Nakipagkasundo si Jehoshafat sa hari ng Israel.
45 The rest of what happened in Jehoshaphat's reign, his great achievements and the wars he fought are recorded in the Book of Chronicles of the Kings of Judah.
Para sa ibang bagay na ukol kay Jehoshafat, at ang kalakasan na kaniyang ipinakita, at kung paano niya pinagtagumpayan ang digmaan, hindi ba ang mga ito ay nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?
46 He expelled from the land any cult prostitutes who were left from the time of his father Asa.
Inalis niya mula sa lupain ang mga natirang mga lalaki at babaeng bayaran sa sagradong lugar na nanatili sa mga araw ng kaniya Amang si Asa.
47 (At that time there was no king in Edom; only a deputy who served as king.)
Walang hari sa Edom, pero isang pumapangalawa ang namuno doon.
48 Jehoshaphat built sea-going ships to go to Ophir for gold, but they went because they were wrecked at Ezion-geber.
Gumawa ng pangkaragatang barko si Jehoshafat; Pupunta sila sa Ofir para sa ginto, pero hindi sila natuloy dahil ang mga barko ay nawasak sa Ezion Geber.
49 During that time Ahaziah, son of Ahab, asked Jehoshaphat, “Let my men sail with your men,” but Jehoshaphat refused.
Pagkatapos sinabi ni Ahazias anak na lalaki ni Ahab kay Jehoshafat, “Hayaan ang aking mga lingkod na maglayag kasama ng iyong mga lingkod sa mga barko.” Pero hindi ito pinayagan ni Jehoshafat.
50 Jehoshaphat died and was buried with his forefathers in the City of David. His son Jehoram succeeded him as king.
Natulog si Jehoshafat kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing kasama nila sa lungsod ni David, na kaniyang ninuno; si Jehoram ang kaniyang anak na lalaki ang naging hari kapalit niya.
51 Ahaziah, son of Ahab, became king of Israel in Samaria in the seventeenth year of Jehoshaphat, king of Judah, and he reigned over Israel for two years.
Nagsimulang maghari si Ahazias sa Israel sa Samaria nang ika-labing pitong taon ni Jehoshafat hari ng Juda, at naghari siya ng dalawang taon sa Israel.
52 He did what was evil in the Lord's sight and followed the ways of his father and mother, and of Jeroboam, son of Nebat, who had made Israel sin.
Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh at lumakad sa kaparaanan ng kaniyang ama, sa paraan ng kaniyang ina, at sa paraan ng anak na lalaki ni Jeroboam na anak na lalaki ni Nebat, na nagdala sa Israel para magkasala.
53 He served Baal and worshiped him, and angered the Lord, the God of Israel, just as his father had.
Pinaglingkuran niya at sinamba si Baal at kaniyang ginalit si Yahweh, na Diyos ng Israel, ginalit, gaya ng ginawa ng kaniyang ama.

< 1 Kings 22 >